Thursday, December 30, 2010

another new year blast...

Home tip: kasalukuyang di makatulog dahil sa shift ko na six to 2 pm... at buti naman, last day ko na to... balik 2pm ang shift ko next week.

Sa totoo lang, hindi ko feel ang pasko at new year ngayong taon. Siguro, hindi ko lang masyadong na-emjoy dahil may pasok ako kahit special special holiday ang pucha! anyway, pera naman ang katapat. tsaka na ako magcecelebrate ng pasko at new year pagdating ng jan.7.. haha!

ang dami kong gustong i-blog at marami akong gustong sabihin. Nung pasko ko pa gustong magblog tulad ng nakagawian ko na last year pero dahil na brin sa pagod at busy-busyhan ang drama, ayun, kahit FB ko o kahit FB mobile ko, hindi ko na magawang bisitahin.

hindi na nga rin ako makapagtext dahil sa totoo lang, hindi naman ako mahilig sa text. kahit bumati nung pasko, hindi ko magawang magtext hindi dahil sa ayokong bumati pero wala lang, ayoko lang magpaload dahil ayoko ng makipagpatintero sa bug down system ng Globe tuwing holidays.

May isang taong lumapit sa'kin kagahapon nung papasok ako ng opisina. multi colored ang highlights, pinaghalong toskolate at putik ang kulay ng balat, at nakasuot ng puting damit na hindi nilabhan gamit ang Tide Bar, in other words, isang pulubi. naloka ako dahil hindi literal na hindi pa sumisikat ang araw, may ganu'ng kalakalan na ang nagaganap. it was 5:30 in the morning pa at masyado namang maaga para manglimos di ba? at bigla akong nawindang dahil hindi siya ordinaryong pulubi, isa siyang Badjao na normal ko lang na nakikita sa Dumaguete at wag ka!!! nakaabot na sila ng Maynila!! Badjao's attack ang concept nila na kinakabog ang mga pulubi dito sa maynila.

alam nyo naman ako pag umaga, basag at kasalukuyang nagbubuffering ang katawan ko lalo na pag-tuntong ng six ng umaga. kailangan ko ng kape. alam mo yung nasa verge ka na at tipong kapeng kape ka na, isang vending machine sa smoking area ang nag-ooffer ng brewed coffee at yung tipong tuwang-tuwa ka dahil makakainom ka na ng kape at hindi lang ordinaryong 3-1 (sabi pa ng trainer ko, ang 3-1 daw ay cheap, dapat daw brewed) kundi BREWED... tsaka ka pa bibigyan ng lecheng vending machine na yan ng MAINIT NA TUBIG... ano ako, masakit ang tiyan ko ganun? kaya whole day akong naghimutok dahil lahat pala ng vending machines sa office ay puro walang laman at hindi naglalabas ng kape... NO CHOICe ang pucha! Brewed coffee sa Country style at kailangan pang gumastos ng mahal para sa kape... namimiss ko tuloy ang kape sa Blue monkey...

ilan lamang sa mga experiences ko ngayong linggo. at dahil magnenew year na mamaya... lemme greet you a happi new year at alam kong segway lang toh!

Tuesday, December 7, 2010


This is really is it…
Mabait talaga ang Diyos sa’kin… bakit? Everything happens for a reason. Ika nga ng mga quotable lines na madalas kong naririnig before. At long last, naging madali sa’kin ang makahanap ng isang desenteng trabaho at wala ng keme-keme… PERA na to! Hahaha
Matagal ko na talagang pinaplano na pumasok sa isangh malaking kompanya at maging costumer service associate… in other words, ang common na trabaho during graveyard shifts, ang call center. Pinlano ko na mag-apply sa convergy’s dahil sa tumatagingting na 20,500 na basic pay, manila rates kasi… ay mali… MAKATI rates nga pala! At kasalukuyang naman akong natanggap sa TELETECH! Hahaha! Pero mas malaki naman ng sahod ikumpara sa Provincial rate sa Dumaguete. Ok na sa’kin yun dahil alam ko naman ang kikitain ko ay sakto naman sa pangangailangan ko at wag ka! Makakaipon pa ako dahil hindi naman ako masyadong obligado na tumulong sa mga expenses sa bahay… haha! Kaya ang first goal ko ngayong pasko ay ang mahiwagang SONY ERICKSON EXPURIA! Hahaha! At long last, magkakatouch screen na rin ako… SOON! Hahaha
Habang nagtratrabaho sa isang malking kompanya, may nag-alok din sa’kin ng isang napabonggang trabaho bilang MUA sa mega magazine… natakot ako nung una dahil hindi naman ako professional MUA. Pero base na rin sa portfolio na sinubmit ko, pasado sa taste nila ang ganu’ng make-up, natawa ako bigla dahil nakahiligan ko lang naman ang maging isang make-up artist at stylist nung nasa Dumaguete ako… ay mali IMAGE STYLIST as what Sweet Lapus stated sa isang pelikula. Dito pala ako mabibigyan ng isang magandang trabaho at susi na rin sa trabahong gusto ko at mapabilang sa world of fashion! Magkaribal ang cocept ng lola mo! Hahaha! So far, scheduled pa ang mga MUA kahit mga small photo shoots lang naman. Balang araw, makakamake-up na rin ako sa Cover shoot nila pero di muna ngayon. Magsimula muna tayo sa maliit na break bago mabigyan ng isang malaking break. I do remember nung sinabi ng isang stylist sa Mega… dati nga si Liz Uy, nagstart lang sa mga small fashion shoots. Ngayon, halos din ha magkaugaga si Liz dahil sa dami ng mga clients niya. Kahit si PNOY nga, nakuha niyang bihisan ng maayos. Yun nga ang sinasabi nila! Kung gusto mo umangat sa buhay, dapat, magsimula ka sa maliliit na bagay muna.
Hindi rin naman ako makakapasaok sa Teletech kung hindi rin ako nagsimula sa isang maliit na kompanya. Doon ko rin nalaman ang importansya ng trabaho bilang isang CSR at Admin Assistant. Hindi rin medali ang maging CSR. Dapat mahalin mo rin ang trabahong ito para may commission ka at incentives na rin.
At least, Masaya ako dahil alam ko na sa bawat araw na puro trabaho at pera ang nasa isip ko, magaan ang loob ko na uuwi ako ng bahay na alam kong nag-aantay sa’kin at paghahanda ako ng pagkain. Pagmamahal na siyang papawi sa stressful day at walang kamatayang kasiyahan sa bahay dahil sa mga ka-lechehang pinanggagagawa ko at isali mo na rin ang kapatid ko! Haha!

Monday, November 29, 2010

nNang Dahil sa Footspa

I celebrated the Bonifacio Day sa bahay ng tita ko. Walang magawang maganda kaya eto ako at nakita ang nakabinbin na footspa machine na may bahid pa ng mga namatay na anay sa gilid nito. Naisipan kong ilubog ang aking mga paa sabay pedicure at manicure nalang para naman may silbi ang on-the-spot na footspa na wala naman talaga sa plano ko ang ganitong happening. Relaxing at enjoy naman! hehe

Biglang nagtext ang Bes ko at nagyayang mag-CENTRAL. Sa totoo lang, first time kong pumunta sa bar na iyon at hindi naman sa hindi ako sanay sa mga cocktail drinks... sumakit ang ulo ko bigla at hindi ko maintindihan kung ano yung feeling ko ng mga panahong iyon. Akala kong solusyon sa sakit ng ulo ko ay ang dalawang styro ng kape sa Mcdo at yosi pero lalong sumakit ang ulo ko. as in BONGGANG BONGGA! Kaya sinusumpa ko ngayong araw na 'to, hinding hindi na ako iinom ng BADTRIP... yun ang name ng inuming color green na may halong vodka at hindi ko na matukoy na mixes.

Pero sa bawat inom ko ng BEDTRIP, marami akong nalaman at mismong naisiwalat na mga kaganapan sa barkada, batchmates at kaibigan ko habang wala ako sa Maynila. Marami akong nalaman na kabulastugang pangyayari na hindi ko naman inakala na mangyayari sa buhay nila. Marami akong gustong sigawan pero wag nalang... mamaya, ako nanaman ang masama sa pangin nila at ako nananaman ang maging dahilan ng pag-block sa mga account nila na hindi sinasadya.

At speaking of pag-iingat, sa mga ka-batchmates ko nung high skul, ako na mag-iiwan sa inyo ng babala na mag-ingat sa isang teacher natin na nagho-house to house project para hingan tayo ng limos. ok lang naman kung limos na tinatawag nating tulong. Pero kung babalikbalikan ka na at hinuhuthutan ka na ng pera, ibang usapan na 'yun. Kung ako sa inyo, maging pribado sa mga details kung san kayo nakatira at nagtratrabaho. at kung sakaling malaman at napuntahan niya ang bahay at opisina nyo, learn to refuse kung wala ka talagang pera. Optional naman ang pagtulong di ba? MArami na ang nabiktima sa batch natin at kung saka-sakaling malaman niya ang lugar na pinaglulunggaan ko ngayon, wag siyang magkakamaling humingi ng pera sa 'kin or else... mga pulutong na PUTANG INA at LECHE ang ibibigay kong tulong sa kanya. Wala akong pakialam kung natuto man ako ng wikang ingles sa kanya at ang hindi malimutang salitang BETTERER na ni ha ni ho... hindi ko man magamit sa articles ko kay sir amards dahil feeling ko... wrong gramming!

Again, hindi masamang tumulong. Pero kung ginagawa niyang dahilan na teacher natin siya at may utang na loob tayo sa kanya, quesehodang may bisyo be siya or wala, quesehodang everyday birthday niya, quesehodang may sakit siya sa spinal cord niya... samu't saring kwento na ang narinig. Kung may kahihiyan ka sa buhay, mas mabuti pang magtrabaho nalang maayos kesa humingi ng limos na paulit-ulit sa mga taong madali mong ma-uto... please!

Saturday, November 27, 2010

saturday night!

Saturday nights are indeed boring and sometimes, amazing for me to happen. i spent this all night long in bars and even in our office before. Now, I am spending my time staring this new lappy of my brother and browsing all night long and enjoy the night dealing with downloadable e-books and facebboking. New life, new perspective and has to deal with maturity that goes all the way.

Yeah, going back to my hometown seemed to be boring these past few days but as weeks gone by, I have to cope up with my own responsibilities and priorities. somehow, coping up with these challenges makes me feel sick sometimes but it seems to be one the things that I have to consider in order to savor the so called life. For once, I felt that its kinda difficult thing to do. but I have to.

New routines, fresh habits that I have to make are hard to cope up. Funny thing is, I am not used to it. Its time for me to settle with new habits... a productive one and time for me to cope up with traffics and suspicious peeps... hehe!

It's time for me to say goodbye with tricycles, a serene and gentle city and my baby RUSIANNA (the blue motorcycle)... Time for me to say Hi and Hello to Manila Bay, jam-packed people of Makati city band a long trail caused by traffic!

Friday, November 26, 2010

hooray! hooray! its a cheeky holiday!

I would like to say a superduper thanx to my tito... dahil meron na akong bagong digicam! HAHA! abd also to my couz... for my new havs! thanx jud... kahit stressed ako dahil sa uma-alembang na eroplanong sinakyan ko kahapon, hahay! KALOKA ANG AIR TURBULENCE!

well... this is it! i'm home at last... and tama na muna ang inuman at hapi-hapi. its time for me to settle my own priorities and somehow, i felt that my mom is so happy that I'm here in ger side. I miss her so much to the point that we just make chika the whole yesterday kahit meron pa akong H.O. feel ko nga, para lang kaming best friends kahapon without thinking that hey... its my mom! haha! that's the thing why I really miss her...

Talking about my bro... haha... same thing! we make chika din na para bang hindi natarapos ang araw na walang chika. Yah! they're right... nothing compares the true company ng family mo at iba talaga ang feeling kung sila ang kasama mo...

I wish my dad was here... anyway! I do understand!

at maraming salamat sa cam! HAHA! time for me to venture the real world of NARCI! hahaha!

Tuesday, November 23, 2010

Leaving on a jetplane (CHAKS)

..................................................................................

my mind is empty. I don't know what to say. speechless. because o my sore throat cause of series of night-outs and pa"haruhays" my system goes down... too bad!

but my last week-end of staying in Dumaguete is indeed memorable. The despedida parties, Hari ng Negros, and the so called first and the last time lang! hahaha! i really miss these happenings.

at least, I did not cry! I was able to enjoy every single moments that I'm with my friends and so called family. At the end of the day, i remained emotional but i'm happy!

Ang mga pesteng videos na ginawa ni Dora is super amazing! it is super LOL! i realize na talagang malandi akong pinanganak ng Diyos! BRAVO! i really appreciate it!

Ang walang kamatayang tomahan with my night friends is super fun! quesehodang patayan and session, gow lang ng gow! I'll miss Zanzi Bar guys!

ang for the very last time na joined forces kami ni Mamasang ericka at Ta Larry for hari ng negros is indeed amazing! at least, ang forces naming tatlo ay papatay sa mga designers and managers sa Occidental! hahaha! pero whindi kami na-impress! bogs ang manok namin! ok lang! at least, the experience is fun!

yun muna for today... again, get ready for another battle... i8numan blues nanaman1 hahaha! basta... super duper thank you sa lahat! you made me smile! TC and God bless!

Monday, November 15, 2010

senseless monday blues...

yeah... i'm counting the days and it seems like a burden in my part. I have to be honest... I dont want to hear farewell or goodbye. I just wanted to seize the days spending in this place. I know it hurts but I have to be firm. Everything is fine.

I was working the lay-out pages and somehow, I'm happy doing it (kahit stressed). The feeling that I have is not that good (ang bigat ng feeling) but I have to cope up! I'm almost done on the 9th and I'm planning to finish it tomorrow. The feeling that I have seems to be nostalgic and again... I have to cope up and say out loud... I'm ok!

My co-staffer has her so called premonition that I will not leaving on monday. Well... It's all planned, fixed and settled. It's in the hands of Cebu Pacific if I tampered my ticket or not! hehe! as I've said, it's final.

To be honest, I don't want to have despedida or farewell events. AGAIN, to be honest, I AM NOT EXPECTING! if ever they will have plans to have, first... I will never ever cry on that one! and second... just make sure na hindi ko malalaman... OR ELSE... my favorite song goes along this way... 1 little 2 little 3 little indians!

Oh I forgot! I will not go to the ofice anymore on thursday, friday, saturday and sunday for valid reasons. mayroon akong raket sa kasal, hari ng Negros and other stuffs as well. Baka kasi magkaroon nanaman ng premonition na nag-iinarte lang ako... well it's not!

To be honest... I really hate saying goodbye to some people whom i loved most. It's not easy for me at all... hope you understand. Mas mabuti pang mag-inuman kesa mag-emote... at least!! it's all about happiness!

BTW... I have something to share...

habang kausap ko si Tonz kanina, talking about chuvalerns chismax and chizms, di ko naman alam na nagdrawing nga ang hinayupak ng isang obra daw na galing sa kanya. natawa ako bigla sa drawing... anyway... thanx sa effort! I appreciate it!! hehe!

Thursday, November 11, 2010

One more week to go…

Hindi ako dapat mag-emote ng maaga… wala ako sa mood… hehe! Anyway, who cares? It’s my online diary after all… di ba?

I have no doubts at all. At least, kampante na ako na umalis at iwan ang lahat ng meron ako sa City of Gentle People. I have to start a new life and new perspective back to my hometown. I have no regrets kung bakit ako napaligaw sa isang lugar na di naman familiar sa’kin before. Wala akong bahid ng pagsisisi kung bakit naisipan kong lumayo sa lugar na kinalakihan ko. Wala!

Alam kong sobrang laki ng adjustment ang nagawa ko pero ganun talaga. I have to face it because I want to learn. Hindi lang ako nabighani sa preskong hangin at malinis na tubig. Mas lalo akong nabighani sa mga tao na alam ko na binigyan ko ng inspirasyon sa buhay at mga taong natulungan ko kahit maliit lang na tulong ang nabigay ko sa kanila.

Lahat ng tawanan, iyakan pati katarantaduhan, alam kong another memory for me to treasure. Lahat ng raket, pageant pati lamierda… nag-iwan sa’kin ng leksyon sa buhay at nagturo sa’kin na hindi madaling kumita ng pera at dapat mag-ingat kung san ka man magpunta.

Namulat ako sa mundo ng kahirapan at alam mo yung feeling na walang kang pera, yung walang wala ka na… emotionally stress ka minsan, tapos talamak pa ang mga taong may attitude problem and I have to deal with it. Isang mga eksena sa buhay ko na dito ko lang naranasan. My college years was indeed fun and exciting! kahit alam ko na pasaway akong estudyante, laging late, o kaya naman mega-absent, ang tinanghal na Icon of INC’s at dropped dahil tinatamad ng pasukin ang subject dahil sa mga walang kuwentang teachers… haha! I really miss doing it!

Dito rin ako unang nagkatrabaho. And I consider the fact na mabait naman ang management sa’kin and I have to strive hard to learn everything na hindi ko pa nagagawa before. Hahai… at least, I know I’m equipped na magkatrabaho! Haha! Experience is the best way para malaman mo lahat…

It’s not a farewell post… nor a thank you post sa mga taong nagmahal, minahal at mahal ko sa City of Gentle People. Probably, I’ll make one soon… at busy din ako sa mga Huling raket ko dito, (tulad nalang ng wedding, make-up, Hari ng Negros, at Zanzi bar haha!) baka di ko nanaman magawa… haha! Hahai! Kalerkey!

Well… my famous line…. ‘I”D BETTER GOTTA GO” dahil ayan nanaman ang walang kamatayang inuman sessions! Haha! Tara na at maglasing!

Thursday, November 4, 2010

naparanoid daw...

nangyari ito last week... pasensiya na sa delay ng post... hehe!

Last night, at dahil Friday night, I decided na makipag-inuman with my night friends. Honestly, mas gugustuhin ko pang magliwaliw kesa magmukmok sa bahay at maging paranoid sa kakaisip kung ano ba ang tamang gawin… basta!

One thing that I noticed was, maybe its co-incidence ata… parang ayaw akong paalisin! Maybe paranoid lang talaga ako kagabi dahil hindi naman ako lasing… tamang inom lang. pero ewan ko… ang bigat ng feeling kasi… ang bigat ng feeling na iiwan ko yung mga taong nakasama mo sa loob ng lima o anim na taon na pamamalagi ko rito sa City of Gentle People tapos iiwan ko pa silang hindi pa maayos ang lahat.

Kagabi, umais ako ng TN office bandang 8:00 ng gabi. Mas pinili kong maglakad para naman ma-feel ko ang last walk ko na ata sa downtown (parang mamatay lang). Nakasalubong ko isang kaibigang pangalanan natin na si Jojo. Hindi ko siya boyfriend at isa siyang Bisexual. Napansin ko agad ang isang supot na naglalaman ng costumes na gawa sa itim na seda o heavy satin. Tandang tanda ko pa ang ganu’ng klase ng disenyo at hitsura na tinuro sa’kin ni Tita Glieh. Siya ang nagturo sa’kin kung paano maglayer-layer at gunting-guntingin ang itim na seda at idikit ang mga ito sa pamamagitan ng Glue Gun. At ganu’ng disenyo ang nagtulak sa’kin para gawin ang mga costumes para sa pictorial namin ng Handurawan Issue sa TN.

Maingay ang paligid… puno ng tao at literal na maraming guys sa “Garahe”, isang lunggaan ng mga tomador ng red horse sa downtown. Habang busy akong nakikipagchikahan sa aking mga night friends, bigla akong napatigil dahil sa kantang “Here Without You”. Naalala ko tuloy kung paano kinanta ni Tonz ang kantang yun at mas nawindang ako dahil parehas pa sila ng timbre ng boses pati istilo ng kanta. Natawa ako bigla dahil nung kinanta yun ni Tonz sa seminar, hindi talaga maiwasan ang pagiging maharot at malikot ko ng mga araw na iyon… hyperactive kung baga! Naalala ko tuloy lahat ng kagaguhan at kaganapang maligalig pag nasa opisina man ako ng TN o sa ibang lugar na kasama ko sila.

Supposed to be, maaga dapat akong nagising ngayong araw na to. My nag-alok sa’kin ng isang raket kagabi… instant raket kung baga… pero nabigo kong siputin dahil na rin sa impluwensiya ng red horse… alam mo yung feeling na continuous ang pagtulog mo na kahit alarm clock, hindi mo na-feel na tumunog? Kaya wala akong choice kundi i-text nalang ang nag-alok ng raket sa’kin na hindi ko kayang sumipot kanina. Paggising ko, halos hilo pa ng onti, bigla akong naloka dahil nagititilian ang mga pamangkin ko sa bahay dahil kay Jun Pyo at sa iba pang f4 na cast. Inulit nanaman ang “Boys over Flowers” na koreanovela at ilang beses na itong inulit-ulit sa kapamilya network. Hindi ko na pinagalitan ang mga pamangkin ko. Hinayaan ko nalang silang tumili ng tumili kahit masakit s tenga. Naalala ko tuloy ang “Boys Over Flowers” remake namin sa TN na supersuper mega effort ang drama at ako pa ang ginawang Jan Dee… siyempre, murder ang character! Kahit ako, natatawa nalang ako sa videong yun. Kung gusto niyo Makita ang videong yun… check my profile sa FB… may nag-tag kasi sa’kin ng videong yun… hehe!

“Masakit, pero kailangang tanggapin…” ilan lamang sa mga linyang ginawa ko noon sa isang farewell party. Ngayon lang nag-sink-in sa’kin na hindi nga talaga madali ang pag-iwan sa mga taong tinuring mong pamilya at mga kapatid. As I’ve said, I have to set my own priorities…

Thursday, October 28, 2010

Priorities

I was making my post about the recent TN IPR which was happened last two or three weeks ago. And again, my mind wanted me to tell something which is unintentional for me to make(aw?) a choice that i have to make and boggles my mind for the past few months.

Yah! it does not shows that i was a bit problematic and it's not me after all. And the mere fact that I am always happy-go-lucky person, it probably stacked here in my heart... longing for my family and manage my own priorities.

I filed a resignation letter from a previous company... whom I loved for the past few months and honestly, I was not able to give it... (kaw na bahala Pam!) hehe! I will give it tomorrow so that my previous company will give me a COE after all. I just want to clarify that I really love my work. I love the people and the office but Mam Marie, my dearest boss told me that I have to settle my priorities.

Again, one question that boggles me... Would I quit in TN publication? or not? I was doing the lay-out of the paper for the past two days and I realized what Marvin jay Mupal told me last Sunday. "I told mu-resign na ka sa TN?" my heart was bleeding and it ended up staying in the publication with all the burdens and trials that we encountered. I am not sure if I am going to quit... right now... my heart tells me to settle my own priorities.

My plan is, I want to settle my life back in my hometown. my plan is, I want to stay in Dumaguete for two months... (I am longing for the lost cams to be resolved within this year). Before New Year, I want to have a good job... another life for me to move on...

anyway... it's just a plan... it can be changed after all... it does not mean that I will be leaving without fixing everything and put into right place. Wala sa bokabularyo ko ang mang-iwan sa ere! at wala sa isip ko ang mang-iwan nalang basta basta.

Anyway... it's not final... It can be changed...

Tuesday, October 12, 2010

pangungulila....





ayokong mag-emote... ayokong mag-inarte pero nilalamon ako ng isipan ko na maramdaman ang ganitong sitwasyon... ewan ko... so many things to consider, so many works to make and ang daming efforts ang kailangan gawin...

Here I am... stuck sa lay-out pc habang natutulog ang ibang staffers dito sa office. kasalukuyang tahimik ang opisina, ingay ng aircon lang ang maririnig at ang naghihingalong electric fan. Tahimik akong nakaupo. wlang magawa kundi gunamgunamin ang mga bagay bagay na dapat tapusin.

ayokong mag-emote pero eto ako. randam ang pangungulila ng mga magulang at kaisa-isang kapatid ko. ewan ko rin kung bakit. Sa loob ng limang taon, ngayon ko lang ulit naranasan ang pangangalaga at concern ng aking ina. Nagstay kasi siya ng mahigit sa tatlo o apat na buwan at eto na ang pinakamatagal na pagsasama naming dalawa. Kung nung una, kaya ko na mahiwalay sa mama ko... ngayon... hinahanap-hanap ko ang kanyang pangangalaga kahit hudas ang tingin niya sa'kin (paminsan minsan lang naman.

Nakakamiss ang hotdog at itlog na may sangag pa sa mesa tuwing umuuwi ako ng bahay. nakakamiss ang mga pagkaing choco mucho at sylvannas na laging dala ni mama kapag trip niya lang mamasyal sa Robi at downtown. Nakakamiss ang mga panahong katabi ko siya matulog dahil minsan lang mangyari ito sa loob ng isang linggo. Isang beses ng lang at yun ay ang araw ng linggo. Nakakamiss panoorin ang ina kong na-adik sa suertres dahil hindi naman talaga mahilig sa sugal si mama (weeeee?) yung tipong kapag nanalo ng five pesos... tuwang tuwa ang lola mo at megamicrophone ang drama pag-uwi ko ng bahay.

kaya minsan, mas gugustuhin ko pang mag-overnight sa office dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kapag umuuwi ako ng bahay.

kaarawan ng kapatid ko nung october 8 at eto naman ako, nakalimutan ng onti na borthday pala niya. Dalawa lang kaming magkapatid kaya hindi talaga maiiwasan ang pagiging closeness naming dalawa. Nakakagulat isipin na sa ngayon, kasabayan ko ng uminom ng red horse at iba pang nakakahilong likido na hindi ko lubos maisip na sarili niyang kuya, tinatagayan na at mas malakas pang uminom sa'kin! nakanang! nakakamiss ang ganu'ng happening. Ni minsan, hindi ko narinig sa kanya na kinahiya niya ako sa harap ng kaibigan niya... proud pa nga siya na may kuya siya at the same time time... instant ate pa... naaalala ko nga nung sinabi niya sa'kin na kapag nasa loob kami ng bahay, kuya ang itatawag niya... kapag nasa labas... ATE! supportive!

mahilig sa banda ang kapatid ko... mahilig din sa computer at dakilang adik din sa FB. Siya pa nga nag-impluwensiya sa mga awiting banda banda mapapinoy man o foreign. At proud kong sasabihin a kanya na AKO ANG NAG-IMPLUWENSIYA SA KANYA na sumali sa teatro at naaalala ko pa ang unang skit na ginawa ng grupo niya nung grade 6 pa siya... hehe!

nakakamiss ang mga sermon ni papa. hindi ako papa's girl at inaamin ko naman yun. pero sa totoo lang, masarap ang feeling na alam mo na mahal ka ng tatay mo. Handang dumamay sa'yo at kahit nadapa ka na sa lahat ng pagkakamali mo sa buhay, andyan siya, handang tumulong at gumabay sayo kahit hindi mo siya nakikita at nararamdaman. Inaamin ko na malaki ang galit ko nuon sa tatay ko dahil sa hindi maintindihang sitwasyon. Siyempre, kasagsagan ng adolescent period at puro pagrerebelde ang nasa isip... kapag tumatanda ka na, dun mo malalaman ang tunay na kahulugan kung bakit nagpasyang maging OFW si papa at iwan kami dito sa Pinas. sa totoo lang, bata pa ako nung mawalay ako sa tatay ko at dati, kung uuwi man siya ng Pinas, masaya ako dahil sa importedna pasalubong. Pero ngayon, masaya ako na umuuwi siya. dala ang pagmamahal na hinahanap ko isang ama. dala ang pag-asang mabubuo muli ang isang pamilya na ninanais kong maranasan habang buhay pa ako.

ngayon ko lang nararamdaman kung gaano kahirap mawalay sa pamilya nakalakihan mo ng husto. yung tipong kapag busy ka, hindi mo sila maisip dahil alam mo na mauuwian mo silang buhay sa bahay at ihahanda ka pa ng masasarap na pagkain. mahirap mahiwalay sa magulang at kapatid mo kung ikaw ay nasasaktan at nahihirapang umahon sa lahat ng pagsubok sa buhay... ang hirap hirap mag-isa lalo na kung bugbog ka na sa lahat trabaho at iba pang tasks na dapat mong gawin.

ngayon ko lang naramdaman na hindi ko pala kaya mahiwalay sa kanila... Sa lahat ng nakakabasa nito... kahit nakilala niyo akong tampalasang bata o kaya naman maldita... mas gugustuhin ko pang mahalin ng buo ang aking mama, papa at kapatid ko kesa mag-aksaya ng pagmamahal sa mga taong tanging kapalit lamang ay pera at materyal na bagay....

huhuhu...

Friday, October 8, 2010

dosage

# una, birthday ng kapatid ko ngayon... hapy bday bro... wish you all the best! iwasang uminom ng marami... balita ko, marunong ka na daw mag-yosi! wag! wag ka ng gumaya sa'kin... magkakasakit ka... di baleng ako nalang! masama sa pamilya! magastos na kung tayong dalawa marunong mag-yosi. at umuwi ng maaga. wag na rin gumaya sa'kin!

# bakit ang mga tao nowadays nahuhumaling sa pagasali ng pageant? sa bagay... kahit din naman ako... basta winnable ka lang... gow na!

# hindi madaling magdisenyo ng gown at festival costume... needs to have extensive research!

# kapag hindi ka na masaya sa trabaho mo... iwasan ang "gobyerno" syndrome. Pagpatak ng alas kuwatro ng hapon, makikipagchikahan o kaya naman inaantay ang alas singko at tumunganga ng bonggang bongga! hindi maganda! wala tayo sa city hall o kaya naman sa dswd! hehe!

# kung napapagod ka na sa buhay, wag mawalan ng pag-asa. maraming bagay ang mangyayari ng si mo inaasahan. dapat alert and prepared.

# wag maging aligaga! wag mag-iwan ng wallet sa pedicab. laging bantayan ang id at laging alert kung saan nilagay ang phone. wag maging tanga!

# kapag walang internet connection, wag ipilit! nakakabwisit lang ng araw!
Dosage...

# una, birthday ng kapatid ko ngayon... hapy bday bro... wish you all the best! iwasang uminom ng marami... balita ko, marunong ka na daw mag-yosi! wag! wag ka ng gumaya sa'kin... magkakasakit ka... di baleng ako nalang! masama sa pamilya! magastos na kung tayong dalawa marunong mag-yosi. at umuwi ng maaga. wag na rin gumaya sa'kin!

# bakit ang mga tao nowadays nahuhumaling sa pagasali ng pageant? sa bagay... kahit din naman ako... basta winnable ka lang... gow na!

# hindi madaling magdisenyo ng gown at festival costume... needs to have extensive research!

# kapag hindi ka na masaya sa trabaho mo... iwasan ang "gobyerno" syndrome. Pagpatak ng alas kuwatro ng hapon, makikipagchikahan o kaya naman inaantay ang alas singko at tumunganga ng bonggang bongga! hindi maganda! wala tayo sa city hall o kaya naman sa dswd! hehe!

# kung napapagod ka na sa buhay, wag mawalan ng pag-asa. maraming bagay ang mangyayari ng si mo inaasahan. dapat alert and prepared.

# wag maging aligaga! wag mag-iwan ng wallet sa pedicab. laging bantayan ang id at laging alert kung saan nilagay ang phone. wag maging tanga!

# kapag walang internet connection, wag ipilit! nakakabwisit lang ng araw!

Wednesday, September 22, 2010

Ang mga Echoserang Manghuhula...

Minsan na akong nagkaroon ng case study, o sabihin nalang natin na Documentary Film tungkol sa mga di kapani-paniwalang super natural powers gaya ng kulam, gayuma at albularyo. Nasa third year college ako nun at nasubukan kong makipaghalubilo sa mga taong kinatatakutan ng iba dahil may angking kapangyarihan silang taglay. Nung mga panahong iyon, alam ko ang katotohanan na risky at delikado ang pag-cover sa ganitong klase ng paglathala sa telebisyon. Tanging baon ko na lamang ay ang tatag ng loob at effort na gawin ang istoryang hindi ko feel at dahil na rin kay DX Lapid!

Namulat ang aking mata sa katotohanang totoo pala ang mga ganitong pangyayari. Ang mga pulang kandilang sumasayaw ang apoy kahit sarado ang bintana, kulob at walang hangin ang lugar. Ang itim na krus na pagmamay-ari ng isang mangkukulam na kapag hinawakan mo, makakaramdam ka ng hilo. Ang mga halamang gamot na niluluto dahil ang mga ito daw ay sangkap para makabuo ng isang makapangyarihang gayuma at ang di ko malilimutang bungo na kapag kinukuhaan mo ng picture, blurred lahat ang shot. Bungo daw ito ng ninuno nilang mangkukulam. Hindi kapani-paniwala pero makatotohanan pala ang lahat. Hindi ko rin maipaliwang ang sarili kong opinyon pero base sa mga nakita at naramdaman ko, madiin kong sasabihin sa sarili ko na dapat mo nalang paniwalaan ang lahat kahit alam mo na may maliit pang tyansa na maipapaliwanag pa ito ng syensya at agham.

Nung nag-aaral pa ako sa FEU, madalas akong napapadaan sa Recto o kaya naman sa Quiapo. Talamak ang mga manghuhula sa mga lugar na iyon. Iba't ibang klase ng manghuhula ang naglipana gamit ang iba't ibang uri ng materyales gaya ng baraha, tarot cards, bolang kristal, ballpen at papel at pati lumang kahoy na galing pa sa bulubunduking hindi na mapangalanan, di pinalampas. Hindi pumasok sa isip ko na magpaghula nun dahil takot ako na malaman kung ano ba ang kahihinatnan ko in the near future. Takot ako na malaman ang eksaktong oras at araw kung kailan ako mamamatay. Takot din ako na malaman kung maghihirap ba ako o kaya naman magiging embalido dahil sa isang karumal-dumal na aksidente. Ayokong malaman yun lahat dahil lang sa isang manghuhula. At malaki ang pagdududa ko sa kanila. Baka mamaya, ini-echos lang ako.

Minsan ng pumasok sa isip ko na subukan ang makapangyarihang hula ni Carmela, isa sa mga kilalang manghuhula sa Dumaguete. Pero inuunahan ako ng takot at baka pinagtritripan lang ako nito. Hindi na ako nag-atubili pang sumama at ginawang trip trip nalang ang hula ni Carmela dahil sa kagustuhan ng isang kaibigan. Hindi ko na idedetalye ang lahat ng usap-usapan namin tungkol kay Carmela dahil nakakatawa lang!

Hindi sa naniniwala ako o hindi sa mga ganitong trip. Malaki ang paniniwala ko sa Diyos at ipapasaDiyos ko nalang silang lahat. Ang akin lang, ito ay parte ng tradisyon, kultura at normal na may ganitong enerhiya at powers sa mundo. Kung patuloy nating ilulugmok ang ating sarili sa ganitong mga pangyayari, hindi tayo aasenso bilang tao.Mas marami pang bagay ang dapat pagtuonan ng pansin. Tayo ang gumagawa ng landas at direksyon na dapat nating tahakin ng wasto. Kung saka-sakaling puno ng mahika at puro kababaglahan ang gusto mong mangyari, problema mo na yun!

Kung Echos lang o True ang lahat, depende na yun sa tao kung maniniwala ka ba o hindi. Kanya-kanyang tripping lang yan. Nasa sayo na yan kung masasakyan mo ba o hindi.

Tuesday, September 21, 2010

Pandesal

Pag-uwi ko tuwing umaga, laging may hain na pandesal na nakalagay sa mesa. Ito ang kadalasang kinakain ko kasabay ng paghigop ng kape at yosi. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi nalang ganito ang sistema ko tuwing umaga. Nangangarap ng gising sa balcony at sa bawat higop at hithit ng yosi, nananatiling sariwa ang mga ala-ala ng nakaraan at gugunam-gunamin ang mga hinanakit ng kahapon at magiging depress bigla.

Hindi ako seryoso... feel ko lang sabihin ang mga ito. Wala lang! hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon... walang pumapasok sa utak ko...

ayun! meron na! nakatikim ka na ba ng pandesal na ang palaman ay sardinas at itlog? ako... hindi ako kumakain nun! malangsa kasi at di ko maatim ang lasa. Hindi naman sa pag-iinarte, hindi talaga ako mahilig sa malalansang pagkain. Mas gugustuhin ko pang margarine o kaya mayonnaise ang palaman.

naranasan mo na bang makipaghalubilo sa mga taong akala mo noong una, hindi kayo magiging close at ang ending, sila pa ang mga taong magiging sandigan mo pag ikaw ay nalulugmok o kaya naman, tripping mo lang na mag-inarte. Ikaw ang pandesal at sila ang sardinas at itlog at feeling mo, malangsa sila kaya hindi kayo match!

hindi ko na mabilang kung sino-sino na ang mga taong nakilala at nakahalubilo ko. yung iba, napadaan lang, yung iba naman, kasama kong nag-aantay ng masasakyan sa waiting shed tapos bigla nalang pa-para. Takot dumaan sa mabatong daan. Baka kasi tumagilid at mahulog s bangin ang sinasakyan namin. Yung iba naman, kasama mong kumain ng pandesal na may palaman na bagoong. Kahit kadiri, Carry na!

mabibilang lang ang mga taong kumakain ng pandesal na may bagoong. Pero kung inaakala mo na habambuhay mo silang kasabayang kumain nito, sabay inom ng GSM Blue, diyan ka nagkakamali. may sarili din silang palaman gaya ng atchara, toyo o kaya naman asin. Yung tipong di mo rin kayang kainin. May panahon din na iiwan ka nilang mag-isang kumakain ng pandesal na may bagoong. Kaya dapat, i-enjoy mo nalang ang jammin session. bawat segundo, minuto at oras, dapat mong ipadama sa kanila na mahalaga sila sa buhay mo. Anuman ang ipalaman nila sa pandesal, kaya mong kainin. Anuman'g uri ng ulam o di mo man maatim na lasa, kaya mong lamunin!

Marami na ang naglabasang uri ng tinapay pero di pa rin papakabog ang pandesal. Ikaw ang pandesal na tinutukoy ko. Ang importante, mahalin mo ang lahat ng kaibigan, pamilya at kasintahan mo dahil minsan lang yan dumating sa buhay mo.

ganda ng konek noh? pamatid post para sa nagdudugong utak ni Bea! hehe!

Thursday, September 16, 2010

I-blog mo nalang

PUWEDE NAMAN SABIHIN LAHAT SA BLOG DI BA? KUNG NAIINIS KA, HINIHIGOP KA NA NG STRESS... YUNG TIPONG GUSTO MO NG SABIHIN SA SARILI MO NA PLS LANG! ONE TIME LANG! GUSTO KONG TUMAKBO NG NAKAHUBAD! WALANG SAPLOT!!

hindi ko alam kung magagalit ba ako o pawang dedeadmahin ang lahat. Oo nga naman, pinipilit ko ang sarili ko na maging matatag at maging easy on going ang lahat, pero di talaga maiiwasan na lamunin ka ng sarili mong emosyon.

Sana, sa pagkakataong ito, hayaan niyo munang sabihin ko ang lahat lahat ng gusto kong sabihin. Sa totoo lang, kailangan kong manahimik pero kung mananatili itong tago sa buong pagkatao ko, yung tipong wala akong outlet na malalabasan, para na rin akong isang LPG. pasingawin mo tapos sabay sindi sa lighter... ganun din ang kalabasan. Mas malala pa nga.

Ayoko ng magpakaplastik. Ayoko ng magpakamartyr. Siguro, ganun talaga pag masyado kang mabait. Kailangan mong intindihin ang kinanatatayuan nilang sitwasyon at kailangan mong sabihin sa sarili mo na manahimik nalang at idaan nalang sa kakatawa at megapictorials ng pangHFM (nabulol sa FHM) daw ang drama pero kadiri ang kinalabasan ng pictorials.

Ikakatuwa ko sana ang 6 day leave ko sa trabaho pero ganun pa rin ang kinalabasan. Binigyang pansin ko ang publikasyon dahil kailangan namin ang bawat isa sa panahong ito. Walang iwanan ang drama. pero habang tumatakbo ang mga araw sa kalendaryo, pakiramdam ko, lumalala ang sitwasyon. ayokong ipakita sa kanila na naapektuhan ang buo kong emosyon dahil alam ko sa sarili ko na wala itong silbi at makakadulot pa ito ng mas maraming negative energy. At alam ko ang katotohanang isa ako sa nakakatanda sa TN kaya siguro, sa akin dapat magmula ang hindi pagsuko sa ganitong labanan... signs of maturity kung baga.

halos nanalamig ang buong katawan ko sa biglaang pag-resign ng ilan sa mga empleyado ng walang abiso sa admin at pati na rin sa'kin. siyempre, responsibilidad ko na magbigay alam sa OM (operations manager) o kaya naman sa CEO (Chief Executive Officer) kung sila ay aalis na sa kompanya. nakakalungkot isipin na binigyan mo na nga ng pagkakataon na sila na ang mismong magresign personally, pero sila pa ang may makakapal ang apog na bigla na lang mawawala... parang MIA... ganun na nga! hindi na parang! tpaos iiwan sa ere na sa'kin ang lahat ng pagisisi at sabon na todo bulang Surf at Tide ang inabot ko sa Taas.


at dun ako nasasaktan ng husto. PAGTITIWALA! mahirap ibalik ang buong pagtitiwala kung hindi mo alam ang tunay na kahulugan nito. MAhirap Umasa sa wala kung ang ugat nito ay ang salitang Pagtitiwala.

sana, naging panaginip nalang ang lahat. Kung saka-sakaling sinusubukan ako ng Diyos kung kaya ko pang lumaban sa stress at burdens... wala na akong magagawa. nandito na ako at obligado akong tapusin ang labanang ito magkamatayan na!

sabi nga nila, huwag kang maniguro na magdala ng mahabang espada, pananggalang at kabayo kung ikaw ay makikipaglaban sa mundo na puno ng mapanuri at traydor. Mas mabuti pang magdala ka ng punyal at magsuot ng sapatos na may makapal na suwelas dahil mas mahaba pa ang timeline ng iyong pakikipaglaban. Madali kang mamatay kung armado ka nga at hindi mo naman ito ginagamit ng wasto at maayos. Mas mabuti ang simplen at makalumang sandata basta alam mo kung paano ito gamitin ng maayos at may tactics at special skills.

Sunday, September 12, 2010

Things that I supahlike in the PUB

  • OA-OA na pag-incorporate sa mga articles na puro erasures, linyang curves, straight at broken lines!

  • Mga missing paragraphs na nawawala dahil di namalayang na-delete! Haha

  • magsulat ng features at magazine articles

  • Overnights! Tapos biglang magiging adik at aandar bigla ang mga “waley” moments pag madaling araw na

  • Pag-inom ng kape sa office tapos mag-eeffort ka pang maghugas ng Mugs dahil gamit lahat!

  • mga gaguhan, “yabuhanay” at asaran moments as in Mega Mega patayan session. (actually, gimingaw ko sa mga lines ni Poldo, Marvin, Junrell at Gian)

  • tawaging White Horse! Hehe!

  • Ang Pictorial moments pag Photo shoot sa Magazine Issues!

  • Pag-emote sa Balcony

  • Ang paggamit sa Editors PC dahil lahat ng files ko nandun… bigla nalang na-reformat! Huhu!
  • Si Joel Senico Aba! Wala na akong mayakap! Hahaha!
  • Ang hindi pag-open sa facebook, twitter, at anu mang sites na hindi related sa trabaho... DATI YUN!

  • Ang Patayan session sa mga meetings

  • Ang mga Narcisismo sa office!

  • ang pag-edit sa videos!

  • ang mga artists na mega paint at draw….

  • photo essays ng mga photographers

  • mag-inarte tuwing umaga lalo na pag galing overnight

  • ang pagpunta sa office pag Sunday kahit di naman kailangan!

  • ang masayahing mukha ni Dorothy Mae Acabo!

  • and lastly… ang magulo kong locker ko na may picture ni Eds! Hahahaha!

Friday, September 10, 2010

Problemado ka ba?

Oh well... bago muna ang lahat, gusto ko sanang maibsan muna ang lahat ng pagsubok at paghihirap sa TN. Gusto ko lang labanan ang stress at wala akong pakialam kung hindi ito English. pasensiya!

kahit sabihin man ng iba na ako ang taong madaling makalimot sa stress at ginagawang maging simple ang lahat, ayoko lang talagang higupin ako na pagod at maging emosyonal. sana, sa mga larawang ito, sa mga sasabihin ko na sa tingin niyo na walang kuwenta at nonsense, malaman niyo ang dahilan at kahulugan ng pag-asa, solusyon at tiwala. Sana, maisip natin na masarap mabuhay sa lupang puno ng pagsubok at kalbaryo... di ba?

May mga pagkakataon talaga na umaatake ang salitang stress. Nanghihina ka na para bang ayaw mo ng kumilos o kaya naman masyado mong dinidibdib ang lahat ng kalbaryo sa buhay. dapat strong tayo... huwag na nating antayin na may magsabi sa atin na wala tayong kuwenta at tama na ang paghihimutok...
(pagmasdan ang larawang ito... "anak... kumain ka na? Pls. naman ubusin mo! [commercial ni tita Shawie na Lucky ME])


Mas masarap ang buhay kung may nararamdaman kang pag-asa hindi lamang sa sarili kundi pati sa iba. Mas naaayon sa batas ng tao kung may makakapitan ka at maibsan ang hirap na nadarama, Malay mo, sila pa ang patuloy na aakay sayo. Huwag na natin antayin na malunod tayo sa problema. Lagi nating tatandaan na may katapusan ang buhay na hiram lamang sa maykapal. Tulad nalang ni Jonas. Kahit hirap na hirap sa litratong ito na i-angat ang kanyang "MUMUNTING" katawan, kaya niyang lumutang kahit pressure at effort sa kanya.


Iwasang puluputin ang sarili sa problema at manatiling nakatunganga na para bang pakiramdam mo, wala ng bukas. Gumigising tayo araw-araw at masuwerte ka kung nagising ka pa. Ang problema nung nakaraang araw ay mananatiling sariwa sa iyong katawan pero dapat natin isipin na hindi ito ang dahilan para kainin tayo ng sarili nating emosyon. Lahat ng problema ay may solusyon. Ito ay dapat gawin ng maayos, mabilis at walang keme at huwag ng tumunganga na para bang nag-aantay na umulan ng nyebe sa Pilipinas. Humanap kaagad ng solusyon. Tulad nalang nito... ang mga dekorasyon na nakalambitin ay ginawang props... siya daw si Naruto... ewan ko nalang!


Iwasang mag-inarte. Hindi na uso ang emo... Jejemon na! mas mabuti na kapag may problema sa buhay, hinahaluan ito kaunting sahog gaya ng kaibigan, pamilya, kapaligiran at hindi puro nalang sarili. Kailangan mo sila... hindi ikaw ang kailangan nila. Huwag ng gumaya kay Rolyn na mahilig mag-inarte... gaya nito! hehe!


(pasensiya kung hindi maayos ang pag-photoshop... nakakatamad na!) At ang pinaka-importante at masaya sa lahat, magrelax at huminga ng malalim. Patuloy lang ang takbo ng buhay at mundo. Ikaw, siya o tayo ang gumagawa ng daan patungo sa tagumpay at hindi tayo uusad kung mananatili tayong bigo at ramdam ang bawat hinanakit sa buhay. Walang silbi ang pag-iinarte sa problema at mananatiling makulong sa apat na sulok nito. Walang kuwenta! Pero wag ng gayahin ang nasa litratong ito... OA na!

To my dearest Team... Webpage, Arts and Photography Unit...


Sa mga Editors... (pasensiya na walang pic si DJrem... di ko mahanap eh!)

Sa mga Writers

At Newbies....

Walang iwanan...
Ayokong magmaka-awa
Pero isipin nalang natin
malalampasan natin toh!
Gow TN!

Tuesday, September 7, 2010

Pira Pirasong Pangonsensya

* matagal ko ng gustong gumawa ng wishlist ngayong BER months, pero tinatangay ako ng katamaran pag nasa harapan na ako ng PC. marami kasing mga hadlang. Tulad nalang ng facebook, twitter at pesteng yahoo updates at PEP! hehe! kung hindi naman tinatangay ng mapaglinlang na katamaran, dinidemonyo naman akong magsulat ng ibang topic gaya nito!

* may itinakda ang maykapal kung dapat ko bang maranasan muli ang magmahal at umibig sa isang matipuno at matikas na lalaki at hindi bisexual! pero kung maghihintay ako sa takdang panahon, baka mamaya, lamunin na ako tubig at magsanib puwersa ang kapangyarihan ng lindol at pagsabog ng bulkan, walang pag-ibig ang dumating sa buhay ko. Pilitin ko man na sabihin sa sarili ko na ayoko ng magmahal pero kung nakikita mo ang iyong mga malalapit na kaibigan na may tinatawag na "baby" at "hon", ang tamis tamis tingnan na para bang candy... at alam mo yung tipong out of place ka sa isang grupo na puro may ka-partner, di mo ba masasabi sa sarili mo na ganun ka na ka-manang o kaya naman ka conservative na puwede ka ng tubuan ng kepyas sa nuo? hindi naman sa pagiging inggitera pero tao rin naman ako... nagtataka kung bakit wala akong panahon magmahal ng iba at makuntento na lamang ng pagmamahal sa sarili, kaibigan at Diyos. umaaasa din naman ako na may taong magbubukas ng loob ko na magmahal muli pero kung aasa ka ba naman sa wala, hindi ba nakakainis o kaya nakakadismaya! TAO DIN AKO! marunong magtaka kung bakit ganito ang kapalaran ko pagdating sa lecheng pag-ibig na yan!

* kung bibigyan ka ng pagkakataong maging isang element, ano ka? ako.... isang Iron o Ferrous! bakit? naisip ko na kahit ano mang pagsubok ang dumating sa'kin, eto pa rin ako... matatag at puno ng stressstabs! ewan ko ba pero eto talaga ako... Kung deadmahan ng problema ang pag-uusapan, wala talaga akong pakialam. ayoko ng stress! pero kung tingin ng iba, binabalewala ko lahat ng dapat problemahin at sabihin niyo man na easy go lucky ako... WHAT DO YOU EXPECT FROM JAY-AR LUYAS? ang taong hindi marunong magseryoso sa buhay at laging at ease at lax ang lahat... ayokong magkuwenta pero kung saka-sakaling may portal at may pinto at puwede niyong masilip ang buhay ko NGAYON... baka mamaya, gusto niyo ng lumabas sa sobrang gulo o kaya naman stress at toxic. ayoko ng isa-isahin dahil ayoko ng STRESS! mas mabuti nalang na ganito ang nakikita niyong imahe ko... dahil kung ako mag-emote! hahahaha! drama kung drama! watch-out!

* sa sobrang dami ng pagkakamali sa buhay ko, yung iba nga di ko na maalala, iisa lang ang masasabi ko... Ces Oreña Drilon... I survived! matagal ko ng gustong i-try magcliff jumping na sinasabi ni Bella ng New moon na recreational daw ito, matagal ko ng gustong maglaslas at magbigti, pero lagi akong dinadalaw ni Aphrodite at sinasbi ang line "Oh my! Oh my! ain't do that honeybee! you're effin pretty my motha fuckin muse" with new york accent pa yan! wag ka! modern na si Aphrodite today! nagmumura na! haha! sa totoo lang, kung binabalak ko man lang na magpakamatay, mas nanaisin ko pang kumain ng 5,466 na boxes ng choco mucho at magka-cancer of the throat! at least! hindi masyado suicidal. at di ko pinangarap na magpakamatay dahil kahit kalbaryo ang buhay ko, narito pa rin ako sa mundong mapusok at mapaglaro.

Monday, August 30, 2010

Parang Rollercoaster na Ferris Wheel

Ang sarap talagang sumakay sa isang mala-rollercoaster na byahe ng buhay. Ang sarap ng pakiramdam kapag nasusuka ka na, yung OA OA na pagtili na halos madra-drawing na yung korte ng ngala-ngala mo kasabay ng paglantad ng esophagus sa sobrang OA na talaga… (OA yung description), yung biglang mararamdaman mo yung pagdalusong pababa tapos biglang aakyat ng mahinahon at kakabahan ka kapag narating mo na yung pinakatugatog ng joyride na ito.

At yun ang nangyari sa’kin last week!

Magaling na ang aking pinakamamahal na kaliwang kamay. Ang tanging naiwan na lamang ay ang mga natuyong kakapiranggot na sugat. Medyo nagagalaw ko na siya. Napilayan kasi ako… dahil sa isang kagagahang pangyayari. Basta ang masasabi ko lang, dapat, maging maingat para hindi madulas… MADULAS… sige… para mas magaan pakinggan… MAUNTOG… hehe!

Last week-end, halos hindi ako makahinga sa sobrang saya. Nung sabado, naramdaman ko na Tao rin pala ako na may social life. Yah… I was totally drunk at basag ako nun. Pero hindi ko ikinahihiya yun dahil nalaman at naramdaman ko pala na kahit gaano kalupit ang lahat ng responsibilidad na inaako ko, kahit may mga taong hindi maintindihan ang sarili mong atake at combo kung paano mo aayusin ang lahat ng mga bagay na ito, dumarating sa punto na kailangan mong ibalanse ang lahat at mahalin ang sarili mo na higit pa sa pagmamahal mo sa responsibilidad na meron ka.

Dalawang beses kong napakinggan ang banal na kasulatan at Tatlong beses akong nagtirik ng kandila sa iba't-ibang simbahan nung Linggo. Ewan ko ba kung anong nakain ko nun… sa Pagkaka-alam ko, ang binanatan ko lang naman papakin ay ang Kimchi na dala ng isang NAPAkA-buting kaibigan galing Korean Market! Putcha! Lakas ng impact! Pero seryoso, Pagkukumbaba ang mismong Homily ng pari. Dapat natin malaman ang tunay na kahulugan ng humility at huwag magmataas at kahit naka-8 inches ka man na heels, lalagapak at lalagapak ka pa rin kahit si Lady Gaga ka pa… gets?

Ayoko ng mag-isip ng negative vibrations dahil nakakasira ng panahon at Chi na dumadaloy sa buong katawan mo. Sa naalaala ko lang, nakasulat ako ng mga articles all about ORGONITE. Search niyo nalang sa web kung ano yan… nakakarelease ng bad energy yan! Promise! At talagang maghahanap ako ng Orgonite sa Bazaars para naman di na humigop ng bad energy ang katawan ko at makagawa na hindi maganda at hindi Gawain ng isang babae! Hehe!

Sa totoo lang, masaya ako kung ano ang mga nangyari last week… one of the most memorable experience ever happened!

PS: malaki ang pasasalamat ko kay:
Joriz: salamat sa Kimchi… ingat ka sa UBEC!
Franco: salamat sa hot compress chuva source! Haha! (naning pa’g pangutana ni X-tian the Nurse)
Sir Rich: thanx for the support sa first week ng ASKAGENTS… and also Mam Marie… baka mas maraming appointments ngayong week! (I hope so)
Mayricks clan: salamat sa Night out last Saturday… hahaha! Dyan kayo maaasahan!
David: BETCH!! Good luck sa Borgees! LUZILA is Baaack! Hahaha!
Tonz: Salamat sa kakulitan at kaharutan… at least nawala yung tension! Effort at wasakan ng pa…. ang pumalit! Haha! Basta salamat! (magubot jud akong kalibutan if naa ka!) hehe!
Fifi: NAPAKALAKI ng pasasalamat ko na Pinalandakan mo ang picture ni Badong! Pangalanan pa ha! Anyway… Nice one! LINTIK LANG ANG WALANG GANTI! Hahaha! You make me smile fifi! Serious one… THANX! Mis u!
Chryss: salamat sa comfort kahit nung hostage taking… salamat sa impormasyon… AW? Kasali sa hostage? Hahaha!

At bago maging aknowledgements at thank you sponsors ito, puwede itigil na? nagugutom na ako…

Wednesday, August 25, 2010

MALALAKING pagkakamali!

Ang bilis talagang umikot ang panahon… dalawang malalaking pangyayari sa dalawang araw na pagsubaybay sa radio at telebisyon at naging tampulan ng intriga at kritisismo, mapakapwa Pilipino man o sandamukal na dayuhan ang nakakarinig nito.

Sa totoo lang, ang naganap na hostage drama noong nakaraang lunes ay mistulang babala sa lahat ng mga Pilipino na ang ating bansa ay lapitin sa mga karumal dumal na krimen. Tanging opinion ko lang, lagi tayong nangangarap ng maganda at maayos na gobyerno pero kung lagi natin i-aasa sa kanila ang malaking pagbabago at mismong tayong mga mamamayan ay hindi kikilos ng matuwid at tama, walang silbi ang panunungkulan ng ating mga pinuno sa bansang ito.

Ngayon ko masasabi na diskumpyado na ako sa mga pulis natin ngayon. Kung sino pa ang nag-aral sa grabe-grabeng pagsasanay sa mga kampo at krame na ating bansa, sila pa ang may lakas ng loob manghostage. King sino pa ang nag-aral ay nagsanay kung paano solusyonan ang mga hostage drama, sila pa ang tatanga-tangang hindi alam kung paano rumesbak sa ganitong sitwasyon. Kung sino pa ang dapat pagkatiwalaan, yun pa ang namuno at hindi pa marunong mag-areglo sa ganitong klase ng krimen at trahedya.

Ang kasalukuyang pangyayari sa Miss Universe ay pawang nagbahid ng pagkadismaya ng ilan sa mga Pilipino pagkatapos ng Hostage Drama. Malaki ang iniwang marka ni Venus Raj at nakamit ang mumunting tagumpay sa paligsahan ng kagandahan at talino. Ngunit ito rin ay nag-iwan ng marka sa mga Pilipino maging sa ibang dayuhan. Ito ay nagsilbing malaking pagkakamali ni Venus Raj sa buhay niya. Ang rurok ng pagiging pinakamagandang dilag sa buong mundo ay nilapat at nilatag na sa kanyang harapan ngunit sa hindi maayos na pagsagot sa katanungan ng isang hurado, nawala ito na parang bula sa isang iglap lang.

Naging maugong sa lahat ng dyaryo at telebisyon si Venus. Masisisi niyo ba kung ganun lamang ang kanyang makakaya at hindi namalayan na ito ay isang MALAKING pagkakamali para sa iba? Kung ikaw ang nasa posisyon ni Venus, makakayanan mo ang pressure sa entablado?

Kung iisipin mo nga naman, ang tanong na naibato kay Venus ay ang katanungan na kadalasang mariring kung ikaw ay nag-aaply ng isang trabaho. Malamang may nagtanong na rin nito sa’yo. Mahirap sagutin dahil ayaw natin malaman ng iba ang malaking pagkakamaling nagawa. Halimbawa nito ay kung nakipagtalik ka sa isang tao na may na AIDS o kaya naman nagpalaglag ka ng sanggol. Di ba? Gugustuhin mo bang malaman yun ng iba? Marahil hindi.

Makuntento na tayo sa lahat ng pangyayaring ito. Tama na ang paggatong sa isyu. Nakakasawa na… hayaan na natin na naging parte ito ng kasalukuyang administrasyon. Madami na ang nagprotesta, namatay, nagbigay ng kuro-kuro at opinion. Ito ay nakaukit na sa kasaysayan. Ito ay nagsilbing ala-ala, babala at aral sa ating lahat. Ayaw man nating tanggapin pero ang dugong dumadaloy sa ating lahat… ay iisa. Ikaw ay isang Pilipino at dapat mong lasapin ang lahat ng pagkakamaling nagawa ng kapwa mo Pilipino at maging matatag sa lahat ng pagsubok na nagaganap sa ating Inang Bayan! Naks! Nagiging seryoso na ako! Hehe!

Sunday, August 22, 2010

Sarili, Kaibigan at Pag-Ibig (Corny noh?)

Halos maloka ako sa album ni Nina na “Renditions of the Soul”. Pinadownload ko to sa phone ko at OO nga naman, ngayon na ako naniniwala na kaya pala nagging diamond record ang album niya dahil sa sobrang ganda ng renditions niya sa “cold summer nights”, “half crazy” na sa naaalala ko, paborito ni Marvin Jay Mupal, my long lost collegemate and friend at “why can’t it be” na halos ma-umpog ang ulo ko sa pader dahil sa sobrang touching ng kanta. Haaiiii… hindi naman sa ini-endorse ko ang album ni Nina pero kung gusto niyong ma-refresh at mawala ang stress, recommended remedy ang album na to.

Last week, halos hindi ko makayanan ang term na Home sick. Actually, gusto ko ng umuwi. Hindi dahil sa gusto kong makita si… anyway, masaya na sila… at wala na akong magagawa dun… dahil I really miss my friends. Nakakamiss kasi na sila yung tipong kino-comfort ka pa rin kahit malalaki na kami. Yung tipong kapag may problema ang isa, handing dumamay magkamatayan na at kahit gaano ka pa ka-bastarda o kaya kahudas, deadma na!yun lang naman ang nakakamiss! Alam ko naman ang katotohanan na mas marami akong kaibigan at maituturing na pamilya dito sa City of Gentle people pero iba lang yung feeling na halos din a matibag ng bato ang samahan ninyo dahil alam niyo na ang utot at ebak ng bawat isa dahil simula bata palang kayo, yung tipong kalaro mo ng habulan pag recess o kaya naman kalaro mo ng polly pocket kung sasabihin ng guro na magdala ng laruan sa skul, hanggang sa kasabayan mo na sila uminom ng Gin Pomelo at Magyosi, hanggang sa magkasiraan ang barkada dahil sa makakating labi ni MARTIN at dahil na rin sa tawag ng laman, ngayon ko lang naisip na kahit sinong presidente pa ang pumalit sa Pilipinas, mananatili pa rin ang MArya, Chaira at iba pang involve na tao sa isang maliit na sirkulo ng pagkakaibigan at walang kamatayang samahan na kahit GSM blue, di patutumba!

Ngayon ko lang napansin, wala pala akong luvlife after yun na nga! Hahaha! Oo nga noh… naiingit nga ako kay FIFI… meron na siya! Magkano nagastos mo buwan buwan? Hehe! Joke lang… sinasabi ko nga sa sarili ko, mas mabuti nalang ang di magmahal dahil ayokong madagdagan ang stress! Honestly, ayoko ng umasa. Kung may datating sa punto na magmamahal ulit ako, mas mabuti nalang na playtime ang lahat o kaya naman ipagpalit nalang ang pagmamahal sa isang set ng Punyeta na alak sa Christine’s bar. Mas madali pang tanggapin na basag at wasted ka kesa makita at mangyari ulit ang desperasyon na wala sa lugar! Haizzt! Nadala na ako! At din a yun mauulit pa!

Wednesday, August 18, 2010

At Dahil Buwan ng Wika Ngayong Agosto

Kung paKABOGan ng Ingles ang pag-uusapan, di na ako papatol diyan. Alam ko na mas maraming tao ang magaling gumamit ng wikang ito mapasulating pormal man o pagkakabigkas ng mga salitang angkop ang bawat bagsak ng labi o diin. Ayoko ng makipag-away sa mga taong magaling mag-ingles. Napapansin niyo naman yun sa blog ko na madalas lang talaga ako gumamit ng English language dahil alam ko ang sarili kong kahinaan. lagi akong biktima na maling balarila at OO nga naman, wala akong pakialam duN!

ano ba ang dahilan kung bakit masayado tayong nahuhumaling sa salitang Ingles. Rinding-rindi na ako sa mga propesor ko sa MC na dapat, alam mo ang buong sistema ng wikang ito dahil ito ang magiging susi tungo sa pagkaka-unlad ng iyong propesyon at kinabukasan. Hanggang sa trabaho na meron ako hanggang ngayon, Ingles ang pangunahing medyum na kailangan gamitin kaya minsan, Bumabaha ng dugo at plema sa ilong ko at ito nga ata ang dahilan kung bakit nararamdaman ko ang sakit na "migraine" at tipong malala at parusa.

Isang malaking tandang pananong na naglalaro sa sarili kong imahinasyon at mundo, bakit ba kailangan nating pagyamanin ng sobra sobra ang salitang Ingles. At mai-Konek ko na rin lang, papalapit na ang Miss Universe Pageant at mapapansin, mahal na mahal ng mga Hapon, Portugees, Espanyol, iba pang lugar sa Europa at Timog Amerika ang kanilang wika. Kaya maganda ang kanilang mga sagot sa Question and Answer portion, ang pinakahudas na parte sa paligsahan ng angking ganda at katawan o Beauty Contest at di rin maiiwasan na kaya sila di makapasok sa top 15 dahil sa tatanga-tangang pagsalin ng mga interpreter sa wikang Ingles!

Kungpuwede lang bumangon si Jose Rizal sa kanyang kabaong, malamang, ang PINAKA-una niyang gagawin ay ang bisitahin ang Luneta Park at Ibibigay ang tatlong gintong bituin sa mga sundalong nagbabatay dito. Hindi naman kasi si Rizal ang binabantayan nila. Ang tatlong Bituin na gawa sa Ginto. Totoo yun! pero anong Konek? Binigyan tayo ng kalayaang ipahayag ang ating damdamin at hinaing na gamit ang sarili nating wika at kahit si maraming alam na salita si Rizal, nanaig pa rin ang wikang pilipino sa kanyang puso at damdamin.

"Ang Di Marunong Magmahal sa Sarili Nating Wika ay mas MASAHOL pa sa malansang Isda"
inukit na ng panahon ang mga katagang iniwan na pamana sa atin ni Rizal. Dumating si Webster at Oxford wala na taying nagawa kundi gamitin ang salitang Ingles sa araw-araw nating pamumuhay. PAti ang mga salitang Ingles pamatay sa lalim ang kahulugan nito, kadalasang ginagamnit ang mga ito kung may kaaway ka facebook, friendster o kaya naman ang pinakalumang social networking... ang MIRC. Iba na ngayon ang sistema... ang di marunong magmahal sa sarili nating Wika... Coño o kaya naman, Meriam..... Defensor!

Hindi ako PAtriotic kung bakit ko nagawa ang post na to. May mga pagkakataon kasi na mas gusto ko pang magsulat at gumamit ng Tagalog kesa sa Ingles. Siguro, lumaki ako na Crtifies Batang Maynila ni Mayor Lim pero mas komportable akong gamitin ang salitang ito.

Hindi rin ako susunod sa yapak ni Jose Rizal o kaya naman, Isa sa mga idolo kong manunulat na si Bob Ong, pero sana, Bigyan natin ng konsiderasyon ang wikang nagbigay sa atin ng kalayaan at prinsipyo na iyahag ang lajat ng ating nararamdaman at walang iba kundi ang wikang Filipino. Sa panahong sinasabayan natin ang pag-unlad ng teknolohiya at sarili nating pamumuhay, sana umunlad din ang sining at kultura na meron tayong mga pilipino sa larangan ng pagsasalita at pagsusulat ng sarili nating wika at balarila.

Thursday, August 12, 2010

KAbaliwan

Panahon na lang ang magsisilbing daan para hilumin ang sugat ng nakaraan. Iba’t ibang uri ng ganid at sakit ang dapat maramdaman at sabi nga nila, hindi madaling pumasok sa kakapiranggot na butas ng karayom at tahiin ang gula-gulanit na kahapon.

Hindi madaling magpakatotoo at sabihin ng harapan at isampal sa kanya ang lahat ng pagkakamaling nagawa. Mahirap din na tamggapn ang lahat ng kamalian na meron ka at ibabato din nila sayo ang lahat ng baho at basura na meron ka.

Walang masama na tikman lahat ng bisyo at lasapin ang sarap nito kahot may kamahalan pa ang iba dito. Pero nagiging masamang ehemplo ka sa mga taong inosente sa mga bagay na ganito.

Sunday, August 8, 2010

Incomplete thoughts!

Like... It's getting worst... Worst than I thought!

ayoko ng gulo, ayoko ng issue at ayokong umani at pumitas ng simpatya sa mga taong pumapaligid sa akin. Wala akong dapat patunayan dahil hindi naman ako ganun kagaling at ganun ka-talentado.

Yah you are absolutely right... I am irresponsible and I do have VALID reasons for that. Ang pinakaayoko sa mga tao, nagkukuwenta... mapapera man o trabaho ang issue.

May mga tao talaga na magaling sa larangan ng pagsusulsol at gumatong sa mga issues. Hahaha! natatawa nalang ako and I pity those people. Sometimes, I do not know if plastikan nalang ba ang lahat but personally, I find it so plastikan. Why don't you face the person at all... or maybe blogging will do... at least, It is not vague! it's clear... spilling the beans using your own effin mouth! Wala akong pinatatamaan!! Pero ako ang nasasaktan na galing pa sa ibang bibig ang lahat ng issues na sana, napag-usapan kaagad para hindi na ganun kalaki. If problems arises, there is a room for explanations. We have no right to judge the book based on what we see visually. I am so bombarded with CRITICISMS everday and I am used to it... pero ang nakakagimbal, kung yung mga taong titira sayo, yun pa yung mga taong akala mo... nakakaintindi sayo....

Well... I am praying that Aphrodite..... (buffering)

Log-out muna... like my wicked sister texted me... I'll be in Amlan tonight! hahaha! bye!

Friday, August 6, 2010

MABUTI AT MASAMANG PANGITAIN

Hahahaha! Super LOL! Ayokong ma-stress! Time for me to tell something na hindi nakakastress basahin!

OO nga naman, kapag naaasar ka sa isang tao o grupo ng mga tao, bakit di mo subukang sabuyan ng kumukulong tubig? Habang imiikot ang relo sa mapulang tindahan ng Jalolys, at habang nakikipagchikahan sa mga kapwa ko ka-officemates, isang mala-eksenang pangyayari ang di namin inasahan. Tahimik ang daan at walang katiting na ingay ang maririnig ng biglang may nag-uumiyak na bata sa kabilang tindahan. Basa ang damit at namumula ang balat. Hindi siya tumigil sa kakaiyak sabay bulyaw “gawas diha kay makipag-layog ko nimo…Yawaa ka” o sa tagalong, lumabas ka dito at dito ako makikipag-umbagan sayo... DEMONYO KA! Sa murang edad, nasabi ng isang palaboy at negrang bata ang ganung mga salita. Ikaw ba naman ang sabuyan ng kumukulong tubig, hindi ka ba maloka? kahit din naman ako... baka ganoon din ang sabihin. Hindi talaga natin maiwasang mainis sa mga palaboy. Pero kung ikaw ang nasa sitwasyon ng babaeng nagsaboy ng tubug... kung binigyan mo na nga ng pagkain ang palaboy tapos choosy pa... di ka ba maiinis?

Moral Lesson: huwag padadala sa galit... mamaya, matutunang mong magsaboy ng kumukulong tubig... wapaak!

Nung nakaraang sabado ng umaga, may naglalako ng mga santong made in Lahar, Pampanga ang drama. Bigla siyang pumasok sa opisina at binentahan ako ng santo. AKO? BIBILI NG SANTO? hindi naman sa pagiging Hudas at Demonyo, bihira lang akong bumili ng santo. Rosary nga... nag-aatubili pa akong bumili ng walang okasyon... santo pa kaya? nakatayo ako ng ilang minuto sa di kalayuang distansiya at napansin ko talaga na walang nilagay na santo sa table ko. Pagkaraan ng labing limang minuto, napansin ko nalang na may Sto. Niñong made in Lahar sa table ko... sa gilid ng edge ng table ko. naloka ako... natural! hindi ko masasabing milagroso ang santo pero yun ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko rin masasabi na naiwan ang santo at talagang nag-effort siya na ilagay ang santo sa gilid ng edge ganoo'ng malayo ang puwesto niya sa table ko ng bahagya... WEIRD...

Moral Lesson: Huwag dedmahin ang mga taong naglalako ng mga mahihiwagang santo na made in Lahar. Ilang araw na akong nag-aantay sa pagbabalik ng tindero para ako'y singilin pero as is pa rin ang status niya... NOWHERE TO BE FOUND...

Thursday, August 5, 2010

Sakit's Utok!

I have this feeling that i will have a Migraine soon...

These past few days, my head is totally aching. Hindi siya normal. Madami na akong sinubukang gamot at kahit si mahiwagang Advil ay di pinalampas. My head is spinning at minsan, pinipilit kong maging ok but my emoetions are badly affected.

Seriously, it is not about being drama queen or something. It is more serious that I thought. Maybe it is because of stress or whatever, but my health is badly affected na ata. I wanted to consult this sa doctor kung Migraine ba siya.But I think it is one of the symptoms.

Hindi uso ang pag-eemote ngayon. Hindi rin uso ang pagiging balat-sibuyas pero my nerves is killing sa isang tao na feeling ko, matagal na ang isyu pero pilit inuungkat na hindi naman dapat ungkatin. I dunno if what is her point but anyway, mahirap na magsalita at baka mabasa niya pa to. hahaha! too bad for her!

How I wish na magkita kami soon... at pinaplano ko pa naman gumawa ng post dedicated for her... wag nalang! I am just wasting my whole efforts! hahaha!

ayokong maging praning but my life is getting boring na. daming mga misunderstandings at misinterpretations. I don't find it exciting. I find it harsh. Ayokong ma-stress out sa lahat ng issues. Ayoko! I have to enjoy my life and stay away from nega! negative forces gaya ng plastikan blues! ewan ko ba... i find it plastic kasi kapag may gusto kang sabihin na mali pero di mo kayang sabihin (yung obvious ha) I find it weird na quesehodang nagreprimand ka na ng isa o dalawang beses, it remains useless. parang wala lang. I find it unusual na alam mo na mali, di mo pa ba kayang sabihin na mali ang ginagawa.

KAhit din naman ako, nagkakamali, I AM NOT PERFECT and I open my doors VERY WIDELY sa criticisms at mga "badlong" moments o reprimands because I learn from it. Kaya lang, may mga tao talaga na di marunong tumanggap ng pagkakamali. May mga taong matigas ang pulso sa pagdaloy ng dugo na sakto kahit may virus pa! haizt! How would you repromand these people if they don't know what's the meaning of this freakin' word!

sana,magkaroon ng Chinese version na Dora the explorer na kakabog sa Tahalog na version! haizt! hirap ng masakit ang ulo!

Saturday, July 31, 2010

Ang Isyung Naagnas na!

Oo nga naman, kung ano mang mangyari nung nakaraang panahon, huwag na nating ungakatin pa at gawin nalang katatawanan ang lahat. Pero may mga pagkakataon na may mga tao pala na nagiging bitter at bigla nalang mag-iinarte dahil sa mga kagaguhang posts o kaya naman comments sa FB. For me… there is nothing serious about lalo na as FB.
Itago sa pangalang Bitter Ocampo, biglang nagulantang ang Barkada dahil sa isyung pagbloblock ng mga FB accounts nila at eto naman akong tatanga-tanga, ngayong araw ko lang nalaman na binolck niya din ang account ko. Eto namang si Lianne Getuiza, ako pa ang sinisi sa pagblo-block ng mga accounts nila at malay ko rin kung bakit.
Siguro, ako ang dahilan kung bakit bi-nlock ni Bitter Ocampo ang mga accounts nila Chryss. Actually, wala naman akong paki-alam kung blocked ang account ko dahil hindi naman siya ganun kalaking kawalan sa buhay at FB account ko. Matagal na akong nananahimik, may sariling buhay na akong binubuno!
Isa lang naman ang haka-haka naming magbabarkada. May mga tao lang talaga na magaling magsulat at gumawa ng essay na hindi naman niya alam na pawang joke ang lahat. Hindi niya alam na isa na lang yung kuwentong inuman o kaya naman kuwentong kabaklaan at hindi ito personal. Wala akong grudges kay Bitter Ocampo. Kahit ang barkada. Matagal na yung nakalipas at hindi na malaki ang scoop para pag-usapan ulit.
Yun lamang ay pawang eksplanasyon na base sa pagkakaintindi ko, kung na-iimbyerna ka sa mga posts ko o ng barkada, hindi na naming kasalanan yun. Mas malala pa nga kami magsalita at manglait kung harapan, kaw pa kaya na hanggang FB lang? at kung sino man ang nagsu2xlsol at gumagawa ng isyung nabaon na sa limot, nag-aaksaya ka lang ng laway at effort. Hindi na tayo high skul para magdamdam at gumawa ng isyu para magdrama. Tapos na ang panahong Jhe at Emphee na Luvteam at hindi na rin yun kalakihan na isyu. Wala na akong panahong magtanim ng galit at ganid sa mga taong manyuyurak ng dignidad. Kung tutuusin isa ka sa mga dahilan kung bakit matatag ako ngayon. Salamat!
Huwag na nating palalain ang isyu! Moral Lesson: IWASANG I-ADD AS A FRIEND KUNG ALAM MO NA MAY ISSUE KA SA KANYA BEFORE!

Friday, July 9, 2010

A WALK TO REMEMBER PART 10


My favorite movie of all time! I watched it hundred times and I am still liking it! one of my favorite lines in this movie is really present in this video clip! Hahahaha! it's time for me not to be drama queen... but, I am really addicted in this film! SUPER!

Wednesday, July 7, 2010

britney spears - overprotected - lyrics



So damn protected ba? hahaha! well... I am so bored in the office right now... and I realize, hindi madali maging HR! hahaha! dealing with applicants everyday and communicating and so many blah blah blah! haiizt!

My only wish... I want to experience cliff jumping! hehe! like Bella! she said it's a matter of recreational... I dunno how to deal with my schedule right now... like "gidupa na nako tanan" and some of my friends or... i mean advisers... I have to give up at least one priorities. Right now, I am still hanging with lots of responsibilities. I am still pushing myself to be more productive but, my stamina and "pagkamika" is killing me! gawd!

Puh-leez! but, I love it! I love dealing with time pressures and I love this challenge! Someday... I will find my ways to balance it well! It is too hard for now but my life has been so overprotected.

and puh-leez! I am bot an avid fan of Britney! just loving to reminisce this song!

Tuesday, June 29, 2010

Anton Diva - Ayoko na sana



try to listen this song before you read my notes!

Well... indeed, Anton Diva is one of the best artists that I appreciate most. She is one of the impersonators of Regine Velasquez. I know that she revived the song "Boy" which makes me laugh and remember the inarte reactions of my dearest sis... hahaha!! i will not tell you that story anymore. basta! when i was browsing youtube which my purpose is to learn some American Accents on the net, I tried to browse songs of Anton. I heard this song... which strucks me most. Despite of my busy sked, it's not being a drama queen or something, but, I am just wondering why i was not blessed enough to have someone that I might say, love me! hahaha! honestly, I am super LOL when someone says that I am to picky with guys!

well... As of now, I want to find a boyfriend material but eventually, it ends up with just a plain sex! honestly! It's better to stop the illusions that someday, someone will love me for the rest of my life. I am not living in a world of fairy tales. (ok na sa'kin na minahal ko si E____e!) and, It's better not to take the risks of being of being so melodramatic and OA becuase of F*****n guys.

Two years! hahaha! living in a world without sex life! no boys! no F****n moments... like living like a monk! haha! I know it's unbelievable but try to ask my friends! most especially my GAY friends! haha! Anyway... I must bid adeui to those memories. Maybe time will tell if I'm going to do it again... but not now!

Stop searching with guys for they are messing us! Stop believing that Love is a wonderful thing that you make and loving someone is not just giving out our love and trust to those guys! My dear sisters... i mean Tranny sisters and Gays... try to live your life as normal without having special guy in your life. I don't believe on it. They are just wasting your love, trust, effort and money. Learn how to love yourself as everyone does!

I know I sounded too preachy about this! But my concern is our life as a tranny or a gay does not only revolve in loving guys and ask them to love us! please! stop loving because of these crap! spare me... my dear sister... you are just hurting yourself! stop doing sex because it's trend! haha!

pu-leezzzz!

Thursday, June 17, 2010

For the sake of PUBLICATION

Now I realized… Bickering is not good.

Hindi masama ang magalit. Kung alam mo na nasasaktan ka, walang pumipigil sayo na ipahiwatig ang lahat ng galit na nararamdaman mo. Minsan, di natin namamalayan o intensyon mo talagang magmura o kaya naman lagyan ng maraming kolorete ang mga salita na tatagos sa kaluluwa ng taong kinaiinisan mo. Sapat na ang pakiramdam na nasasaktan din siya. Hindi ka pa nakuntento at binubulyawan mo pa ng sandamakmak na mura at di kaaya-ayang mga pangungusap. Lumalaki ang isyu at lumalaki ang gulo. Marami ng baho ang nailabas.

Kawawa naman ang nabiktima. Pero di lungod sa kaalaman ng iba, siya rin ang tunay na salarin at dahilan ng lahat ng kaguluhang ito.

Ayoko na sanang palalain pa ang isyu. Ayoko na sanang pumatol sa isyu pero ang punto ko lang naman, hindi sa lahat ng panahon, kaya kong manahimik at itago lahat ng hapdi na nararamdaman ko. Matagal na akong nanahimik at alam yan ng lahat. Alam ko sa sarili ko na lagi nalang akong nagpaparaya sa lahat ng mga taong inaapi ang pahkatao ko. Kung ang Mount Pinatubo at Mount Mayon nga, marunong mag-alburuto … ako pa kaya?

Kung ano man ang nasabi ko sa hinayupak ang walang modo… kilala niyo naman kung sino siya, yun lamang ay pawang katotohanan. May karapatan akong magsulat ng constructive criticisms sa blog ko at Malaya naman siyang magsulat ng opinion niya na kung tutuusin, mas bakla pang magreact kesa sa’kin. Baklang Bakla! Tinanngap ko ang comments niya dahil marunong akong tumanggap ng RESPETO sa opinyon. Alam ko na mas may pinag-aralan ako kaysa sa kanya at mas propesyonal. Tanggap ko na hindi ako magaling na manunulat. Tanggap ko rin na kung sa paningin ng iba, isa akong horsey. Tanggap ko na kung mangyurak ng pagkatao ang iba diyan, lahat ng mabubuting bagay na ginawa ko sa mga taong nasa paligid ko, mas may karapatan akong sabihin sa buong pagkatao ko na isa akong mabuting tao kaysa sa kanya. Kung magbibilangan nalang ng mga kaibigan at nagmamahal sa’kin, marami sila. At kung parehas kaming mamamatay at ibuburol sa parehong oras at panahon, mas marami ang iinom ng kape at kakain ng Rebisco sa burol ko. Alam ko sa sarili ko na wala akong tinatapakang tao at yun ang totoo.

Nagsalita na ko. Nagchatbox siya. Nagreact ang iba at sapat na yun. Muli, mananahimik ako para sa kapakanan ng publikasyon. Mas malaki ang respeto ko kay Bhoy kaysa sa kanya. Nangyari na ang nangyari lahat ng sakit ay dumaan na. Nagkapalitan na ng maanghang na salita at dapat itigil na ang lahat ng kaguluhang ito.

Hindi buhay mo ang pinakialaman ko at yun ay paglilinaw ko lang naman. Kung hindi ka marunong tumanaw ng respeto sa kapwa mo, sana, unti-unti mong maunawaan na kung tinuturing mong pamilya ang TN, marunong ka sanang makinig, makiramdam at maging sensitibo. Hindi sa lahat ng panahon, mananahimik ang mga taong bwisit na bwisit sayo. Sana, marunong kang makinig sa nakatatanda sayo. Hindi solusyon ang pagiging Emo sa buhay. Nakakagago yun.
Ako naman ngayon ang tatahimik. Hinding hindi na ako magsasalita. Ito na ang huling pagkakataon at hindi na ito mauulit. Para sa ikabubuti ng publikasyon. Maraming salamat sa former EIC para sa realizations. Do not worry… things will be fine soon…

BTW… speaking on the outside world… Hindi ko na hawak ang desisyon kung ano man anf mangyayari. I will post these messages.

“Yes, you are right David, all the intuitions were true....it's my fault, i wanted to give him the benefit of my doubt...he was like an angel when he applied..it was only when he knew that his articles were really sub standard that he acted like an enemy to the company..maybe he cant just accept that he is not a good writer as he claim he is. His writing is good only for classroom room writing not professional writing..upload his ebook and his sets........it will make you crazy...”

“before we say anything bad against other people..please look at the mirror and see for yourself once again who you are.
talking behind one’s back is pure cowardliness . face the issue don’t run from it and quack like a duck. I am holding my patience…don’t dare me….legally, i can file a case against anyone who says bad things about the company. Treat us right and we will treat you right. Dare me and I will face that dare…in court.”

-Marrie Torrentegui Saycon
CEO MY Virtual Support

Wednesday, June 16, 2010

Realizations...

The damage has been done. Maybe time will tell if things will gonna be fine. In my own point, i know I have flaws, its just freaks me out to state something that is too personal and i blurt things out on the net. i know it is a childish way of bursting your anger, but the fact remains that I have been hurt and the wounds are still fresh. With regards to the company issues, I played a big role on making things more and more complicated. As I’ve said, I know the difference of school and work. I know how to place myself. As of now, give me time to heal all the wounds. I am always ready for reconciliation and I want to clear things up. I hope that these issue will be settled.
Your right Lis… David… Its everyone’s fault!

Ikalawang pasabog...

Humihingi ka ng ikalawang pasabog di ba? at alam ko na inaabangan mo to...

From David Jhules Maceda- Virtual Assistant Head of MY Virtual Support Outsourcing Business

Pasenciya sa grammar issues... if ever... gaapas me ig deadline... hindi ka trabaho para pag-aksayahan ng mahabang panahon!



continuation from Chatbox...

I think that you are perfectly aware of the difference between a private-owned company between a school organization, right? So, why the hell were you telling stuff off about the company when in fact it was clearly stated, as far as i am concerned, during the orientation that anything that might transpire in the company must remain within the company. As an agent, back then, you were not to divulge any information outside the company for the mere fact that the company has certain rules and guidelines to be followed; any violations or any harsh reactions to certain matters must be dealt with the appropriate people. ngayon, sino ang bobo? sino ang mukhang walang pinag-aralan? sino ang dapat bumalik sa grade 1? are you aware that you are liable to be sued for libel for what you have done? although your issue with the company was not exposed to the public, except the The NORSUnian, still, you have divulge confidential matters of which you were not supposed to expose to them?

Regarding your articles, of which i can relate to you stating that you are an aspiring PALANCA AWARDEE, c'mon? do you really think you can make it that far, not to mention having attitude problems and all that? Lisa, as you may have known her for being our--then--VIRTUAL ASSISTANT, ADMIN ASSISTANT, ACTING--NOW, OFFICIAL--EDITOR IN CHIEF, AND WRITER is the Cum Laude of her batch, with now, holding the degree of BACHELOR IN MASS COMMUNICATION does not even have what it takes to be a PALANCA AWARDEE--of which even I, Myself dont aspire because of the mere fact that I know what my Capabilities are and I know where I stand with the skills that I have with me in writing. Please, there must be really something wrong with you. If you want, we can accompany you to Dr. Yasi's office if you want; I think he can help you with your problems, whatever they may be.

With regards to your performance here in the office, My explanation can wait until the right time comes that i can somehow find time to pay a visit to OUR LOVELY OFFICE. thought you should know, I was part of TN before; I was the first who brought the name of the THE NORSUnian and of NORSU as well in this company thus, those who came after me somewhat became a stereotyped image of what NORSU students are. whatever the employee's opinions here in the office might be with regards to those people like you would bounce back to me, given that I was the FIRST EVER NORSUnian writer in this company. So, I think you have the idea of how upset and frustrated I am with how you have acted because clearly, from all the ranting that did, it boomeranged to me because of the fact that we came from the same school, the company had to pull me back down on becoming a trainee because of you of which i think, personally, i didnt deserve; basing from the caliber of writing that we both have, having read your articles and all, i can say i come off a step or two ahead of you.

I am sick and tired of hearing all these rumors about you spreading bullshit around without us knowing; thanks to Bea of course, we found out about it and to tell you honestly, we are all filled with angst towards you right now. Being the only NORSUnian here in the office, I am obliged to talk to you since none of them does not want to see the likeness of you; thus, to end this here for the mean time, I am daring you.

PREPARE ALL THE FUCKING GUTS THAT YOU HAVE GOT AND GIVE ME THE BEST SHOT THAT YOU CAN EVER GIVE ME BECAUSE ONE THING IS FOR CERTAIN, I AM GOING TO TEAR YOU APART, IF ITS THE LAST THING THAT I AM GOING TO DO. YOU DONT HAVE ANY IDEA WHAT I CAN BECOME WHEN I AM REALLY UPSET--of which some of the people in the office are aware of.

God Bless you Always.

Tuesday, June 15, 2010

Unang Pasabog....

Next taym nalang kita papatayin… Humanda ka… Salamat nga pala sa promotion… Huwag kang mangialam sa buhay ng may buhay…- Mr. Ryan Gantalao
I would like to apologize if I kept a piece of luv note (we called it in TN, a simple way of writing your own thoughts… everything that you want to say. You can even use pseudonyms or leave it UNKNOWN) anyway, I DO not have any grudges to react on what he said. Luv notes is merely an opinionated thought of writing and I am gladly respected that.
I have only three reasons why do I have to say something on this note. Honestly, It is getting worst and I am really disappointed and mad. I have only three words with this guy, INSENSITIVE, CHILDISH and worst… exasperating.
My first reason is I do not know what his attitude problem is. Maybe he lacks guidance from his parents and he does not know what the meaning of respect is. Maybe my “pagubot” attitude forced him to underestimate my capabilities especially in MYVS. FIY, Ryan is one of the resigned yet TERNMINATED agents in that office. He filed a resignation letter, I do not know if he made a resignation letter and I do not see it in my desk.
The main gist was, and I think the main reason why he acted like moron, I texted him that he ought to see me because of important matters about MYVS. He replied that he will be leaving in Manjuyod that time for I knew and the Former HR knew that he was strolling in Dumaguete. I texted him ….
“unsa ka presidente? Naa kay Rangko?”
I was really shocked with his libelous texts which some of my friends knew. Even the chiefexecutive officer knew what he texted against the company and in my part.
Honestly… things were not alright. If you were going to ask my opinion, it was only part of my job that I have to contact him for settlement issues and concerns with regards on his PAY and his pending worst articles. It was just the HR who wanted to text him for clarifications.
“ Palibhasa, hindi mo alam ang pagkakaiba ng trabaho sa gagu-gaguhang laro. Sa bagay, hindi mo naman alam ang promotion na nakuha ko sa opisina. Hindi ko rin alam kung dapat ka bang mainggit dahil sa simula’t sapul na nagtrabaho ako sa kompanyang pinag-aksayan mo ng pawis at dugo… ay hindi… pinag-akasayahan mo ng panahong kakaFACEBOOK at pagUNDERTIME, masyado mo ng ikinondena ang abilidad ko. Dapat mong malaman na iba ang mundo sa eskwelahan at TRABAHO. Dapat mong malaman na hindi sa lahat ng panahon, dapat mong pairalin ang pagiging hudas at inggitero. Kung akala mo lang na hindi ako tatagal sa kompanyang ito… dalawang buwan kong minahal ang trabaho ko na dapat sana, ginawa mo”
Second, some of the TN staffers knew that I will not speak for the certain issues on the outside world most especially if I am in the premises of TN office. I am sensitive about that. But the fact is, he is the one who opens the door of disgrace, humiliation and unethical actions in his part.
“ Alam mo na hindi na ako nagsasalita at isa kang masangsang na hangin sa pananaw ko. Alam mo na may natitira pa akong respeto sa iyo at alam ko na hindi ka marunong tumanaw ng respeto sa iba. Marami akong saksi. At kung masayado kang nahuhumaling sa pagkakalat mo na isa isa kang magaling na manunulat, huwag mong antayin na ipakalat ko lahat ng articles mo sa opisina na REJECTED at ang pinagmamalaki mong E-BOOK na masyadong malaswa at walang Code of Etihics. Palibhasa, hindi mo alam ang Ethics sa pagsusulat dahil hindi ka Masscom. “
“sadyang lumaki na ulo mo. Hindi ko alam at hindi ko na dapat malaman pa kung napakanormal na sa iyong sistema ang ganitong pag-uugali o epekto ng TN kaya ka nagkaganyan. Marunong akong lumugar sa mga bagay na dapat kong sabihin at gawin. Alam ko ang kinalalagyan ko at sana, alam mo rin kung saan ka lulugar”
“kung gamitan nalang ng kapangyarihan ang gusto mong ipalabas, mahigit isang taon ka pa lang sa TN. Ni minsan, hindi ko man lang nakita ang sincerity mo sa TN office. Hindi mo nga naransan mag-overnight. Masyado kang pa-importante pag may events at gusto mo, lagi kang napapansin o normal lang talaga na PAPANSIN ka. Kung may pagkain sa TN o may libre, masyadong makapal ang mukha mo at di ka matutong mahiya at mas malala ka pa sa PATAY GUTOM na salita”
“ Hindi na nga ako nagsasalita sa mga atrasong binigay mo sa kompanyang binuwisit mo lang… at sa totoo lang, mas binigyan mo pa ako ng problema. Kung hindi lang dahil sa trabaho, malamang, wala tayong problema kahit ibang tao na lang ang may malaking problema sayo. Pasensiya na pero tinuturing ko lang trabaho ang lahat ng pakikitungo ko sayo kahit sa TN office. Ni minsan, hindi kita tinuring na kaibigan o malapit sa buhay ko. Lahat ng TN staffers ay importante para sa akin at ikaw lang ang bukod tanging hindi ko tinrato ng ganoon. Masyado ka kasing papansin at walang hiya. Gahaman ka at mapanghusga. Lahat nalang ng bagay ginagawa mong kumplikado.”

And my third and valid reason, I consider my friends to leave harsh comments (they knew it is not too argumentable) unlike your comments. Your notes are too vulgar and annoying. I more deserve to block you as my friends. But sad to say, you first block me out. You even blocked my blogger account. How thick is your face. Threatened? Well, I do not have to deal with this issue because I am not like you. My mom raised me with values and ETHICS. I do not know if your mom or dad teaches you the right way. What the shit I care if your parents are separated and you make it as an excuse why are you like that! Well… better inject some valium my dear… maybe you already experienced restlessness.
NGAYON NIYO SABIHIN SA’KIN NA MALI AKO… NA AKO PA ANG LUMALABAS NA KOTRABIDA SA BUHAY NIYA. SA TOTOO LANG, HINDI LANG AKO ANG MAY GALIT KAY RYAN. MARAMI KAMI!
ALAM KO NA HINDI NIYA MABABASA ANG POST NA ITO. WALA AKONG MAGAGAWA. KAYA NGA NAIMBENTO ANG BLOG PARA KAHIT PAPAANO, MAIBSAN ANG GALIT AT HINAING NG ISANG TAO. WALA AKONG PAKIALAM KUNG MAG-MENTION MAN AKO NG NAMES. WEALA AKONG PAKIALAM KUNG MAGKAKAROON NG MALAKING HIDWAAN SA AMING DALAWA. ALAM KO NA MAS EDUKADO AKONG TAO KAYSA SA KANYA.