Tuesday, December 7, 2010


This is really is it…
Mabait talaga ang Diyos sa’kin… bakit? Everything happens for a reason. Ika nga ng mga quotable lines na madalas kong naririnig before. At long last, naging madali sa’kin ang makahanap ng isang desenteng trabaho at wala ng keme-keme… PERA na to! Hahaha
Matagal ko na talagang pinaplano na pumasok sa isangh malaking kompanya at maging costumer service associate… in other words, ang common na trabaho during graveyard shifts, ang call center. Pinlano ko na mag-apply sa convergy’s dahil sa tumatagingting na 20,500 na basic pay, manila rates kasi… ay mali… MAKATI rates nga pala! At kasalukuyang naman akong natanggap sa TELETECH! Hahaha! Pero mas malaki naman ng sahod ikumpara sa Provincial rate sa Dumaguete. Ok na sa’kin yun dahil alam ko naman ang kikitain ko ay sakto naman sa pangangailangan ko at wag ka! Makakaipon pa ako dahil hindi naman ako masyadong obligado na tumulong sa mga expenses sa bahay… haha! Kaya ang first goal ko ngayong pasko ay ang mahiwagang SONY ERICKSON EXPURIA! Hahaha! At long last, magkakatouch screen na rin ako… SOON! Hahaha
Habang nagtratrabaho sa isang malking kompanya, may nag-alok din sa’kin ng isang napabonggang trabaho bilang MUA sa mega magazine… natakot ako nung una dahil hindi naman ako professional MUA. Pero base na rin sa portfolio na sinubmit ko, pasado sa taste nila ang ganu’ng make-up, natawa ako bigla dahil nakahiligan ko lang naman ang maging isang make-up artist at stylist nung nasa Dumaguete ako… ay mali IMAGE STYLIST as what Sweet Lapus stated sa isang pelikula. Dito pala ako mabibigyan ng isang magandang trabaho at susi na rin sa trabahong gusto ko at mapabilang sa world of fashion! Magkaribal ang cocept ng lola mo! Hahaha! So far, scheduled pa ang mga MUA kahit mga small photo shoots lang naman. Balang araw, makakamake-up na rin ako sa Cover shoot nila pero di muna ngayon. Magsimula muna tayo sa maliit na break bago mabigyan ng isang malaking break. I do remember nung sinabi ng isang stylist sa Mega… dati nga si Liz Uy, nagstart lang sa mga small fashion shoots. Ngayon, halos din ha magkaugaga si Liz dahil sa dami ng mga clients niya. Kahit si PNOY nga, nakuha niyang bihisan ng maayos. Yun nga ang sinasabi nila! Kung gusto mo umangat sa buhay, dapat, magsimula ka sa maliliit na bagay muna.
Hindi rin naman ako makakapasaok sa Teletech kung hindi rin ako nagsimula sa isang maliit na kompanya. Doon ko rin nalaman ang importansya ng trabaho bilang isang CSR at Admin Assistant. Hindi rin medali ang maging CSR. Dapat mahalin mo rin ang trabahong ito para may commission ka at incentives na rin.
At least, Masaya ako dahil alam ko na sa bawat araw na puro trabaho at pera ang nasa isip ko, magaan ang loob ko na uuwi ako ng bahay na alam kong nag-aantay sa’kin at paghahanda ako ng pagkain. Pagmamahal na siyang papawi sa stressful day at walang kamatayang kasiyahan sa bahay dahil sa mga ka-lechehang pinanggagagawa ko at isali mo na rin ang kapatid ko! Haha!

1 comment:

  1. wala ng keme keme! GIFT KO!

    Mary Narvasa
    http://narvasamarga.blogspot.com/
    http://imburstingbubbles.blogspot.com
    (signed)

    ReplyDelete