Tuesday, February 9, 2010
Feeylings
Miss ko na ang tumambay sa Rob at magstroll hanggang sa mapagod ang aking mga paa. Miss ko ng tumambay sa intramuros at umupo sa may edge ng wall nito habang nagpapahangin sa mausok at mapolusyon na kaMaynilaan. Miss ko ng sumakay ng jeep, taxi at FX. Miss ko ng gumimick ng magdamagan hanggang makita si SUNSHINE Cruz na todo project na sa kalye. Miss ko ng maglakad sa MASUKAL na lugar nila Fifi. Miss ko na ang mga bleachers sa TONE . Miss ko na ang barkada na walang pakundangan kundi uminom at hanggang sa macholic. Miss ko na ang lahat ng ginagawa kong ka-echusan sa hometown ko... ngayon ko lang nafeel.
hindi naman sa nag-eemote ako pero nakakamiss talaga ang lahat ng routine na ginagawa ko pag umuuwi ako ng Maynila. Iba kasi ang mundo ko pag andun ako. kung feeling ko, easy-go-lucky lang ako sa buhay ko dito sa City of Gentle People, eh mas nafefeel ko na parang bakasyonista lang ang inaatupag ko pag andun naman ako sa kinalakihan kong lugar. mahirap i-explain in fairness pero yun talaga ang nararandaman ko.
mahilig talaga akong tumambay sa isang lugar at uminom ng kape o di kaya softdrinks sa isang coffee shop o kaya naman sa isang burger stand. wala lang! yun lang kasi yung moment ko na magrelax at i-aliw ang sarili ko sa mga nakikitang bagay sa paligid nito o di kaya mag daydream o di kaya mag-isip ng mga kakaibang bagay na gusto ko lang isipin... weird ba? di ako ako baliw pero ganun lang talaga ang takbo ng aking Nervous System.
Minsan nga, yung tipong bored na bored ka at wala ka ng maisip, sumasagi sa utak ko na ano kaya ang feeling pag namatay ka na? Natanong ko yan sa isang kaibigan na gago rin ang pag-iisip. sabi niya, Natural, wala ka ng feeling dahil patay ka na nga! sabay hirit ng pinakacommon na expression na HALLER! O nag naman. kahit may sayad ang utak ng taong natanong ko, may point naman siya di ba?
madalas kong sabihin sa sarili ko na sana pinanganak nalang ako na may kapangyarihang maging manhid at walang emosyon. lahat ng nabubuhay sa mundong ito ay may pakiramdam. sana, wala nalang akong ganun. pero pano ko malalaman na masarap palang mabuhay kung di ko maramdaman ang bawat masasaya, mahahapdi at on-the-spot emotions na nagyayari sa buhay ko kung di ko naman ito mararamdaman? di ba?
ganoon lang kasimple. kaya tayo may pakiramdam para malaman natin ang kahulugan ng buhay. kaya tayo nag-iisip para malaman natin kung tama ba ang ginagawa natin o mali at kaya tayo nakakaramdam ng kasiyahan at kalungkutan para alam natin ang katotohanan na sa bawat sulok ng ating ginagalawan, may mga tao palang magbibigay sayo ng pakiramdam na ganito.
Happy Valentines sa lahat! (FAR-OUT? la lang! Duguan mode ako ngayon)
Sunday, January 10, 2010
Retoke para ikakabuti ng mga "Pagirl"
sa mga oras na 'to, blanko ang utak ko! haizt... pagod ata sa biyahe...
wala akong maisip na topic kung ano ba ang ipopost ko ngayong araw na to. ayoko din naman magdrama dahil sa totoo lang, masaya naman ako ngayon at wala namang bumibuwisit sa'kin. haayyy, kung totoo lang talaga ang genie at kung anu-anong bagay na pwede daw matupad yung mga pangarap mo sa buhay... isa na ako sa nag-bid at pumunta sa mga subastahan all over the Pinas.
-Mahal ang Collagen-
-mahal ang chin Augmentation-
-mahal magpaRhinoplasty-
mga bagay na laging naka'pop-up' sa isip ko ngayon at kung tutuusin, talagang mahal magparetoke ng katawan nowadays. bakit ko nga ba sinasabi sa post na ito ang mga bagay bagay tungkol sa pagpaparetoke? gusto mo malaman? sige! pagbibigyan kita!
Ang pagpaparetoke ay isang siyensya (o nga naman!). marami na akong nakilalang mga bading na retokada ang hips, ilong, chin, cheeks, boobs pati na rin ang itmiguels at ninotchka ay pinutol na nila at wala ng bahid ng Adan sa kanilang katawan. Ang nakakatawa pa nga, sari-saring mga kuwentong kabaklaan ang narinig ko na at natawa talaga ako ng sobra.
Tulad nalang ng kuwento ni Rian Barrameda, isang transexual na nanalo sa Amazing Gay Philippines, isang prestigious na pageant sa Maynila na pwedeng kabogin ang Queen of the FarEast sa F.E.U. minsan na siyang nagkuwento tungkol sa buhay niya. Kung pwede lang isuka at tanggalin ang esophagus habang nagkwekwento siya, ginawa ko na!
Hindi lang si Rian ang nagsabi na isang mahirap na proseso ang pagpaparetoke ng katawan. Kalaban mo ang sakit at hapdi na sa bawat turok at tahi, madalas ng sabihin ng mga nagpaparetoke na "TIIS GANDA TOH!". nagtitiis sa bawat dugong nakikita nilang tumatalsik, patuloy na umaagos na para bang Amazon river lang, sa bawat pulang likidong nagmamantsa sa tinatawag nating "Deathbed", para ka na ring nagpatanggal ng lalamunan tapos papalitan naman ito ng gawa sa ginto bandang huli (gets mo?).
kagabi, habang umiinom ng kape at nakikitulog muna sa kaibigan ko sa Cebu, napanood ko ang interview ni Rica Paras, isang Transpinay, Exhousemate ng PBB. In fairness, lahat ng opinyon niya sa interview with Boy Abunda, lahat ng sinabi niya ay puro malaman. nagpaparetoke ang mga bakla dahil na rin sa kagustuhan nilang maging ganap na babae at isang malaking Kevs ang gastos basta nakasalalay ang kaligayahan ng mga bading! gow!
eh kahit naman retokada ka na... maganda ka nga! mukha ka ng babae sa paningin ng mapanuring mundo, hindi pa rin maaalis ang panibagong problema na dapat harapin ngm mga retokadang bakla. at yun ay ang PAPELES, DOKYUMENTS at ilang personal data sheets na nagsasaad ng tunay na pagkatao mo. OO nga naman... maganda ka sa paningin ng iba pero pag naungkat ang ppaers mo at nalamang MALE ang nakalagay sa birth certificate mo, yuna ay isang malaking CHISMIS.
nagulat ako sa isang balita na na-carryover (may term na ganun! ako pa!) ng Ladlad partylist ang problema nila sa sa COMELEC. hindi rin ako sure sa balitang narinig ko pero parang ganun na nga. mabuti naman kung ganun. mali ang sinasabi nila na ang mga miyembro daw ng Third sex ay di na kailangan ng puwesto sa gobyerno dahil sa term nila na MAGINALIZED na daw ang mga ito. ang ibig sabihin ay mostly sa mga bading, edukado at may propesyon, may marangal na trabaho (hindi nila alam na may mga prosting bading... marangal ba yun?, may kaya naman sa buhay at hindi naman naghihirap ng todo-todo. at may sinabi pa ang COMELEC na immoral ang mga bakla.
tsk.tsk.tsk. yan lamang ay isa sa mga problema sa tao kaya napipilitang magparetoke ang ilan sa mga bading natin sa Pinas. tandang tanda ko pa ang kwento ni Rian na may isa siyang costumer sa Japan na isang miyembro ng YAkuza. Nung mga panahong iyon, si pa siya nagpapasex change. dahil sa kagustuhan ng Hapon na may mangyari sa kanila, napilitan si Rian na maglaslas o magsugat sa katawan gamit ang blade at ilublob ito sa bowl at ipakita sa Hapon ang dugo sa Bowl at sabay Bingka na may regla siya kaya hindi pwede ang Sex.
anong connect? sadyang makipot pa rin ang mundo pagdating sa mga bakla. bukod sa diskriminasyon, kahit magparetoke ka na at nagtagumpay sa pagiging girl physically, marami pang problema ang dapt mong solusyunan sa sarili mong paraan. marami sa mga kakikalala ko ay nagparetoke na at ang hamon sa akin ngayon ay kung susundi ko ba ang yapak nila para patuloy kong mahalin ang aking pagkatao.
my answer is... OO! Game ako na magparetoke para naman sa ikabubuti ng aking sarili at maibsan ang diskriminasyong nararandaman ko sa lipunan. hindi ako magpaparetoke dahil sa ginusto ng iba. gagawin ko to para sa sarili kong kapakanan at maihampas o masampal sa mga taong nag-aalipusta sa pagkatao ko na kaya kong baguhin ang takbo ng buhay ko at sisimulan kong sabihin na hindi kayo ang hadlang para maangkin ko ang kagandahan tinatamasa ko pa noong bata pa ako!
Wednesday, January 6, 2010
Bagong taon... Bagong buhay?

alam kong far-out ang pic! PAKIALAM!
Tik tok, tik tok... kriiiinggg!
tunog ng alarm clock sa cellphone kong color pink at nagsusumigaw ang ringtone dahil New Year na daw!
Bagong damit, Bagong reborn ang buhok, bagong manicure at may bagong Bottega Venetta na bag na iniendorse ni Nicole Kidman sa Hollywood. lahat bago pero kung susumahin naman lahat, wala pa ring pinagbago ang ugali kong late magising at may sariling oras, laging namomroblema sa umaga kahit wala namang dapat problemahin at lagi nalang naghihimutok ng walang dahilan. oo nga naman, tama ang kasabihan na "Bihisan mo man ang matsing, matsing pa rin (actually, quote quotan ko lang yan! alam mo naman ako dakilang mugnaera)".
maraming bagay sa mundo ang dapat baguhin at kung pwede balikan ang lahat ng pagkakamali mo sa buhay, malamang, isa na ako sa mga taong pumipila sa warp door o portal ng nakaraan at magpapareserve pa ako ng ticket for seven day tour. hindi ko na mabilang sa kamay at daliri ko at kahit buhol-buholin ko pa ang aking balun-balunan, hindi ko na rin maalala yung mga pagkakamaling nagawa ko quesehodang sinadyang gawin o di ko naman namalayan na mali pala yun... KEVS.
ngunit sa bawat pagkakamali... naniniwala naman ako na may "the other way around". kung anong dami ng pagkakamaling nagawa ko, siya rin namang dami ng magagandang alaala na dapat itreasure. marami din naman ako napaligayang nilalang na kulang nalang, magtayo ako ng comedy bar sa bahay namin dahil sa kakalogang ginagawa ko sa buhay. haizt! parang tingin lang sa'kin... walking clown! pabiro pa nga nilang sinasabi na ako daw si Mcdonalds dahil nagpapaligaya daw ako ng tao pero hidi naman talaga maalis ang katotohanang maputi ang mukha ni Mcdonalds at kung anong puti ng pagmumukha nito ay siyang puti rin naman ng foundation na nilalagay ko sa mukha tuwing umaga (para daw fresh).
tapos na 2009 at kung ano mang nangyaring Katarantudahan, Kagilagilalas, kaputahan, kaengratahan, KACHEAPAN, Kahayukan, Kaakit-akit, Kahali-halina, at KaHAYUPan sa buhay, yun ay nagsilbing inspirasyon sa loob ko na patuloy ko pang mahalin at tangkilikin ang sarili kong kakayahan at kagandahan. Ngayon, mas mahal ko na ang sarili ko dahil ipagmamalaki kong sabihin sa lahat na marunong na akong mag-adjust sa mundong malapit na daw magunaw at marunong na akong MAGLUTO! haha!!
basta! para sa bayan, para sa lahat! isang bonggang bonggang manigong bagong taon!
Tuesday, December 29, 2009
I thought Can thought
PS:minsan lang ako mag-emote ng bonggang-bongga. Pagbigyan.
Napakaironic kung tutuusin. Pakiramdam ko, Masaya ako na nakikita ko silang magkasama, halos sa kanila nalang ang mundo at parang wala ng hadlang sa pag-iibigan nilang dalawa. Ngunit sa bawat kurap ng aking mga mata na habang nakikita ko silang Masaya, hapdi at sakit ang nararamdaman ko na para bang tinik na gusto kong tanggalin sa harapan nila. Nakabaon ang tinik na ito sa lalamunang duguan at kahit anong hugot ko, di ko kayang ipakita sa kanila na masakit at dumurugo ito.
Ngayon, naniniwala na ako sa kantang “MALING AKALA” ng Brownian Revival. Sabihin na nating naglalaro ang isip ko sa puro “akala” at patuloy akong nagsisinungaling na sa bawat pangungusap na may kaakibat na akala, yun lamang ay isang “hypothesis” at maaaring magbago. Ngnit ito pala ay pawang kahibangan. Kung akala mo, Tuwang-tuwa ka at pinipilit mo sa sarili mo na ito’y isang party, sa loob mo naman, para kang pinaliguan ng mainit na tubig at kulang nalang, sumigaw ka sa sakit.
Kahit anong pilit na kalimutan ang lahat at mabuhay ng maayos, di ko pa rin lubos maunawaan kung bakit patuloy pa rin akong nasasaktan na wala naman akong karapatang maramdaman ito. Kahit anong pilit kong tumakas sa nakaraan na dulot ay pasakit at hinanakit, patuloy din itong bumabalik ngayon at kahit ako, di ko na rin maintindihan ang lahat. Nung isang araw, hindi ko maintindihan kung bakit ako napapahiyaw sa sakit. Hindi ko alam...
Ayokong mangako sa sarili na habang nanunuot ang hapdi sa puso ko, hindi ko iisipin na ito ay isang akala nalang. Ang problema kasi, tinatakasan ko kaagad ang mga ganitong problema at kung babalik man ang taong nasa paligid nito, di ko na kinakayang humarap na maging totoo ang pinapakita kong personalidad.
“I should say, face the consequences that’s what you want di ba?” Sabi ng isang kaibigan habang nag-iinuman sa Pier1
“Love is one stupidity, it will control you or you are the who will control it” text ng isang kaibigan habang nadivert ang pag-uusap dahil sa mga spam messages.
Tama nga naman... pero panahon nalang talaga ang makakapagsabi... panahon nalang ang maghihilom nito...
Pasenciya na kung nalagay ko ang post na ito sa chronicles of bea... anyway... hindi siya funny... sori na gud....
Sunday, December 27, 2009
advance new year post
gusto ko sanang magstorytelling ng bonggang bongga pero actually, naiilang ako na habang nagpopost ka ng ganitong comment, may nagbabasa sa likod mo na para bang nagtitiktik at di ba? hindi ka mailang? anyway, its my dearest couzin...
first time kong magpost sa blog na ito na gamit ang isang laptop. sa totoo lang, hindi ako sanay magtype sa flat na keyboard at ang nakakainis, laging lumalagpas yung mga daliri ko sa letters... haizt...
ako ang tipo ng taong magsabi man ng new year's resolution, hindi ko naman talaga nasusunod. tulad nalang ng time management. pwamis! pag sinabi mong 7, talagang darating ako ng 9! ewan ko rin ba na kahit pilit konh magmadali, lagi pa rin akong late.
ako rin ang tipo ng taong mahilig magdrama ng walang dahilan. ewan ko rin kung bakit. pag may nakikita akong mga bagay na may kinalaman sa nakaraan, tulad nalang ng mga kantang out of nowhere, bigla kong maririnig, ang unanag lumalabas talaga sa bibig ko ay... "OMG", mga kaparehas ng shirt ni emphee o kaya naman mga bagay bagay na natatandaan ko tuwing may nangyayaring kadramahan sa buhay ko gaya ng sandok, bato, balot ng cloud9 and the like, bigla nalang akong matatahimik at mag-eemote ng biglaan, in other words, emote on the spot!
kahit anong pigil kong tumigil sa yosi, hindi ko rin magawa. ewan ko rin kung bakit. madalas ko na ngang sinasabi sa sarili ko na may karapatan ka ng tumigil sa bisyong ito dahil sobrang baba na ng aking RBC pero ang lagi kong sinasabi sa sarili ko, DEDMA NA!. pero I'm so proud dahil di nako nakakaubos ng ten cigars dahil 5 sticks a day nalang ang drama (kung walang inuman).
maldita ako, pero pagdating sa mga mahal ko sa buhay, hindi ako marunong magalit. ewan ko rin kung bakit. kahit alam ko naman na may mga pagkakataon na nararamdamang kong nasasaktan ako sa mga pinanggagawa nila, hindi ko pa rin matutong magalit.
yan ay ilan lamang sa mga ugali ko na kahit pilit kong baguhin, hindi ko talaga magawa. siguro, hindi naman masama kung panahon nalang ang makakapagsabi na mawawala rin yang mga pag-uugali kong iyan, sana nga lang, pero ganyan talaga ang tunay na pagkatao ni BEA o ni JHE.
sa mga may new year's resolution eklavu dyan... mga echosera kayo. mas mabuti pang magsulat kayo ng new years reso ninyo sa papel at itago iyan sa maliit na banga. tapos paanurin nyo sa dagat o kaya naman sa ilog. pag bumalik sa inyo ang bangang iyan within 2 years, talagang dun na ako maniniwala na kapag nagsabi ka ng new year's reso, iyon ay mababago mo within that year (Yun lamang ay pananaw ko).
Saturday, December 19, 2009
Thank U
oo nga naman, kapag tumatanda ang isang tao, doon na talaga papasok ang maturity at the same time, sensible ka na sa paligid mo. Bago dumating ang 22nd year na Christmas celebration sa buhay ko, i will take this opportunity to thank those people na kahit papaano, naging dahilan ng pagbabagi ko physically and emotionally.
mama- thank you sa understanding and of course, walang sawang suporta sa buhay ko. darating ang panahon na magiging ganap na akong babae pero wala kang comment. basta gow ka lang ng gow! alam mo naman ang anak mo, mana sayo! lagalag! kaya di ko makakalimutan ang sinabi mo sa akin na ok lang na di ka magpaalam kung saang lupalop ka ng Pilipinas nilagay ng Diyos basta hindi kang uuwi ng bangkay sa bahay! thanx mom!
my brother- marami kaming kagaguhan sa buhay na kami lang dalawa ang nakakaalam. basta thank you for giving me a reason to smile ang to laugh at kahit yung mga taong bumabahing lang naman, pinagtatawanan pa natin!
Bes, Fifi, Ryan, Mhey- thank you sa pangarap natin na maging girl someday (except kay Mhey na nagbago na ng landas) thank you for the understanding na halos lahat naman ng nakakakilala sa akin, laging naiimbeyrna sa pagiging LATE ko palagi at hindi PUNCTUAL. alam nyo naman ako, maraming kaartehan sa buhay at naappreciate ko na lagi nyo na lang akong pinagbibigyan sa lahat ng panlalait at kasamaan na ginagawa ko.
Chryss, Aimi, Rags, Malou, Bebe. Lianne, Shelai- thank you sa kasamaan! thank you na kayo ang nagturo sa'kin kung papano maging strong lalong lalo na nung mga panahong inaapi ako ni Rich-ann! hehe! basta thank you na ginawa nyo akong demonyo sa paningin ninyo! at least! basta thank you sa happenings at moments na feeling ko, importante talaga ako sa inyo.
Borge, Patchot, Paolo A., Manage, Ramel, Eric (wala na ba akong nakalimutan)- thank you sa pagtututro nyo sakin na maglasing at magyosi! thank you sa mga kagaguhan na pinanggagawa natin na parng wala ng bukas. thank you sa pag-uunderstand ng mga pag-iinarte ko at minsan pagiging tactless!
Saint Francis of Assisi batch 2004 (SFA) sa Tone- thank you na naging ate at kuya kami ni Emphee sa paningin ninyo in a sense na lagi nyo na lang pinapasa ang lahat ng responsibilidad sa samin at hindi kayo kikilos ng wala kami. Thank you rin sa pagtuturo nyo sa akin kung papano magluto at ilagay sa lugar ang kalandian at kakemehan.
to my Archi classmates- thank you sa pagtuturo nyo sa akin kung papano mag-isip ng concepts dahil totally, naapply ko siya everyday. thank you na tinuruan nyo akong magdrawing although di naman ako ganun kagaling, pero nakayanan ko ang powers na magdraw ng bonggang-bongga!
To my burger delights friends- ang official tambayan natin... sa Burger delights! thank you sa pagtuturo nyo akain na magkaroon naman ng time sa friends natin out of the blue! thank you sa pagrerealize sa akin na kapag pokpok ka, panindigan mo nalang, kapag maldita ka, stay the same at kung may utang ka sa Avon, Natasha at Fuller life ni Te Jo, dapat bayaran mo kaagad!
To my MC family- thank you guys... thank you na kayo ang nagturo sakin kung pano magsulat ng news article (anim na news articles) in one day. Thank you din sa understanding na kapag wala akong facts, kayo ang nagproprovide at kayo ang nag"hone" ng isang hidden talent ko na maging charotera o mega"bingka" na kulang nalang, bumula ng maraming bubbles na galing sa sabong Surf!
To my TN staffers- the best! thank you na natuto akong magblog! thank you dahil kayo ang naging dahilan kung bakit minahal ko pa ang sarili ko kesa before! thank you na kayo ang nag-open ng doors na maabot ko ang pangarap ko kahit konti lang naman. thank you for the experiences na halos everyday, aaminin ko na hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko kayo nakikita!
kung may nakalimutan ako, pasenciya! pagod lang siguro ako! basta thank you sa lahat!
MERI XMAS!
Wednesday, December 16, 2009
Paskuhang Pausukan...
Ayokong mag-emote sa post na ito at ayoko rin naman ilagay to sa kabila kong blog dahil gustuhin ko mang maging seryoso ang topic, hinihila talaga ako ng aking mga daliri na magtype ng kagaguhan at walang kakwentakwentang mga words na in fairness, it helps me to relieve my stress.
Kahit ako, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako ganun kasaya. Gustuhin ko mang lunukin lahat ng Happy Toothpaste namin sa bahay, hindi ko rin magawa. Haist!
kung aalahanin ko nung mga nakaraang Pasko, halos ok naman ang flow at energy ng aking vibrations within myself... in short, masaya naman ako dahil yearly ako umuuwi ng Maynila, nakikita at nahahagkan ang aking mudra, Bro at ang aking mga Superfriends at nakakagimmik pa nga ako ng todo-todo at nagagawa ko namang libutin ang Rob na ako lang mag-isa! Hobby ko kasi yun kahit hindi Pasko.
Pero di ko kayang magkinwari na masaya ako ngayon dahil sa totoo lang, alam mo yung feeling na para kang tinalian ng isang superduperlaki na bato sa likod mo tapos gustuhin mo mang lumakad ng tuwid, hindi mo talaga magawa. yoko talaga mag-emote! (para akong timang noh?)
yoko na sabihin kung ano ba ang dahilan kung bakit ganito ang aking feeling dahil lam mo kung bakit?
Uulitin ko na kahit ako, di ko rin maintindihan at maexpress kung bakit...
Sana nga lang, maenjoy ko ang Paskong ito at yokong makaramdam ng pangungulila o kaya naman pag-aalinlangan. yoko talaga mag-emote!
pasenciya kung nosebleeding!
just cant hide it!


