Tuesday, December 29, 2009

I thought Can thought


PS:minsan lang ako mag-emote ng bonggang-bongga. Pagbigyan.

Napakaironic kung tutuusin. Pakiramdam ko, Masaya ako na nakikita ko silang magkasama, halos sa kanila nalang ang mundo at parang wala ng hadlang sa pag-iibigan nilang dalawa. Ngunit sa bawat kurap ng aking mga mata na habang nakikita ko silang Masaya, hapdi at sakit ang nararamdaman ko na para bang tinik na gusto kong tanggalin sa harapan nila. Nakabaon ang tinik na ito sa lalamunang duguan at kahit anong hugot ko, di ko kayang ipakita sa kanila na masakit at dumurugo ito.

Ngayon, naniniwala na ako sa kantang “MALING AKALA” ng Brownian Revival. Sabihin na nating naglalaro ang isip ko sa puro “akala” at patuloy akong nagsisinungaling na sa bawat pangungusap na may kaakibat na akala, yun lamang ay isang “hypothesis” at maaaring magbago. Ngnit ito pala ay pawang kahibangan. Kung akala mo, Tuwang-tuwa ka at pinipilit mo sa sarili mo na ito’y isang party, sa loob mo naman, para kang pinaliguan ng mainit na tubig at kulang nalang, sumigaw ka sa sakit.

Kahit anong pilit na kalimutan ang lahat at mabuhay ng maayos, di ko pa rin lubos maunawaan kung bakit patuloy pa rin akong nasasaktan na wala naman akong karapatang maramdaman ito. Kahit anong pilit kong tumakas sa nakaraan na dulot ay pasakit at hinanakit, patuloy din itong bumabalik ngayon at kahit ako, di ko na rin maintindihan ang lahat. Nung isang araw, hindi ko maintindihan kung bakit ako napapahiyaw sa sakit. Hindi ko alam...

Ayokong mangako sa sarili na habang nanunuot ang hapdi sa puso ko, hindi ko iisipin na ito ay isang akala nalang. Ang problema kasi, tinatakasan ko kaagad ang mga ganitong problema at kung babalik man ang taong nasa paligid nito, di ko na kinakayang humarap na maging totoo ang pinapakita kong personalidad.

I should say, face the consequences that’s what you want di ba?” Sabi ng isang kaibigan habang nag-iinuman sa Pier1

Love is one stupidity, it will control you or you are the who will control it” text ng isang kaibigan habang nadivert ang pag-uusap dahil sa mga spam messages.

Tama nga naman... pero panahon nalang talaga ang makakapagsabi... panahon nalang ang maghihilom nito...

Pasenciya na kung nalagay ko ang post na ito sa chronicles of bea... anyway... hindi siya funny... sori na gud....



Sunday, December 27, 2009

advance new year post

ilang araw nalang at new year na!!! sa totoo lang, di ko pa rin feel ang new year dahil sa sobrang daming activities within 2009. ang nakakaloka nga lang, lahat ng mga nangyari ay di naman naayon sa takbo ng buhay ko at bigla nalang nangyayari accidentally at hindi talaga sinasadya.

gusto ko sanang magstorytelling ng bonggang bongga pero actually, naiilang ako na habang nagpopost ka ng ganitong comment, may nagbabasa sa likod mo na para bang nagtitiktik at di ba? hindi ka mailang? anyway, its my dearest couzin...

first time kong magpost sa blog na ito na gamit ang isang laptop. sa totoo lang, hindi ako sanay magtype sa flat na keyboard at ang nakakainis, laging lumalagpas yung mga daliri ko sa letters... haizt...

ako ang tipo ng taong magsabi man ng new year's resolution, hindi ko naman talaga nasusunod. tulad nalang ng time management. pwamis! pag sinabi mong 7, talagang darating ako ng 9! ewan ko rin ba na kahit pilit konh magmadali, lagi pa rin akong late.

ako rin ang tipo ng taong mahilig magdrama ng walang dahilan. ewan ko rin kung bakit. pag may nakikita akong mga bagay na may kinalaman sa nakaraan, tulad nalang ng mga kantang out of nowhere, bigla kong maririnig, ang unanag lumalabas talaga sa bibig ko ay... "OMG", mga kaparehas ng shirt ni emphee o kaya naman mga bagay bagay na natatandaan ko tuwing may nangyayaring kadramahan sa buhay ko gaya ng sandok, bato, balot ng cloud9 and the like, bigla nalang akong matatahimik at mag-eemote ng biglaan, in other words, emote on the spot!

kahit anong pigil kong tumigil sa yosi, hindi ko rin magawa. ewan ko rin kung bakit. madalas ko na ngang sinasabi sa sarili ko na may karapatan ka ng tumigil sa bisyong ito dahil sobrang baba na ng aking RBC pero ang lagi kong sinasabi sa sarili ko, DEDMA NA!. pero I'm so proud dahil di nako nakakaubos ng ten cigars dahil 5 sticks a day nalang ang drama (kung walang inuman).

maldita ako, pero pagdating sa mga mahal ko sa buhay, hindi ako marunong magalit. ewan ko rin kung bakit. kahit alam ko naman na may mga pagkakataon na nararamdamang kong nasasaktan ako sa mga pinanggagawa nila, hindi ko pa rin matutong magalit.

yan ay ilan lamang sa mga ugali ko na kahit pilit kong baguhin, hindi ko talaga magawa. siguro, hindi naman masama kung panahon nalang ang makakapagsabi na mawawala rin yang mga pag-uugali kong iyan, sana nga lang, pero ganyan talaga ang tunay na pagkatao ni BEA o ni JHE.

sa mga may new year's resolution eklavu dyan... mga echosera kayo. mas mabuti pang magsulat kayo ng new years reso ninyo sa papel at itago iyan sa maliit na banga. tapos paanurin nyo sa dagat o kaya naman sa ilog. pag bumalik sa inyo ang bangang iyan within 2 years, talagang dun na ako maniniwala na kapag nagsabi ka ng new year's reso, iyon ay mababago mo within that year (Yun lamang ay pananaw ko).

Saturday, December 19, 2009

Thank U

which means to say na marami na talaga akong changes sa buhay ko.

oo nga naman, kapag tumatanda ang isang tao, doon na talaga papasok ang maturity at the same time, sensible ka na sa paligid mo. Bago dumating ang 22nd year na Christmas celebration sa buhay ko, i will take this opportunity to thank those people na kahit papaano, naging dahilan ng pagbabagi ko physically and emotionally.

mama- thank you sa understanding and of course, walang sawang suporta sa buhay ko. darating ang panahon na magiging ganap na akong babae pero wala kang comment. basta gow ka lang ng gow! alam mo naman ang anak mo, mana sayo! lagalag! kaya di ko makakalimutan ang sinabi mo sa akin na ok lang na di ka magpaalam kung saang lupalop ka ng Pilipinas nilagay ng Diyos basta hindi kang uuwi ng bangkay sa bahay! thanx mom!

my brother- marami kaming kagaguhan sa buhay na kami lang dalawa ang nakakaalam. basta thank you for giving me a reason to smile ang to laugh at kahit yung mga taong bumabahing lang naman, pinagtatawanan pa natin!

Bes, Fifi, Ryan, Mhey- thank you sa pangarap natin na maging girl someday (except kay Mhey na nagbago na ng landas) thank you for the understanding na halos lahat naman ng nakakakilala sa akin, laging naiimbeyrna sa pagiging LATE ko palagi at hindi PUNCTUAL. alam nyo naman ako, maraming kaartehan sa buhay at naappreciate ko na lagi nyo na lang akong pinagbibigyan sa lahat ng panlalait at kasamaan na ginagawa ko.

Chryss, Aimi, Rags, Malou, Bebe. Lianne, Shelai- thank you sa kasamaan! thank you na kayo ang nagturo sa'kin kung papano maging strong lalong lalo na nung mga panahong inaapi ako ni Rich-ann! hehe! basta thank you na ginawa nyo akong demonyo sa paningin ninyo! at least! basta thank you sa happenings at moments na feeling ko, importante talaga ako sa inyo.

Borge, Patchot, Paolo A., Manage, Ramel, Eric (wala na ba akong nakalimutan)- thank you sa pagtututro nyo sakin na maglasing at magyosi! thank you sa mga kagaguhan na pinanggagawa natin na parng wala ng bukas. thank you sa pag-uunderstand ng mga pag-iinarte ko at minsan pagiging tactless!

Saint Francis of Assisi batch 2004 (SFA) sa Tone- thank you na naging ate at kuya kami ni Emphee sa paningin ninyo in a sense na lagi nyo na lang pinapasa ang lahat ng responsibilidad sa samin at hindi kayo kikilos ng wala kami. Thank you rin sa pagtuturo nyo sa akin kung papano magluto at ilagay sa lugar ang kalandian at kakemehan.

to my Archi classmates- thank you sa pagtuturo nyo sa akin kung papano mag-isip ng concepts dahil totally, naapply ko siya everyday. thank you na tinuruan nyo akong magdrawing although di naman ako ganun kagaling, pero nakayanan ko ang powers na magdraw ng bonggang-bongga!

To my burger delights friends- ang official tambayan natin... sa Burger delights! thank you sa pagtuturo nyo akain na magkaroon naman ng time sa friends natin out of the blue! thank you sa pagrerealize sa akin na kapag pokpok ka, panindigan mo nalang, kapag maldita ka, stay the same at kung may utang ka sa Avon, Natasha at Fuller life ni Te Jo, dapat bayaran mo kaagad!

To my MC family- thank you guys... thank you na kayo ang nagturo sakin kung pano magsulat ng news article (anim na news articles) in one day. Thank you din sa understanding na kapag wala akong facts, kayo ang nagproprovide at kayo ang nag"hone" ng isang hidden talent ko na maging charotera o mega"bingka" na kulang nalang, bumula ng maraming bubbles na galing sa sabong Surf!

To my TN staffers- the best! thank you na natuto akong magblog! thank you dahil kayo ang naging dahilan kung bakit minahal ko pa ang sarili ko kesa before! thank you na kayo ang nag-open ng doors na maabot ko ang pangarap ko kahit konti lang naman. thank you for the experiences na halos everyday, aaminin ko na hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko kayo nakikita!

kung may nakalimutan ako, pasenciya! pagod lang siguro ako! basta thank you sa lahat!
MERI XMAS!

Wednesday, December 16, 2009

Paskuhang Pausukan...

First time kong magpopost ng Xmas topic at sa totoo lang, december 16 na kasi at 9 days nalang, Pasko na. Hindi ko alam kung bakit hindi ako happy ngayong Christmas at kung tuwing Holiday Season naman eh makikita sa pagmumukha ko na hppy ako at maguguhit mo pa ang isang exagg na smiley baga within my cheeks... alam mo yung feeling na megabanat ang cheeks mo kakasmile? pero ngayong Holiday Season, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako ganoon kasaya.

Ayokong mag-emote sa post na ito at ayoko rin naman ilagay to sa kabila kong blog dahil gustuhin ko mang maging seryoso ang topic, hinihila talaga ako ng aking mga daliri na magtype ng kagaguhan at walang kakwentakwentang mga words na in fairness, it helps me to relieve my stress.

Kahit ako, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako ganun kasaya. Gustuhin ko mang lunukin lahat ng Happy Toothpaste namin sa bahay, hindi ko rin magawa. Haist!

kung aalahanin ko nung mga nakaraang Pasko, halos ok naman ang flow at energy ng aking vibrations within myself... in short, masaya naman ako dahil yearly ako umuuwi ng Maynila, nakikita at nahahagkan ang aking mudra, Bro at ang aking mga Superfriends at nakakagimmik pa nga ako ng todo-todo at nagagawa ko namang libutin ang Rob na ako lang mag-isa! Hobby ko kasi yun kahit hindi Pasko.

Pero di ko kayang magkinwari na masaya ako ngayon dahil sa totoo lang, alam mo yung feeling na para kang tinalian ng isang superduperlaki na bato sa likod mo tapos gustuhin mo mang lumakad ng tuwid, hindi mo talaga magawa. yoko talaga mag-emote! (para akong timang noh?)
yoko na sabihin kung ano ba ang dahilan kung bakit ganito ang aking feeling dahil lam mo kung bakit?

Uulitin ko na kahit ako, di ko rin maintindihan at maexpress kung bakit...
Sana nga lang, maenjoy ko ang Paskong ito at yokong makaramdam ng pangungulila o kaya naman pag-aalinlangan. yoko talaga mag-emote!
pasenciya kung nosebleeding!
just cant hide it!

Sunday, December 13, 2009

twenty ow- ten

Actually, hindi sa akin nanggaling ang word na 20010! galing po yan kay Richmond Maquiling, Vice Governor sa College of Arts and Sciences ng aming University at nasabi nya yo habang tinatanong ang isang contestant sa naganap na Mr. and Ms. Boothstock nung Founders Day.
"Since 20010 elections is coming... blah blah blah"
at yun na yun...

hindi ko na kailangang ikwento ng todo-todo kung bakit nga ba lumabas sa bunganga ni Richmond ang 20010 na year at hindi ko na kailangan iexplain ng megabongga at hindi rin naman ito ang main topic sa post na ito.

hindi ko pa napapanood ang movie na 2012 (anong connect sa 2010? kevs!) at actually, mas interested pa akong panoorin ang 2012 kesa sa "New Moon" at ang nakakatawa eh mas una ko pang napanood ang New Moon kesa sa 2012... haist! kung hindi lang dahil kay "Sis" o kay Lesh, di talaga ako magkakainteres manood ng Twilight saga coz eto naman kasing si SiS!!! adik sa twilight at naoverwhelmed naman ako dahil crush ko naman ng slight si Edward Cullen...

bago maging New Moon ang maging topic ng post na ito, bumalik na tayo sa 2012! (actually, Far-out na siya) halos di ko maisip kung talaga bang end of the world na ba sa 2012. marami pa akong gustong abutin na pangarap at gawin sa buhay at may mission pa akong kailangang tuparin! ang MAPATAY AT MABAON SA LUPA SI CATHY (i reveal ba ang pangalan...) hahaha! isang malaking kidding!!

seryosohan... kung magugunaw na ang mundo ngayong 2012, malamang hindi ganun kaprepare ang lahat ng tao dito sa mundo. kung iisipin mo ng mabuti, talagang masisira na ang earth dahil na rin sa epekto ng global warming. masyado ng mataas ang percentage at risks nito at sa takdang panahon (parang si Big Brother lang) matutunaw ang mga yelo sa North Pole at isang bonggang bonggang flood ang mararanasan natin just like sa movie na 2012 (actually, di ko pa siya napapanood pero hindi naman ako gaga na hindi ko nakita ang trailer at nakita ko naman kung paano nilamon ng tubig ang buong mundo). Kung di tayo kikilos agad, talagang magkakatotoo ang predictions ng mga Mayan tribes at ni Nostradamus at kung magmumulto si Nostradamus mamaya pagtulog mo, malamang sasabihin niya sayo na mag-impake ka na, tumigil ka na sa pag-aaral at pagtratrabaho at habang 2009 pa eh simulan na ang Mount Everest Expedition at mamuhay mag-isa sa tuktok ng mount everest at magdasal hanggang dumating ang December 21, 2012 (sakto ba ang date?).

isa lang ang masasabi ko, hindi totooong magugunaw na ang earth... bakit? ewan ko! basta yun ang paniniwala ko!

Wednesday, December 9, 2009

chiririkong twilight

again, out of nowhere, bigla ko nalang narinig ang salitang ito pero masaya naman ako na hindi galing sa bibig ko at in fairness, malaki ang pasasalamat ko sa Banana split at naisip nila na gamitin ang salitang chiririkong twilight.

wala lang, alam kong nonsense ang post na ito pero di ko talaga matago ang paggamit ng chiririkong twilight dahil cute siyang bigaksin (sunukan nyo lang kahit one tome lang) kasabay din nito ang pagsigaw mo ng "deengabatow" (pakislang lang ang pagsasabi) at sabay sigaw ng Deerna! which means to say "Ding ang bato" ang pinakaeffort na line ni Narda bago siya sumigaw ng DARNA!

katulad din ng chiririkong twilight, isa lang ang ibig sabihin nito at ito ay IMBENTORA. marami ng mga gay linggo na nagsilabasan ng bonggang bongga at nakakalokang isipin na dahil sa pagiging imberntora ng mga bakla, marami ng words na pwede ng icompile at nag-aantay nalang ako ng dictionary with regards to gay linggo.

kagabi, halos maloka ako sa isang staffer sa publication at ang salitang "talakaton" ay binigyan niya ng ibang kahulugan. Usong uso sa mga Cebuano lalo na pag gay linggo na binabaliktad ang mga words gaya ng "gulotch" na ang ibig sabihin ay tulog at "oka" na ang ibig sabihin naman ay ako!

halos magimbal siya siguro nung binaliktad niya ang salitang talakaton. oo nga naman, kapag binaliktad mo ito, magiging notakalat na ang ibig sabihin lang naman ay maraming nakakalat na nota or notch! (siguro naman alam niyo na ang meaning ng nota at notch at di ko na kailngang iexplain). hindi ko rin naman siya masisisi dahil ang ibig sabihin ng talakaton ay pumutak ka ng todo todo. ang rootword ng talakaton ay talak kaya ayun!

hindi naman siguro masamang magtanong sa mga bakla kung ano ang kahulugan ng mga gay linggos di ba? at wag nyo ng antayin ang araw na bigla ka nalang masampal ng katabi mo dahil yung gay linggo na sinabi mo eh mahalay at bastos pala ang meaning at himdi mo alam ang meaning nito at bibigayan mo pa ng magandanag rason na kaya mo lang ito nasabi dahil narinig mong sinabi ito ng katulong ninyong bakla kung magsalita!

PAGKACHIRIRIKONG TWILIGHT!

Tuesday, December 8, 2009

FLIRK....

maraming nagtataka kung ano ba ang ibig sabihin ng salitang Flirk at alam ko rin yun! halos lahat ng taong naririnig ang salitang ito, talagang nagtatanong at mi ultimo nagpapapedicure sa parlor at kahit nagtatanggal ng buhok sa kili-kili, di talaga maiwasang magtanong kung ano ba ang ibig sabihin ng word na itech.

nagsimula ang word na ito na hindi ko sinasadyang mabulol at masabi ang salitang FLIRK. ito ay combination ng salitang flirt at Plurk (social networking din na website sa juntarnaka [internet]). ang nakakawindang dito, parang out of nowhere ang pagsasabi ko nito (as if naman na hindi normal na magsabi ako ng mga words na out of nowhere).

well, imemegaconnect ko nalang ang salitang flirk sa post na ito. Dahil sa social networks gaya ng Plurk at Facebook, mas madali ang makipagflirt through juntarnaka at sabihin na nating mas madali ang communication sa mga friendships mo, di naman talaga mawawala ang mga nakakalokang rebelasyon from the past moments ninyo.

nagulat ako sa again (sa tagged photos at di na photo tags) ng isa kong classmate at friend na rin kung ituring at itago nalang natin sa name sang sou na RENATO CABRAL na biglang nagpalabas ng nakakagulantang na photos noong high skul pa kami. ang title ng kanyang tagged photos ay "blast from the past". siyempre, aminin nalang natin ang katotohanan na naging Maximo Oliveros ako nung high skul pero ang di ko matanggap, ipalandakan ba naman sa web ang mga photos na akala ko pa noon, kagandahan pero ngayon, di ko na maatim!

marahil ganun talaga ang katotohanan at kailangan ko ng tanggapin na kahit iparetoke ko na ang buong katawan ko at palitan ng kepyas ang aking notchka sandata eh di talaga mawawala ang bahid ng aking pagkaMaximo Oliveros. nakakatawa nga lang pagmasdan pero nakakimbyerna paminsan minsan.



ito ang nakakabwisit na photo na dinisplay lang naman ni Renato. from L-R: Magbanua, Ryan, ako, Bes at Fifi. mapapansin sa larawang ito na kasing kapal ni Kokey ang aking kilay at hindi ko talaga makalimutan ang waist line ko noon na 32 inches lang naman. I remember this photo at ito ang field trip namin noon sa Subic at makapal talaga ang mukha ko noon na kahit kasing laki ng baka ang katawan ko, naatim ko pa mag-low waist at maghanging na shirt (actually, hanging yan) at all of the sudden, may nangyaring di kanais nais sa Barasoain Church. hindi ko na kailangan istorytell dahil di ko talaga kaya ipost sa blog ko. sa mga nakakaalam, pakitikum nalang ang bibig!


mapapansin sa larawang ito ang aking buhok na hati sa gitna. actually, third year high skul ako niyan at ngayon ko lang napansin na nagkikimpi pala ako ng buhok noon. akala ko, namaintain ko ang one sided na buhok noong high skul pero ito ang patunay at ebidensiya na nagkikimpi pala ako. Sa mga nakakaalam ng keyword na "dreamcatcher", ito rin ang araw ng aking paglalandi sa Rob habang nanonod ng movie na Dreamcatcher. makikita rin sa larawang ito ang taong nag-urge sa akin na maging makasalanan for a moment at walang alam si Emphee that time na kumati ang lola mo. sa mga gustong malaman kung sino ang lalaking ito... sikreto! baka lalo ng masira ang reputasyon ko sa Tone at sa Facebook.

At dahil din sa Facebook, laking gulat ko nalang na may nagtagged ng link sa account ko at mas nawindang ako pagclick ko nito. Ang nakakalokang isyu, isa sa mga crush ko sa skul ay may G4M account o Guysformen na account na exclusive ito sa mga bisexuals at mayalerns.

in my own point, may gumagamit ng photos niya sa G4M at kung sino man yun, itigil na ang paggamit ng photos na hindi naman ikaw ang nasa picture. kung chaka ka, wag kang maging feelerette na gamitin ang mga photos niya. di naman sa pagiging defensive dahil crush ko siya at alam naman niya yun at hindi naman ako katulad ng ibang mga baklita o maya diyan na mega effort ang pagpapansin sa mga crushes nila, may pinagsamahan naman kami nito dahil na rin sa mga photo shoots at modeling charnesflou. kilala ko kung sino siya in reality at wag magpapaniwala na siya ay isang bisexual. hindi siya maya kaya itigil na iyan.

ipopost ko sana yung mga pics niya pero hindi siya masave-as. yoko ng mag-effort ng bonggang bongga. sa mga curious kung sino siya... ipapaste ko nalang ang link para maniwala kayo sa pinagsasabi ko. at this moment, di pa ako marunong magpaste ng link, paki copy muna yan at ipaste sa address bar (sakto ba ang term? basta sa taas nito na may nakasulat ng website address ek-ek...[pasensiya dahil hindi ako Comsci]) basta yun na yun.

http://www.guys4men.com/jjE946T3VkAFWbaolstVqfKHfVMkDzPA/auswertung/setcard/?set=3201384&secure=mDKDTpfigz18nay%2BnJFNeA%3D%

hindi po yan totoo at wag magpapaniwala! sa mga echoserang nagfliflirk diyan! mga punyemas kayo!

Wednesday, November 25, 2009

Si Janine Papakabog (Part 2)

magpopost din ako ng mahiwagang photo blog about IPR... wag ng magreklamo dahil blog ko naman to di ba? tsaka na ako mgadadagdag ng additional info about this at in fairness... di mahahalatang megaeffort ang pinangagawa ko sa event na ito...



Taken during the newbies' Formal Dinner
Ako ay pansinin...
parang delegate lang ng UNICEF...


K-pop ang theme ng IPR kaya nagmukha lang naman kaming koreans!
Ba't ako... nagmukhang pok-pok?


Korean Pop Girls...
LtoR: Roxanne, Rina, janet, Shiela (parang sasali lang ng pageant), Dora, marga (actually.. marami ng pictures si Marga kaya ito nalang pinili ko), Nadine, Lycel, Rolyn, Caroline, ako (wag iemphasize ang bilbil), Chessa (parang magrarap lang)

Angelina? kaw ba yan?
Scene yan sa skit presentation namin at ako daw si Jan Dee (di Obvious)


ang Tne1 girls na 2ne1 in reality


imaginin nyo nalang na si Minzi yan... nagcurl ng buhok tapos hiniram yung swimsuit ni
Boom tapos nakashades dahil malaki ang eyebags dahil sa concert tour...


Si Dora ang gumanap bilang Dara ng 2ne1..
actually.. hindi siya nagmukhang Dara...
nagmukha siyang Isa sa mga cast ng Kung Fu Kids...

Si Nadine naman ang gumanap bilang C.L ng 2ne1.
parang may riot lang sa kalye tapos basagan ng bungo ang show...


Another change outfit... pasensiya na kung ngarag...
naglaro kasi kami ng hammer hammer daw tapos ginawa kong Mik Mak (sakto ba?)


Makikita sa larawan kung paano binaboy ang pagkatao ko kaya yun na yun!

Hindi naman talaga ako malandi... (kung ayaw niyong maniwala... wala akong pakialam) pero di ko naman sinabi sa mga photographers na kunan ako ng mga shots na ganito. sa mga babaeng inggitera... ewan ko nalang! sa mga baklang nagseselos... manigas kayo sa inggit! hehe!


Parang may kasamang lang na Unico hijo tapos mayaman ang mama niya...
(Sori na gud Lesh... di man ni siya tinuyuan)

At kasabay ng lahat... kumikilintari pa kay Russel...
stolen shot po yan...

another stolen shot... nakasaad po sa skit ng performance ang ganitong eksena...
di po ako malandi...

Biglang lumapit si Joel at bigla akong niyakap... No choice!


ewan ko ba kung anong meron si Joel na para bang magnet na lagi nalang ganito... Ano ba?


Gian... sabihin mo na ksi kung liligawan mo ba ako o hindi... (feelerette)

habang nag-aantay ng masasakyan...
L to R: Dora, Jojo, DjRem, Chessa (happi birthday) Cheeno (halatang walang ligo) Ako (as if din naman na naligo) and Poldo.


Ang first time ever na boodle fight experience...
kailangan maging prim and proper...

More photo blogs to come... Hehehe!!


Sunday, November 22, 2009

Si Janine... Pakakakabog?

The IPR was great!

wala pong bahid ng kaplastikan ang lahat.
for more info sa lahat ng emotions ko nung IPR,
pakivisit nalang ang isa ko pang blog...
ito ay makikita sa right side nito...
nakatitle ng SEE MY OTHER LIFE...
subtitle nito ang
CONFESSIONS OF BEA the DRAMA QUEEN
at ang pinakasubtitle nito...
SI JANINE... PAPAKABOG?

alam ko naman na di kayo katangahan di ba?
kaya pakivisit nalang...
Thanx!

Thursday, November 19, 2009

ang salitang "echUs"

kalimutan muna ang pag-iinarte at kadramahan sa buhay....
kalimutan muna ang mga pangyayaring di na sana nangyari...
at kung ano man ang mga ito...
sana lang naging "ECHUS" nalang ang lahat...

marami ng gumagamit sa salitang ito at kahit yung iba, di alam ang meaning at para makiuso nalang, ginagamit ang term na ito para makiuso at yung iba, para lang makapagsalita ng gay linggo at tatanga-tangang ginagamit ang verb na ito kahit saan mang sentences. Yung iba naman, kadalasang ginagamit angterm na ito sa huling word sa sentence nila at kahit may period na ito, kusa talagang sinisiksik ang salitang "echos" kahit di naman needed sa sentence. Sa mga taong gustong malaman kung saan bang babaylan o kaya naman planeta nanggaling ang "echos" better read this post para naman alam nyo yung meaning ng sinasabi niyo at hindi kayo matulala at "lala" o toolbar (another meaning associated sa Bobita!)! di ba?

so ready ka ng malaman kung ano ba talaga ang meaning nito?
as in?
sure ka?
ayoko kaya? (pagirl!)

ang salitang ito, kadalasang naririnig sa mga baklang walang ibang alam kung di manglait o kaya naman magsabi ng puro kabaklaan to the point na minsan, non sense. sa totoo lang, maririnig sa mga bungangang mga bakla ang salitang ito! EWAN KO NGA KUNG BAKIT BA!

Based sa Wikipedia, ang salitang echus ay kadalasang ginagamit sa Mars... yes! you heard it right! (talagang nag-effort akong magresearch!) may dalawang terms ito tulad nalang ngEchus Chasma na ang ibig sabihin sa planetang Mars ay pangalan ng isang plateau doon na para bang maihahalintulad sa Cagayan Valley o kaya naman angpinaka-known sa lahat, Bagiuo siya in Philippine Setting. well, isa sa pinakamalaking bundok sa planetang pula ay ang Echus Montes! (naks, megaeffort na toh!) opo, pakivisit nalang angWikipedia for further explanation sa mga anyong lupang ito atnakakapagod talaga mag-explain for further info.

Siguro, magaling talagang mag-imbento ng words ang mga bakla at ultimo mga words na galing sa ibang planeta ay nagagamit for everyday language. kung gusto mong magsabi ng wala lang naman, whatever kung pasosyal, kung magsasabi ka ng mga bagay na dapat di paniwalaan, kung gusto mong magsabi ng mga bagay na ang kalabasan ay hindi makatotohanan, yun na yun... at yun ang salitang echus at yun ang meaning nito.

ang echus ay maraming synonyms. as in! habang tumatagal, kusa itong nageevolve base na rin sa mga gumagamit nito. ang term na ito ay puwedeng ihalintulad sa "char" na parehas din ang meaning. kadalasan, habang nagkakape ka sa isang coffee shop at may naririnig kang may dalawang baklang nag-uusap sa paligid mo at laging bukambibig ay ang salitang "charot", "charnes", "charnesflou", "charotisima", "charms", at "charmos", parehas lang yun ng meaning sa echus...

at habang patagal ng patagal, kusa itong humahaba na ang gustong palabasin, makapagsabi lang ng pinakamahabang word sa lahat at papatay sa "supercalifragilisticexpialidocious" na term, talagang ginagawan ng mga baklang pahabain ang salitang "echus". Kung may maririnig kang baklang putak ng putak at wala kang ibang maririnig na ibang salita sa bunganga niyang may lip gloss kundi puro "echuserang palaka" o "echuserang frog", parehas lang ang meaning nun...

at mas lalo kang magimbal dahil parehas lang po ang meaning ng "echus" sa "charmolin patez" na kadalasang ginagamit ko ang term na ito kung di ko alam ang lyrics ng mga songs na kinakanta ko ng impromptu.

haay naku... at yun ang echus! HAPPY USING IT...

ang salitang "echos"

Sunday, November 15, 2009

Missin my Best Buddies

taken during the despedida of Aimi
From left to right: chryss, patchot, aimi, lianne (parang siya ang may despedida), bes, Karen A, Malou and Rags

Left to right: Bes, Eric, Aimi, Martin (parang Birthday lang), Lianne, Bebe (ang outfit parang sapin-sapin)

PS: habang tinitingnan ko ang mga tagged photos (di na Photo tags), I am starting to miss my old friends in Manila. It’s just that It’s so hard na mapalayo sa kanila but I have to.

Yesterday, Isang malasenior citizen celebration ang naganap sa bahay ng malarelihiyosang babae na si Rags at katext ko si Eric kagabi na wala daw naganap na nomohan dahil na rin sa sagrado ang bahay at ang mga nakatira dun. Buti naman kung ganun para kahit minsan, matigil ang mga temptations pagdating sa vices.

Sobrang dami na ng mga taong nakilala ko pero di ko talaga makakalimutan ang mga happenings naming magbabarkada dahil na rin sa iba’t-ibang kagauhan at ka-okrayan na nangyayari at di ito pinaplano at wag ka… impromptu ang lahat! dahil na rin yun sa different personalities naming lahat at to the point na swak na swak talaga kami with each other at hindi hadlang ang salitang snakefriends sa barkada (tama naman ako di ba?).

Di ko na mabilang ang memories at ang dami-dami na. let me share you some of the most unforgettable moments ng bawat isa at wala akong pakialam kung ma-ban ang blog ko sa St. Anthony…

MAkikita sa pic na siya ay mayaman na...

Chryss…
Alalahanin natin ang mga panahong bigla ka nalang sumuka ng chocolate after recess. At alalahanin mo ang panahong na-in love ka kay Eric at si Eric pa ang naging dahilan ng conflict ninyo ni Bebe… pagkakacheapan!

gud luck... see you soon...


Aimi…
Ang babaeng simula grade 4, lakwatsera na to the max. di ka makakaligtas at porket babalik ka na ng Japan, alalahanin mo yung mga panahong nag-uumiyak ka sa hagdanan ng bahay niyo dahil di ka pinayagan ng mama mo na maglakwatsa!

maliit lang talaga ang height ni Rags at yun ang katotohanan...

Rags…
Ang babaeng madasalin pero deep inside, may kakatihang tinatago. Well, wala akong masyadong moments sayo dahil di ka naman talaga sumasama sa mga kademonyohang gingawa ng barkada. Basta keep up the good work at wag kang padadala kay SHELAI! mas malandi pa yan sa lahat! hehe

Umaasenso na si Malou! Ang taray!

Malou…
Ang babaeng megacryola nung sinabihan ng OKRAY ng isang babae. Hahaha! Kakaloka! Hanggang ngayon di pa rin ako makarecover at eto pa, sa lahat ng CHAIRAMABELISH na grupo, siya lang ang nag-attempt na tapusin ang degree na BS Industrial Engeneering! Kabogera!

as usual... maasim pa rin si Bebe...


Bebe…
Ang babaeng bakla! Be… ang dami nating moments at alam ko, mapupuno ko ang blog ko dahil sa moments na pakana mo lahat. wala talaga akong maisip sayo at kung may naiisip man ako, yun yung mga panahong binubugbog ka ni patchot… for more details, just ask my Bes about it! Hahaha!!

At least di na mag-iinarte dahil kay Ton... I'm hapi for you friend!

Lianne…
Sino ba naman ang makakalimot ng salitang LAMAT! Haha!! At dahil na rin sa kaminiacan ni Aw… Aw… Aw…, nadawit pa ako! Anyway, sana naman di na mangyari ang lamatan moments at kung ako sayo, ilayo na ang boyfriend dahil baka mamaya, maulit ang nakaraan!! Hahaha!!

Pahirapan ang Picture ni Shelai! kakaimbyerna!


Shelai…
Ang kalaro ko noon ng habulan kila Ann Rose at ang babaeng mahinhin daw pero maharot! Ang best beadle at alalahanin mo yung mga panahong kasama kita na pamupokpok tuwing gabi at kung tatawagan mo sa bahay nila, laging tulog…

bes no comment muna ako!
Bes…
Bes alalahanin mo lang yung moment na habang nagbibilyar tayo kila Bebe at sumisipsip ka ng Melon Juice, bigla mo nalang hinagis sa mukha ko ang melon! Yun na yun!

pakiupdate ang Friendster sa mga pics!
Ryan…
Nung naglalakad tayo sa sa may Philippine Womens University at bigla nalang tayong tinawag at kinausap ng Call Boy… yun ang signs kung bakit tayo naging girl ngayon! Hehe!

asim... parang kulay ng balat lang niya noon...


Fifi…
Alalahanin mo lang yung Britney Spears Inspired costume mo noong Xmas Party at dahil sa pag-mamaasim mo… Di ka naging Britney Spears, nagmukha ka lang Basura… at wag kang mag-alala… yung 1 taw mo, asahan mo nalang di na yun babalik sayo! Hahaha!!!

lalaki ba to?

Martin…
Nung mga panahong isinaboy sa suso mo ang katas ng basura… di mo ba kinamumuhian si Fifi nun…? Ask ko lang para naman may lamatan na magaganap ngayon di ba? dapat ka talagang magalit kay Fifi dahil siya ang dahilan kung bakit ang sama-sama ng tingin sayo ng Tone dahil sa mga chismis na pinagkakalat niya!

Manaj! (came from the word manager)
Paolo Aqui (manaj)
Pakiconfirm nga yung nangyaring malabrokeback na eskandalo noong nasa MonteVista tayo? Ask ko lang kasi kailangan ko talaga ng clarification… thanx! Hahahaha

di pa nakabrace... hehe!
Paolo Aguila…
Pao… ano naman yung nabalitaan kong sinisira mo daw ang reputasyon ni Magbanua sa Office niyo? Alam naman natin ang katotohanan di ba? Kaya hayaan na natin… hahaha

parang tatay lang!
Eric…
Musta na si Lianne? Nakarecover ka na? hahaha! Yun lang!

my advice: wag ng magsuot ng sando... nakakatakot...
Ramel…
Alalahanin lang natin ang salitang Demonyo… Si ramel na yun… oist… aminin na natin na mas demonyo ka kesa sakin…

Karen Alborte…
Ang isa pang demonyo… Demonyita kung baga… well… ang nagpauso ng Dance Revo noon at di pa nakuntento, bumili talaga ng Dance Pad… haay naku… kaloka!

Patchot…
Pakiconfirm nga din yung naganap sa Taxi? “sige na friend…” hahaha!!

Balita ko naghihirap ka na daw?
Borge…
Eh eto mas matindi… Paki-confirm lahat ng eskandalo ninyo ni Martin noon… pls lang para matahimik na ang barkada!! Hahaha!

May kulang pa ba? Sana wala… Anyweiz… ganyan lang kami maglambingan… Brutal di ba? Pero lahat ng issues and controversies eh we settled naman…

I’m so thankful that God gave me these wonderful people coz they accept me for who I am and I really treasure the friendship that we have… as an old cliché goes… “till death do us part”

Super PS… mega effort talaga ako nito dahil sa request ni Aimi… serverguenza!!! at sa mga walang pics... di tayo friends sa facebook at friendster... wag umarte!

Saturday, November 14, 2009

nakakashock!

Kung dumating ang isang araw sa buhay mo na bigla ka na lang pupunta ng hospital tapos biglang sasabihin sayo na “posibleng may taning na ang buhay mo”, Ano kaya ang una mong mararandaman? Kailan kaya darating ang araw na iyon? Paano mo ba lalabanan ang pisikal at emosyonal na nararamdaman mo sa gitna ng lahat? Saan mo ba gustong mahimlay? At bakit ba dumating sa buhay mo ang ganitong pagsubok?

Makakayanan mo ba? O kakayanin mo na lang?

Hindi pa po ako mamamatay and I would like to clarify that one. Syempre, nakakagimbal ang ganitong sitwasyon pero yun ang mga tanong na sumisink-in sa akin yesterday. Ewan ko ba kung bakit ganito ang nasa isip ko at dahil na rin siguro sa mga naganap kahapon at gabi ko na nalaman na Friday the 13th pala at wag ka… naloka ako talaga.

Matapos ang walang humpay at “laborious” celebration namin ng mga college friends ko, bigla ko nalang naramdaman ang hilo at sakit ng pangangatawan na iniinda ko na talaga this past few days. Kasabay nito ang di maintindihang pananakit ng aking tiyan na di ko talaga alam ang dahilan kung bakit. Kala ko nun… simpleng trankaso lang pero kahapon, hindi na siya normal…

Minsan lang ako pumunta ng doctor at nagulat sa sabihin nalang natin na “hypothesis” nito. Mas naloka ako na kailangan daw ng blood samples dahil sa mala-OA na explanation ng doctor.

Matagal na akong nakakaranas ng hilo pero again dedma! Pag nakakafeel ako ng hilo, di ko talaga sinasabi sa iba na nahihilo ako at nacocontrol ko naman siya.

This past few months, madaling mamula o magkapantal ang aking skin kahit simpleng kalot lang yung walang force baga… tapos, alam ko rin naman na madali akong magkapasa kahit simpleng bunggo yung walang effort…

Siguro naman… sa pagkahyper ko, alam ko rin naman kung may nararandaman ako o wala. Pero kahapon, nagulat ako sa sinabi ng doctor na may possibility na may sakit akong leukemia kung masyadong mababa ang aking RBC at kung carry-carry naman, anemia lang daw.

Actually, nagulantang ako sa sinabi at di ko ma-explain ang feeling ko. Habang kinukuhaan ako ng blood sample, hindi ko talaga maalis sa isip ko na mamatay na pala ako hindi dahil sa accident kundi dahil sa malubhang sakit.

Wala pa yung results sa mga tests na ginawa sa akin at aantayin ko pa ang results next week. I keep on praying na sana… anemic lang ako.

Sana lang…

Thursday, November 12, 2009

Photo Tags…

Nauso ang photo tags sa Facebook at inaamin ko naman na sinasayang ko ang buong oras ko sa FB na puro pagcocomment nalang ang ginagawa. Noong una, naaliw ako sa pagcocomment ng bonggang bonggang mga echos at puro kacharmolinan pero di nagtagal, I felt bad sa mga comments ng IBA diyan na di na marunong maghalintulad sa joke at personal na buhay.

Ang point ko naman, I am not that harsh to comment on those pics coz I know that it is open to all people at siyempre, yoko naman na manglait ng todo-todo coz alam ko ang salitang RESPETO.

Siguro, nakaugalian na nila na di naman talaga ako pumapatol sa mga jokes na sabihin na nating below the belt o kung exaggerated pa ang term… durugan ng kaluluwa na lahat. Alam naman nila ni di ako totally affected pero may pagkakataon talaga na you’re going to loose your patience at di mo na masikmura ang lahat.

Kung ilang beses ko ng iimpose ang salitang respeto, alam ko naman na fault ko rin ang lahat dahil siguro, di ko na rin napapansin na lumalampas na din ako sa barriers at limitations. Nakikita at nararandaman na rin nila siguro na yung respetong iniimpose ko eh di ko na rin ma-impose sa sarili ko kaya nagkakaganito.

Sa ngayon, masama ang loob ko sa mga taong di na marunong lumagay sa kanilang kinatatayuan pero gustuhin ko mang ilabas ang kaimbyernahang nararamdaman ko… di ko naman magawa dahil ayoko ng isyu at gulo.

Hindi ako ang tipo ng tao na nagpapapansin unless kung ito ay isang echos o kaPATEZan ang lahat.

Kahit ilang beses ko mang sabihin o isulat sa blog ko ang mga galit na nararamdaman ko, wala naman itong kinahahantungan. Parang mas lumalala pa nga each day goes by.

Hindi ako perfect at dahil sa panunuligsa na akala nila ay isang malaking joke joke joke pa ang lahat, natututo akong maging perfect

Ayokong sabihin na itigil na ang pag-associate ng lahat ng hayop sa pagmumukha ko at talagang isampal sa sarili ko na ako ay isang kabayo dahil kung sa tingin na iba, ito pa rin ay isang malaking joke inside the premises of the office at hindi na nakakatuwa na may iba ng taong nag-aassociate ng kabayo na nakakaimbyerna dahil di kami close at dahil na rin sa photo tags sa FB. Gawin nalang nila kung ano ang nararapat gawin at ayokong himukin sila na gawin kung ano ang dapat dahil hindi ako si Moses para pangaralan sila.

Di rin ako malandi at alam kong lumugar kung saan ko dapat ilagay ang kalandian at ang pagiging pormal.

Ayoko ng gulo at wag nyong antayin ang araw na mawala ang lahat ng amor ko sa inyo at wag niyong antayin ang araw na sabihin ko sa harapan nyo ang isang malaking tanong na gugulantang sa mukha niyo… HU U?

Monday, November 9, 2009

On Leave…

Matapos ang apat na araw na hindi pagpapakita sa office at sa eskwelahan at isang malaking KEVS o kever sa enrollment na nangyayari sa university, maraming nagtatanong kung ano ba ang ka-echosang pinanggagawa ko this past few days. Para di na magtaka ang lahat… eto po ang mga nangyari na di ko naman ninais na mangyari talaga.

Nagulat nalang ako na biglang dumating ang kapatid ko dito at nagbakasyon ng ilang araw. Dala-dala ang mga balitang ikinagulat ko naman and again… isang malaking KEVS ang lahat.

Matagal ko ng alam na ikakasal na si (blank) at matagal ko ng sinabi sa sarili ko na wala akong pakialam dun. Pero di talaga maiiwasan na nasasaktan ako o nanghihinayang at inaamin ko naman yun personally. Gustuhin ko mang manggulo at maglagay ng bomba sa gilid ng simbahan at hahalakhak ng bonggang-bongga habang nakikitang duguan at tanggal ang mga binti at luwa ang mga atay sa mismong araw ng kanilang kasal pero wag nalang. IT’S USELESS!. Seriously, mas maganda nalang na ganito ang mga nangyayari kaysa naman maging OA ang lahat.

At sa sobrang toxic sa pag-iisip ng mga ganu’ng bagay, naisipan kong sumama sa mga couzins ko na maglakbay-diwa o maglamyerda nalang para ma-unwind baga!

At eto nanaman ang nakakalokang scenery na nakita ko ang friend ng couzin ko na itago nalang natin sa pangalang Bryan, kasama pala siya sa adventure trip naming magpipinsan. At alam mo naman ang lola mo, um-OA ulit at umandar ang pagiging pa-girl on the spot.

Ang nakakaimbyernang pangyayari ay naganap mismo sa barkong papuntang Cebu. Magkausap kaming dalawa sa barricades ng barko at natanong niya sa akin kung bakit ang choosy choosy ko daw pagdating sa boys. Mahinhin kong sinabi sa kanya na para bang di pa nababasag ang Hymen sa aking mahiwagang Labia Luvey na hindi naman sa pagiging choosy ang pagpili ko ng guy. It’s just that Di talaga ako flirt at ayokong mag-assume (kunwari lang yun para ma-impress siya. Nasobrahan ata ang pa-girl effect at biglang may bubble gum sa barricade na sinasandalan ko at kumapit sa pantaloon ang nasabing gum.

Somehow, naniniwala ako na ang bawat dagok na nararamdaman sa buhay natin, balang araw ay may katumbas itong biyaya na dapat bigyang pansin. Matagal na akong walang pag-ibig at eto na ata ang pinakahihintay kong moment para magising ang puso kong matagal ng natutulog (ECHOS). Habang sinusulat ko tong post na ito, di ko talaga mapigilang mag-play ang song sa isip ko ang kanatang “Pag-Ibig Nga Kaya” na kinanta ni Rachelle Ann Go at Christian Bautista. Di naman sa pagiging kacheapan, ganun daw talaga pag inspired ka.

Kung magpapakasal siya, yun ang sign na nagmove-on na siya at ako naman ay dapat magmove-on na rin at THIS IS IT! On leave na ako sa pag-iisip sa kanya at sana maging masaya sila sa araw ng kamilang kasal. Again, Seriously, may bahid pa rin ng hinanakit sa puso ko pero nacocontrol ko naman. Ayoko na ng gulo, at mas mabuti na ang mga ganitong pangyayari. I’ve changed my number at tanging sa on-line community nalang kami mag-uusap! At least high tech! at kung ang kasalang magaganap ay makikipagkompitensya sa kasalang Mar at Korina, KEVS!

BTW sa January 27 daw ang kasal at yun ay galling sa aking reliable source. Final na daw yun at kung sakaling may invitation card sa kasalang magaganap, di ko pa alam kung makakapunta ako. Busy ako niyan!

Friday, October 30, 2009

Paking Shet!

Ang buhay pag-ibig nga naman…

Ilang taon na rin akong walang pag-ibig… I mean yung taong magmamahal sa akin ng maximum level. Actually, nakakainggit nga minsan kung may nakikita akong magjowa na ang sweet sweet na para bang naglabasan na ang lahat ng species ng langgam sa ground smanatalang ako… stay luvless at feeling ko, ako na ang pinakachakang nilalang sa Earth.

Natatakot na kasi akong magmahal muli dahil totally natraumatized na ako sa pag-ibig naming ni (blank). Di ko na kailangan imention ang name dahil baka mamaya, lumaki ang ulo nito at maoverwhelmed ako at ulit, magkaroon ulit ng spark at LAGI NALANG GANITO! Paulit ulit nalang!

Dahil sa sobrang busy ko this past few months, nakalimutan ko na ang salitang pag-ibig. I stay focused sa lahat ng ka-echosang ginagawa ko to the point na kahit salitang paglalandi ay nakalimutan ko ng gawin (sa mga hindi naniniwala, PUNYETA!). Ano pa bang saysay kung bakit kailangan kong maghanap ng BUTAKAL at hindi naman ako na nasa stage ng “mating season” at di ko pa naman kailangan ng “artificial insemination” … parang baboy lang! anyway, with all honesty… nawalan ako ng panahon sa Boys…

Natapos ang finals at bigla-bigla akong nagulat sa mga pangyayaring di ko naman ninanais. Last Monday, habang nagkakape sa veranda ng bahay namin, bumugad sa akin ang isang friend daw ng cousin ko at eto naman ako, biglang nawindang dahil in fairness naman to that guy, cutie naman siya. Umandar ang aking pagkapagirl at bigla nalang naligo, nagbihis, nagpatuyo at nagplantsa ng buhok. Paglabas ko ng kuwarto, nagtaka ang lahat ng kasama ko sa bahay dahil bigla akong naligo at nagbihis ng walang pag-aalinlangan. Siyempre, naging tampulan ng tukso at eto naman ako, um-OA!.

Dumating ang oras na inaantay ko at dahil na rin sa mahiwagang BINGKA… kinuha niya number ko at halos um-OA OA OA OA OA na talaga ang feeling ko nun. Diyos ko naman… kahit pagirl ang projection ko, di pa rin naman nawawala ang aking pagiging ugaling bakla! Ayun, megatext kami at di pa nakuntento sa text at maraming salamat sa unli call dahil tuloy ang conversation naming dalawa at malaki ang gratitude ko sa cousin ko na pinain pa ako para lang magkakilala kaming dalawa.

Kahapon, dumating na ang pinakamoment of truth. Nagyaya ang mga pinsan ko na gumimick at siyempre, kasama siya. Umaga palang nung natanggap ko yung text messages ng mga pinsan ko at umaga din na mag-isip ako kung ano ang perfect outfit ko that night. Nasa utak ko na kapag magdress ako sa gimik, biglang mabulabog ang NORSU at di ako papasukin ng mga lintik na guards at maiiwang magkatabi kami ni mik mik (o ni boring) at ang ending, mag-aantay ng alas 9 ng gabi sa Burger Delights o BD at manatakin mo ba naman na may exam pa ako kay Eli dejaresco… ANG PINAKAMAGALING NA TEACHER… ironically, at ayoko naman na magmukhang huggard sa gimik di ba at expected ko pa naman na nandun siya.
So eto na nga… dumating na ang oras at sinundo niya ako sa IS (Internet Station) sa Bizhub at simula palang nung bumackride ako sa kanya, I mean, sa sinasakyan niyang motor, binungad niya sa akin ang mga salitang… “gwapa lagi ka ron…” o maganda pala ako sa paningin niya nung gabing iyon. Alam ko naman na may pagkaASSUMING akong attitude pero mahinhin kong sinabi na “di naman masyado” kahit alam ko sa sarili ko na talagang nag-effort ako di ba?

Dumating kami sa gimikan at natural… magkatabi kami kahit pahirapan pa kunwari na sinasabi ko pa na nahihiya akong tumabi sa kanya pero ECHOS lang yun… In fairness to him… nakikita ko na there’s something in him na nagustuhan ko coz… never niya akong ikinahiya and the way he treated me eh talagang pa-girl. Ewan ko nga lang kung talagang sinasabayan niya lang yung mga cousins ko o baka naman nagpustahan ang mga gago dahil alam naman nila ang history ko bout pag-ibig at gusto na rin ata nilang bumalik ang aking luv life…

Kaya lang… gustuhin ko mang mahulog sa kanya, nagdadalawang isip pa rin ako dahil baka mamaya, mabankrupt ang lola mo o kaya naman ang lakas humingi ng showcase tulad nalang ng T-shirt, load at kung anu-ano pa. practicality lang naman ang iniisip ko at never akong naspoiled ng ganun na nagbibigay ng sponsorship sa mga jowa nila at hindi lahat ng lalaki ay parang si Emphee na never naman talaga akong hinuthutan ng ganun.

Masarap ngang magmahal pero natatakot ako. Natatakot ako in a sense of baka mamaya… maging burden na naman ito na imbes na happiness at security ang maramdaman ko, maging toxic pa! wag na lang di ba?

Ok lang naman kung wala akong pag-ibig pero minsan, di ko talaga maiwasang magtanong sa srili ko na chaka ba akong pagkabading o mukha ba akong kabayong itim para di mabenta sa madlang people? Di naman siguro… alam kong another challenge nanaman ito at mabuti na nga na may nag-aadmire sakin kesa wala. Kung pwede lang humiling ng bonggang-bongga… malamang hihilingin ko na sana, magkaroon ako ng prince charming na kasing-ugali ni Emphee, mapungay ang mata tulad ni Joel, matangos ang ilong tulad ni Kareem Paul at alluring ang presence tulad ni Eds para naman com[lete package na di ba?

Again… pakinshet talaga! Galing sa word na F*****n shit!

Thursday, October 29, 2009

It's beacause of FACEBOOK...

It’s been almost three months (ata) when I open my account in FB. And I was a bit of excited dahil na rin sa mga email messages ng FB sa email add. ko bout photo tagging. Sa totoo lang, wala na akong ganang mag FB dahil na rin sa mababaw na rason (tungkol sa pagkakahawig ng buhok ko kay Andaya) at eto naman ako, naintriga sa mga pics!

Here are some photos na nakakaloka sa FB at I was really shock na bigla nalang itong napost at wall paper pa! Some photos are too intriguing pero ito lamang ay isang black mail.

Idescribe ba ako ni VJ na exciting?

Ang aasim lang...


Ang daming comments sa FB na puro Insecurities...

OMG kailan pa nagkaroon ng adapted na anak sila Noriel at Justine...?

During elemenatry years...
photo tagged ny Krishan Das Guevarra- my classmate

ewan ko lang kung bakit ang taba taba ko diyan!
(kung mahahanap niyo ako)

Hahaha!! kapanahunang Kachakahan!
Kung mahahanap niyo si Emphee diyan, magkatabi kaming dalawa...
how sweet!

Look at my bes, wearing big eyeglasses...

Ako, Erin, David and nobody! haha!




Sunday, October 25, 2009

in my own point

I have no time to write my own explanation with regards to what happened this weekend…

I have no time arguing those things that are not too debatable. Ayoko ng gulo at ayoko na rin magmega explain kung bakit ganito ang kinahihitnatnan nito.

May ganun talaga na decisions sa buhay na bigla biglang nagbabago
May mga taong nasasaktan at may mga taong dapat unawain
Sa palagay ko,
Sarili ko rin naman ang nahihirapan sa mga ganu’ng decisions
Halos ilang oras ko rin’g pinagisipan ang lahat
Bago ako humantong sa huling pasya
Oo nga, masyado akong iresponsable
Hindi disiplinado sa oras
Inaamin ko naman yun!
Hindi ko puwede hatiin ang sarili ko
Alam ko malaki ang aking pagkakamali
At nandamay pa ako ng mga taong nasa paligid ko
Pero ang di ko maintindihan
Sarili ko nga ba ang iniisip ko o kapakanan ng ibang tao ang dapat kong unawain?
Mas importante pa ba sa kanila ang responsibilidad na dapat kong gampanan?
O mas importante sa kanila ang grade sa class card at magbunyi ng passing grade
Tatlong tao
Laban sa mahigit isang dosenang nilalang
Obvious na obvious naman
Na mas kailngan ng tulong ko ang tatlong tao
Pero ang reponsibilidad na inako ko sa mahigit isang dosenang tao
Na iniwan ko ng bigla bigla,
Ay mas kailangan kong harapin at gawin
Paseciya!, Sori! At Patawad!
Sa mga taong nasaktan ko at nagalit…
Kahit sabihin ko man na paulit-ulit,
Alam kong di pa ito sapat…

Ps: Pls visit bealicious0427.blogspot.com for more details bout this post…

Sunday, October 18, 2009

Twin lake adventure…

AMVOT LANG!!!!

Kung hindi dahil sa pakana ni Dx… di rin naman ako magnanais at mag-aatempt na magtrekking sa bulubundukin ng Sibulan at San Jose para lang makita ang kagandahan ng Lake Balinsasayao at Danao.

Last Saturday, umaga palang ay bunulabog na ako ng mga text messages nila Arriane at Erickson (my classmates) dahil sa pinaplanong pagbisita sa Twin lake at eto naman ako, nagising ng 7 am at di kinaya ang powers ng ‘hangover’ dahil sa letcheng Bacardi, di muna ako bumangon at humigop ng dalawang baso ng kape bandang 8:30 ng umaga. Nawala unti ang nararandamang hilo at naligo at umalis ng bahay kahit ngarag.

Laking gulat ko nalang na ganun talaga kalayo ang Twin lake na yan dahil na rin sa pagtitipid naming at dahil na rin sa ‘financial scarcity’, naisipan namin na maglakad pababa ng bundok. At isang bonggang-bonggang 10 kilometers lang naman ang nilakad naming (estimated namin yun at hindi ka-O.A.-yan) kasama na doon ang walang maliw na paglalakad papuntang Lake Danao at ang pinakaworst, mala Extra Challenge ang daan at dahil na din sa well choreograph ang mga bato, puno at mga baging, talagang maapply mo ang Calisthenics at Gymnastics class mo noong kumukuha ka pa ng P.E. subjects.

Hanggang ngayon, di naman talaga sa maarte ako, nararamdaman ko ang pananakit ng aking hips at legs at pati na rin ang backpains at handpains. Haay! Kaloka!

Pero the best thing was, I SURVIVED! Yehey! Kahit pahirapan ang pagpunta doon, the place is so great! Nakakarefresh at nakakaunwind ang view! Promise!!!

I would like to share you some of our pagubot na photos!

(ah so... photo blog na ito at NARCISISM)











With my Friendships!!





oka...

Erickson


and Arriane...