I celebrated the Bonifacio Day sa bahay ng tita ko. Walang magawang maganda kaya eto ako at nakita ang nakabinbin na footspa machine na may bahid pa ng mga namatay na anay sa gilid nito. Naisipan kong ilubog ang aking mga paa sabay pedicure at manicure nalang para naman may silbi ang on-the-spot na footspa na wala naman talaga sa plano ko ang ganitong happening. Relaxing at enjoy naman! hehe
Biglang nagtext ang Bes ko at nagyayang mag-CENTRAL. Sa totoo lang, first time kong pumunta sa bar na iyon at hindi naman sa hindi ako sanay sa mga cocktail drinks... sumakit ang ulo ko bigla at hindi ko maintindihan kung ano yung feeling ko ng mga panahong iyon. Akala kong solusyon sa sakit ng ulo ko ay ang dalawang styro ng kape sa Mcdo at yosi pero lalong sumakit ang ulo ko. as in BONGGANG BONGGA! Kaya sinusumpa ko ngayong araw na 'to, hinding hindi na ako iinom ng BADTRIP... yun ang name ng inuming color green na may halong vodka at hindi ko na matukoy na mixes.
Pero sa bawat inom ko ng BEDTRIP, marami akong nalaman at mismong naisiwalat na mga kaganapan sa barkada, batchmates at kaibigan ko habang wala ako sa Maynila. Marami akong nalaman na kabulastugang pangyayari na hindi ko naman inakala na mangyayari sa buhay nila. Marami akong gustong sigawan pero wag nalang... mamaya, ako nanaman ang masama sa pangin nila at ako nananaman ang maging dahilan ng pag-block sa mga account nila na hindi sinasadya.
At speaking of pag-iingat, sa mga ka-batchmates ko nung high skul, ako na mag-iiwan sa inyo ng babala na mag-ingat sa isang teacher natin na nagho-house to house project para hingan tayo ng limos. ok lang naman kung limos na tinatawag nating tulong. Pero kung babalikbalikan ka na at hinuhuthutan ka na ng pera, ibang usapan na 'yun. Kung ako sa inyo, maging pribado sa mga details kung san kayo nakatira at nagtratrabaho. at kung sakaling malaman at napuntahan niya ang bahay at opisina nyo, learn to refuse kung wala ka talagang pera. Optional naman ang pagtulong di ba? MArami na ang nabiktima sa batch natin at kung saka-sakaling malaman niya ang lugar na pinaglulunggaan ko ngayon, wag siyang magkakamaling humingi ng pera sa 'kin or else... mga pulutong na PUTANG INA at LECHE ang ibibigay kong tulong sa kanya. Wala akong pakialam kung natuto man ako ng wikang ingles sa kanya at ang hindi malimutang salitang BETTERER na ni ha ni ho... hindi ko man magamit sa articles ko kay sir amards dahil feeling ko... wrong gramming!
Again, hindi masamang tumulong. Pero kung ginagawa niyang dahilan na teacher natin siya at may utang na loob tayo sa kanya, quesehodang may bisyo be siya or wala, quesehodang everyday birthday niya, quesehodang may sakit siya sa spinal cord niya... samu't saring kwento na ang narinig. Kung may kahihiyan ka sa buhay, mas mabuti pang magtrabaho nalang maayos kesa humingi ng limos na paulit-ulit sa mga taong madali mong ma-uto... please!
No comments:
Post a Comment