Hindi ako dapat mag-emote ng maaga… wala ako sa mood… hehe! Anyway, who cares? It’s my online diary after all… di ba?
I have no doubts at all. At least, kampante na ako na umalis at iwan ang lahat ng meron ako sa City of Gentle People. I have to start a new life and new perspective back to my hometown. I have no regrets kung bakit ako napaligaw sa isang lugar na di naman familiar sa’kin before. Wala akong bahid ng pagsisisi kung bakit naisipan kong lumayo sa lugar na kinalakihan ko. Wala!
Alam kong sobrang laki ng adjustment ang nagawa ko pero ganun talaga. I have to face it because I want to learn. Hindi lang ako nabighani sa preskong hangin at malinis na tubig. Mas lalo akong nabighani sa mga tao na alam ko na binigyan ko ng inspirasyon sa buhay at mga taong natulungan ko kahit maliit lang na tulong ang nabigay ko sa kanila.
Lahat ng tawanan, iyakan pati katarantaduhan, alam kong another memory for me to treasure. Lahat ng raket, pageant pati lamierda… nag-iwan sa’kin ng leksyon sa buhay at nagturo sa’kin na hindi madaling kumita ng pera at dapat mag-ingat kung san ka man magpunta.
Namulat ako sa mundo ng kahirapan at alam mo yung feeling na walang kang pera, yung walang wala ka na… emotionally stress ka minsan, tapos talamak pa ang mga taong may attitude problem and I have to deal with it. Isang mga eksena sa buhay ko na dito ko lang naranasan. My college years was indeed fun and exciting! kahit alam ko na pasaway akong estudyante, laging late, o kaya naman mega-absent, ang tinanghal na Icon of INC’s at dropped dahil tinatamad ng pasukin ang subject dahil sa mga walang kuwentang teachers… haha! I really miss doing it!
Dito rin ako unang nagkatrabaho. And I consider the fact na mabait naman ang management sa’kin and I have to strive hard to learn everything na hindi ko pa nagagawa before. Hahai… at least, I know I’m equipped na magkatrabaho! Haha! Experience is the best way para malaman mo lahat…
It’s not a farewell post… nor a thank you post sa mga taong nagmahal, minahal at mahal ko sa City of Gentle People. Probably, I’ll make one soon… at busy din ako sa mga Huling raket ko dito, (tulad nalang ng wedding, make-up, Hari ng Negros, at Zanzi bar haha!) baka di ko nanaman magawa… haha! Hahai! Kalerkey!
Well… my famous line…. ‘I”D BETTER GOTTA GO” dahil ayan nanaman ang walang kamatayang inuman sessions! Haha! Tara na at maglasing!
No comments:
Post a Comment