nangyari ito last week... pasensiya na sa delay ng post... hehe!
Last night, at dahil Friday night, I decided na makipag-inuman with my night friends. Honestly, mas gugustuhin ko pang magliwaliw kesa magmukmok sa bahay at maging paranoid sa kakaisip kung ano ba ang tamang gawin… basta!
One thing that I noticed was, maybe its co-incidence ata… parang ayaw akong paalisin! Maybe paranoid lang talaga ako kagabi dahil hindi naman ako lasing… tamang inom lang. pero ewan ko… ang bigat ng feeling kasi… ang bigat ng feeling na iiwan ko yung mga taong nakasama mo sa loob ng lima o anim na taon na pamamalagi ko rito sa City of Gentle People tapos iiwan ko pa silang hindi pa maayos ang lahat.
Kagabi, umais ako ng TN office bandang 8:00 ng gabi. Mas pinili kong maglakad para naman ma-feel ko ang last walk ko na ata sa downtown (parang mamatay lang). Nakasalubong ko isang kaibigang pangalanan natin na si Jojo. Hindi ko siya boyfriend at isa siyang Bisexual. Napansin ko agad ang isang supot na naglalaman ng costumes na gawa sa itim na seda o heavy satin. Tandang tanda ko pa ang ganu’ng klase ng disenyo at hitsura na tinuro sa’kin ni Tita Glieh. Siya ang nagturo sa’kin kung paano maglayer-layer at gunting-guntingin ang itim na seda at idikit ang mga ito sa pamamagitan ng Glue Gun. At ganu’ng disenyo ang nagtulak sa’kin para gawin ang mga costumes para sa pictorial namin ng Handurawan Issue sa TN.
Maingay ang paligid… puno ng tao at literal na maraming guys sa “Garahe”, isang lunggaan ng mga tomador ng red horse sa downtown. Habang busy akong nakikipagchikahan sa aking mga night friends, bigla akong napatigil dahil sa kantang “Here Without You”. Naalala ko tuloy kung paano kinanta ni Tonz ang kantang yun at mas nawindang ako dahil parehas pa sila ng timbre ng boses pati istilo ng kanta. Natawa ako bigla dahil nung kinanta yun ni Tonz sa seminar, hindi talaga maiwasan ang pagiging maharot at malikot ko ng mga araw na iyon… hyperactive kung baga! Naalala ko tuloy lahat ng kagaguhan at kaganapang maligalig pag nasa opisina man ako ng TN o sa ibang lugar na kasama ko sila.
Supposed to be, maaga dapat akong nagising ngayong araw na to. My nag-alok sa’kin ng isang raket kagabi… instant raket kung baga… pero nabigo kong siputin dahil na rin sa impluwensiya ng red horse… alam mo yung feeling na continuous ang pagtulog mo na kahit alarm clock, hindi mo na-feel na tumunog? Kaya wala akong choice kundi i-text nalang ang nag-alok ng raket sa’kin na hindi ko kayang sumipot kanina. Paggising ko, halos hilo pa ng onti, bigla akong naloka dahil nagititilian ang mga pamangkin ko sa bahay dahil kay Jun Pyo at sa iba pang f4 na cast. Inulit nanaman ang “Boys over Flowers” na koreanovela at ilang beses na itong inulit-ulit sa kapamilya network. Hindi ko na pinagalitan ang mga pamangkin ko. Hinayaan ko nalang silang tumili ng tumili kahit masakit s tenga. Naalala ko tuloy ang “Boys Over Flowers” remake namin sa TN na supersuper mega effort ang drama at ako pa ang ginawang Jan Dee… siyempre, murder ang character! Kahit ako, natatawa nalang ako sa videong yun. Kung gusto niyo Makita ang videong yun… check my profile sa FB… may nag-tag kasi sa’kin ng videong yun… hehe!
“Masakit, pero kailangang tanggapin…” ilan lamang sa mga linyang ginawa ko noon sa isang farewell party. Ngayon lang nag-sink-in sa’kin na hindi nga talaga madali ang pag-iwan sa mga taong tinuring mong pamilya at mga kapatid. As I’ve said, I have to set my own priorities…
No comments:
Post a Comment