Home tip: kasalukuyang di makatulog dahil sa shift ko na six to 2 pm... at buti naman, last day ko na to... balik 2pm ang shift ko next week.
Sa totoo lang, hindi ko feel ang pasko at new year ngayong taon. Siguro, hindi ko lang masyadong na-emjoy dahil may pasok ako kahit special special holiday ang pucha! anyway, pera naman ang katapat. tsaka na ako magcecelebrate ng pasko at new year pagdating ng jan.7.. haha!
ang dami kong gustong i-blog at marami akong gustong sabihin. Nung pasko ko pa gustong magblog tulad ng nakagawian ko na last year pero dahil na brin sa pagod at busy-busyhan ang drama, ayun, kahit FB ko o kahit FB mobile ko, hindi ko na magawang bisitahin.
hindi na nga rin ako makapagtext dahil sa totoo lang, hindi naman ako mahilig sa text. kahit bumati nung pasko, hindi ko magawang magtext hindi dahil sa ayokong bumati pero wala lang, ayoko lang magpaload dahil ayoko ng makipagpatintero sa bug down system ng Globe tuwing holidays.
May isang taong lumapit sa'kin kagahapon nung papasok ako ng opisina. multi colored ang highlights, pinaghalong toskolate at putik ang kulay ng balat, at nakasuot ng puting damit na hindi nilabhan gamit ang Tide Bar, in other words, isang pulubi. naloka ako dahil hindi literal na hindi pa sumisikat ang araw, may ganu'ng kalakalan na ang nagaganap. it was 5:30 in the morning pa at masyado namang maaga para manglimos di ba? at bigla akong nawindang dahil hindi siya ordinaryong pulubi, isa siyang Badjao na normal ko lang na nakikita sa Dumaguete at wag ka!!! nakaabot na sila ng Maynila!! Badjao's attack ang concept nila na kinakabog ang mga pulubi dito sa maynila.
alam nyo naman ako pag umaga, basag at kasalukuyang nagbubuffering ang katawan ko lalo na pag-tuntong ng six ng umaga. kailangan ko ng kape. alam mo yung nasa verge ka na at tipong kapeng kape ka na, isang vending machine sa smoking area ang nag-ooffer ng brewed coffee at yung tipong tuwang-tuwa ka dahil makakainom ka na ng kape at hindi lang ordinaryong 3-1 (sabi pa ng trainer ko, ang 3-1 daw ay cheap, dapat daw brewed) kundi BREWED... tsaka ka pa bibigyan ng lecheng vending machine na yan ng MAINIT NA TUBIG... ano ako, masakit ang tiyan ko ganun? kaya whole day akong naghimutok dahil lahat pala ng vending machines sa office ay puro walang laman at hindi naglalabas ng kape... NO CHOICe ang pucha! Brewed coffee sa Country style at kailangan pang gumastos ng mahal para sa kape... namimiss ko tuloy ang kape sa Blue monkey...
ilan lamang sa mga experiences ko ngayong linggo. at dahil magnenew year na mamaya... lemme greet you a happi new year at alam kong segway lang toh!
No comments:
Post a Comment