Tuesday, September 21, 2010

Pandesal

Pag-uwi ko tuwing umaga, laging may hain na pandesal na nakalagay sa mesa. Ito ang kadalasang kinakain ko kasabay ng paghigop ng kape at yosi. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi nalang ganito ang sistema ko tuwing umaga. Nangangarap ng gising sa balcony at sa bawat higop at hithit ng yosi, nananatiling sariwa ang mga ala-ala ng nakaraan at gugunam-gunamin ang mga hinanakit ng kahapon at magiging depress bigla.

Hindi ako seryoso... feel ko lang sabihin ang mga ito. Wala lang! hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon... walang pumapasok sa utak ko...

ayun! meron na! nakatikim ka na ba ng pandesal na ang palaman ay sardinas at itlog? ako... hindi ako kumakain nun! malangsa kasi at di ko maatim ang lasa. Hindi naman sa pag-iinarte, hindi talaga ako mahilig sa malalansang pagkain. Mas gugustuhin ko pang margarine o kaya mayonnaise ang palaman.

naranasan mo na bang makipaghalubilo sa mga taong akala mo noong una, hindi kayo magiging close at ang ending, sila pa ang mga taong magiging sandigan mo pag ikaw ay nalulugmok o kaya naman, tripping mo lang na mag-inarte. Ikaw ang pandesal at sila ang sardinas at itlog at feeling mo, malangsa sila kaya hindi kayo match!

hindi ko na mabilang kung sino-sino na ang mga taong nakilala at nakahalubilo ko. yung iba, napadaan lang, yung iba naman, kasama kong nag-aantay ng masasakyan sa waiting shed tapos bigla nalang pa-para. Takot dumaan sa mabatong daan. Baka kasi tumagilid at mahulog s bangin ang sinasakyan namin. Yung iba naman, kasama mong kumain ng pandesal na may palaman na bagoong. Kahit kadiri, Carry na!

mabibilang lang ang mga taong kumakain ng pandesal na may bagoong. Pero kung inaakala mo na habambuhay mo silang kasabayang kumain nito, sabay inom ng GSM Blue, diyan ka nagkakamali. may sarili din silang palaman gaya ng atchara, toyo o kaya naman asin. Yung tipong di mo rin kayang kainin. May panahon din na iiwan ka nilang mag-isang kumakain ng pandesal na may bagoong. Kaya dapat, i-enjoy mo nalang ang jammin session. bawat segundo, minuto at oras, dapat mong ipadama sa kanila na mahalaga sila sa buhay mo. Anuman ang ipalaman nila sa pandesal, kaya mong kainin. Anuman'g uri ng ulam o di mo man maatim na lasa, kaya mong lamunin!

Marami na ang naglabasang uri ng tinapay pero di pa rin papakabog ang pandesal. Ikaw ang pandesal na tinutukoy ko. Ang importante, mahalin mo ang lahat ng kaibigan, pamilya at kasintahan mo dahil minsan lang yan dumating sa buhay mo.

ganda ng konek noh? pamatid post para sa nagdudugong utak ni Bea! hehe!

No comments:

Post a Comment