Thursday, September 16, 2010

I-blog mo nalang

PUWEDE NAMAN SABIHIN LAHAT SA BLOG DI BA? KUNG NAIINIS KA, HINIHIGOP KA NA NG STRESS... YUNG TIPONG GUSTO MO NG SABIHIN SA SARILI MO NA PLS LANG! ONE TIME LANG! GUSTO KONG TUMAKBO NG NAKAHUBAD! WALANG SAPLOT!!

hindi ko alam kung magagalit ba ako o pawang dedeadmahin ang lahat. Oo nga naman, pinipilit ko ang sarili ko na maging matatag at maging easy on going ang lahat, pero di talaga maiiwasan na lamunin ka ng sarili mong emosyon.

Sana, sa pagkakataong ito, hayaan niyo munang sabihin ko ang lahat lahat ng gusto kong sabihin. Sa totoo lang, kailangan kong manahimik pero kung mananatili itong tago sa buong pagkatao ko, yung tipong wala akong outlet na malalabasan, para na rin akong isang LPG. pasingawin mo tapos sabay sindi sa lighter... ganun din ang kalabasan. Mas malala pa nga.

Ayoko ng magpakaplastik. Ayoko ng magpakamartyr. Siguro, ganun talaga pag masyado kang mabait. Kailangan mong intindihin ang kinanatatayuan nilang sitwasyon at kailangan mong sabihin sa sarili mo na manahimik nalang at idaan nalang sa kakatawa at megapictorials ng pangHFM (nabulol sa FHM) daw ang drama pero kadiri ang kinalabasan ng pictorials.

Ikakatuwa ko sana ang 6 day leave ko sa trabaho pero ganun pa rin ang kinalabasan. Binigyang pansin ko ang publikasyon dahil kailangan namin ang bawat isa sa panahong ito. Walang iwanan ang drama. pero habang tumatakbo ang mga araw sa kalendaryo, pakiramdam ko, lumalala ang sitwasyon. ayokong ipakita sa kanila na naapektuhan ang buo kong emosyon dahil alam ko sa sarili ko na wala itong silbi at makakadulot pa ito ng mas maraming negative energy. At alam ko ang katotohanang isa ako sa nakakatanda sa TN kaya siguro, sa akin dapat magmula ang hindi pagsuko sa ganitong labanan... signs of maturity kung baga.

halos nanalamig ang buong katawan ko sa biglaang pag-resign ng ilan sa mga empleyado ng walang abiso sa admin at pati na rin sa'kin. siyempre, responsibilidad ko na magbigay alam sa OM (operations manager) o kaya naman sa CEO (Chief Executive Officer) kung sila ay aalis na sa kompanya. nakakalungkot isipin na binigyan mo na nga ng pagkakataon na sila na ang mismong magresign personally, pero sila pa ang may makakapal ang apog na bigla na lang mawawala... parang MIA... ganun na nga! hindi na parang! tpaos iiwan sa ere na sa'kin ang lahat ng pagisisi at sabon na todo bulang Surf at Tide ang inabot ko sa Taas.


at dun ako nasasaktan ng husto. PAGTITIWALA! mahirap ibalik ang buong pagtitiwala kung hindi mo alam ang tunay na kahulugan nito. MAhirap Umasa sa wala kung ang ugat nito ay ang salitang Pagtitiwala.

sana, naging panaginip nalang ang lahat. Kung saka-sakaling sinusubukan ako ng Diyos kung kaya ko pang lumaban sa stress at burdens... wala na akong magagawa. nandito na ako at obligado akong tapusin ang labanang ito magkamatayan na!

sabi nga nila, huwag kang maniguro na magdala ng mahabang espada, pananggalang at kabayo kung ikaw ay makikipaglaban sa mundo na puno ng mapanuri at traydor. Mas mabuti pang magdala ka ng punyal at magsuot ng sapatos na may makapal na suwelas dahil mas mahaba pa ang timeline ng iyong pakikipaglaban. Madali kang mamatay kung armado ka nga at hindi mo naman ito ginagamit ng wasto at maayos. Mas mabuti ang simplen at makalumang sandata basta alam mo kung paano ito gamitin ng maayos at may tactics at special skills.

No comments:

Post a Comment