Friday, September 10, 2010

Problemado ka ba?

Oh well... bago muna ang lahat, gusto ko sanang maibsan muna ang lahat ng pagsubok at paghihirap sa TN. Gusto ko lang labanan ang stress at wala akong pakialam kung hindi ito English. pasensiya!

kahit sabihin man ng iba na ako ang taong madaling makalimot sa stress at ginagawang maging simple ang lahat, ayoko lang talagang higupin ako na pagod at maging emosyonal. sana, sa mga larawang ito, sa mga sasabihin ko na sa tingin niyo na walang kuwenta at nonsense, malaman niyo ang dahilan at kahulugan ng pag-asa, solusyon at tiwala. Sana, maisip natin na masarap mabuhay sa lupang puno ng pagsubok at kalbaryo... di ba?

May mga pagkakataon talaga na umaatake ang salitang stress. Nanghihina ka na para bang ayaw mo ng kumilos o kaya naman masyado mong dinidibdib ang lahat ng kalbaryo sa buhay. dapat strong tayo... huwag na nating antayin na may magsabi sa atin na wala tayong kuwenta at tama na ang paghihimutok...
(pagmasdan ang larawang ito... "anak... kumain ka na? Pls. naman ubusin mo! [commercial ni tita Shawie na Lucky ME])


Mas masarap ang buhay kung may nararamdaman kang pag-asa hindi lamang sa sarili kundi pati sa iba. Mas naaayon sa batas ng tao kung may makakapitan ka at maibsan ang hirap na nadarama, Malay mo, sila pa ang patuloy na aakay sayo. Huwag na natin antayin na malunod tayo sa problema. Lagi nating tatandaan na may katapusan ang buhay na hiram lamang sa maykapal. Tulad nalang ni Jonas. Kahit hirap na hirap sa litratong ito na i-angat ang kanyang "MUMUNTING" katawan, kaya niyang lumutang kahit pressure at effort sa kanya.


Iwasang puluputin ang sarili sa problema at manatiling nakatunganga na para bang pakiramdam mo, wala ng bukas. Gumigising tayo araw-araw at masuwerte ka kung nagising ka pa. Ang problema nung nakaraang araw ay mananatiling sariwa sa iyong katawan pero dapat natin isipin na hindi ito ang dahilan para kainin tayo ng sarili nating emosyon. Lahat ng problema ay may solusyon. Ito ay dapat gawin ng maayos, mabilis at walang keme at huwag ng tumunganga na para bang nag-aantay na umulan ng nyebe sa Pilipinas. Humanap kaagad ng solusyon. Tulad nalang nito... ang mga dekorasyon na nakalambitin ay ginawang props... siya daw si Naruto... ewan ko nalang!


Iwasang mag-inarte. Hindi na uso ang emo... Jejemon na! mas mabuti na kapag may problema sa buhay, hinahaluan ito kaunting sahog gaya ng kaibigan, pamilya, kapaligiran at hindi puro nalang sarili. Kailangan mo sila... hindi ikaw ang kailangan nila. Huwag ng gumaya kay Rolyn na mahilig mag-inarte... gaya nito! hehe!


(pasensiya kung hindi maayos ang pag-photoshop... nakakatamad na!) At ang pinaka-importante at masaya sa lahat, magrelax at huminga ng malalim. Patuloy lang ang takbo ng buhay at mundo. Ikaw, siya o tayo ang gumagawa ng daan patungo sa tagumpay at hindi tayo uusad kung mananatili tayong bigo at ramdam ang bawat hinanakit sa buhay. Walang silbi ang pag-iinarte sa problema at mananatiling makulong sa apat na sulok nito. Walang kuwenta! Pero wag ng gayahin ang nasa litratong ito... OA na!

To my dearest Team... Webpage, Arts and Photography Unit...


Sa mga Editors... (pasensiya na walang pic si DJrem... di ko mahanap eh!)

Sa mga Writers

At Newbies....

Walang iwanan...
Ayokong magmaka-awa
Pero isipin nalang natin
malalampasan natin toh!
Gow TN!

4 comments:

  1. ..ow yeah momi bei...kayanin natin itech

    ReplyDelete
  2. TN will stay mama bei... let's not give up. Ajah! strong biya tah, palaban bya tah... wla bya tai "inuurungan", hehehe... Yes, we can do this!

    ReplyDelete
  3. Rolz and Dora... True! yaw mo padala ug stress! dapat stress free ra ta sige! hehe!

    ReplyDelete
  4. i really really like this post...so funny but there is something worth reading...more post like this please

    ReplyDelete