Hahahaha! Super LOL! Ayokong ma-stress! Time for me to tell something na hindi nakakastress basahin!
OO nga naman, kapag naaasar ka sa isang tao o grupo ng mga tao, bakit di mo subukang sabuyan ng kumukulong tubig? Habang imiikot ang relo sa mapulang tindahan ng Jalolys, at habang nakikipagchikahan sa mga kapwa ko ka-officemates, isang mala-eksenang pangyayari ang di namin inasahan. Tahimik ang daan at walang katiting na ingay ang maririnig ng biglang may nag-uumiyak na bata sa kabilang tindahan. Basa ang damit at namumula ang balat. Hindi siya tumigil sa kakaiyak sabay bulyaw “gawas diha kay makipag-layog ko nimo…Yawaa ka” o sa tagalong, lumabas ka dito at dito ako makikipag-umbagan sayo... DEMONYO KA! Sa murang edad, nasabi ng isang palaboy at negrang bata ang ganung mga salita. Ikaw ba naman ang sabuyan ng kumukulong tubig, hindi ka ba maloka? kahit din naman ako... baka ganoon din ang sabihin. Hindi talaga natin maiwasang mainis sa mga palaboy. Pero kung ikaw ang nasa sitwasyon ng babaeng nagsaboy ng tubug... kung binigyan mo na nga ng pagkain ang palaboy tapos choosy pa... di ka ba maiinis?
Moral Lesson: huwag padadala sa galit... mamaya, matutunang mong magsaboy ng kumukulong tubig... wapaak!
Nung nakaraang sabado ng umaga, may naglalako ng mga santong made in Lahar, Pampanga ang drama. Bigla siyang pumasok sa opisina at binentahan ako ng santo. AKO? BIBILI NG SANTO? hindi naman sa pagiging Hudas at Demonyo, bihira lang akong bumili ng santo. Rosary nga... nag-aatubili pa akong bumili ng walang okasyon... santo pa kaya? nakatayo ako ng ilang minuto sa di kalayuang distansiya at napansin ko talaga na walang nilagay na santo sa table ko. Pagkaraan ng labing limang minuto, napansin ko nalang na may Sto. NiƱong made in Lahar sa table ko... sa gilid ng edge ng table ko. naloka ako... natural! hindi ko masasabing milagroso ang santo pero yun ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko rin masasabi na naiwan ang santo at talagang nag-effort siya na ilagay ang santo sa gilid ng edge ganoo'ng malayo ang puwesto niya sa table ko ng bahagya... WEIRD...
Moral Lesson: Huwag dedmahin ang mga taong naglalako ng mga mahihiwagang santo na made in Lahar. Ilang araw na akong nag-aantay sa pagbabalik ng tindero para ako'y singilin pero as is pa rin ang status niya... NOWHERE TO BE FOUND...
No comments:
Post a Comment