Halos maloka ako sa album ni Nina na “Renditions of the Soul”. Pinadownload ko to sa phone ko at OO nga naman, ngayon na ako naniniwala na kaya pala nagging diamond record ang album niya dahil sa sobrang ganda ng renditions niya sa “cold summer nights”, “half crazy” na sa naaalala ko, paborito ni Marvin Jay Mupal, my long lost collegemate and friend at “why can’t it be” na halos ma-umpog ang ulo ko sa pader dahil sa sobrang touching ng kanta. Haaiiii… hindi naman sa ini-endorse ko ang album ni Nina pero kung gusto niyong ma-refresh at mawala ang stress, recommended remedy ang album na to.
Last week, halos hindi ko makayanan ang term na Home sick. Actually, gusto ko ng umuwi. Hindi dahil sa gusto kong makita si… anyway, masaya na sila… at wala na akong magagawa dun… dahil I really miss my friends. Nakakamiss kasi na sila yung tipong kino-comfort ka pa rin kahit malalaki na kami. Yung tipong kapag may problema ang isa, handing dumamay magkamatayan na at kahit gaano ka pa ka-bastarda o kaya kahudas, deadma na!yun lang naman ang nakakamiss! Alam ko naman ang katotohanan na mas marami akong kaibigan at maituturing na pamilya dito sa City of Gentle people pero iba lang yung feeling na halos din a matibag ng bato ang samahan ninyo dahil alam niyo na ang utot at ebak ng bawat isa dahil simula bata palang kayo, yung tipong kalaro mo ng habulan pag recess o kaya naman kalaro mo ng polly pocket kung sasabihin ng guro na magdala ng laruan sa skul, hanggang sa kasabayan mo na sila uminom ng Gin Pomelo at Magyosi, hanggang sa magkasiraan ang barkada dahil sa makakating labi ni MARTIN at dahil na rin sa tawag ng laman, ngayon ko lang naisip na kahit sinong presidente pa ang pumalit sa Pilipinas, mananatili pa rin ang MArya, Chaira at iba pang involve na tao sa isang maliit na sirkulo ng pagkakaibigan at walang kamatayang samahan na kahit GSM blue, di patutumba!
Ngayon ko lang napansin, wala pala akong luvlife after yun na nga! Hahaha! Oo nga noh… naiingit nga ako kay FIFI… meron na siya! Magkano nagastos mo buwan buwan? Hehe! Joke lang… sinasabi ko nga sa sarili ko, mas mabuti nalang ang di magmahal dahil ayokong madagdagan ang stress! Honestly, ayoko ng umasa. Kung may datating sa punto na magmamahal ulit ako, mas mabuti nalang na playtime ang lahat o kaya naman ipagpalit nalang ang pagmamahal sa isang set ng Punyeta na alak sa Christine’s bar. Mas madali pang tanggapin na basag at wasted ka kesa makita at mangyari ulit ang desperasyon na wala sa lugar! Haizzt! Nadala na ako! At din a yun mauulit pa!
No comments:
Post a Comment