Kung paKABOGan ng Ingles ang pag-uusapan, di na ako papatol diyan. Alam ko na mas maraming tao ang magaling gumamit ng wikang ito mapasulating pormal man o pagkakabigkas ng mga salitang angkop ang bawat bagsak ng labi o diin. Ayoko ng makipag-away sa mga taong magaling mag-ingles. Napapansin niyo naman yun sa blog ko na madalas lang talaga ako gumamit ng English language dahil alam ko ang sarili kong kahinaan. lagi akong biktima na maling balarila at OO nga naman, wala akong pakialam duN!
ano ba ang dahilan kung bakit masayado tayong nahuhumaling sa salitang Ingles. Rinding-rindi na ako sa mga propesor ko sa MC na dapat, alam mo ang buong sistema ng wikang ito dahil ito ang magiging susi tungo sa pagkaka-unlad ng iyong propesyon at kinabukasan. Hanggang sa trabaho na meron ako hanggang ngayon, Ingles ang pangunahing medyum na kailangan gamitin kaya minsan, Bumabaha ng dugo at plema sa ilong ko at ito nga ata ang dahilan kung bakit nararamdaman ko ang sakit na "migraine" at tipong malala at parusa.
Isang malaking tandang pananong na naglalaro sa sarili kong imahinasyon at mundo, bakit ba kailangan nating pagyamanin ng sobra sobra ang salitang Ingles. At mai-Konek ko na rin lang, papalapit na ang Miss Universe Pageant at mapapansin, mahal na mahal ng mga Hapon, Portugees, Espanyol, iba pang lugar sa Europa at Timog Amerika ang kanilang wika. Kaya maganda ang kanilang mga sagot sa Question and Answer portion, ang pinakahudas na parte sa paligsahan ng angking ganda at katawan o Beauty Contest at di rin maiiwasan na kaya sila di makapasok sa top 15 dahil sa tatanga-tangang pagsalin ng mga interpreter sa wikang Ingles!
Kungpuwede lang bumangon si Jose Rizal sa kanyang kabaong, malamang, ang PINAKA-una niyang gagawin ay ang bisitahin ang Luneta Park at Ibibigay ang tatlong gintong bituin sa mga sundalong nagbabatay dito. Hindi naman kasi si Rizal ang binabantayan nila. Ang tatlong Bituin na gawa sa Ginto. Totoo yun! pero anong Konek? Binigyan tayo ng kalayaang ipahayag ang ating damdamin at hinaing na gamit ang sarili nating wika at kahit si maraming alam na salita si Rizal, nanaig pa rin ang wikang pilipino sa kanyang puso at damdamin.
"Ang Di Marunong Magmahal sa Sarili Nating Wika ay mas MASAHOL pa sa malansang Isda"
inukit na ng panahon ang mga katagang iniwan na pamana sa atin ni Rizal. Dumating si Webster at Oxford wala na taying nagawa kundi gamitin ang salitang Ingles sa araw-araw nating pamumuhay. PAti ang mga salitang Ingles pamatay sa lalim ang kahulugan nito, kadalasang ginagamnit ang mga ito kung may kaaway ka facebook, friendster o kaya naman ang pinakalumang social networking... ang MIRC. Iba na ngayon ang sistema... ang di marunong magmahal sa sarili nating Wika... Coño o kaya naman, Meriam..... Defensor!
Hindi ako PAtriotic kung bakit ko nagawa ang post na to. May mga pagkakataon kasi na mas gusto ko pang magsulat at gumamit ng Tagalog kesa sa Ingles. Siguro, lumaki ako na Crtifies Batang Maynila ni Mayor Lim pero mas komportable akong gamitin ang salitang ito.
Hindi rin ako susunod sa yapak ni Jose Rizal o kaya naman, Isa sa mga idolo kong manunulat na si Bob Ong, pero sana, Bigyan natin ng konsiderasyon ang wikang nagbigay sa atin ng kalayaan at prinsipyo na iyahag ang lajat ng ating nararamdaman at walang iba kundi ang wikang Filipino. Sa panahong sinasabayan natin ang pag-unlad ng teknolohiya at sarili nating pamumuhay, sana umunlad din ang sining at kultura na meron tayong mga pilipino sa larangan ng pagsasalita at pagsusulat ng sarili nating wika at balarila.
No comments:
Post a Comment