Monday, August 30, 2010

Parang Rollercoaster na Ferris Wheel

Ang sarap talagang sumakay sa isang mala-rollercoaster na byahe ng buhay. Ang sarap ng pakiramdam kapag nasusuka ka na, yung OA OA na pagtili na halos madra-drawing na yung korte ng ngala-ngala mo kasabay ng paglantad ng esophagus sa sobrang OA na talaga… (OA yung description), yung biglang mararamdaman mo yung pagdalusong pababa tapos biglang aakyat ng mahinahon at kakabahan ka kapag narating mo na yung pinakatugatog ng joyride na ito.

At yun ang nangyari sa’kin last week!

Magaling na ang aking pinakamamahal na kaliwang kamay. Ang tanging naiwan na lamang ay ang mga natuyong kakapiranggot na sugat. Medyo nagagalaw ko na siya. Napilayan kasi ako… dahil sa isang kagagahang pangyayari. Basta ang masasabi ko lang, dapat, maging maingat para hindi madulas… MADULAS… sige… para mas magaan pakinggan… MAUNTOG… hehe!

Last week-end, halos hindi ako makahinga sa sobrang saya. Nung sabado, naramdaman ko na Tao rin pala ako na may social life. Yah… I was totally drunk at basag ako nun. Pero hindi ko ikinahihiya yun dahil nalaman at naramdaman ko pala na kahit gaano kalupit ang lahat ng responsibilidad na inaako ko, kahit may mga taong hindi maintindihan ang sarili mong atake at combo kung paano mo aayusin ang lahat ng mga bagay na ito, dumarating sa punto na kailangan mong ibalanse ang lahat at mahalin ang sarili mo na higit pa sa pagmamahal mo sa responsibilidad na meron ka.

Dalawang beses kong napakinggan ang banal na kasulatan at Tatlong beses akong nagtirik ng kandila sa iba't-ibang simbahan nung Linggo. Ewan ko ba kung anong nakain ko nun… sa Pagkaka-alam ko, ang binanatan ko lang naman papakin ay ang Kimchi na dala ng isang NAPAkA-buting kaibigan galing Korean Market! Putcha! Lakas ng impact! Pero seryoso, Pagkukumbaba ang mismong Homily ng pari. Dapat natin malaman ang tunay na kahulugan ng humility at huwag magmataas at kahit naka-8 inches ka man na heels, lalagapak at lalagapak ka pa rin kahit si Lady Gaga ka pa… gets?

Ayoko ng mag-isip ng negative vibrations dahil nakakasira ng panahon at Chi na dumadaloy sa buong katawan mo. Sa naalaala ko lang, nakasulat ako ng mga articles all about ORGONITE. Search niyo nalang sa web kung ano yan… nakakarelease ng bad energy yan! Promise! At talagang maghahanap ako ng Orgonite sa Bazaars para naman di na humigop ng bad energy ang katawan ko at makagawa na hindi maganda at hindi Gawain ng isang babae! Hehe!

Sa totoo lang, masaya ako kung ano ang mga nangyari last week… one of the most memorable experience ever happened!

PS: malaki ang pasasalamat ko kay:
Joriz: salamat sa Kimchi… ingat ka sa UBEC!
Franco: salamat sa hot compress chuva source! Haha! (naning pa’g pangutana ni X-tian the Nurse)
Sir Rich: thanx for the support sa first week ng ASKAGENTS… and also Mam Marie… baka mas maraming appointments ngayong week! (I hope so)
Mayricks clan: salamat sa Night out last Saturday… hahaha! Dyan kayo maaasahan!
David: BETCH!! Good luck sa Borgees! LUZILA is Baaack! Hahaha!
Tonz: Salamat sa kakulitan at kaharutan… at least nawala yung tension! Effort at wasakan ng pa…. ang pumalit! Haha! Basta salamat! (magubot jud akong kalibutan if naa ka!) hehe!
Fifi: NAPAKALAKI ng pasasalamat ko na Pinalandakan mo ang picture ni Badong! Pangalanan pa ha! Anyway… Nice one! LINTIK LANG ANG WALANG GANTI! Hahaha! You make me smile fifi! Serious one… THANX! Mis u!
Chryss: salamat sa comfort kahit nung hostage taking… salamat sa impormasyon… AW? Kasali sa hostage? Hahaha!

At bago maging aknowledgements at thank you sponsors ito, puwede itigil na? nagugutom na ako…

No comments:

Post a Comment