Now I realized… Bickering is not good.
Hindi masama ang magalit. Kung alam mo na nasasaktan ka, walang pumipigil sayo na ipahiwatig ang lahat ng galit na nararamdaman mo. Minsan, di natin namamalayan o intensyon mo talagang magmura o kaya naman lagyan ng maraming kolorete ang mga salita na tatagos sa kaluluwa ng taong kinaiinisan mo. Sapat na ang pakiramdam na nasasaktan din siya. Hindi ka pa nakuntento at binubulyawan mo pa ng sandamakmak na mura at di kaaya-ayang mga pangungusap. Lumalaki ang isyu at lumalaki ang gulo. Marami ng baho ang nailabas.
Kawawa naman ang nabiktima. Pero di lungod sa kaalaman ng iba, siya rin ang tunay na salarin at dahilan ng lahat ng kaguluhang ito.
Ayoko na sanang palalain pa ang isyu. Ayoko na sanang pumatol sa isyu pero ang punto ko lang naman, hindi sa lahat ng panahon, kaya kong manahimik at itago lahat ng hapdi na nararamdaman ko. Matagal na akong nanahimik at alam yan ng lahat. Alam ko sa sarili ko na lagi nalang akong nagpaparaya sa lahat ng mga taong inaapi ang pahkatao ko. Kung ang Mount Pinatubo at Mount Mayon nga, marunong mag-alburuto … ako pa kaya?
Kung ano man ang nasabi ko sa hinayupak ang walang modo… kilala niyo naman kung sino siya, yun lamang ay pawang katotohanan. May karapatan akong magsulat ng constructive criticisms sa blog ko at Malaya naman siyang magsulat ng opinion niya na kung tutuusin, mas bakla pang magreact kesa sa’kin. Baklang Bakla! Tinanngap ko ang comments niya dahil marunong akong tumanggap ng RESPETO sa opinyon. Alam ko na mas may pinag-aralan ako kaysa sa kanya at mas propesyonal. Tanggap ko na hindi ako magaling na manunulat. Tanggap ko rin na kung sa paningin ng iba, isa akong horsey. Tanggap ko na kung mangyurak ng pagkatao ang iba diyan, lahat ng mabubuting bagay na ginawa ko sa mga taong nasa paligid ko, mas may karapatan akong sabihin sa buong pagkatao ko na isa akong mabuting tao kaysa sa kanya. Kung magbibilangan nalang ng mga kaibigan at nagmamahal sa’kin, marami sila. At kung parehas kaming mamamatay at ibuburol sa parehong oras at panahon, mas marami ang iinom ng kape at kakain ng Rebisco sa burol ko. Alam ko sa sarili ko na wala akong tinatapakang tao at yun ang totoo.
Nagsalita na ko. Nagchatbox siya. Nagreact ang iba at sapat na yun. Muli, mananahimik ako para sa kapakanan ng publikasyon. Mas malaki ang respeto ko kay Bhoy kaysa sa kanya. Nangyari na ang nangyari lahat ng sakit ay dumaan na. Nagkapalitan na ng maanghang na salita at dapat itigil na ang lahat ng kaguluhang ito.
Hindi buhay mo ang pinakialaman ko at yun ay paglilinaw ko lang naman. Kung hindi ka marunong tumanaw ng respeto sa kapwa mo, sana, unti-unti mong maunawaan na kung tinuturing mong pamilya ang TN, marunong ka sanang makinig, makiramdam at maging sensitibo. Hindi sa lahat ng panahon, mananahimik ang mga taong bwisit na bwisit sayo. Sana, marunong kang makinig sa nakatatanda sayo. Hindi solusyon ang pagiging Emo sa buhay. Nakakagago yun.
Ako naman ngayon ang tatahimik. Hinding hindi na ako magsasalita. Ito na ang huling pagkakataon at hindi na ito mauulit. Para sa ikabubuti ng publikasyon. Maraming salamat sa former EIC para sa realizations. Do not worry… things will be fine soon…
BTW… speaking on the outside world… Hindi ko na hawak ang desisyon kung ano man anf mangyayari. I will post these messages.
“Yes, you are right David, all the intuitions were true....it's my fault, i wanted to give him the benefit of my doubt...he was like an angel when he applied..it was only when he knew that his articles were really sub standard that he acted like an enemy to the company..maybe he cant just accept that he is not a good writer as he claim he is. His writing is good only for classroom room writing not professional writing..upload his ebook and his sets........it will make you crazy...”
“before we say anything bad against other people..please look at the mirror and see for yourself once again who you are.
talking behind one’s back is pure cowardliness . face the issue don’t run from it and quack like a duck. I am holding my patience…don’t dare me….legally, i can file a case against anyone who says bad things about the company. Treat us right and we will treat you right. Dare me and I will face that dare…in court.”
-Marrie Torrentegui Saycon
CEO MY Virtual Support
No comments:
Post a Comment