Tuesday, October 12, 2010
pangungulila....
ayokong mag-emote... ayokong mag-inarte pero nilalamon ako ng isipan ko na maramdaman ang ganitong sitwasyon... ewan ko... so many things to consider, so many works to make and ang daming efforts ang kailangan gawin...
Here I am... stuck sa lay-out pc habang natutulog ang ibang staffers dito sa office. kasalukuyang tahimik ang opisina, ingay ng aircon lang ang maririnig at ang naghihingalong electric fan. Tahimik akong nakaupo. wlang magawa kundi gunamgunamin ang mga bagay bagay na dapat tapusin.
ayokong mag-emote pero eto ako. randam ang pangungulila ng mga magulang at kaisa-isang kapatid ko. ewan ko rin kung bakit. Sa loob ng limang taon, ngayon ko lang ulit naranasan ang pangangalaga at concern ng aking ina. Nagstay kasi siya ng mahigit sa tatlo o apat na buwan at eto na ang pinakamatagal na pagsasama naming dalawa. Kung nung una, kaya ko na mahiwalay sa mama ko... ngayon... hinahanap-hanap ko ang kanyang pangangalaga kahit hudas ang tingin niya sa'kin (paminsan minsan lang naman.
Nakakamiss ang hotdog at itlog na may sangag pa sa mesa tuwing umuuwi ako ng bahay. nakakamiss ang mga pagkaing choco mucho at sylvannas na laging dala ni mama kapag trip niya lang mamasyal sa Robi at downtown. Nakakamiss ang mga panahong katabi ko siya matulog dahil minsan lang mangyari ito sa loob ng isang linggo. Isang beses ng lang at yun ay ang araw ng linggo. Nakakamiss panoorin ang ina kong na-adik sa suertres dahil hindi naman talaga mahilig sa sugal si mama (weeeee?) yung tipong kapag nanalo ng five pesos... tuwang tuwa ang lola mo at megamicrophone ang drama pag-uwi ko ng bahay.
kaya minsan, mas gugustuhin ko pang mag-overnight sa office dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kapag umuuwi ako ng bahay.
kaarawan ng kapatid ko nung october 8 at eto naman ako, nakalimutan ng onti na borthday pala niya. Dalawa lang kaming magkapatid kaya hindi talaga maiiwasan ang pagiging closeness naming dalawa. Nakakagulat isipin na sa ngayon, kasabayan ko ng uminom ng red horse at iba pang nakakahilong likido na hindi ko lubos maisip na sarili niyang kuya, tinatagayan na at mas malakas pang uminom sa'kin! nakanang! nakakamiss ang ganu'ng happening. Ni minsan, hindi ko narinig sa kanya na kinahiya niya ako sa harap ng kaibigan niya... proud pa nga siya na may kuya siya at the same time time... instant ate pa... naaalala ko nga nung sinabi niya sa'kin na kapag nasa loob kami ng bahay, kuya ang itatawag niya... kapag nasa labas... ATE! supportive!
mahilig sa banda ang kapatid ko... mahilig din sa computer at dakilang adik din sa FB. Siya pa nga nag-impluwensiya sa mga awiting banda banda mapapinoy man o foreign. At proud kong sasabihin a kanya na AKO ANG NAG-IMPLUWENSIYA SA KANYA na sumali sa teatro at naaalala ko pa ang unang skit na ginawa ng grupo niya nung grade 6 pa siya... hehe!
nakakamiss ang mga sermon ni papa. hindi ako papa's girl at inaamin ko naman yun. pero sa totoo lang, masarap ang feeling na alam mo na mahal ka ng tatay mo. Handang dumamay sa'yo at kahit nadapa ka na sa lahat ng pagkakamali mo sa buhay, andyan siya, handang tumulong at gumabay sayo kahit hindi mo siya nakikita at nararamdaman. Inaamin ko na malaki ang galit ko nuon sa tatay ko dahil sa hindi maintindihang sitwasyon. Siyempre, kasagsagan ng adolescent period at puro pagrerebelde ang nasa isip... kapag tumatanda ka na, dun mo malalaman ang tunay na kahulugan kung bakit nagpasyang maging OFW si papa at iwan kami dito sa Pinas. sa totoo lang, bata pa ako nung mawalay ako sa tatay ko at dati, kung uuwi man siya ng Pinas, masaya ako dahil sa importedna pasalubong. Pero ngayon, masaya ako na umuuwi siya. dala ang pagmamahal na hinahanap ko isang ama. dala ang pag-asang mabubuo muli ang isang pamilya na ninanais kong maranasan habang buhay pa ako.
ngayon ko lang nararamdaman kung gaano kahirap mawalay sa pamilya nakalakihan mo ng husto. yung tipong kapag busy ka, hindi mo sila maisip dahil alam mo na mauuwian mo silang buhay sa bahay at ihahanda ka pa ng masasarap na pagkain. mahirap mahiwalay sa magulang at kapatid mo kung ikaw ay nasasaktan at nahihirapang umahon sa lahat ng pagsubok sa buhay... ang hirap hirap mag-isa lalo na kung bugbog ka na sa lahat trabaho at iba pang tasks na dapat mong gawin.
ngayon ko lang naramdaman na hindi ko pala kaya mahiwalay sa kanila... Sa lahat ng nakakabasa nito... kahit nakilala niyo akong tampalasang bata o kaya naman maldita... mas gugustuhin ko pang mahalin ng buo ang aking mama, papa at kapatid ko kesa mag-aksaya ng pagmamahal sa mga taong tanging kapalit lamang ay pera at materyal na bagay....
huhuhu...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Wow mommi bei. Its good for some time to be with family. Coz no matter what happen, sila ra jpun mkasabot nmu and mu stay nmu, even all the joys and friends of yours will turn their backs on you. Your lucky to hav dem so treasure every moment while pwede pa. Life is too short to be taken for granted :)
ReplyDelete