Tuesday, March 24, 2009
Usapang kalye…
Psst… ititgil ko muna ang pagpost ng English dahil masyado akong nawiwili sa pagpost ng english mode. In fairness to myelf… hehe!! Anyway… tinigil ko muna ang sarili ko na mag-overnyt sa office sa kadahilanang masama ang aking pakirandam at gusto ko munang magpahinga at makakuha ulit ng lakas pangangatawan at energy galing sa aking mahiwagang bed.
At mantakin ba naman na useless din ang aking pagrest dahil mga 3am na ako nakakatulog at sinasadya ko talagang manood ng documentary shows mapaGMA o ABS-CBN.
Favorite ko talagang panoorin ang mga docu shows at ewan ko ba kung bakit. May mga times kasi na maganda ang topic na kanilang pinapakita at nakakarelate minsan ang mga Pilipino (pwede naman ako lang!) sa kanilang mga episodes tulad nalang ng Eye Witness ng GMA (endorsement?).
Kagabi, wala akong choice na panoorin ang KALYE sa ABS dahil blurred ang reception ng kabilang istasyon. Sa totoo lang, di ko maappreciate ang KALYE dahil mababaw ang stories nila at walang kakwenta kwenta ang mga footages na literal talaga na pangkalye. Yung tipong matutulog ang mga anchors sa kalye, pag-uusapan ang buhay ng isang pulubi na pamumukha sa viewers na sadyang mahirap ang maging pulubi at di naman tayo tanga na di natin alam na mas mahirap pa sa daga ang pulubi (in journalists words… STATING THE OBVIOUS).
Pero sinabi ko nga, wala akong choice. Nagulat ako sa mga topics nila dahil di na siya mababaw. Super heartwarming ang story tungkol sa isang youth organization na ang instrumento nila na maturuan ang mga street children ay ang kariton na puno ng libro at kung anu-ano pang mga school supplies. Sobrang nakakatouch pa kasi ang lugar na kung saan nila tinuturuan ang mga street children ay sa sementeryo (take note… umaga’t hapon naman nila isinasagawa ang pagtuturo…). Nominated ang nasabing youth organization sa CNN heroes award at nakatanggap na rin ng maraming parangal.
Alam naman nating lahat na may mga pagkakataon, di ginagampanan ng gobyerno ang tungkulin nila sa bayan. Kahirapan ang siyang unang dahilan na kakabit nito ay katiwalian ng mga taong nakaupo sa kanilang posisyon sa gobyerno. Edukasyon ang pangunahing sandata para makalabas sa ganitong uri ng problema.
Sa tindi ng sikat ng araw ay patuloy na naglalakad at pinapaandar ang mga karitong laman ay puro libro at school supplies. Sabi nga nila, ang kariton ay simbolo ng kahirapan at pinipilit nila itong ibahin para ito naman ay maging daan para sa edukasyon at ilayo ang mga bata sa kamangmagan.
Tama nga naman sila at saludo ako sa kanilang advocacies.
Isa ring nakakalokang isyu na kanilang pinalabas ay tunkol sa Manila Bay. lumaki ako sa Maynila at 17 years ng buhay ko eh nakalagak sa aking hometown. Alam ko rin naman na sobrang dumi ng Manila Bay at di talaga ako nangarap na lumangoy o kahit idampi lang ang aking mga paa doon.
Di rin naman ako bulag na pag namamasyal ako sa baywalk pati na sa CCP (Culutral Center of the Philippines), marami talaga akong nakikita na mga taong naliligo doon. Siyempre, ramdam ko ang pangdidiri na di naman sa mahirap sila pero pangdidiri in a sense of CATCH BASIN ng dumi ng buong kaMaynilaan ang Manila Bay. In other words, doon lahat nakabinbin lahat ng basura, kemikal at dumi ng tao sa nasabing dagat.
Mas lalo kong naintindihan ang kadumihan ng mga Bay tulad ng Manila Bay (obviously) nung nagsulat ako ng article sa Enviromental Journalism kay Sir. Amards tungkol sa Rizal Boulevard ng Dumaguete City. Mataas din ang bacteria sa nasabing boulevard dahil Catch Basin din ito ng dumi sa buong City ng Dumaguete. Buti nalang, may water treatment facilities na nilagay ang LGU o local government unit para mabawasan ang dumi at bacteria sa Rizal Boulevard.
Sana nga lang may ganoong facilities din ang ilagay sa Manila Bay para naman malinisan ito ng unti. Sabi nila, 7 na truck ng basura ang nakukuhang mga garbage sa Manila Bay linggo linggo. At sabi daw ng DENR, ilang taon pa ang igugugol para malinisan ng husto ang dagat na kung tutuusin, 14 years old pa ata ako nung marinig ko ang KAPIT BISIG PARA SA PASIG na ang layunin ay linisin ang Ilog Pasig at hanggang ngayon, madumi pa rin kung makikita at malalanghap mo pero slight lang naman (at least may improvement) and means to say na matagal na proseso talaga ang pagsa-ayos ng mga ganitong bagay.
Sana, lahat ng problema sa ating bayan eh maayos na. di rin naman natin to maayos kung di rin magsisimula sa ating mga sarili.
Ang pag-nood ng ganitong mga palabas ay totoong nakakamulat ng mata at isipan sa ating mga pinoy. Totoong usapang kalye ito pero di naman literal na usapang bugbugan ng mga tambay, salitang kalye o mga usap-usapang chismax galing sa kipitbahay. Siguro bilang isang mamamahayag, karapatan ko rin namang ipahayag sa inyo ang ganitong klase ng suliranin sa ating paligid.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
maganda nga talaag ang mga documentary shows. dati laging napapanood kaya lang sa sobrang busy, kailangan ko na ring magprioritize.
ReplyDeletepaborito ko syempre ang i-witness.
astig sa picture. reporter ka ba?
WOW salamat sa opinion at information Mo...
ReplyDeletenakakatouch din naman na sa panahong ito my mga taong katulad Mo na nag kikicare sa enviromental problem :D
at sana nga masiayos na ang mga ganitong problema sa ating bayang pilipinas....
tanong ko rin kong reporter ka ba!?
curious lang po
teece...
God BLess....
the dong and k.i.i.k.a.y
ReplyDeleteHahaha... naloloka naman ako sa mga comments nyo! mano ba naman sa pagiging kalog ko at least may nagcocomment ng ganito! kaloka!
actually yung picture na nakita nyo sa taas... hmm... it was taken during the Hugyawan Festival sa aming university. Luckily, i was one of the anchors sa dtreet parade.
siguro, reporter nga ako pero on the making pa naman! hehe!
btw... thanx for the comments.. i really appreciate it
u know what, the pics in this post is so so nice
ReplyDeletethanx kcatwoman!
ReplyDelete