Wednesday, March 4, 2009

Ang Hirap ng buhay student journalist…


Pag ako natapos sa sa mga articles na nakamamatay… watch… tatamblingan ko ang freedom park ng two times… tapos magbebending ako sa harapan ni Ninoy Aquino… watch talaga…

Actually, ginagawa ko tong post na to ng alas 4 ng madaling araw at hanggang ngayon, di pa me nakakasulat ng article kahit lead man lang. ewan ko kung bakit… at ang kagandahan nito eh passing na ng articles this Friday… ang magaling na Bea di pa nagsusulat… ang husay…

Inaamin ko na mahirap maging isang manunulat sa mundo ng journalism. Facts… Facts at walang pakundangang News Leg ang kelangan gawin para mailathala kung anong gusto mong ipahiwatig sa mga sinusulat mong mga echos echos… (teka… nosebleed?)
Minsang nanahimik ang mundo ko sa pagiging arkitektura at ngayon… ibat-ibang uri ng tao ang nakakasalamuha at nakakausap ko. Tourism officer, puro mga opisyales sa LGU at kahit mambabarang di pinatawad… ang husay talaga…

Nakakapagod pero ang sarap ng pakiramdam ng isang “student journalist”. Kelangan ng tatag ng loob, isip at lagi mo dapat katabi sa gilid mo si “Confident” at maging miyembro ng alpakapalmuks…

Mabuti nga at naranasan ko ang ganitong pagkakataon ngayon at baka ito ang mundo ko pagkatapos kong mag-aral… mundo ng journalism!

Sana sa bawat sigarilyo na hinihithit ko pag stressful, mga burger na kinakain ko pag nag-oovernight sa TN office at eto… ang lecheng Marvin Jay Mupal… naiinsecure sa ginagagawa kong post at may lakas ng loob pang nagcomment… habang ang aking mga kapwa student journalist eh nagcracramming sa mga articles eh eto ako… ang kapal kapal ng mukha na gumawa pa ng blog post… well isa lang masasabi ko… hindi talaga umaandar ang utak ko sa mga oras na to… at sana worth it ang pagpuyat ko ngayong araw at sa susunod pang mga araw…

Well… I wish myself a good luck… makakasulat pa kaya ako ng feature article regarding Negros bleeding Heart pigeon at spotted deer?… titingan ko…

No comments:

Post a Comment