Thursday, March 12, 2009
Diary Fever...
Kung tutuusin, masyado atang nauuso ang mga emo on the making sa ating “small world”. Kahit ako… nahahawa sa mga emo palibhasa nagkafriend kami ni carlamoi na isa ring emo. Kagabi, bigla ko nalang nakita ang aking diary way back 6 years at naisipan kong iflick ang mga pages at nawindang ako sa mga nakasulat doon.
Nakakatawang isipin na sa araw-araw pala ng ginawa ng diyos nung high skul ako eh puro kakirian at kalandian lang ang nangyayari. Walang kamatayang chismisan to the max tungkol sa mga crushes at puro patweetums at pacute sa classroom, benches at pati sa school grounds. Based on my diary, meron akong 20 crushes nung second year ako at puro kachorvahan lang ang alam para mapansin ng onti. Pero I was raised by my mom na pagirl kaya in fairness, di alam ng mga crushes ko na crush ko sila coz di naman me paobvious. Nauso ang mga screen names ng mga crushes tulad nalang ng Aeriol, screen name ni Emerson; Spike, ang screen name ni Kishin at kung anu-ano pa.
ang pinakachakang pic ko together with Emphee (note: sindya ko talaga na ito ang poic na gamitin dahil natatawa ako sa kilay ko before...)
Nakakairitang isipin na almost half sa diary ko eh puro laman ay si Emphee. Haay naku… kung tutuusin, tama nga naman. Halos half ng high school life ko eh puro nalang Emphee at walang kamatayang Emphee ang naisusulat ko ng mga panahong iyon. It was January 12, 2002 nung una akong nag-inarte kay Emphee. Alas 7 ng umaga at maaga pa para mag-inarte na bigla nalang sinita ni Emphee ng pajoke joke joke ang laman ng aking yellow knapsack na illustrazio ang brand na usong-uso pag high school life. By the way, si Emphee ay isang corp commander nun, So sa sobrang maasim ko ng mga panahong iyon, nag-inarte ang bastarrda kaya ayun, nagtaka si Emphee kung bakit di ko siya pinansin the whole day. Eh kung mararapatin nga lang, ganoon ang ginagawa ko LAGI pag naiinis ako kay Emphee kahit wala namang rason. May kababawan pero ganoon talaga pag nasa high school days daw, Confessions of a teenage drama queen ang drama.
Nakakaiyak gunam-gunamin na natigil ang pagsusulat ko ng Diary dahil ulit kay Emphee. Narealize ko na msayadong madrama na ang nangyayari at ayoko ng maging martyr dahil kay Emphee. Wala naman akong galit kay Emphee at yun ang totoo pero nung mga panahong iyon eh masyado akong nasaktan ng sobra sobra. Alam naman niya yun kaya ilang beses kaming nag-usap at we want to work things out as a friend or special friend “daw” pero may kirot pa ring naiiwan sa part ko kaya the only way to stop this problem daw is itigil ang pagsusulat ng memories tungkol kay Emphee at itigil ang pagsusulat ng Diary dahil alam ko naman na siya nanaman ULIT ang laman nito.
Si Borge, Emphee, ako at si Ramel. eto kami ni Emphee ngayon... friends pa rin... hahahaha!!!
Ang corny corny isipin pag nababasa ko ulit yung mga moments na umiiiyak ako dahil kay Emphee ulit na may pages pa sa Diary ko na may patak ng luha ko daw yun. Kung susumahin lahat eh halos 10 pages ng diary ko eh ganun ang concept na may teardrop ek-ek. Mabuti nga at di umabot sa point na nagsunog ako ng memorabilias at sinunog ko ang Diary ko tulad nalang ng ginawa ni Fifi noon dahil kay Edward na nagsunog ng pics at kung anu-ano pa sa isang kacheapang lata ng ice cream. Di man lang naisipan sa banga para may class tsk tsk tsk. Meron ding isang kacornyhan pa na it was February 16 2004 nung naglaro kami ni Fifi, Bes, ryan at ako ng larong “Mangga Mangga Hinog Ka Na Ba”. Ang mechanics ng game ay pagkatapos kantahin ang chant ay kaylangang magsabi ng first letter sa mga names na nakasex ni Bes sa SFA boys. Nagulat ang ilan sa mga SFA boys kung bakit kami nagsasbi ng first letter at obvious naman na sila yung pinipinppoint naming nun. At least, kung pinagchichismisan kami ng SFA boys kung sino ang magaling magdrive when it comes to sex eh mag pinagchichismisan namin kung sino ang may malaki o maliit o mabuhangin (Bes si VJ bay un…? kIDDING) na nota sa SFA. Di ba??... and for your info eh di masyadong active ang aking orgasm coz napako ako sa pagmamahal kay Emphee at may ganoong factor at totoo yun.
Haay naku… nakakaloka ang lahat ng pangyayari nung binasa ko ulit ang diary ko. At least… if ever mahimlay ako sa kabibe na may flowers at isusubmerge somewhere in Atlantic Ocean eh nakabilin ako ng pamana sa mga mahal ko sa buhay!! korekZ!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hahahahhahaha...this post is so hilarious! i cant help but laugh. emphee huh...do you want me to spill the beans on you? aw? hahahahahahaha!!! i dont know much about emphee and im dying to know more...keep on posting! aw? =) meshoo!
ReplyDeleteok gow!! i miss you too....
ReplyDelete