Sunday, March 8, 2009
late post ko nang minsang mag-emote...
Date: Last week of January 2009
Matagal na akong MARTYR!
Eto na naman… buti nalang nagising pa ako! at habang nagmumunimuni sa aking higaan na sabihin na nating isa sa paborito kong gawin pagkatapos kong imulat ang aking mga mata, may naramdaman akong di kanais-nais. Ewan ko ba kung bakit kailangan pang ibalik kung ano ang nangyari sa mahabang oras ng kahapon (as in literal ng kahapon) at kailangan ko pa bang isipin ng paulit-ulit kung bakit nangyayari sa buhay ko ang mga ganitong eksena.
Siguro, ako na yata ang taong sa araw-araw na ginawa ng diyos, sabihin na natin na puro kalokohan, kaokrayan, at puro nalang kakalogan ang nakikita ng mga taong nasa paligid ko. Hindi ko nga alam kung nalalaman ba nila na tao rin naman ako na marunong magdrama at marunong rin naman umiyak. Nasasaktan rin naman ako pero di ko lang pinapakita dahil ayokong maging madrama ang buong araw ko at umiyak ng balde balde na parang talon ng Maria Cristina. Kung alam lang nila… emosyonal rin ako.
Naglalaro ang aking guni-guni na sana, magkaroon ako ng kapangyarihan na na maglakbay sa kalawakan kahit isang araw lang. kung 9.18… (di ko na matandaan ang unit! Pasensya!) ang gravity sa mundo, sana man lang maging magaan ang aking pakiramdam para di ko man lang maramdaman ang poot, pasakit, hinanakit at kung anu-ano pang salita na pwede ihalintulad sa salitang GALIT!.
Puro nalang karamdaman, nararamdaman, paramdaman… haay… galing lamang sa salitang “Ramdam”. Masyado ng naapektuhan ang aking isipan. Lagi nalang bumabalik… lagi nalang!
Ayoko ng masaktan… ayoko ng makaramdam… ayoko ng pagtaksilan ang aking sarili na kayak o pa ang lahat ngunit di naman pala!! Nababaliw na ako kakaisip kung ano bang dapat kong gawin. Ano nga ang dapat?
GALIT… GALIT… GALIT ako sa sarili ko. Nagagalit ako dahil kailangan ko pa bang maramdaman na unti-unti akong pinapatay ng emosyon na di ko rin matanggap na pinangungunahan ako ng walang maliw. Naiinis ako sapagkat ang pinakamasakit sa lahat ng tema ng buhay ay ang pamilya. Pamilya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito!
Mahirap sabihin sa iba sapagkat natatakot ako na malaman nila kung sino ako sa gitna ng masayahing pagkatao. Naaasiwa ako na magkuwento dahil naiilang akong pag-usapan ang bagay-bagay sa buhay ko. Mahirap pero kailangan kong gawin.
Pasensiya na kung masyado akong masayahin o maligalig sa harapan niyo… pero minsan… may pagkakataon na kailangan ko ring umiyak at masaktan…
Ngayon ang pagkakataon na to… pangyayaring magulo at umiikot na parang trumpo ang isipan… sana maging sensitibo ang iba sakaling makita nila ako ngayong araw na ito… na hindi lahat ng bagay ay puro kaligayan…
Sa bawat kaligayahan, mayroon ding kalungkutan. Sino ba ang malulungkot kung lumigaya ang isang tao, di ba ang kanyang kapwa tao rin?
Ito ang daigdig
Daigdig na may dadalawang sulok
Sa isang sulok na may kabaligtaran ang lahat ng ito…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment