Sunday, March 8, 2009

Happy Birthday Ryan...



Hi girl… musta…? Long time no see ha…? By the way it’s been months ata or a year since nung nag-usap tayo at sobrang tagal na nun di ba? At alam ko rin na busy ka diyan sa Tate at as usual… busy din me dito sa kinalulunggaan ko.

And you know what…? Birthday mo na pala at you’re lucky na naalala ko pa! hehe!!

Haay naku… its been so many years nung di na tayo nag-usap o nagmeet man lang. kaw kasi may nalalaman ka pang United States. Sa bagay… mas malaki ang taxes na binabayaran mo dito sa pinas di ba? And its been so many years nung nakumpleto ang Maryajheramhey at kelan kaya ulit yun mauulit? Well we have to wait for the right time para mabuo ulit tayo.

Girl sinubok na tayo ng panahon and do you remember kung anong Sinabi mo sa letter na binigay mo sa akin nung farewell ng SFA? Kung alalahanin mo yung mga panahon na iyon eh banggalou ang lola mo!! Yarukin ba naman ang emperador ng walang chaser… natatawa tuloy ako ngayon pag naaalala ko yun!

You told me that time na ang Maryajheramhey eh mga ambisyosa talaga pagdating sa pangarap natin na maging girl. Look at us now (puwera lang kay mhey na nagbalik anyo) ang laki ng innovation sa ating lahat. Minsan tayong nangarap na maging girl sa pictorials natin na inabot ng alas-dose ng gabi dahil sa walang kamatayang pangangambisyon natin. Haay naku… di na tayo ang gumagawa ng move para magustuhan ng mga guys… tayo na ang nilalapitan at di pa nakuntento… hinuhuthutan pa ang mga guys tulad nalang ng ginagawa ko! San ka pa… nakaRusty Lopez na sandals dahil sa 2500 ng isang kano..? hehe!! Buhay nga naman.

Kahit ako… namimiss ko ang Maryajheramhey ng sobra. Every night, I'm always missing you guys coz you are those persons who molded me kung ano ako ngayon. You are one of my ever dearest sisters na minahal ako kung sino si Jhe na maingay at amplifier ng SFA before, artist on the making sa Tone at kayo rin ang naging witness sa pagmamahal ko kay emphee before (anyway its not a secret anymore at matagal na panaaon na iyon at nakamove on na “daw” ako… hehe!) siyempre, in so blessed na binigyan ako ng girl na tulad mo na magkavibes when it comes to fashion and shopping.

Girl… just always remember na ang marya ay magkakabit pa rin ang radar ng bawat isa. Lagi momg tatandaan na those battles that we experienced before eh naging part ang maryajheramhey at di mawawala ang role natin with each other. I was totally amazed of our friendship coz until now, the friendship remained the same as before at if magkitakita tayo eh alam ko na makakati pa tayo sa higad at mga echoserang palaka pa rin tayo. We have our own lives right now and we just have to comprehend things right now.

Time will come that we will meet each other again and we will treasure every memories that we will experience.

Just wanted to say a happy birthday to you and don’t worry, Im always be here for you and no matter what happens, I’m just the same Jhe na maingay, maharot at LESBIANA that you always knew before…

Sosyal ha… for public reading ang letter ko sa iyo. At least innovation di ba…? Nasa blog ko pa. hehe be careful sa mga secrets ng MARYA!!!

No comments:

Post a Comment