taken during the despedida of Aimi
From left to right: chryss, patchot, aimi, lianne (parang siya ang may despedida), bes, Karen A, Malou and Rags
Left to right: Bes, Eric, Aimi, Martin (parang Birthday lang), Lianne, Bebe (ang outfit parang sapin-sapin)
PS: habang tinitingnan ko ang mga tagged photos (di na Photo tags), I am starting to miss my old friends in Manila. It’s just that It’s so hard na mapalayo sa kanila but I have to.
Yesterday, Isang malasenior citizen celebration ang naganap sa bahay ng malarelihiyosang babae na si Rags at katext ko si Eric kagabi na wala daw naganap na nomohan dahil na rin sa sagrado ang bahay at ang mga nakatira dun. Buti naman kung ganun para kahit minsan, matigil ang mga temptations pagdating sa vices.
Sobrang dami na ng mga taong nakilala ko pero di ko talaga makakalimutan ang mga happenings naming magbabarkada dahil na rin sa iba’t-ibang kagauhan at ka-okrayan na nangyayari at di ito pinaplano at wag ka… impromptu ang lahat! dahil na rin yun sa different personalities naming lahat at to the point na swak na swak talaga kami with each other at hindi hadlang ang salitang snakefriends sa barkada (tama naman ako di ba?).
Di ko na mabilang ang memories at ang dami-dami na. let me share you some of the most unforgettable moments ng bawat isa at wala akong pakialam kung ma-ban ang blog ko sa St. Anthony…
MAkikita sa pic na siya ay mayaman na...
Chryss…
Alalahanin natin ang mga panahong bigla ka nalang sumuka ng chocolate after recess. At alalahanin mo ang panahong na-in love ka kay Eric at si Eric pa ang naging dahilan ng conflict ninyo ni Bebe… pagkakacheapan!
gud luck... see you soon...
Aimi…
Ang babaeng simula grade 4, lakwatsera na to the max. di ka makakaligtas at porket babalik ka na ng Japan, alalahanin mo yung mga panahong nag-uumiyak ka sa hagdanan ng bahay niyo dahil di ka pinayagan ng mama mo na maglakwatsa!
maliit lang talaga ang height ni Rags at yun ang katotohanan...
Rags…
Ang babaeng madasalin pero deep inside, may kakatihang tinatago. Well, wala akong masyadong moments sayo dahil di ka naman talaga sumasama sa mga kademonyohang gingawa ng barkada. Basta keep up the good work at wag kang padadala kay SHELAI! mas malandi pa yan sa lahat! hehe
Umaasenso na si Malou! Ang taray!
Malou…
Ang babaeng megacryola nung sinabihan ng OKRAY ng isang babae. Hahaha! Kakaloka! Hanggang ngayon di pa rin ako makarecover at eto pa, sa lahat ng CHAIRAMABELISH na grupo, siya lang ang nag-attempt na tapusin ang degree na BS Industrial Engeneering! Kabogera!
as usual... maasim pa rin si Bebe...
Bebe…
Ang babaeng bakla! Be… ang dami nating moments at alam ko, mapupuno ko ang blog ko dahil sa moments na pakana mo lahat. wala talaga akong maisip sayo at kung may naiisip man ako, yun yung mga panahong binubugbog ka ni patchot… for more details, just ask my Bes about it! Hahaha!!
At least di na mag-iinarte dahil kay Ton... I'm hapi for you friend!
Lianne…
Sino ba naman ang makakalimot ng salitang LAMAT! Haha!! At dahil na rin sa kaminiacan ni Aw… Aw… Aw…, nadawit pa ako! Anyway, sana naman di na mangyari ang lamatan moments at kung ako sayo, ilayo na ang boyfriend dahil baka mamaya, maulit ang nakaraan!! Hahaha!!
Pahirapan ang Picture ni Shelai! kakaimbyerna!
Shelai…
Ang kalaro ko noon ng habulan kila Ann Rose at ang babaeng mahinhin daw pero maharot! Ang best beadle at alalahanin mo yung mga panahong kasama kita na pamupokpok tuwing gabi at kung tatawagan mo sa bahay nila, laging tulog…
bes no comment muna ako!
Bes…
Bes alalahanin mo lang yung moment na habang nagbibilyar tayo kila Bebe at sumisipsip ka ng Melon Juice, bigla mo nalang hinagis sa mukha ko ang melon! Yun na yun!
pakiupdate ang Friendster sa mga pics!
Ryan…
Nung naglalakad tayo sa sa may Philippine Womens University at bigla nalang tayong tinawag at kinausap ng Call Boy… yun ang signs kung bakit tayo naging girl ngayon! Hehe!
asim... parang kulay ng balat lang niya noon...
Fifi…
Alalahanin mo lang yung Britney Spears Inspired costume mo noong Xmas Party at dahil sa pag-mamaasim mo… Di ka naging Britney Spears, nagmukha ka lang Basura… at wag kang mag-alala… yung 1 taw mo, asahan mo nalang di na yun babalik sayo! Hahaha!!!
lalaki ba to?
Martin…
Nung mga panahong isinaboy sa suso mo ang katas ng basura… di mo ba kinamumuhian si Fifi nun…? Ask ko lang para naman may lamatan na magaganap ngayon di ba? dapat ka talagang magalit kay Fifi dahil siya ang dahilan kung bakit ang sama-sama ng tingin sayo ng Tone dahil sa mga chismis na pinagkakalat niya!
Manaj! (came from the word manager)
Paolo Aqui (manaj)
Pakiconfirm nga yung nangyaring malabrokeback na eskandalo noong nasa MonteVista tayo? Ask ko lang kasi kailangan ko talaga ng clarification… thanx! Hahahaha
di pa nakabrace... hehe!
Paolo Aguila…
Pao… ano naman yung nabalitaan kong sinisira mo daw ang reputasyon ni Magbanua sa Office niyo? Alam naman natin ang katotohanan di ba? Kaya hayaan na natin… hahaha
parang tatay lang!
Eric…
Musta na si Lianne? Nakarecover ka na? hahaha! Yun lang!
my advice: wag ng magsuot ng sando... nakakatakot...
Ramel…
Alalahanin lang natin ang salitang Demonyo… Si ramel na yun… oist… aminin na natin na mas demonyo ka kesa sakin…
Karen Alborte…
Ang isa pang demonyo… Demonyita kung baga… well… ang nagpauso ng Dance Revo noon at di pa nakuntento, bumili talaga ng Dance Pad… haay naku… kaloka!
Patchot…
Pakiconfirm nga din yung naganap sa Taxi? “sige na friend…” hahaha!!
Balita ko naghihirap ka na daw?
Borge…
Eh eto mas matindi… Paki-confirm lahat ng eskandalo ninyo ni Martin noon… pls lang para matahimik na ang barkada!! Hahaha!
May kulang pa ba? Sana wala… Anyweiz… ganyan lang kami maglambingan… Brutal di ba? Pero lahat ng issues and controversies eh we settled naman…
I’m so thankful that God gave me these wonderful people coz they accept me for who I am and I really treasure the friendship that we have… as an old cliché goes… “till death do us part”
Super PS… mega effort talaga ako nito dahil sa request ni Aimi… serverguenza!!! at sa mga walang pics... di tayo friends sa facebook at friendster... wag umarte!