Saturday, November 14, 2009

nakakashock!

Kung dumating ang isang araw sa buhay mo na bigla ka na lang pupunta ng hospital tapos biglang sasabihin sayo na “posibleng may taning na ang buhay mo”, Ano kaya ang una mong mararandaman? Kailan kaya darating ang araw na iyon? Paano mo ba lalabanan ang pisikal at emosyonal na nararamdaman mo sa gitna ng lahat? Saan mo ba gustong mahimlay? At bakit ba dumating sa buhay mo ang ganitong pagsubok?

Makakayanan mo ba? O kakayanin mo na lang?

Hindi pa po ako mamamatay and I would like to clarify that one. Syempre, nakakagimbal ang ganitong sitwasyon pero yun ang mga tanong na sumisink-in sa akin yesterday. Ewan ko ba kung bakit ganito ang nasa isip ko at dahil na rin siguro sa mga naganap kahapon at gabi ko na nalaman na Friday the 13th pala at wag ka… naloka ako talaga.

Matapos ang walang humpay at “laborious” celebration namin ng mga college friends ko, bigla ko nalang naramdaman ang hilo at sakit ng pangangatawan na iniinda ko na talaga this past few days. Kasabay nito ang di maintindihang pananakit ng aking tiyan na di ko talaga alam ang dahilan kung bakit. Kala ko nun… simpleng trankaso lang pero kahapon, hindi na siya normal…

Minsan lang ako pumunta ng doctor at nagulat sa sabihin nalang natin na “hypothesis” nito. Mas naloka ako na kailangan daw ng blood samples dahil sa mala-OA na explanation ng doctor.

Matagal na akong nakakaranas ng hilo pero again dedma! Pag nakakafeel ako ng hilo, di ko talaga sinasabi sa iba na nahihilo ako at nacocontrol ko naman siya.

This past few months, madaling mamula o magkapantal ang aking skin kahit simpleng kalot lang yung walang force baga… tapos, alam ko rin naman na madali akong magkapasa kahit simpleng bunggo yung walang effort…

Siguro naman… sa pagkahyper ko, alam ko rin naman kung may nararandaman ako o wala. Pero kahapon, nagulat ako sa sinabi ng doctor na may possibility na may sakit akong leukemia kung masyadong mababa ang aking RBC at kung carry-carry naman, anemia lang daw.

Actually, nagulantang ako sa sinabi at di ko ma-explain ang feeling ko. Habang kinukuhaan ako ng blood sample, hindi ko talaga maalis sa isip ko na mamatay na pala ako hindi dahil sa accident kundi dahil sa malubhang sakit.

Wala pa yung results sa mga tests na ginawa sa akin at aantayin ko pa ang results next week. I keep on praying na sana… anemic lang ako.

Sana lang…

No comments:

Post a Comment