Thursday, November 12, 2009

Photo Tags…

Nauso ang photo tags sa Facebook at inaamin ko naman na sinasayang ko ang buong oras ko sa FB na puro pagcocomment nalang ang ginagawa. Noong una, naaliw ako sa pagcocomment ng bonggang bonggang mga echos at puro kacharmolinan pero di nagtagal, I felt bad sa mga comments ng IBA diyan na di na marunong maghalintulad sa joke at personal na buhay.

Ang point ko naman, I am not that harsh to comment on those pics coz I know that it is open to all people at siyempre, yoko naman na manglait ng todo-todo coz alam ko ang salitang RESPETO.

Siguro, nakaugalian na nila na di naman talaga ako pumapatol sa mga jokes na sabihin na nating below the belt o kung exaggerated pa ang term… durugan ng kaluluwa na lahat. Alam naman nila ni di ako totally affected pero may pagkakataon talaga na you’re going to loose your patience at di mo na masikmura ang lahat.

Kung ilang beses ko ng iimpose ang salitang respeto, alam ko naman na fault ko rin ang lahat dahil siguro, di ko na rin napapansin na lumalampas na din ako sa barriers at limitations. Nakikita at nararandaman na rin nila siguro na yung respetong iniimpose ko eh di ko na rin ma-impose sa sarili ko kaya nagkakaganito.

Sa ngayon, masama ang loob ko sa mga taong di na marunong lumagay sa kanilang kinatatayuan pero gustuhin ko mang ilabas ang kaimbyernahang nararamdaman ko… di ko naman magawa dahil ayoko ng isyu at gulo.

Hindi ako ang tipo ng tao na nagpapapansin unless kung ito ay isang echos o kaPATEZan ang lahat.

Kahit ilang beses ko mang sabihin o isulat sa blog ko ang mga galit na nararamdaman ko, wala naman itong kinahahantungan. Parang mas lumalala pa nga each day goes by.

Hindi ako perfect at dahil sa panunuligsa na akala nila ay isang malaking joke joke joke pa ang lahat, natututo akong maging perfect

Ayokong sabihin na itigil na ang pag-associate ng lahat ng hayop sa pagmumukha ko at talagang isampal sa sarili ko na ako ay isang kabayo dahil kung sa tingin na iba, ito pa rin ay isang malaking joke inside the premises of the office at hindi na nakakatuwa na may iba ng taong nag-aassociate ng kabayo na nakakaimbyerna dahil di kami close at dahil na rin sa photo tags sa FB. Gawin nalang nila kung ano ang nararapat gawin at ayokong himukin sila na gawin kung ano ang dapat dahil hindi ako si Moses para pangaralan sila.

Di rin ako malandi at alam kong lumugar kung saan ko dapat ilagay ang kalandian at ang pagiging pormal.

Ayoko ng gulo at wag nyong antayin ang araw na mawala ang lahat ng amor ko sa inyo at wag niyong antayin ang araw na sabihin ko sa harapan nyo ang isang malaking tanong na gugulantang sa mukha niyo… HU U?

2 comments: