kalimutan muna ang pag-iinarte at kadramahan sa buhay....
kalimutan muna ang mga pangyayaring di na sana nangyari...
at kung ano man ang mga ito...
sana lang naging "ECHUS" nalang ang lahat...
marami ng gumagamit sa salitang ito at kahit yung iba, di alam ang meaning at para makiuso nalang, ginagamit ang term na ito para makiuso at yung iba, para lang makapagsalita ng gay linggo at tatanga-tangang ginagamit ang verb na ito kahit saan mang sentences. Yung iba naman, kadalasang ginagamit angterm na ito sa huling word sa sentence nila at kahit may period na ito, kusa talagang sinisiksik ang salitang "echos" kahit di naman needed sa sentence. Sa mga taong gustong malaman kung saan bang babaylan o kaya naman planeta nanggaling ang "echos" better read this post para naman alam nyo yung meaning ng sinasabi niyo at hindi kayo matulala at "lala" o toolbar (another meaning associated sa Bobita!)! di ba?
so ready ka ng malaman kung ano ba talaga ang meaning nito?
as in?
sure ka?
ayoko kaya? (pagirl!)
ang salitang ito, kadalasang naririnig sa mga baklang walang ibang alam kung di manglait o kaya naman magsabi ng puro kabaklaan to the point na minsan, non sense. sa totoo lang, maririnig sa mga bungangang mga bakla ang salitang ito! EWAN KO NGA KUNG BAKIT BA!
Based sa Wikipedia, ang salitang echus ay kadalasang ginagamit sa Mars... yes! you heard it right! (talagang nag-effort akong magresearch!) may dalawang terms ito tulad nalang ngEchus Chasma na ang ibig sabihin sa planetang Mars ay pangalan ng isang plateau doon na para bang maihahalintulad sa Cagayan Valley o kaya naman angpinaka-known sa lahat, Bagiuo siya in Philippine Setting. well, isa sa pinakamalaking bundok sa planetang pula ay ang Echus Montes! (naks, megaeffort na toh!) opo, pakivisit nalang angWikipedia for further explanation sa mga anyong lupang ito atnakakapagod talaga mag-explain for further info.
Siguro, magaling talagang mag-imbento ng words ang mga bakla at ultimo mga words na galing sa ibang planeta ay nagagamit for everyday language. kung gusto mong magsabi ng wala lang naman, whatever kung pasosyal, kung magsasabi ka ng mga bagay na dapat di paniwalaan, kung gusto mong magsabi ng mga bagay na ang kalabasan ay hindi makatotohanan, yun na yun... at yun ang salitang echus at yun ang meaning nito.
ang echus ay maraming synonyms. as in! habang tumatagal, kusa itong nageevolve base na rin sa mga gumagamit nito. ang term na ito ay puwedeng ihalintulad sa "char" na parehas din ang meaning. kadalasan, habang nagkakape ka sa isang coffee shop at may naririnig kang may dalawang baklang nag-uusap sa paligid mo at laging bukambibig ay ang salitang "charot", "charnes", "charnesflou", "charotisima", "charms", at "charmos", parehas lang yun ng meaning sa echus...
at habang patagal ng patagal, kusa itong humahaba na ang gustong palabasin, makapagsabi lang ng pinakamahabang word sa lahat at papatay sa "supercalifragilisticexpialidocious" na term, talagang ginagawan ng mga baklang pahabain ang salitang "echus". Kung may maririnig kang baklang putak ng putak at wala kang ibang maririnig na ibang salita sa bunganga niyang may lip gloss kundi puro "echuserang palaka" o "echuserang frog", parehas lang ang meaning nun...
at mas lalo kang magimbal dahil parehas lang po ang meaning ng "echus" sa "charmolin patez" na kadalasang ginagamit ko ang term na ito kung di ko alam ang lyrics ng mga songs na kinakanta ko ng impromptu.
haay naku... at yun ang echus! HAPPY USING IT...
No comments:
Post a Comment