Monday, November 9, 2009

On Leave…

Matapos ang apat na araw na hindi pagpapakita sa office at sa eskwelahan at isang malaking KEVS o kever sa enrollment na nangyayari sa university, maraming nagtatanong kung ano ba ang ka-echosang pinanggagawa ko this past few days. Para di na magtaka ang lahat… eto po ang mga nangyari na di ko naman ninais na mangyari talaga.

Nagulat nalang ako na biglang dumating ang kapatid ko dito at nagbakasyon ng ilang araw. Dala-dala ang mga balitang ikinagulat ko naman and again… isang malaking KEVS ang lahat.

Matagal ko ng alam na ikakasal na si (blank) at matagal ko ng sinabi sa sarili ko na wala akong pakialam dun. Pero di talaga maiiwasan na nasasaktan ako o nanghihinayang at inaamin ko naman yun personally. Gustuhin ko mang manggulo at maglagay ng bomba sa gilid ng simbahan at hahalakhak ng bonggang-bongga habang nakikitang duguan at tanggal ang mga binti at luwa ang mga atay sa mismong araw ng kanilang kasal pero wag nalang. IT’S USELESS!. Seriously, mas maganda nalang na ganito ang mga nangyayari kaysa naman maging OA ang lahat.

At sa sobrang toxic sa pag-iisip ng mga ganu’ng bagay, naisipan kong sumama sa mga couzins ko na maglakbay-diwa o maglamyerda nalang para ma-unwind baga!

At eto nanaman ang nakakalokang scenery na nakita ko ang friend ng couzin ko na itago nalang natin sa pangalang Bryan, kasama pala siya sa adventure trip naming magpipinsan. At alam mo naman ang lola mo, um-OA ulit at umandar ang pagiging pa-girl on the spot.

Ang nakakaimbyernang pangyayari ay naganap mismo sa barkong papuntang Cebu. Magkausap kaming dalawa sa barricades ng barko at natanong niya sa akin kung bakit ang choosy choosy ko daw pagdating sa boys. Mahinhin kong sinabi sa kanya na para bang di pa nababasag ang Hymen sa aking mahiwagang Labia Luvey na hindi naman sa pagiging choosy ang pagpili ko ng guy. It’s just that Di talaga ako flirt at ayokong mag-assume (kunwari lang yun para ma-impress siya. Nasobrahan ata ang pa-girl effect at biglang may bubble gum sa barricade na sinasandalan ko at kumapit sa pantaloon ang nasabing gum.

Somehow, naniniwala ako na ang bawat dagok na nararamdaman sa buhay natin, balang araw ay may katumbas itong biyaya na dapat bigyang pansin. Matagal na akong walang pag-ibig at eto na ata ang pinakahihintay kong moment para magising ang puso kong matagal ng natutulog (ECHOS). Habang sinusulat ko tong post na ito, di ko talaga mapigilang mag-play ang song sa isip ko ang kanatang “Pag-Ibig Nga Kaya” na kinanta ni Rachelle Ann Go at Christian Bautista. Di naman sa pagiging kacheapan, ganun daw talaga pag inspired ka.

Kung magpapakasal siya, yun ang sign na nagmove-on na siya at ako naman ay dapat magmove-on na rin at THIS IS IT! On leave na ako sa pag-iisip sa kanya at sana maging masaya sila sa araw ng kamilang kasal. Again, Seriously, may bahid pa rin ng hinanakit sa puso ko pero nacocontrol ko naman. Ayoko na ng gulo, at mas mabuti na ang mga ganitong pangyayari. I’ve changed my number at tanging sa on-line community nalang kami mag-uusap! At least high tech! at kung ang kasalang magaganap ay makikipagkompitensya sa kasalang Mar at Korina, KEVS!

BTW sa January 27 daw ang kasal at yun ay galling sa aking reliable source. Final na daw yun at kung sakaling may invitation card sa kasalang magaganap, di ko pa alam kung makakapunta ako. Busy ako niyan!

1 comment:

  1. another hit. you made me laugh. thanks bei. love your blog bonggang-bongga! you went to cebu? just got home from cebu last night. im going back this friday (i dont know kung mababasa mo ang comment na ito before i leave but yeah, im leaving this friday). i rescheduled my interview over @sykes dahil bonggang-bongga na iniwan ko ang i.d ko and am sad to say na mataray ang security sa sykes. bow. load up ka nga. punyeta ka!

    ReplyDelete