Ang buhay pag-ibig nga naman…
Ilang taon na rin akong walang pag-ibig… I mean yung taong magmamahal sa akin ng maximum level. Actually, nakakainggit nga minsan kung may nakikita akong magjowa na ang sweet sweet na para bang naglabasan na ang lahat ng species ng langgam sa ground smanatalang ako… stay luvless at feeling ko, ako na ang pinakachakang nilalang sa Earth.
Natatakot na kasi akong magmahal muli dahil totally natraumatized na ako sa pag-ibig naming ni (blank). Di ko na kailangan imention ang name dahil baka mamaya, lumaki ang ulo nito at maoverwhelmed ako at ulit, magkaroon ulit ng spark at LAGI NALANG GANITO! Paulit ulit nalang!
Dahil sa sobrang busy ko this past few months, nakalimutan ko na ang salitang pag-ibig. I stay focused sa lahat ng ka-echosang ginagawa ko to the point na kahit salitang paglalandi ay nakalimutan ko ng gawin (sa mga hindi naniniwala, PUNYETA!). Ano pa bang saysay kung bakit kailangan kong maghanap ng BUTAKAL at hindi naman ako na nasa stage ng “mating season” at di ko pa naman kailangan ng “artificial insemination” … parang baboy lang! anyway, with all honesty… nawalan ako ng panahon sa Boys…
Natapos ang finals at bigla-bigla akong nagulat sa mga pangyayaring di ko naman ninanais. Last Monday, habang nagkakape sa veranda ng bahay namin, bumugad sa akin ang isang friend daw ng cousin ko at eto naman ako, biglang nawindang dahil in fairness naman to that guy, cutie naman siya. Umandar ang aking pagkapagirl at bigla nalang naligo, nagbihis, nagpatuyo at nagplantsa ng buhok. Paglabas ko ng kuwarto, nagtaka ang lahat ng kasama ko sa bahay dahil bigla akong naligo at nagbihis ng walang pag-aalinlangan. Siyempre, naging tampulan ng tukso at eto naman ako, um-OA!.
Dumating ang oras na inaantay ko at dahil na rin sa mahiwagang BINGKA… kinuha niya number ko at halos um-OA OA OA OA OA na talaga ang feeling ko nun. Diyos ko naman… kahit pagirl ang projection ko, di pa rin naman nawawala ang aking pagiging ugaling bakla! Ayun, megatext kami at di pa nakuntento sa text at maraming salamat sa unli call dahil tuloy ang conversation naming dalawa at malaki ang gratitude ko sa cousin ko na pinain pa ako para lang magkakilala kaming dalawa.
Kahapon, dumating na ang pinakamoment of truth. Nagyaya ang mga pinsan ko na gumimick at siyempre, kasama siya. Umaga palang nung natanggap ko yung text messages ng mga pinsan ko at umaga din na mag-isip ako kung ano ang perfect outfit ko that night. Nasa utak ko na kapag magdress ako sa gimik, biglang mabulabog ang NORSU at di ako papasukin ng mga lintik na guards at maiiwang magkatabi kami ni mik mik (o ni boring) at ang ending, mag-aantay ng alas 9 ng gabi sa Burger Delights o BD at manatakin mo ba naman na may exam pa ako kay Eli dejaresco… ANG PINAKAMAGALING NA TEACHER… ironically, at ayoko naman na magmukhang huggard sa gimik di ba at expected ko pa naman na nandun siya.
So eto na nga… dumating na ang oras at sinundo niya ako sa IS (Internet Station) sa Bizhub at simula palang nung bumackride ako sa kanya, I mean, sa sinasakyan niyang motor, binungad niya sa akin ang mga salitang… “gwapa lagi ka ron…” o maganda pala ako sa paningin niya nung gabing iyon. Alam ko naman na may pagkaASSUMING akong attitude pero mahinhin kong sinabi na “di naman masyado” kahit alam ko sa sarili ko na talagang nag-effort ako di ba?
Dumating kami sa gimikan at natural… magkatabi kami kahit pahirapan pa kunwari na sinasabi ko pa na nahihiya akong tumabi sa kanya pero ECHOS lang yun… In fairness to him… nakikita ko na there’s something in him na nagustuhan ko coz… never niya akong ikinahiya and the way he treated me eh talagang pa-girl. Ewan ko nga lang kung talagang sinasabayan niya lang yung mga cousins ko o baka naman nagpustahan ang mga gago dahil alam naman nila ang history ko bout pag-ibig at gusto na rin ata nilang bumalik ang aking luv life…
Kaya lang… gustuhin ko mang mahulog sa kanya, nagdadalawang isip pa rin ako dahil baka mamaya, mabankrupt ang lola mo o kaya naman ang lakas humingi ng showcase tulad nalang ng T-shirt, load at kung anu-ano pa. practicality lang naman ang iniisip ko at never akong naspoiled ng ganun na nagbibigay ng sponsorship sa mga jowa nila at hindi lahat ng lalaki ay parang si Emphee na never naman talaga akong hinuthutan ng ganun.
Masarap ngang magmahal pero natatakot ako. Natatakot ako in a sense of baka mamaya… maging burden na naman ito na imbes na happiness at security ang maramdaman ko, maging toxic pa! wag na lang di ba?
Ok lang naman kung wala akong pag-ibig pero minsan, di ko talaga maiwasang magtanong sa srili ko na chaka ba akong pagkabading o mukha ba akong kabayong itim para di mabenta sa madlang people? Di naman siguro… alam kong another challenge nanaman ito at mabuti na nga na may nag-aadmire sakin kesa wala. Kung pwede lang humiling ng bonggang-bongga… malamang hihilingin ko na sana, magkaroon ako ng prince charming na kasing-ugali ni Emphee, mapungay ang mata tulad ni Joel, matangos ang ilong tulad ni Kareem Paul at alluring ang presence tulad ni Eds para naman com[lete package na di ba?
Again… pakinshet talaga! Galing sa word na F*****n shit!
hay naku
ReplyDeleteparang naglalandi na naman ang inahin...
bwahahaha
peace out :)