Saturday, October 10, 2009

SNN Exclusibo! expolisibo!

Bag Raid!

Sabi-Sabi, bulong bulungan, haka-haka… pampanaosebleed lang oi! Anyway… almost everyday in my life na nasa labas ako ng bahay, isa sa mga bagay na importante sa buhay ko ay ang aking mahiwagang bag. Again, with all honesty… hindi ko kayang mabuhay na nagdadala ng isang maliit na bag na pagirl. Mahilig talaga ako sa malalaking bags at sabihin man ng lahat na dinala ko na ang bahay naming, wala akong pakialam dahil halos lahat ng bagay sa nag ko ay importante pag umaalis ako ng bahay. Well… niraid ko ang sarili kong bag para din a magtanong ang iba kung ano bang laman nito at kung bakit mabigat at kung bakit ang laki-laki…

Eto ang pinakaexlusibong report ko as in NOW NA!
Super duper essentials in my Louis Vitton Tote Bag…




Organizer- Listahan ng mge everyday “iterenaries” ko
Notebook- Siyempre… student pa kasi
Ilang uri ng papel- mahilig kasi akong magsulat sa scratch papers kahit importante yung sinusulat
Ballpen- pinakamahusay na sandata sa pagsusulat pati pampatay sa mga mga taong feelerette!
Libro ni Bob Ong- McArthur ang title ang yun ang kasalukuyan kong binabasa
Spiritual book- maniwala kayo sa hindi... nagdadala talaga ako niyan sa bag.



Dalawang magkaibang shade ng compact powder- yung isa pang-umaga na retouch, yung isa pang-gabi
Chucks- pag nangangawit na yung binti ko kasusuot ng heels
Loose baby powder- Pampafresh!



Mga cellphones- yung isa para sa mga Globe users at yung isa, pangSun users…
School ID- ilang years nay an sa bag ko
Press ID- ginagamit lang pag kinakailangan…
Dalawang headset- yung isa pang mp3, yung isa… pangcellphone
Mabatong Earrings- Kapag kailangan magpasosyal… may I use this one…
Charger- kailangan daw di malowbat!



Shades- instant touch-up pag ngarag at mainit ang panahon
VS lotion- needed pag nakikipagshake hands! Love spell po kaya mabango
Nivea Crème- ginagamit ko yan sa paa para hindi dry
Lighter- kapag kailangan maging tambucho for a meantime
Eau de toilette- in short, pabango! Bagong discover ko na scent at brand… Life and leisure’s green tea scent…
Badge pin ng TN- nakasabit yan sa ID ko pero laging natatanggal



Isang shirt, pants at belt- naiwan ko sa office at kailangan ng labhan
Make-up kit- sobrang needed ko bukod sa dalawa kong press powder

Laman ng make-up kit…


Tatlong blush-on brushes- yung isa pang retouch, yung isa naman pangbluh-on at yung malapad… pangbronzer
Lip brush- para sa mga lipstick
Eye pencil na color mocha- very effective para macover ang huggard na mga mata
Eyeshadow brush- para hindi kacheapan na kamay ang ginagamit panglagay ng eyeshadow sa eyes.. duuh… super primitive!
Natasha Sheer spalipstick- color “nude” po yan at ginagamit lang kung feel kong magmukhang may anemic!
Eyeshadows- nude colors para pwede pang-day and night!
Blush-on- pinakapowerful weapon ko at di mawawala sa buhay ko… orange na color ginagamit ko pag umaga at dark pink naman pag gabi
Powder illuminator- press powder din yan na pinaganda lang ang name! obviously… pampafresh sa skin
Dalawang shade ng concealer- sobrang needed pangpatago ng pimples, eyebags, blemishes at mga sumpa!
Avon na lipstick- yan ang lagi ko talagang ginagamit kasi color melon lang siya! Parang wala lang!
Another pale pink na lipstick- ginagamit ko naman pag gabi!
Bronzer- nilalagay ko din sa cheeks para mas maganda ang kalalabasan

Siyampre… di mawawala ang wallet!
Laman ng aking Louis Vitton na wallet na hindi fake!(hindi ako masyadong fan ni Louis Vitton)


Dalawang “Chaos” band ticket- hindi nagamit dahil di ako pumunta
Unting pera- natural kapag wallet nilalagyan talaga ng pera
ESP card ng HBC- di ka makakadiscount sa tindahan ng mga magaganda, ang HBC kung wala ka nito
ATM card- dapat laging nasa wallet just in case wala ka ng cash!
Library ID- kahit noon pa eh walang validation… di ko man lang nagamit!
Family picture- dapat lang na may picture ako ng mama, papa at kapatid ko di ba?
Graduation Pic ni Emphee- binigay niya yan at kailangan nasa wallet para di mawala at yun na yon!

P.S. maraming pang laman ang aking wallet. Resibo, graduation picture ko nung high skul, load slip, mga pictures, starbucks sugar na nasa sachet (buti nga at di nilalanggam), tissue ng starbucks, kumpletong ID ko simula first year high skul hanggang fourth year) ID ko nung nasa FEU pa ako…

Kaya wag na kayong magtaka kung bakit sobrang bigat ng bag ko! Dinadala ko na lahat ng necessities ko for the whole day. At least, girl scout di ba?

1 comment:

  1. ahh, nsakpan ang mga pagubot sa bag! hehehe... at least, kumpleto kag gmit mama beah, lupig pai bayeh! hehehe...

    ReplyDelete