Saturday, October 3, 2009
Pakonsuelo para kay Bes...
I would like to ask for apology… as in Im so sori if I forgot you’re special day…
Anyway… there’s a room for BAWI di ba? Just what I did to Ryan’s birthday, its better to express my sincere thoughts for someone who is really important in my life. I’m talking about my everdearest best friend…MAUI
(PLS allow me to be excused in my English posts coz its better to say it in my own language…)
20 things why MAUI and I became BES….
1. mga batang baklita pa kami noon… grade two to be exact, section “knowledge” pa kami nun… at habang ang mga bata ay nagsasaya sa paborito nilang subject, ang RECESS, kami ni Maui ay busybusyhang inaasar ang isang ubod ng taba at malaman na kaklase naming nagngangalang Edsella. Sa sobrang mahadera namin ng mga panahong iyon… nakagawa kami ng isang jingle na impromptu…
Mama mia (three times na clap)
Si Edsella (three times na clap ulit)
Crispy pata (three times na clap again and again)
oink oink oink (three times na clap na bonggang bongga)
Mama Mia si Edsella Crispy pata oink oink oink…
Makikita mo ang walang humpay na ngiti sa mga mukha namin na halos ngala ngala nalang ang nakaproject habang tumatakbo papalayo kay Edsella para hindi mahampas ng kanyang malaplywood na kamay.
2. Naalala ko pa nung grade 6 kami at habang kaming magbestfriend ay pababa sa hagdanan sa St. Francis Building, nakasalubong namin si Ria Rose, ang pinakamagandang Diyosa ng mga chaka na tumatakbo papalapit sa atin at biglang nadapa dahil pinatid ni Jan-C.
3. eto pa, sabay tayo naging celebrity in the making ng Tone dahil sa etchos etchos na training ni Mam Caringal… (bes buhay pa ba siya ngayon?)
4. alalahanin mo rin ang walang kamatayang pagbebenta ni Mam Caringal ng Bonsai at eto naman tayo na mega alaga sa Bonsai na binili natin kay Caringal…
5. minsang naglawatsa kami nila Karen Alborte sa Rob, na eto naman kasing si Karen ay nagdala ng mamahaling 3210 na cellphone noong year 2000, papauwi na sana tayo at biglang hinablot ng magnanakaw ang phone ni Karen at eto naman tayo na naging Charlie’s angels ang drama na mega run sa eskinita ng Malate at dun nasubukan ang katatagan ng ating mga binti…
6. alam ko rin naman na may pagkaambisyosa tayong pareho at naging Varsity team pa ng Volleyball noong grade skul. Kahit alam naman natin na hikain ka at ako naman ay di ako talented pagdating sa sports, ayun tayo at trying hard…
7. alalahanin din natin ang mga panahong naging Ash at Brock tayo ng Pokemon dahil sa pangngambisyon natin noon dahil sa Bookweek na Pakana ni Mam Valdez. At dahil baliw na baliw tayo sa Pokemon noon, yellow Version ang sayo at ang akin naman ay Blue Version na catridges ng game boy na black and white pa ang concept.
8. hanggang naging high skul tayo, mega absent si Bes at Missing in Action nung first year, nakuha pa rin naman na pumasa at magproceed ng second year.
9.aliw na aliw ang magbestfriend dahil magkaklase ulit nung second year at aliw na aliw sa panlilibak kay Fifi, na noon ay isang bagong salta sa room at kung ilalarawan ko si Fifi noon, isang maitim na bakla na sunog ang balat, kulot ang buhok at isang mahirap na nagnanakaw ng Gel Pen sa National Bookstore at kacheapan ang bag ng mga panahong iyon. Dun nagsimula ang pagiging laitera naming magbestfriend dahil kay Fifi.
10. nagexcel ng todo todo sa academics noon at naging top 1 si Maui at ako naman ay Top 4...mega kompetisyon ang mga bakla at bukod tanging si Fifi lang ang di nageexcel nun.
11. minsan ng tumibok ang aming mga puso at eto namang si Bes ay masyadong expressive sa nararamdaman niya kay alec… (Sori Bes pero alam ko nman na di mababasa ni Alec to at di naman na ito sikreto) at mano ba naman na magsulat ng letter sa crypt paper na blue gamit ang zonrox bilang tinta, at sinulat ba naman na “I love you” at itinago ni Bes ang kanyang name sa name sang sung na CHERRY. Eto naman si Paolo Aqui na bastarrda, nilagay pala sa bag ni Alec ang letter at ang kawawa kong Bes eh nananahimik sa classroom dahil sa kagagahang ginawa.
12. nagulat nalang ako… sa isang meeting de Abanse ng Maryajheramhey, hindi gragraduate ang magbabarkada na may Virgin sa grupo. Eto naman si Bes na masyadong mahayok, mano ba naman na kumerengkeng ng todo todo noong high skul at ang kanyang first sex ay si… ( Emerson…) Im so Sori… pero matagal na yun at puwede ng ibulgar dahil di na yun sikreto.
13. at huwag ka… di pa nakuntento si Bes… biruin mo ba namang pinagsabay niya ang apat sa mga SFA nung Friday night na di ko na maalala kung kailan ang date, at kung sino sino yun… yun ay isang malaking sikreto namin ni Bes… basta yung isa, crush na crush niya noon, yung isa… matangkad, at patpating lalaki na nakatira sa tinatawag kong masukal na lugar, yung isa naman eh di ko na maalala kung sino siya, at yung isa naman eh love na love ni Fifi na kahit hanggang ngayon di pa rin ako naniniwala na wala siyang grudges kay Bes at kung bakit nagawa ni Bes na ahasin si Fifi noong mga panahong iyon.
14. isang di ko malilimutan sa buhay ko ay ang pagtupad ni Bes sa aking mithiin na maging leading man ko si Emphee sa “Wanted A Chaperon” na play. Si Bes ang director nun at mega inarte pa talaga ako na di ako papayag na iba ang gaganap sa lead role kahit si Krishan pa.
15. pinakabonding time naming magbestfriend ay ang pinaglaruan si Osting! Hahaha!!! Di ko na dapat idetalye iyon dahil iyon ay isang malupit na sikreto naming magbestfriend…
16. grumaduate si Bes nung high skul at Salutatorian ang bakla, naging SG president sa Tone, at nakatanggap ng Saint Francis of Assisi award, sa kabila ng pagiging pok pok nito at malandi… nag-iba ang mundo naming dalawa dahil busy siya sa pagiging politician sa skul noon at ako naman ay busy sa teatro.
17. oo nga pala, sabay kaming nag-audition sa teatro nung second year kami. Dahil makakapal talaga ang mga mukha naming… natanggap kami ng bonggang-bongga. Nauna siyang binigyan ng exposure sa teatro at naging isang guni-guni (back-up dancer yun na role) sa isang dula na ang title ay “dagundong”. At masaya naman kami sa kalokohang pinangagagawa namin sa teatro.
18. It was November days, Book week celebration sa Tone ng minsang binigyan kami ng opportunity na maging Diyosa dahil na rin sa pakana ko. Nag-usap usap ang mga echoserang bakla noon na si Fifi ang gaganap na Hera (kahit labag sa loob ko dahil si Emphee ang gumanap na Zeus… leche!), si Ryan ang gaganap na Aphrodite, si Magbanua ang gaganap na Hestia (hindi siya known), si Bes bilang si Athena (dahil favorite niya yun), at ako naman ay bilang si Artemis… megaovernight ang mga bakla para gumawa ng costume at eto ang eksena… nagmamadali akong pumasok sa skul at as usual, late na ako at first time kong maranasang maging late sa buong high skul life ko… di na ako pinapasok ng guard dahil nag-iinarte si Mam Ignacio! At bigla akong nawindang nang makita ko si Bes na late rin at si Fifi na laging late…! Sa pangangambisyong maging Diyosa, ayun ang napala…
19. Kung tutuusin… Si Bes talaga ang malapitin sa Aksidente nung High skul kami AT KAHIT ATA NGAYON… mano ba naman na mahulog sa kanal dahil hinulog ni Fifi bandang 7 am, pinukpok sa ulo sa pamamagitan ng lata na nakasilid sa BonBon bag na ang promotor ulit ay si Fifi, mistulang nagdudurog ang heels na parang bato noong graduation ball dahil sa din sa di na nagamit na sapatos na pakana ko naman, laging natatalsikan ng kung anu-anong likido sa damit… basta… isang walking disaster talaga si Bes…
20. At ang di makalimutang pangyayari… minsang nag-eemote si Bes dahil sa Jalousy na hinulog niya sa kuwarto nila Bebe at ang natamaan ay isa lang naman na Diabetic… halos pitong pulgada ang sugat at kailangang tahiin at namoromroblema si Bes kung paano niya ito mababayaran… yun ang rason kung bakit nagtrabaho siya bilang call center agent at ngayon… nagmamayaman na. anyway… habang kaming dalawa ay nag-iiyakan sa tambayan namin sa ilalim ng punong mahiwaga na pinanghihiwagaan ni SAPS, biglang dumating si Fifi na umiiyak din dahil sa mababaw na rason.. dahil sa pagmamahal niya sa isang kasamahan niya rin sa trabaho… sori pero nakalimutan ko name niya.
Actually… sobrang dami ng moments kung bakit kami naging magBes… siguro, nagsimula ang tawagan namin ng Bes dahil sa “Buttercup” na series noon sa channel 2 at alam kong kacheapan… yes nalang…
Matagal na rin ang panahon ang maisusukat ang samahan naming magbestfriends. Kahit nung mga college na kami, halos walang humpay pa rin ang chickahan namin sa Mcdo sa España dahil nag-aaral pa ako sa FEU noon at siya naman ay sa UST. Hanggang ngayon, eto kami at mega chickahan pa rin pag umuuwi ako sa Maynila at text messages. wala pa akong naalala na nag-away kaming dalawa o may misunderstanding na naganap at dahil na rin sa acceptance namin kung sino kami at alam din namin ang kahinaan ng bawat isa sa amin. Thankful ako na binigyan ako ng Bes na alam kong maaasahan at makikinig sa lahat ng katarantaduhan, porblema, tripping, at kung anu-ano pa.
Bes, you're turning 22 this year and I know that we have to hold on in our lives. This post is not just an ordinary post that I made coz it is one of my special write-ups ever. No matter what happens, I am always be your Bes… even though distance will not tear us apart. You know that I’m so proud of you. May god showers you more blessings in life and I know that this post is really O.A na as in nobela na siya…
Thanks Bes and belated Happi Birthday….
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
gwapa lge xah mama beah, murag c ICY! hehehe...
ReplyDelete