First time kong magpopost ng Xmas topic at sa totoo lang, december 16 na kasi at 9 days nalang, Pasko na. Hindi ko alam kung bakit hindi ako happy ngayong Christmas at kung tuwing Holiday Season naman eh makikita sa pagmumukha ko na hppy ako at maguguhit mo pa ang isang exagg na smiley baga within my cheeks... alam mo yung feeling na megabanat ang cheeks mo kakasmile? pero ngayong Holiday Season, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako ganoon kasaya.
Ayokong mag-emote sa post na ito at ayoko rin naman ilagay to sa kabila kong blog dahil gustuhin ko mang maging seryoso ang topic, hinihila talaga ako ng aking mga daliri na magtype ng kagaguhan at walang kakwentakwentang mga words na in fairness, it helps me to relieve my stress.
Kahit ako, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako ganun kasaya. Gustuhin ko mang lunukin lahat ng Happy Toothpaste namin sa bahay, hindi ko rin magawa. Haist!
kung aalahanin ko nung mga nakaraang Pasko, halos ok naman ang flow at energy ng aking vibrations within myself... in short, masaya naman ako dahil yearly ako umuuwi ng Maynila, nakikita at nahahagkan ang aking mudra, Bro at ang aking mga Superfriends at nakakagimmik pa nga ako ng todo-todo at nagagawa ko namang libutin ang Rob na ako lang mag-isa! Hobby ko kasi yun kahit hindi Pasko.
Pero di ko kayang magkinwari na masaya ako ngayon dahil sa totoo lang, alam mo yung feeling na para kang tinalian ng isang superduperlaki na bato sa likod mo tapos gustuhin mo mang lumakad ng tuwid, hindi mo talaga magawa. yoko talaga mag-emote! (para akong timang noh?)
yoko na sabihin kung ano ba ang dahilan kung bakit ganito ang aking feeling dahil lam mo kung bakit?
Uulitin ko na kahit ako, di ko rin maintindihan at maexpress kung bakit...
Sana nga lang, maenjoy ko ang Paskong ito at yokong makaramdam ng pangungulila o kaya naman pag-aalinlangan. yoko talaga mag-emote!
pasenciya kung nosebleeding!
just cant hide it!
No comments:
Post a Comment