Actually, hindi sa akin nanggaling ang word na 20010! galing po yan kay Richmond Maquiling, Vice Governor sa College of Arts and Sciences ng aming University at nasabi nya yo habang tinatanong ang isang contestant sa naganap na Mr. and Ms. Boothstock nung Founders Day.
"Since 20010 elections is coming... blah blah blah"
at yun na yun...
hindi ko na kailangang ikwento ng todo-todo kung bakit nga ba lumabas sa bunganga ni Richmond ang 20010 na year at hindi ko na kailangan iexplain ng megabongga at hindi rin naman ito ang main topic sa post na ito.
hindi ko pa napapanood ang movie na 2012 (anong connect sa 2010? kevs!) at actually, mas interested pa akong panoorin ang 2012 kesa sa "New Moon" at ang nakakatawa eh mas una ko pang napanood ang New Moon kesa sa 2012... haist! kung hindi lang dahil kay "Sis" o kay Lesh, di talaga ako magkakainteres manood ng Twilight saga coz eto naman kasing si SiS!!! adik sa twilight at naoverwhelmed naman ako dahil crush ko naman ng slight si Edward Cullen...
bago maging New Moon ang maging topic ng post na ito, bumalik na tayo sa 2012! (actually, Far-out na siya) halos di ko maisip kung talaga bang end of the world na ba sa 2012. marami pa akong gustong abutin na pangarap at gawin sa buhay at may mission pa akong kailangang tuparin! ang MAPATAY AT MABAON SA LUPA SI CATHY (i reveal ba ang pangalan...) hahaha! isang malaking kidding!!
seryosohan... kung magugunaw na ang mundo ngayong 2012, malamang hindi ganun kaprepare ang lahat ng tao dito sa mundo. kung iisipin mo ng mabuti, talagang masisira na ang earth dahil na rin sa epekto ng global warming. masyado ng mataas ang percentage at risks nito at sa takdang panahon (parang si Big Brother lang) matutunaw ang mga yelo sa North Pole at isang bonggang bonggang flood ang mararanasan natin just like sa movie na 2012 (actually, di ko pa siya napapanood pero hindi naman ako gaga na hindi ko nakita ang trailer at nakita ko naman kung paano nilamon ng tubig ang buong mundo). Kung di tayo kikilos agad, talagang magkakatotoo ang predictions ng mga Mayan tribes at ni Nostradamus at kung magmumulto si Nostradamus mamaya pagtulog mo, malamang sasabihin niya sayo na mag-impake ka na, tumigil ka na sa pag-aaral at pagtratrabaho at habang 2009 pa eh simulan na ang Mount Everest Expedition at mamuhay mag-isa sa tuktok ng mount everest at magdasal hanggang dumating ang December 21, 2012 (sakto ba ang date?).
isa lang ang masasabi ko, hindi totooong magugunaw na ang earth... bakit? ewan ko! basta yun ang paniniwala ko!
No comments:
Post a Comment