Saturday, December 19, 2009

Thank U

which means to say na marami na talaga akong changes sa buhay ko.

oo nga naman, kapag tumatanda ang isang tao, doon na talaga papasok ang maturity at the same time, sensible ka na sa paligid mo. Bago dumating ang 22nd year na Christmas celebration sa buhay ko, i will take this opportunity to thank those people na kahit papaano, naging dahilan ng pagbabagi ko physically and emotionally.

mama- thank you sa understanding and of course, walang sawang suporta sa buhay ko. darating ang panahon na magiging ganap na akong babae pero wala kang comment. basta gow ka lang ng gow! alam mo naman ang anak mo, mana sayo! lagalag! kaya di ko makakalimutan ang sinabi mo sa akin na ok lang na di ka magpaalam kung saang lupalop ka ng Pilipinas nilagay ng Diyos basta hindi kang uuwi ng bangkay sa bahay! thanx mom!

my brother- marami kaming kagaguhan sa buhay na kami lang dalawa ang nakakaalam. basta thank you for giving me a reason to smile ang to laugh at kahit yung mga taong bumabahing lang naman, pinagtatawanan pa natin!

Bes, Fifi, Ryan, Mhey- thank you sa pangarap natin na maging girl someday (except kay Mhey na nagbago na ng landas) thank you for the understanding na halos lahat naman ng nakakakilala sa akin, laging naiimbeyrna sa pagiging LATE ko palagi at hindi PUNCTUAL. alam nyo naman ako, maraming kaartehan sa buhay at naappreciate ko na lagi nyo na lang akong pinagbibigyan sa lahat ng panlalait at kasamaan na ginagawa ko.

Chryss, Aimi, Rags, Malou, Bebe. Lianne, Shelai- thank you sa kasamaan! thank you na kayo ang nagturo sa'kin kung papano maging strong lalong lalo na nung mga panahong inaapi ako ni Rich-ann! hehe! basta thank you na ginawa nyo akong demonyo sa paningin ninyo! at least! basta thank you sa happenings at moments na feeling ko, importante talaga ako sa inyo.

Borge, Patchot, Paolo A., Manage, Ramel, Eric (wala na ba akong nakalimutan)- thank you sa pagtututro nyo sakin na maglasing at magyosi! thank you sa mga kagaguhan na pinanggagawa natin na parng wala ng bukas. thank you sa pag-uunderstand ng mga pag-iinarte ko at minsan pagiging tactless!

Saint Francis of Assisi batch 2004 (SFA) sa Tone- thank you na naging ate at kuya kami ni Emphee sa paningin ninyo in a sense na lagi nyo na lang pinapasa ang lahat ng responsibilidad sa samin at hindi kayo kikilos ng wala kami. Thank you rin sa pagtuturo nyo sa akin kung papano magluto at ilagay sa lugar ang kalandian at kakemehan.

to my Archi classmates- thank you sa pagtuturo nyo sa akin kung papano mag-isip ng concepts dahil totally, naapply ko siya everyday. thank you na tinuruan nyo akong magdrawing although di naman ako ganun kagaling, pero nakayanan ko ang powers na magdraw ng bonggang-bongga!

To my burger delights friends- ang official tambayan natin... sa Burger delights! thank you sa pagtuturo nyo akain na magkaroon naman ng time sa friends natin out of the blue! thank you sa pagrerealize sa akin na kapag pokpok ka, panindigan mo nalang, kapag maldita ka, stay the same at kung may utang ka sa Avon, Natasha at Fuller life ni Te Jo, dapat bayaran mo kaagad!

To my MC family- thank you guys... thank you na kayo ang nagturo sakin kung pano magsulat ng news article (anim na news articles) in one day. Thank you din sa understanding na kapag wala akong facts, kayo ang nagproprovide at kayo ang nag"hone" ng isang hidden talent ko na maging charotera o mega"bingka" na kulang nalang, bumula ng maraming bubbles na galing sa sabong Surf!

To my TN staffers- the best! thank you na natuto akong magblog! thank you dahil kayo ang naging dahilan kung bakit minahal ko pa ang sarili ko kesa before! thank you na kayo ang nag-open ng doors na maabot ko ang pangarap ko kahit konti lang naman. thank you for the experiences na halos everyday, aaminin ko na hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko kayo nakikita!

kung may nakalimutan ako, pasenciya! pagod lang siguro ako! basta thank you sa lahat!
MERI XMAS!

No comments:

Post a Comment