ilang araw nalang at new year na!!! sa totoo lang, di ko pa rin feel ang new year dahil sa sobrang daming activities within 2009. ang nakakaloka nga lang, lahat ng mga nangyari ay di naman naayon sa takbo ng buhay ko at bigla nalang nangyayari accidentally at hindi talaga sinasadya.
gusto ko sanang magstorytelling ng bonggang bongga pero actually, naiilang ako na habang nagpopost ka ng ganitong comment, may nagbabasa sa likod mo na para bang nagtitiktik at di ba? hindi ka mailang? anyway, its my dearest couzin...
first time kong magpost sa blog na ito na gamit ang isang laptop. sa totoo lang, hindi ako sanay magtype sa flat na keyboard at ang nakakainis, laging lumalagpas yung mga daliri ko sa letters... haizt...
ako ang tipo ng taong magsabi man ng new year's resolution, hindi ko naman talaga nasusunod. tulad nalang ng time management. pwamis! pag sinabi mong 7, talagang darating ako ng 9! ewan ko rin ba na kahit pilit konh magmadali, lagi pa rin akong late.
ako rin ang tipo ng taong mahilig magdrama ng walang dahilan. ewan ko rin kung bakit. pag may nakikita akong mga bagay na may kinalaman sa nakaraan, tulad nalang ng mga kantang out of nowhere, bigla kong maririnig, ang unanag lumalabas talaga sa bibig ko ay... "OMG", mga kaparehas ng shirt ni emphee o kaya naman mga bagay bagay na natatandaan ko tuwing may nangyayaring kadramahan sa buhay ko gaya ng sandok, bato, balot ng cloud9 and the like, bigla nalang akong matatahimik at mag-eemote ng biglaan, in other words, emote on the spot!
kahit anong pigil kong tumigil sa yosi, hindi ko rin magawa. ewan ko rin kung bakit. madalas ko na ngang sinasabi sa sarili ko na may karapatan ka ng tumigil sa bisyong ito dahil sobrang baba na ng aking RBC pero ang lagi kong sinasabi sa sarili ko, DEDMA NA!. pero I'm so proud dahil di nako nakakaubos ng ten cigars dahil 5 sticks a day nalang ang drama (kung walang inuman).
maldita ako, pero pagdating sa mga mahal ko sa buhay, hindi ako marunong magalit. ewan ko rin kung bakit. kahit alam ko naman na may mga pagkakataon na nararamdamang kong nasasaktan ako sa mga pinanggagawa nila, hindi ko pa rin matutong magalit.
yan ay ilan lamang sa mga ugali ko na kahit pilit kong baguhin, hindi ko talaga magawa. siguro, hindi naman masama kung panahon nalang ang makakapagsabi na mawawala rin yang mga pag-uugali kong iyan, sana nga lang, pero ganyan talaga ang tunay na pagkatao ni BEA o ni JHE.
sa mga may new year's resolution eklavu dyan... mga echosera kayo. mas mabuti pang magsulat kayo ng new years reso ninyo sa papel at itago iyan sa maliit na banga. tapos paanurin nyo sa dagat o kaya naman sa ilog. pag bumalik sa inyo ang bangang iyan within 2 years, talagang dun na ako maniniwala na kapag nagsabi ka ng new year's reso, iyon ay mababago mo within that year (Yun lamang ay pananaw ko).
No comments:
Post a Comment