Sunday, November 6, 2011

early xmas wishlist!!!!

# sana naman... utang na loob, payagan nyo na akong mag-vl ng tatlong araw!!! masama talaga loob ko at di ako nakapagbakasyon ng malala...

# and I want to have an i-phone or BB... nasira kasi phone ko...

# stay in shape and loose 40 lbs para 130 nalang lbs ko...

# kung mag-oopen ang starbucks sa baba ng office namin... wants to have a tumbler galing starbucks.

# gusto ko mag EK...

# wants to stroll around sa intramuros... taking pictures... (kababawan)

# to have contact lenses dahil hassle na ang glasses... hindi na'ko makakita... huhu

lastly... FIRST WISH GRANTED... hindi na malamig ang pasko ko... hahahaha

Saturday, October 1, 2011

THIRD party

Ir does not mean na kaya ako nag-iinarte sa blog ko it's because... wala na akong ibang outlet na puwedeng ilabas lahat ng gusto kong sabihin. Feeling ko, too much drama will kill me. Pero I have to tell this story... simnply because.. I learned something out of it...

SECURITY

napakahirap magmahal kung alam mong nagmamahal ka ng walang security. Feeling mo, binibigay mo lahat ng effort mo tapos mapupunta lang sa wala. pano kung may minahal ka na alam mo, nakatali siya sa iba. hindi lang sa nakatali tio. dala ng taong minahal mo ang napakalaking responsibilidad at obligasyon. makakaya mo banng makihati ng pagmamahal sa gitna ng responsibilidad na meron ang taong mahal mo? pano kung pinaglalaban mo nga ang pagmamahal mo sa kanya tapos ramdam mo na hindi ka secured. at any moment, maari ka niyang iwanan. makakaya mo bang lumaban? "hindi ako weak... alam mo naman yun di ba?" stunning line that stucks in my head... I've learned na kung alam mo na isang kamalian ang tinatahak mon daan sa ngalan ng pagmamahal, labanan mo lahat ng unos at pagsubok na darating. mas doble man ang impact nito pero di ka na puwedeng umatras. nasa gitna ka na ng daan at di ka na puwedeng bumalik.

LEFT IN HANGING

nagmahal ka ng di mo inaasahan. pero may commintment siya sa iba. di niya maiwanan ang isa dahil kahit papano, mahal na mahal niya ito. ikaw ang lumalabas na third party. to the point na pinipilit mo na mapasayo ang taong mahal mo. nakikipaglaban ka para sa sarili mong intensyon. pero ang bottomline, ikaw tong assuming at ayaw niya ng commitment. makakaya mo pa bang lumaban kung ganito ang sitwasyon? parang iniwan ka ng taong mahal mo sa ere. halos binigay mo na nga ang sarili mo sa kanya tapos ang outcome nito, para ka lang tubig na nag-aantay na sasalukin ka niya at iinumin. napakahirap magmahal kung alam mo sa sarili mo na hindi ka karapat-dapat para sa kanya. nag-aantay ka nalang na magising sa katotohanan na hindi ka niya kailangan dahil stucked in transit pa rin siya sa taong mahal niya at ikaw lamang ay isang napakalaking pampalipas oras para malimutan niya ang taong mahal niya talaga. "ba't di mo magawang iwanan siya?" stunning line na nasabi niya habang nag-iinit ang usapan patungkol sa pag-ibig" I've learned na magagawa mo palang higupin ang lahat ng sakit para sa taong mahal mo. kahit saktan ka ng paulit-ulit... handa mong tanngapin para lang sa kanya.

Monday, September 12, 2011

PLASTIKAN BLUES!!!!!

ano pa bang puwedeng term ang dapat i-associate sa hindi mo alam kung sinusuka mo na yung tao o deadma ka nalang?

Paano kung dati, importante siya sayo tapos bigla ka nalang nagising... kinamumuhian mo nalang siya bigla?

pano kung turing mo sa kanya, isang kaibigan... pero feeling mo... pinaplastic mo lang siya?

eh pano kung sawang sawa ka na sa mga kuwento niya... lalo na sa presence niya?

eh pano kung naaasar kang makita ang pagmumukha niya?

paano kung alam mo na dahil ganito ang nararamdaman dahil umiiwas ka na?

paano kung ang dahilan ng pagkamuhi mo ay dahil alam mo na ito ang nakakabuti sa kanya... para wala ng gulo... wala ng komplikasyon... hindi lang sa kanya kundi pati sa sarili mo?

eh paano kaya't ginagawa mo ito.... dahil di mo talaga maamin sa sarili mo na mahal mo nga siya?

plastikan ba ito?

Tuesday, September 6, 2011

Quickie!!!

Things that I slipped into my MEMORY PACK DATA as of this moment:

### planning to have my 5 days TOTOONG VL at get-away sa CITY OF GENTLE PEOPLE... Dumaguete City... here I come this OCTOBERFEST!!!

### wants to blog my cheerdance experience in my blog. pero napansin ko lang kasi, hindi ako maganda sa costume at set-up ng mukha ko... masyadong plain... hehe

### change my blog theme kasi naiingit ako sa blog ni YANZ... mega innovation...

### wants to dye my hair with three colors

### spotted a new coffee shop in meadowwood. Can't wait to make it as my new tambayan mode just like MONKEY GRILL in Dumaguete.

### nakabili ako ng MALLIOT na swimwear. eventually, ngayon ko lang napansin na super laki ng tinaba ko... huhu

### marunong talaga akong mag-control... to the point na nakakasawa na.

### ayoko na ng gulo. just leave the doors open as it is. don't want to make closure. it's useless.

### missin some people na hindi naman dapat. and you can't resist missin HIM

### There is something I must be proud of. but to the point na deadma nalang!!

### lovin the attributes ng RAVE sa'kin na pinauso ni Jeff... MAPAGPATOL...

### lastly, WALA AKONG PAKIALAM KUNG SASABIHIN NYO NA CONFUSED AKO... that's the way it is...

Sunday, August 14, 2011

Drop Dead Burst out!



Day 1
nung sabado pa ako ganito. feeling ko, wala akong masasandalan. sinasarili ko lang lahat ng nararamdaman. kung may masabihan man ako, hesitant ako magsabi... hindi ko alam, maybe I am afraid to tell the reality at ayokong masira lahat... takot na kung takot... in denial na kung in denial... somehow, I am just trying to control things over... and this time... I can't control it... just let it happen what it should be...
yah... favorite lines coming over... HINDI SA LAHAT SA PANAHON, PANAHON ANG MAKIKI-AYOS SAYO... MAY MGA PAGKAKATAON NA IKAW ANG MAKIKI-AYON SA IHIP NG HANGIN DAHIL KUNG BAGYO MAN ITO... DI MAIIWASANG DUMAAN... i said this to someone (sorry naman kung may dagdag) whom i knew na maa-adopt niya ang linyang to! somehow, I should have to say this to myself.. madaling magpayo, pero ang hirap pala gawin...
buong buhay ko, ako ang UPLIFTER sa lahat ng kailangan i-uplift... pano ba naman... napapalibutan ako ng purong problema ng ibang tao. bigla pumasok sa utak ko ngayon... pano naman kung ako ang kailangan i-uplift? kaya nyo bang i-uplift kung ano nararamdaman ko ngayon? alam mo yung feeling na wala kang kaibigan? alam mo yung feeling na gusto mong magsabi pero hesitant ka talaga dahil may mga pagkakataon na hindi nila maintindihan kung ano ba talaga ang nararamdaman mo? and here I go again... trying to control things which is uncontrollable.
This time, para di kayo magtaka, I admit, Someone push me to fall in love back again... I keep controlling things as normal coz I resists kung ano ang nararamdaman ko. I admit, It's abnormality. I fell with someone na hindi naman dapat. nung una, I can even control what's happening... I ADMIT IT! and it's true. alam niya yun... complications come over. ok lang naman sana kung ako at siya ang nakakakita at nakaakramdam. Like, most of the people started to wonder if there is a spark happening to us. Like, most of the people think there is something between us and it shouldn't be. Like, one person keeps on reacting which is not right. like, I even told to myself not to indulge with this things coming over. Like, people tried to comprehend things that is not worth it. and lastly, Like, I keep pushing myself to stray out of this... but the thought remains that, I keep holding back the intuitions of others and control things over, which is, the thing right now is stabbing myself with the pain and hurt which is not worth it...
thoughts come up with his head "I don't want to loose you" a promise that keeps me hanging on how do deal with this. paano? again... maki-ayon ka sa panahaon...
I asked him ironically... pano kung iiwas ako... kakayanin mo ba? his eyes keep rolling as if finding right words to say with a blank face ... he said... kaya ko...
honestly, hindi ko kayang umiwas... things will be absurd if this will happen... malaking adjustments ang mangyayari... alam ko high blood siya... alam ko hindi niya minsan ma-control ang anger at temper... iniisip ko lang, ayoko ng makadagdag. I keep things as normal as it should be... masakit na masakit... LAGI NAMAN GANITO... EVRESINCE, AKO NA ANG NAGPAPARAYA. WALA PALANG SIYA SA BUHAY KO, LAGI NG GANITO. JUST READ MY PAST POSTS PARA NAMAN EBIDENSIYA NA MATAGAL NA AKONG MAPAGPARAYANG TAO.
paano naman ako. paano naman ang sarili ko... putrages na pagmamahal to... sinasabi ko na nga eh... tang ina talaga...
dahil sa di sinasadyang pagkakataon, pumasok akong late sa opisina kanina. nagulat nalang ako na VL ko pala ng tatlong araw. di ko alam... sa totoo lang. inantay ko siyang mag-break... I even wondered why he looked so weird... as always... he told me... na yung taong nag-mamareact sa'kin at sinasabing lahat daw ng gusto ko... sinusunod niya... which is not, sila na pala. automatically, I reacted... Whih is good... I even told him na at least, you already have a focus. Dahil sa paulit-ulit nalang na magkasama kami, He always keep remincing the memories of his with his ex... good thing, He found someone who will love him just as what happened to his ex. yah... alam niya kung paano ko siya pinish through na nandyan si N...y para sa kanya. Siya lang naman kasi yung maarte at madrama na hindi maka-move on sa ex niya.
Sa smoking area, I even told him na ayoko na ng gulo. since official na sila na, ayoko ng makigulo. ayoko na ng komplikasyon. somehow, alam ko na kung saan ako dapat lumugar. alam ko naman talaga ang salitang "disposisyon". hindi ko to ginagawa dahil mahal ko siya... ginagawa ko to dahil sa sarili ko at sa ikakabuti ng buhay namin.
Pauwi na 'ko... things bursted out again... ba't ako nasasaktan? alam mo yung feeling na binuhusan ako ng maiinit na tubig? alam mo yung feeling na para akong mamamatay sa sakit? halos tumulo yung luha ko nasa second floor palang ako pababa ng sm... I even remember wat he said... KAYA AKO LAGING MAY SHADES PARA DI MAKITA NG TAO NA UMIIYAK AKO... gud thing may shades ako sa bag. Hanggang sa jeep, parang gripo yung luha ko. di ko mapigilan... hindi naman ako lasing... hanggang sa bahay paghubad ko ng sandals... at heto ngayon, habang ginagawa ko ang post na 'to, i keep crying till the last drop of it. tang ina lord! bakit ang super duper sakit?
I felt I was lost as of this moment. I felt that there is something that should be fixed off... and it's me... hindi ko kailangan ng kaibigan, kamag-anak at di ko kailangan lahat ng advices. have to think things over. I have to think kung ano ba ang nakakabuti sa'kin. mukha akong tanga at since tanga na nga ako, pananagutan ko na ang pagiging katangahan.
since I admit na nawawala ako... what i mean is I am so lost within this past weeks, I have to settle myself and find a right track with my own point. A simple solitude is what i need. kailangan kong gumala mag-isa... kailangan ko ng dagat, something green at fresh air... need to find a destination na puwede akong mag-isip. since ayoko ng malayo... my feet will head off somewhere in batangas.
(tumigil muna para magpahid ng luha at mag-ayos ng gamit)
Time for me to reconstruct everything. count me in! babalik ako ng maayos...


Saturday, August 13, 2011

Moonstar 88 - MIgraine




matagal ko ng all time favorite ang moonstar 88. Pero ang kantang ito ang nagbigay silbi at kunin ang self awareness program o SAP 101 na course ngaung araw na to. nasa IPOD ko to at nasa phone pa nga. sa dami dami ng kantang dapat ipatugtog ngaun, biglang huminto sa IPOD ko ang "migraine". masyado na akong nahuhumaling mag-emote sa sarili ko ngaun... hehe!

and i found myself lying on the wooden floor sa kuwarto yesterday. despite sa pagod kong katawan dahil sa buwis buhay na outlet na cheerdance, despite sa pagsugod namin kahapon sa st. dominic's hospital dahil sa nabangas na labi ng kasamahan ko sa cheer dance, despite sa pagsalpok ng isang sasakyan sa poste ng meralco at walang ilaw sa bahay within 3 hours, at despite sa pag-inom ng malala sa city hub kahit may practice ng cheer dance nung friday night, bigla nalang akong humiga at biglang sumabog ang emotions ko... BOOM!

para akong tangang umiiyak at tipong humahagulgol. nanginginig ako sa sakit at gusto kong matapos ang buhay ko sa mismong araw na yun. nahihilo na ko sa sarili ko. lagi kong iniisip na kaya ko. pero nung gabing yun, hindi ko na kontrolado ang lahat.

ngayon ko sinasabi sa sarili ko na TAO lang din naman ako. may mga pagkakataon na hindi ko na kontrol ang lahat. ayokong maging perfect at hindi ako nagpapakaperfect. nasasaktan di ako. hindi ko masasabing puno ng kalyo ang puso ko. kinakain din ako ng loob ko.

ayokong magpadala. hinahayaan ko nalang yung sarili ko na gawin niya kung anong gusto niyang gawin. HINDI KASI AKO ANG TIPO NG TAO NA KAILANGAN NG ACCOMPANY PARA ILABAS LAHAT NG GUSTO NIYANG ILABAS SA SARILI NIYA. ayoko na ng ganun. mas magandang ikaw nalang mismo ang maghahanap ng sagot sa sarili mo.

masasabi kong ok na ako ngaun. hayaan nalang nating umukit ang mga mga sugat at kontrolin lahat ng galos. kung ano ang nakakabuti, yun ang dapat gawin. kung ito ang tama, sige... pero kung sakaling sumabog ulit ako, bigyan konsiderasyon naman na masakit din sa loob ko ang mga nangyayari. TAO LANG PO AKO...

AT HINDI SA LAHAT NG PANAHON...

* hindi sa lahat ng panahon, ang mga oras at araw ang makikiayon sayo. Tayo ang gumagawa ng paraan para sabihin nating maganda ang takbo ng buhay natin sa araw-araw nalang na ginawa ng diyos. Kung gusto mong maging malungkot, choice mo yan. pero hindi sa lahat ng panahon, ang hangin ang sasabay sa ihip na gusto mo.

* hindi sa lahat ng panahon, ang pagmamahal ay nakukuha lamang sa isang pitik ng kamay. may mga bagay na kailangang i-consider. may mga bagay na kailangang bigyang diin. iba ang salitang pagmamahal kung alam mo sarili mo na marunong kang tanggapin ang lahat ng sakit at pag-asang naidudulot. walang sinuman ang makaka-unawa nito kundi ang ating mga sarili lamang. hindi natin kailangan gipa-explain sa iba kung ano ito. "if you laid all your cards, you have to play the risks"

*hindi sa lahat ng panahon, natatakot ka sa isang sitwasyong dapat hindi ka naman involved. kung di mo na kaya, ikaw na ang magbigay daan at maki-ayon na lamang sa timpla ng panahon. pa'no kung di mo rin kayang magparaya? pano kung natatakot ka rin na mawala siya sa buhay mo? isang malaking PAANO ang naglalaro sa loob mo at tipong kinakain ka na. kaya mo pa bang maki-ayon sa gustong ihip ng hangin? kung iniisip mong isang malaking delubyo ito... hindi lahat ng bagyo, nagtatagal sa isang lugar. hayaan nalang nating dumaan para maging matatag. wala na tayong magagawa, ang bagyo ay bgayo.

*at hindi sa lahat ng panahon, natatago ang mga pangyayaring hindi mo inaasahan. may mga weather forecasts na bigla nalang mag-uudyok sayo na gawin at mangyari ang dapat mangyari. wala tayong magagawa. eto nanaman tayo, hayaan na nating maki-ayon tayo sa panahon...

PANO KUNG DI MO NA KONTROLADO ANG LAHAT NG ITO... MATATAHIMIK KA PA BA? SA TINGIN MO MAGIGING OK PA BA? SA TINGIN MO, HINAHAYAAN MO NA LANG NA KAININ KA NG LOOB MO... PANO KUNG BIGLA KA NALANG SUMABOG? PAANO? HAAAAYYYYY tang inang buhay to oh!

Saturday, August 6, 2011

Super paulit-ulit...

D.I.A.R.Y...

hindi ko alam kung papano sisimulan ang post na to... isang malaking pasencya nalang kasi ayokong i-post at i-share ang link na to sa FB. It's somewhat private (ang question... ba't mo pinost sa blogger?)

may rason siguro ang lahat kaya ko na-open ang account at blog na'to. sabihin na nating MAARTE at MAASIM ako this past few weeks. Sabihin na natin na ito na ang taman panahon para mailabas ko na ang lahat ng emosyon at kakayanin ko sigurong sabihin ang lahat ng detalye sa post na to. hoping na hindi mabasa ng mga makikitid ang utak. anyway, it is just a matter saying your experiences... I do not blame myself or anyone else...

eto nanaman ako at nagmumukhang tanga. eto nanaman ako na para bang namumuhay sa sarili kong mundo. at eto nanaman ako... nararanasan muli ang salitang pagmamahal... mariin kong sinasabi sa sarili ko na hindi na ako magmamahal ng kahit sino man sa mundo. ayoko ng ganitong pakiramdaman. ayokong kainin ako ng loob ko. pero eto... nangyayari na para bang bagyo na lumagi na sa Philippine area of responsibility. hindi na 'ko maka-get over at nasasaktan ng paulit ulit mapapisikal man at emosyonal.

Yun nga ang problema. ayoko ng paulit-ulit... eto nanaman ako... kontrolado nanaman ang lahat. eto nanaman ako, at eto nanaman ako... minsan nakakasawa na. pero nandito bna tayo. huminto man ang jeep, di ko kayang bumababa. maraming mga bagay ang dapat isipin at bigyang konsiderasyon.

ayokong magmahal at ayokong masaktan. kung magkakakitaan tayo ng cerebrum, nakakatatak yun dun. pero minsan, nagkakaroon tayo ng brain loss. ayokong maging komplikasyon ang lahat. kaya eto nanaman ako. kontrolado nalang ang lahat.

bakit ganun? masyadong malalala ang nangyayari sa'kin kapag ako na-inlove. hindi ba puwedeng kahit minsan lang man, hindi ako ang mapagparaya? hindi ako ang kinokontrol? hindi ba puwedeng ako nalang lagi ang naiipit? pilitin ko mang hindi maging ganito... yun ang hindi ko maintindihan...

Walang nagbibigay ng magandang solusyon so far... at eto nanaman ako... paulit-ulit... kailangan ako ang umintindi ng lahat. walang tutulong sa'kin kundi sarili ko lang. hindi ako nag-eemote... wala akong dapat sisihin. hindi ito kasalanan ng iba. walang dapat i-blame. masama ang loob ko sa sarili ko. at eto nanaman ako... private self- pity.

hahay... ayoko ng ganito...

Wednesday, August 3, 2011

Let's get back to business dude!!

Super duper saya ko na na-open ko ulit yung blog ko. dahil sa di malamang dahilan na pag-block ng email add ko... hindi ko na siya ma-open ulit... yeheyy!! na-open ko ulit siya.

eto na naman ako at magkukuwento muli ng mga ka-pestehan sa buhay. sa bagay... sa loob ng ilang buwan na hindi ko pag-bloblog... napuno na ang utak ko sa lahat ng dapat ikuwento.

ito muna ay isang sampler. hehe! para naman malaman niyo na buhay pa ako at buhay pa ang account na to'.

Wednesday, May 4, 2011

getting in silence....

bago ako magbday, maghahanda ako ng isang matinding nosebleeding post para sa ikagaganda ng buhay ko at buhay nating lahat. minsan, gusto ko mang mag-post pero dahil na rin sa busybussyhan ang lola mo at gusto munang magpahinga sa sandamakmak na calls at trabaho, hindi ko na ring magawang mag-update ng blog ko. buti nalang nabisita ko blog ko ngayon at ginanahan akong magsulat.

tuloy pa rin ang takbo ng buhay ko sa mundong hinahaluan ng isang call center world. halos iba ang mundo ngayon kesa dati. kung nabuhay man ako sa koserbatibong pamumuhay sa visayas, alam ko naman ang katotohanan na mas malala ang nakikita at nararamdaman ko ngayon at halos umiikot ang buhay ko ng puro trabaho at dahil na rin yun sa pera.

siguro, nagsawa na rin ako sa mundong petiks kasabay ng busy-busyhan ang motif. pero ang ikinagugulat ko ngayon ay yung mga taong nakapalibot sa'kin na iba-iba ang opinyon at pananaw sa buhay. i do not want to be sounded as conservative type. minsan, dumarating din sa puntong hindi ko masabayan ang trip na gusto nila o kaya naman, pilit ko nalang iniintindi ang lahat para lamang sa iisang mithiin. PEACE AND WELLNESS.

* isang bisexual na nagmulat sa'kin na ang mundo nila ay sing tulad din ng mundo ng mga trans.
* isang taong may asawa na pero gustong kumilintari ng iba.
* babaeng namatayan ng asawa at ngayon ay nakikiapid sa may asawa.
* babaeng mahilig sa one night stand.
* girl to tibong intimate relationships.

iilan lamang sa mga taong iniintindi ko nalang na ito ang mundong hinaharap ko ngayon. hindi ako nagmamalinis. hindi ako nagpapakasanto. at hindi rin ako relihiyosa. ako lamang ay nabibigla sa mga pangyayarin dahil ang mundo ko ay pawang kalokohan at kabaliwan lamang ang hangad tuwing nagigising ako araw-araw. ayokong magseryoso. ako lamang ay nabibigla at nawiwindang. wala akong intensiyong manakit. hindi ko ito ginusto. ito ang mga taong dapat kong harapin sa mga susunod pang mga araw. alam kong iba din ang pananawa nila sa'kin. and i'd rather remain calm and silent.

Sunday, March 20, 2011

linyang quotable quote

one two three... gora!

as in super tagal na ng hindi ako nagpopost sa blog ko. parang nakalimutan ko na ata na may blog ako... pero eto naman ako... unt--unti kong ni-rerestore sa sarili ko na may blog account pala ako na bibisitahin at magkuwento ng kabalbalan sa mundo at kagagahang nagawa sa buhay ko kahit di naman ganun kaganda o kabalahura o kasaya pati na karumaldumal na pangyayari... at bigla kong naalala na umaagos ang pinupuno kong inumin sa kusina. teka lang!

Summer na di ba... at sa naalala ko, March mismo ang buwan na ang lakas kong magblog kahit di naman ganun kaganda ang mga naikukuwento ko. ito rin yung buwan na natuto akong magshorts at hindi magpantalon. at teka nga muna! lumalayo ako sa sarili kong topic na dapat kong ikuwento... may I change the topic...

paminsan-minsan... naaalala pa rin kita....

at may ganu'ng segway!628r5y3weoitu3857r2[pri3p0e3poruw9asfw! isa lang ibig sabihin nun... hindi ko maexplain kung bakit biglang pumasok sa utak ko ang ganyang quotable quote. minsan kong nakuha ang linyang yan nung nakasakay ako sa isang jeep at tinutugtog ang awiting PAMINSAN-MINSAN ni Richard Reynoso. bigla akong napatulala sa minsang naalala ang mga walang kakuwenta-kuwentang nakaraan. papasok ako nun ng opisina. bigla akong natawa dahil may isang ahente sa office ang kumakanta ng ganung linya. what a co-incidence! hindi... kasabay ko kasi siyang sumakay ng jeep! at di kami magkakilala! narinig ko lang siya dahil malapit lang yung station ko sa kanya.

coz I'm dreamin of you tonight...

yan ang linyang nasa IPOD ko ngayon. kantang dreamin of you na pinasikat ni SELENA. Hindi tao ang dream ko... kundi ang total pay ko kaka-OT ngayong two weeks! hindi ito love story! kalakal lang po...

Alone....

kantang pinasikat ng HEART! ALONE! at ngayon... wala pa rin akong lovelife kaya alone...

sa lahat ng linyang napakinggan ko.. ito ang pinaka da best!

dadaan ang crush mo aqt biglang sasabihin mo sa kasamahan mo na itulak ka...
itutulak ka niya... pero hindi yung OA! iba ang tulak sa mudmod!
tapos obvious... madadapa ka...
sabay banat ng linyang..
SEE HOW I FALL FOR YOU...
(galing sa kasamahan kong tralala)

Tuesday, February 1, 2011

Mapaglinlang na Fairies

Alam ko... nasubukan mo na ring makipaglaban sa mga fairies. hindi lahat ng fairies mababait at magaganda. may mga masasama at mapaglinlang din na fairies.

Paggising ko kaninang alas dose ng tanghali, ramdam ko ang argumentong naglalaro sa aking isipan na ito ang araw ng pagtutuos para labanan ang mga fairies sa opisina namin. Ngunit mahina ang katawan ko ng mga oras na 'yun. Hindi na nga ako nakakain ng BRUNCH dahil wala ako sa tamang huwisyo at hindi ko feel maggagalaw ngayon.

Naligo ako at nag-ayos. ramdam ko pa rin ang kaba sa aking puso na hindi ito isang normal na araw. Pakiramadam ko na wari ito ay isang krusada ng buhay at bago ako magtagumpay sa labanang hindi ko naman ginusto, kailangan ko ng tatag ng loob at focus para magtagumpay sa gamitong uri ng pakikipagsapalaran.

Pumasok ako ng opisina. May nagbulong na sa'kin na paparating na sila na para bang sa pelikula ni Kris Aquino na "sukob". Kinabahan ako bigla. Nagtrabaho ng unti at makaraan ng ilang oras, napalingon ako sa kanang bahagi at nagtanong sa ka-officemate ko tungkol sa trabaho. Nagulat ako. habang kinakausap ko siya, mistulang hinihila ng mga fairies ang kaluluwa ng ka-officemate ko. Tumitirik ang kanyang mga matang may contact lens. Kailangan ko agad gumawa ng paraan para masagip ang kaluluwa ng kaibigan ko laban sa mga fairies. Hinila ko ulit pabalik sa katawang lupa niya ang kanyang naligaw na kaluluwa, naging ok naman siya pagkatapos. Normal naman sa kanya ang pagsama sa mga fairies. Siya ay ang ka-officemate ko na si Tin-Tin PARAS.

Matagal na kaming binalaan ng Trainer naming nagbebenta ng keso sa opisina na laging umaatake ang mga fairies lalo na sa work area at training rooms. Matagal na siyang nagkukuwento tungkol sa mga naglilipanang mga fairies at kusa ka nilang pinapasama pautungo sa kanilang paraiso.

kapag nararamdaman mo na ikaw ay groggy, at kumikislap na iyong mga mata, bigla kang napapasigaw ng wala namang boses na lumalabas sa iyong mga labi. o kaya naman napapasigaw ka na haaaayyyy.... senyales na ito ng pagpaparamdmam ng mga fairies. kapag patuloy kang nakakakita ng mga bagay na kumikinang sa flourescent lamp o kaya naman tingin mo sa mga ilaw ay mukha ng bituin sa langit. Sila na ang mga Faries na kinatatakutan mo.

Huwag sasama sa kanila. makipaglaban ka. Huwag mong hayaang kunin nila ang kaluluwa mo. Hindi lang sila makikita sa mga opisina at kahit sa eskwelahan ay mayroong mga naglilipanang fairies.

para tapusin ang kuwentong ito, ito lamang ay senyales na inaantok ka at gusto mong matulog pero hindi mo magawa dahil bawal.

Saturday, January 29, 2011

wave 13

halos araw araw mo silang kasama. nagkaka-amuyan na nga ng baho sa isa't isa. Usong-uso ang basagan at walang humpay na bastusan. nandiyan ang duruan ng love team at kahit may mga asawa na, patuloy pa rin ang duruan at dut-dutan.
nakakapanibago pero ganito ang takbo ng buhay. kailangan nating tanggapin na hindi sa lahat ng panahon, magkakadikit pa rin ang pulso at galamay ng mga taong nasa paligid mo. dapat, marunong tayong maki-ayon sa panahon.
sa lahat ng katarantaduhan, sa lahat ng may girian, sa lahat ng kapraningan, sa lahat ng may inteniyong maging trainer soon, sa lahat ng may mga planong mambabae lamang sa floor, sa lahat ng parasite, sa lahat ng bastos, sa lahat ng may lihim na crush pala niya, sa lahat na aalis, sa lahat ng magkakaiba ng team, sa lahat ng maniac, at sa lahat ng nakalog sa kagaguhan ko... SALAMAT! hindi niyo na mabubura ang ala-alang binaon niyo sa baul ni SAN JOSE.

Sunday, January 23, 2011

Paliwanag Ni Tiya Inocencia

My only reason kung bakit di ako makatulog... hindi pa rin ako mapakali kung anong mangyayari sa buhay ko for one week. Hindi ko alam. Wala rin akong dahilan kung bakit kailangan kong magkunwari na hindi ako affected ng walang dahilan.

Habang nilalakbay ko ang daan ng coastal kanina, bigla akong napabuntong-hininga. Lam mo kung bakit? Sa bus na sinasakyan ko ba naman, may biglang umutot at aircondioned pa ang sinakyan ko. sino ba naman ang hindi mawiwindang sa ganu'ng sitwasyon.

Sa totoo lang, bigla lang akong napa-isip na ang tagal ko na palang hindi siya nakikita at nakakausap. sa bagay, busy din kasi ako at parang iba lang yung feeling dahil kung tutuusin, jeep nalang ang pagitan para magka-usap kami at di pa rin nangyayari.

napadaan ako sa Tone kanina. nagsimba at nagtirik ng kandila. pero ang nasa loob ko ay ang intesyong makita muli ang kanyang katauhan, nagbabakasakaling magkatagpo muli ang aming landas na nangyayari naman noon. Makausap ng panandalian na tulad ng dating gawi. Pero ang lahat ng iyon ay pawang guni-guni ko na lamang. Umaasang makikita ko ulit ang taong inaantay ko dati sa labas ng simbahan. Dahilan para magsimba ako noon. Pero ang lahat ng iyon ay pawang laruan na lamang sa isip at puso ko ngayon.

Nagkakuwetuhan tungkol sa buhay high skul ang barkada kanina. Ala-ala ng mga nakaraang hindi ko akalain na nagagawa pang pag-usapan kahit may lamat na at matagal ng naka-ukit sa baulb ni Inocecia (ang pangalang iyan ay guni-guni ko rin). Ang hindi ko maintindihan, bakit umaasa pa rin ako na makita ko siya gayu'ng wala naman akong dahilan para magka-usap kami.

Wala na akong dahilan para magkita kami pero sa bawat araw na naiisip ko ang kanyang pagkatao, hindi ko maiwasang buksan muli ang baul ng nakaraan.

At kung saka-sakalaing matalinhaga ang pagkakasulat ko nito, iyon lamang ay isang pagpapaliwanag sa sarili kong damdamin. NAKANANG PETIKS! ang arte arte ko today!

Saturday, January 22, 2011

awkward syndrome...

ang awkward ng feeling kapag awkward din sayo yung taong kinaiilangan mo. Kadalasan, mapapansin mo na parang wala lang pero nakakailang pa rin makipag-usap.

Ang awkward ng feeling kapag alam mo na may ginawa siyang pagkakalat sayo. Kasi, hindi mo alam kung ikaw ba yung may kasalanan o kaya naman, kasalanan naman niya yung nangyari pero awkward ka pa rin.

napaka-awkward ng feeling kapag alam mong pinag-uusapan ka ng ibang tao o kaya naman binabasag ka ng mga kaibigan mo dahil sa kanya. di ba ang awkward ng feeling kapag alam mo yung tunay na nangyari tapos alam din nung iba tapos babasagin ka nila?

at ang pinaka-awkward sa lahat... ang awkward ng feeling kapag alam mong nakipag-sex ka sa ka-officemate mo at sa araw-araw ba naman ng Diyos, lagi mong nakikita, naaamoy ang pabango niya, at nararamdaman ang aura niya na alam mo rin naman na may alam siya sa nangyari AT DI NAMAN IKAW ANG NAGPAKITA NG MOTIBO KUNDI SIYA at sasabihin niya pa na hindi niya matandaan ang mga pangyayari... ano yun? amnesia?

ang awkward diba?

Wednesday, January 12, 2011

Pikonin ka ba?

hindi ko sinulat ang post na ito para magkaroon ulit ng isyu. I just want to rectify things since my mind my boggling and I can't sleep. hindi ko talaga maatim na may bumabagabag sa utak ko at hindi ko mailabas. Good thing, I keep this blog. It's my medicine for my uneasiness. (ma-charot ba ang intro?)

Again, and again, dalawang bagay ang ayaw ko sa isang tao. Una, ang gumagawa at ginagawan ako ng isyu at ikalawa, mga taong madaling mapikon.

May mga bagay talaga na may nasasabi ako na hindi ko sinasadyang nakakaoffend. May mga pagkakataon na nakakabitiw ako ng mga salitang hindi kaaya-ayang pakinggan. Some people anooyed at me and WHAT THE FUCK I CARE! joke! ma-okray lang talaga ako pagdating sa mga taong nakakasalamuha ko. wala naman akong kaaway so far... naaanoyed lang! haha!

My point is, kung sino pa ang mga taong magaling mang-asar, yun pa ang mga taong madaling mapikon. Kung sino pa ang mga taong magaling mambasag, yun pa ang mga taong madaling basagin at bubog talaga ang kalalabasan. hindi naman strong ang personality ko pero magaling lang ako gumatong at mambasag ng tao. ewan ko! hindi ko inaamin sa sarili ko na matalino ako pero malugod kong pinagmamalaki sa sarili ko ma meron akong WIT! iba yun teh!

wala akong pinatatamaan. I am making a generalization. wala akong hinanakit. hindi ako ganun. ang akin lang, sa mundong ginagalawan natin ngayon, hindi na uso ang salitang pikon. marami ng naglalabasan na chismis na malapit ng gumuho ang mundo at hindi na uso ang pag-mamaasim. kaya nga sumikat si Vice ganda dahil sa pang-ookray niya at para malaman nating lahat na hindi na kailangan uulit-ulitin ang mga salita at kataga para maintindihan o kaya naman masaktan sa mga banat na hindi naman makatotohanan.

yah, i admit, some jokes are half meant to be true. hindi mo kailangang maghanap pa sa google para malaman ang background ng isang taong ino-okray mo para malaman ang limitations mo. sa mundong talamak na ang comedy bars, masasabi mo pa bang kailangang mong mag-ingat sa lahat ng sinasabi mo? well, wala na tayo sa panahong usong-uso pa ang sinaunang Mara Clara at Mula sa Puso ni Juday para maranmdaman natin ang kahirapan ng loob at mag-inarte the whole day.

yun lang naman yun, kailangan natin ng spice sa conversation para naman mabuhayan tayo ng loob. hindi yun sa pagiging prangka. sumesegway lang naman.

Sunday, January 9, 2011

takin' down the risks

hindi ako mahilig sa sugal. alam yan ng mga kaibigan at pamilya ko. bakit? alam ko naman kasi na hindi ako masuwerte sa mga ganyan. kahit nga sa Bingo stations ng mall, hindi ko sinubukang magpaunta at makipagsigawan ng BINGO! dahil hindi ko talaga trip ang mga ganyang gawain. kahit nga lotto, hindi sumagi sa isip ko ang pumila at tumaya at kahit inutusan lang magpataya, hindi ako nagt-try pumila kasabay ng mga taong gustong subukan ang suwerte na meron sila. kahit umabot pa ng 600 milyon pesoses ang lottery proce, hindi talaga ako nag-atubiling tumaya. pramis! kahit simpleng pustahan sa pusoy dos o kaya naman 41, hindi rin ako tumataya. kahit maglaro ng poker, hindi rin ako tumatagal. kahit pustahan sa opisina na bibigyan ka ng 500 kapag nakuha mo ang score na 95 sa videoke na nakalagay sa pantry, hindi talaga ako nag-aatempt. hehe!

pero kung sugal ng buhay ang pag-uusapan, maraming beses na akong nag-atubiling sumugal kahit kapalit nito ay hinanakit sa buhay o kaya nama'y panalo mo ay ang tiwala at simpatya ng mga tao sa paligid mo. naalala ko nung sinabihan ako ng isang kaibigan na ako daw ang tipo ng taong "risktaker" kahit alam ko naman na ang kapalit ay makaka-apekto sa prinsipyo ng buhay ko, i still pursue and stick sa sarili kong desisyon na walang keme. minsan, nakakafeel ako ng regrets pero nakakatayo naman ako at pinanghahahwakan ko ang desisyon ko. hindi ko to binabale.

last 2006, isang risk sa buhay ko ang manirahan malayo sa lugar na nakagisnan ko. naisipan kong mag-aral at subukan ang buhay probinsya na hindi ko man lang naranasan before. aside sa SPACE na hinihingi ko that time, i decided to stay in a far away place dahil na rin sa pagsusugal ko ng pagmamahal sa taong alam kong mahal ako pero alam kong hindi kami ang itinakda ng maykapal (naks naman! ang laki ng bilat ko sa nuo teh!) yeah! i admit, hindi na sapat ang lahat ng sakit na nararamdaman ko that time at kailangan ko ng space para malaman ko sa sarili ko na hindi ako manhid at marunong din naman akong masaktan. I eventually gave up my studies sa isang university at iniwan ko ang pamilya ko na akala ko nung una, kaya kong tumayo sa sarili kong emotions na wala sila.

it's a risk! alam ko naman yun. pero ang kapalit nito ay mga taong tumulong sa'kin na maranasan ang tunay na mga dagok sa buhay. yeah, it's not easy to mingle with new set of people. malaking asjustments ang ginawa ko noon at iba ang mundong sinampla sa'kin that time. It was a bit horrible and kailangang i-manage. somehow, naging ok ang lahat!

ewan ko... pero gustung-gusto ko ang maipit sa dalawang sitwasyon at ma-tense o kaya naman ma-pressure. gustung-gusto ko ang ma-aligaga ako bigla at gustung-gusto ko ang maparanoid dahil sa dami ng gagawin sa loob lamang ng isang araw. kaya maraming naiinis sa ugali kong 69 years ob kaya naman indian 123 dahil ayoko ng sumusunod sa oras. dapat ang oras ang mag-adjust sa'kina t hindi ako... nag-iinarte! inaamin ko na wala akong time management at ayokong pinaplano ang buhay ko sa pamamagitan ng oras at timeline. hehe! at ngayon... wala akong magawa kundi sumunod sa oras pero ang orasan pa rin dapat ang maki-ayon sa'kin at mapaparanoid ulit dahil takot ma-late at maligwak sa trabaho.

you have to take some risks in order for you to learn the differences of pressure and comfort. in some ways, most of us wanted to savor the extreme effects of uneasiness and may lead to possible regrets. that's the real essence of my own life. I take the risks simply because i love the way it is and I love to deal band manage these things in an improvised form!

way back 2010



way back 2010...

kung babalikan ko man ang year na ito, everything's unstable. Again, it remarked something that is too essential yet, inspiring stories and experiences ang naranasan ko. Way back 2009, it was a beggining of a good fortune para sa'kin. Maturity seems to be the most important role sa buhay ko at hanggang ngayon, it's in my blood na nga.

Way back 2010, i realized na kung sino pa yung mga taong napakataas ng prinsipyo sa buhay at kung sino pa ang mga taong akala mo, hindi mo makakasundo, yun pa yung mga taong tutulong sayo para malaman kung ano ba talaga ang katotohanan ng mga bagay-bagay na hindi mo man lang nakikita o nararamdaman. somehow, hindi naman ako ganoon ka sensitive pagdating sa ibang tao. yung tipong wala akong pakialam kung anong buhay meron ka at kung pano ka makisalamuha sa iba. innisip ko lang ang sarili ko kung papano ko makikissalamuha sa mga taong kilala man ako o hindi, wala rin akong pakialam. Kung na-aanoy ka man, wala rin akong pakialam. kung ano mang buhay at sikretong meron ka, wala rin akong pakialam. pero kung sino pa tong mga taong ito, dun ko nalaman na kahit papano, may silbi at halaga din ang lahat ng prinsipyo nila sa buhay mo. Ngayon ko lang namalayan na sa bawat prinisipyong meron sila, dun ako natutong maging bihasa sa takbo ng buhay na meron ako.

Way back 2010, dun ko nalaman ang kahulugan ng kaibigan sa kalagitnaan ng trabaho, pagiging mukhang pera at katumbas ng lahat ng ginagawa mo ay umiikot sa pera, at pagpoposisyon ng sarili sa gitna ng pera, trabaho at tinuring mong pamilya. NO OFFENSE! naalala ko ang mga linyang "work equals stress at no work means no stress" puwede ka naman magtrabaho ng walang stress di ba? dun ko rin naintindihan ang mga salitang mas importante ang pera kaysa sa tinuring mong pamilya at puro pera ang usapan at mistulang nahihilo na'ko kung bakit pera ang gumagawa ng pagkakawatak-watak ng isang samahan na hindi mo naman inakala na hahantong sa isang madilim na kahapon. Dun ko rin nalaman na naiiba ang tingin sayo kapag pera na pinag-uuspan. mapa positive side man yun o nega...

WAy back 2010, dun ko nalaman na kung wala kang initiative, hindi mo kaagad malalaman na sa bawat segundo ng buhay na meron ka, maraming mga pangyayaring ang hindi mo inaasahang dumating at sinayang mo lang yun. dapat mong magsakripisyo para naman sa sarili mong kapakanan at unahin ang mga bagay-bagay na dapat mong bigyang pansin kaagad. INITIATIVE plus PRIORITIES may lead to success.

and Way back 2010, dun ko nalaman ang tunay na kahulugan ng LETTING GO... at hanggang ngayon, hindi ko mapaliwanag ng brief and concise kung ano ang nilalaman ng mga sinasabi kong MOVE ON... basta ang alam ko lang, masaya ako para sa kanya at masaya ako sa sarili ko ngayon. kung ano mang sugat ng nakaraan ay mananatiling KELOID nalang. basta ang alam ko, ang nararamdaman ko, kampante ako na nasa tamang landas ang iwan at panatilihing closed book at wag ng ungkatin pa muli.

sa mga taong naging parte ng buhay ko noong 2010, sa mga taong nanghusga kung sino ako, sa mga taong nagduda sa kakayahan na meron ako, sa mga taong binigyan ako ng pagkakataong maging ako, sa mga taong naka-away ko, sa mga taong nagmahal sa'kin, at sa kaisa-isang taong.......... yun na yun! hehe! salamat sa lahat pagkakataong naging makulay ang taong ito para sa'kin!

Tuesday, January 4, 2011

but wait... there's more...

hindi ko malilimutan sa buong buhay ko ang trainer kong si Monique Almanza... well, i admire her because of her pagiging strict pero nasa lugar. Hindi ako straw or pasipsip pero nabuo ang pangarap kong maging trainer dahil sa kanya. Hindi man ako gahaman sa pay pero ang kung passion ang pag-uusapan, nandun yun teh!

samu't saring mga linya ang naglalabasan sa training area ng trabahong pinapasukan ko ngayon. kanya-kanyang linya at segway na naging parte na ng daily routine ko. Everything's change sa daily routine ko at kahit mga taong nakakasalamuha ko, it's not the same thing before. ngayon ko lang naranasan makisalamuha sa mga taong may asawa, separated, widowed, lesbians at kung anu-ano pang mga uri ng taong hindi ko naman nakakasalamuha before.

"are we good" - Jen Cab
"but wait there's more" - Monique
"masternation!!!" - master nathan
"monay party" - VG
"puki palda" - Tintin Paras

ilan lamang sa mga naalala kong mga linya at kung LSS pa toh, everyday nalang pumapasok sa utak ko ang mga ganitong segway.

As I've said. Iba ang pagiging mean sa isang keen observer. Hindi ko naman kagustuhan maging laiera pero kung araw-araw ba naman ng Diyos maririnig ang ganitong mga salita, hindi ka ba matatawa o kaya naman pasulyap mong uulitin ang mga ganitong words.

Bandols-bundles
chinz-change
conferm-confirm
praduk-product
petz mango iced tea-peach mango iced tea

at kung anu-ano pa. well, I admit. I am a certified BISDAK! at hindi ko naman nilalait ang ganitong mga klaseng pagpronounce. My point is, kaya tayo nagtratrabaho sa call center para malaman ang tamang pag pronounce ng mga words ng tama. buti nalang at hindi FOH o front of house ang account! or else, ligwak sa accent training... hehe!

I am not pointing somebody. kahit ako, nagkakamali ng pagpronounce. my point is, nakakatuwa lang kasi pakinggan. nakakawala ng stress. I dunno pero nasanay kasi ako sa publication before na kinocorrect ang pagpronounce at GRAMMAR. kaya pag may naririnig ako na wrong gramming, i keep it to myself at natatawa patago. anyway, human as it is di ba...