My only reason kung bakit di ako makatulog... hindi pa rin ako mapakali kung anong mangyayari sa buhay ko for one week. Hindi ko alam. Wala rin akong dahilan kung bakit kailangan kong magkunwari na hindi ako affected ng walang dahilan.
Habang nilalakbay ko ang daan ng coastal kanina, bigla akong napabuntong-hininga. Lam mo kung bakit? Sa bus na sinasakyan ko ba naman, may biglang umutot at aircondioned pa ang sinakyan ko. sino ba naman ang hindi mawiwindang sa ganu'ng sitwasyon.
Sa totoo lang, bigla lang akong napa-isip na ang tagal ko na palang hindi siya nakikita at nakakausap. sa bagay, busy din kasi ako at parang iba lang yung feeling dahil kung tutuusin, jeep nalang ang pagitan para magka-usap kami at di pa rin nangyayari.
napadaan ako sa Tone kanina. nagsimba at nagtirik ng kandila. pero ang nasa loob ko ay ang intesyong makita muli ang kanyang katauhan, nagbabakasakaling magkatagpo muli ang aming landas na nangyayari naman noon. Makausap ng panandalian na tulad ng dating gawi. Pero ang lahat ng iyon ay pawang guni-guni ko na lamang. Umaasang makikita ko ulit ang taong inaantay ko dati sa labas ng simbahan. Dahilan para magsimba ako noon. Pero ang lahat ng iyon ay pawang laruan na lamang sa isip at puso ko ngayon.
Nagkakuwetuhan tungkol sa buhay high skul ang barkada kanina. Ala-ala ng mga nakaraang hindi ko akalain na nagagawa pang pag-usapan kahit may lamat na at matagal ng naka-ukit sa baulb ni Inocecia (ang pangalang iyan ay guni-guni ko rin). Ang hindi ko maintindihan, bakit umaasa pa rin ako na makita ko siya gayu'ng wala naman akong dahilan para magka-usap kami.
Wala na akong dahilan para magkita kami pero sa bawat araw na naiisip ko ang kanyang pagkatao, hindi ko maiwasang buksan muli ang baul ng nakaraan.
At kung saka-sakalaing matalinhaga ang pagkakasulat ko nito, iyon lamang ay isang pagpapaliwanag sa sarili kong damdamin. NAKANANG PETIKS! ang arte arte ko today!
No comments:
Post a Comment