Sunday, January 9, 2011

way back 2010



way back 2010...

kung babalikan ko man ang year na ito, everything's unstable. Again, it remarked something that is too essential yet, inspiring stories and experiences ang naranasan ko. Way back 2009, it was a beggining of a good fortune para sa'kin. Maturity seems to be the most important role sa buhay ko at hanggang ngayon, it's in my blood na nga.

Way back 2010, i realized na kung sino pa yung mga taong napakataas ng prinsipyo sa buhay at kung sino pa ang mga taong akala mo, hindi mo makakasundo, yun pa yung mga taong tutulong sayo para malaman kung ano ba talaga ang katotohanan ng mga bagay-bagay na hindi mo man lang nakikita o nararamdaman. somehow, hindi naman ako ganoon ka sensitive pagdating sa ibang tao. yung tipong wala akong pakialam kung anong buhay meron ka at kung pano ka makisalamuha sa iba. innisip ko lang ang sarili ko kung papano ko makikissalamuha sa mga taong kilala man ako o hindi, wala rin akong pakialam. Kung na-aanoy ka man, wala rin akong pakialam. kung ano mang buhay at sikretong meron ka, wala rin akong pakialam. pero kung sino pa tong mga taong ito, dun ko nalaman na kahit papano, may silbi at halaga din ang lahat ng prinsipyo nila sa buhay mo. Ngayon ko lang namalayan na sa bawat prinisipyong meron sila, dun ako natutong maging bihasa sa takbo ng buhay na meron ako.

Way back 2010, dun ko nalaman ang kahulugan ng kaibigan sa kalagitnaan ng trabaho, pagiging mukhang pera at katumbas ng lahat ng ginagawa mo ay umiikot sa pera, at pagpoposisyon ng sarili sa gitna ng pera, trabaho at tinuring mong pamilya. NO OFFENSE! naalala ko ang mga linyang "work equals stress at no work means no stress" puwede ka naman magtrabaho ng walang stress di ba? dun ko rin naintindihan ang mga salitang mas importante ang pera kaysa sa tinuring mong pamilya at puro pera ang usapan at mistulang nahihilo na'ko kung bakit pera ang gumagawa ng pagkakawatak-watak ng isang samahan na hindi mo naman inakala na hahantong sa isang madilim na kahapon. Dun ko rin nalaman na naiiba ang tingin sayo kapag pera na pinag-uuspan. mapa positive side man yun o nega...

WAy back 2010, dun ko nalaman na kung wala kang initiative, hindi mo kaagad malalaman na sa bawat segundo ng buhay na meron ka, maraming mga pangyayaring ang hindi mo inaasahang dumating at sinayang mo lang yun. dapat mong magsakripisyo para naman sa sarili mong kapakanan at unahin ang mga bagay-bagay na dapat mong bigyang pansin kaagad. INITIATIVE plus PRIORITIES may lead to success.

and Way back 2010, dun ko nalaman ang tunay na kahulugan ng LETTING GO... at hanggang ngayon, hindi ko mapaliwanag ng brief and concise kung ano ang nilalaman ng mga sinasabi kong MOVE ON... basta ang alam ko lang, masaya ako para sa kanya at masaya ako sa sarili ko ngayon. kung ano mang sugat ng nakaraan ay mananatiling KELOID nalang. basta ang alam ko, ang nararamdaman ko, kampante ako na nasa tamang landas ang iwan at panatilihing closed book at wag ng ungkatin pa muli.

sa mga taong naging parte ng buhay ko noong 2010, sa mga taong nanghusga kung sino ako, sa mga taong nagduda sa kakayahan na meron ako, sa mga taong binigyan ako ng pagkakataong maging ako, sa mga taong naka-away ko, sa mga taong nagmahal sa'kin, at sa kaisa-isang taong.......... yun na yun! hehe! salamat sa lahat pagkakataong naging makulay ang taong ito para sa'kin!

No comments:

Post a Comment