hindi ko sinulat ang post na ito para magkaroon ulit ng isyu. I just want to rectify things since my mind my boggling and I can't sleep. hindi ko talaga maatim na may bumabagabag sa utak ko at hindi ko mailabas. Good thing, I keep this blog. It's my medicine for my uneasiness. (ma-charot ba ang intro?)
Again, and again, dalawang bagay ang ayaw ko sa isang tao. Una, ang gumagawa at ginagawan ako ng isyu at ikalawa, mga taong madaling mapikon.
May mga bagay talaga na may nasasabi ako na hindi ko sinasadyang nakakaoffend. May mga pagkakataon na nakakabitiw ako ng mga salitang hindi kaaya-ayang pakinggan. Some people anooyed at me and WHAT THE FUCK I CARE! joke! ma-okray lang talaga ako pagdating sa mga taong nakakasalamuha ko. wala naman akong kaaway so far... naaanoyed lang! haha!
My point is, kung sino pa ang mga taong magaling mang-asar, yun pa ang mga taong madaling mapikon. Kung sino pa ang mga taong magaling mambasag, yun pa ang mga taong madaling basagin at bubog talaga ang kalalabasan. hindi naman strong ang personality ko pero magaling lang ako gumatong at mambasag ng tao. ewan ko! hindi ko inaamin sa sarili ko na matalino ako pero malugod kong pinagmamalaki sa sarili ko ma meron akong WIT! iba yun teh!
wala akong pinatatamaan. I am making a generalization. wala akong hinanakit. hindi ako ganun. ang akin lang, sa mundong ginagalawan natin ngayon, hindi na uso ang salitang pikon. marami ng naglalabasan na chismis na malapit ng gumuho ang mundo at hindi na uso ang pag-mamaasim. kaya nga sumikat si Vice ganda dahil sa pang-ookray niya at para malaman nating lahat na hindi na kailangan uulit-ulitin ang mga salita at kataga para maintindihan o kaya naman masaktan sa mga banat na hindi naman makatotohanan.
yah, i admit, some jokes are half meant to be true. hindi mo kailangang maghanap pa sa google para malaman ang background ng isang taong ino-okray mo para malaman ang limitations mo. sa mundong talamak na ang comedy bars, masasabi mo pa bang kailangang mong mag-ingat sa lahat ng sinasabi mo? well, wala na tayo sa panahong usong-uso pa ang sinaunang Mara Clara at Mula sa Puso ni Juday para maranmdaman natin ang kahirapan ng loob at mag-inarte the whole day.
yun lang naman yun, kailangan natin ng spice sa conversation para naman mabuhayan tayo ng loob. hindi yun sa pagiging prangka. sumesegway lang naman.
No comments:
Post a Comment