hindi ako mahilig sa sugal. alam yan ng mga kaibigan at pamilya ko. bakit? alam ko naman kasi na hindi ako masuwerte sa mga ganyan. kahit nga sa Bingo stations ng mall, hindi ko sinubukang magpaunta at makipagsigawan ng BINGO! dahil hindi ko talaga trip ang mga ganyang gawain. kahit nga lotto, hindi sumagi sa isip ko ang pumila at tumaya at kahit inutusan lang magpataya, hindi ako nagt-try pumila kasabay ng mga taong gustong subukan ang suwerte na meron sila. kahit umabot pa ng 600 milyon pesoses ang lottery proce, hindi talaga ako nag-atubiling tumaya. pramis! kahit simpleng pustahan sa pusoy dos o kaya naman 41, hindi rin ako tumataya. kahit maglaro ng poker, hindi rin ako tumatagal. kahit pustahan sa opisina na bibigyan ka ng 500 kapag nakuha mo ang score na 95 sa videoke na nakalagay sa pantry, hindi talaga ako nag-aatempt. hehe!
pero kung sugal ng buhay ang pag-uusapan, maraming beses na akong nag-atubiling sumugal kahit kapalit nito ay hinanakit sa buhay o kaya nama'y panalo mo ay ang tiwala at simpatya ng mga tao sa paligid mo. naalala ko nung sinabihan ako ng isang kaibigan na ako daw ang tipo ng taong "risktaker" kahit alam ko naman na ang kapalit ay makaka-apekto sa prinsipyo ng buhay ko, i still pursue and stick sa sarili kong desisyon na walang keme. minsan, nakakafeel ako ng regrets pero nakakatayo naman ako at pinanghahahwakan ko ang desisyon ko. hindi ko to binabale.
last 2006, isang risk sa buhay ko ang manirahan malayo sa lugar na nakagisnan ko. naisipan kong mag-aral at subukan ang buhay probinsya na hindi ko man lang naranasan before. aside sa SPACE na hinihingi ko that time, i decided to stay in a far away place dahil na rin sa pagsusugal ko ng pagmamahal sa taong alam kong mahal ako pero alam kong hindi kami ang itinakda ng maykapal (naks naman! ang laki ng bilat ko sa nuo teh!) yeah! i admit, hindi na sapat ang lahat ng sakit na nararamdaman ko that time at kailangan ko ng space para malaman ko sa sarili ko na hindi ako manhid at marunong din naman akong masaktan. I eventually gave up my studies sa isang university at iniwan ko ang pamilya ko na akala ko nung una, kaya kong tumayo sa sarili kong emotions na wala sila.
it's a risk! alam ko naman yun. pero ang kapalit nito ay mga taong tumulong sa'kin na maranasan ang tunay na mga dagok sa buhay. yeah, it's not easy to mingle with new set of people. malaking asjustments ang ginawa ko noon at iba ang mundong sinampla sa'kin that time. It was a bit horrible and kailangang i-manage. somehow, naging ok ang lahat!
ewan ko... pero gustung-gusto ko ang maipit sa dalawang sitwasyon at ma-tense o kaya naman ma-pressure. gustung-gusto ko ang ma-aligaga ako bigla at gustung-gusto ko ang maparanoid dahil sa dami ng gagawin sa loob lamang ng isang araw. kaya maraming naiinis sa ugali kong 69 years ob kaya naman indian 123 dahil ayoko ng sumusunod sa oras. dapat ang oras ang mag-adjust sa'kina t hindi ako... nag-iinarte! inaamin ko na wala akong time management at ayokong pinaplano ang buhay ko sa pamamagitan ng oras at timeline. hehe! at ngayon... wala akong magawa kundi sumunod sa oras pero ang orasan pa rin dapat ang maki-ayon sa'kin at mapaparanoid ulit dahil takot ma-late at maligwak sa trabaho.
you have to take some risks in order for you to learn the differences of pressure and comfort. in some ways, most of us wanted to savor the extreme effects of uneasiness and may lead to possible regrets. that's the real essence of my own life. I take the risks simply because i love the way it is and I love to deal band manage these things in an improvised form!
No comments:
Post a Comment