Saturday, August 6, 2011

Super paulit-ulit...

D.I.A.R.Y...

hindi ko alam kung papano sisimulan ang post na to... isang malaking pasencya nalang kasi ayokong i-post at i-share ang link na to sa FB. It's somewhat private (ang question... ba't mo pinost sa blogger?)

may rason siguro ang lahat kaya ko na-open ang account at blog na'to. sabihin na nating MAARTE at MAASIM ako this past few weeks. Sabihin na natin na ito na ang taman panahon para mailabas ko na ang lahat ng emosyon at kakayanin ko sigurong sabihin ang lahat ng detalye sa post na to. hoping na hindi mabasa ng mga makikitid ang utak. anyway, it is just a matter saying your experiences... I do not blame myself or anyone else...

eto nanaman ako at nagmumukhang tanga. eto nanaman ako na para bang namumuhay sa sarili kong mundo. at eto nanaman ako... nararanasan muli ang salitang pagmamahal... mariin kong sinasabi sa sarili ko na hindi na ako magmamahal ng kahit sino man sa mundo. ayoko ng ganitong pakiramdaman. ayokong kainin ako ng loob ko. pero eto... nangyayari na para bang bagyo na lumagi na sa Philippine area of responsibility. hindi na 'ko maka-get over at nasasaktan ng paulit ulit mapapisikal man at emosyonal.

Yun nga ang problema. ayoko ng paulit-ulit... eto nanaman ako... kontrolado nanaman ang lahat. eto nanaman ako, at eto nanaman ako... minsan nakakasawa na. pero nandito bna tayo. huminto man ang jeep, di ko kayang bumababa. maraming mga bagay ang dapat isipin at bigyang konsiderasyon.

ayokong magmahal at ayokong masaktan. kung magkakakitaan tayo ng cerebrum, nakakatatak yun dun. pero minsan, nagkakaroon tayo ng brain loss. ayokong maging komplikasyon ang lahat. kaya eto nanaman ako. kontrolado nalang ang lahat.

bakit ganun? masyadong malalala ang nangyayari sa'kin kapag ako na-inlove. hindi ba puwedeng kahit minsan lang man, hindi ako ang mapagparaya? hindi ako ang kinokontrol? hindi ba puwedeng ako nalang lagi ang naiipit? pilitin ko mang hindi maging ganito... yun ang hindi ko maintindihan...

Walang nagbibigay ng magandang solusyon so far... at eto nanaman ako... paulit-ulit... kailangan ako ang umintindi ng lahat. walang tutulong sa'kin kundi sarili ko lang. hindi ako nag-eemote... wala akong dapat sisihin. hindi ito kasalanan ng iba. walang dapat i-blame. masama ang loob ko sa sarili ko. at eto nanaman ako... private self- pity.

hahay... ayoko ng ganito...

No comments:

Post a Comment