Saturday, August 13, 2011
Moonstar 88 - MIgraine
matagal ko ng all time favorite ang moonstar 88. Pero ang kantang ito ang nagbigay silbi at kunin ang self awareness program o SAP 101 na course ngaung araw na to. nasa IPOD ko to at nasa phone pa nga. sa dami dami ng kantang dapat ipatugtog ngaun, biglang huminto sa IPOD ko ang "migraine". masyado na akong nahuhumaling mag-emote sa sarili ko ngaun... hehe!
and i found myself lying on the wooden floor sa kuwarto yesterday. despite sa pagod kong katawan dahil sa buwis buhay na outlet na cheerdance, despite sa pagsugod namin kahapon sa st. dominic's hospital dahil sa nabangas na labi ng kasamahan ko sa cheer dance, despite sa pagsalpok ng isang sasakyan sa poste ng meralco at walang ilaw sa bahay within 3 hours, at despite sa pag-inom ng malala sa city hub kahit may practice ng cheer dance nung friday night, bigla nalang akong humiga at biglang sumabog ang emotions ko... BOOM!
para akong tangang umiiyak at tipong humahagulgol. nanginginig ako sa sakit at gusto kong matapos ang buhay ko sa mismong araw na yun. nahihilo na ko sa sarili ko. lagi kong iniisip na kaya ko. pero nung gabing yun, hindi ko na kontrolado ang lahat.
ngayon ko sinasabi sa sarili ko na TAO lang din naman ako. may mga pagkakataon na hindi ko na kontrol ang lahat. ayokong maging perfect at hindi ako nagpapakaperfect. nasasaktan di ako. hindi ko masasabing puno ng kalyo ang puso ko. kinakain din ako ng loob ko.
ayokong magpadala. hinahayaan ko nalang yung sarili ko na gawin niya kung anong gusto niyang gawin. HINDI KASI AKO ANG TIPO NG TAO NA KAILANGAN NG ACCOMPANY PARA ILABAS LAHAT NG GUSTO NIYANG ILABAS SA SARILI NIYA. ayoko na ng ganun. mas magandang ikaw nalang mismo ang maghahanap ng sagot sa sarili mo.
masasabi kong ok na ako ngaun. hayaan nalang nating umukit ang mga mga sugat at kontrolin lahat ng galos. kung ano ang nakakabuti, yun ang dapat gawin. kung ito ang tama, sige... pero kung sakaling sumabog ulit ako, bigyan konsiderasyon naman na masakit din sa loob ko ang mga nangyayari. TAO LANG PO AKO...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment