Saturday, August 13, 2011

AT HINDI SA LAHAT NG PANAHON...

* hindi sa lahat ng panahon, ang mga oras at araw ang makikiayon sayo. Tayo ang gumagawa ng paraan para sabihin nating maganda ang takbo ng buhay natin sa araw-araw nalang na ginawa ng diyos. Kung gusto mong maging malungkot, choice mo yan. pero hindi sa lahat ng panahon, ang hangin ang sasabay sa ihip na gusto mo.

* hindi sa lahat ng panahon, ang pagmamahal ay nakukuha lamang sa isang pitik ng kamay. may mga bagay na kailangang i-consider. may mga bagay na kailangang bigyang diin. iba ang salitang pagmamahal kung alam mo sarili mo na marunong kang tanggapin ang lahat ng sakit at pag-asang naidudulot. walang sinuman ang makaka-unawa nito kundi ang ating mga sarili lamang. hindi natin kailangan gipa-explain sa iba kung ano ito. "if you laid all your cards, you have to play the risks"

*hindi sa lahat ng panahon, natatakot ka sa isang sitwasyong dapat hindi ka naman involved. kung di mo na kaya, ikaw na ang magbigay daan at maki-ayon na lamang sa timpla ng panahon. pa'no kung di mo rin kayang magparaya? pano kung natatakot ka rin na mawala siya sa buhay mo? isang malaking PAANO ang naglalaro sa loob mo at tipong kinakain ka na. kaya mo pa bang maki-ayon sa gustong ihip ng hangin? kung iniisip mong isang malaking delubyo ito... hindi lahat ng bagyo, nagtatagal sa isang lugar. hayaan nalang nating dumaan para maging matatag. wala na tayong magagawa, ang bagyo ay bgayo.

*at hindi sa lahat ng panahon, natatago ang mga pangyayaring hindi mo inaasahan. may mga weather forecasts na bigla nalang mag-uudyok sayo na gawin at mangyari ang dapat mangyari. wala tayong magagawa. eto nanaman tayo, hayaan na nating maki-ayon tayo sa panahon...

PANO KUNG DI MO NA KONTROLADO ANG LAHAT NG ITO... MATATAHIMIK KA PA BA? SA TINGIN MO MAGIGING OK PA BA? SA TINGIN MO, HINAHAYAAN MO NA LANG NA KAININ KA NG LOOB MO... PANO KUNG BIGLA KA NALANG SUMABOG? PAANO? HAAAAYYYYY tang inang buhay to oh!

No comments:

Post a Comment