Alam ko... nasubukan mo na ring makipaglaban sa mga fairies. hindi lahat ng fairies mababait at magaganda. may mga masasama at mapaglinlang din na fairies.
Paggising ko kaninang alas dose ng tanghali, ramdam ko ang argumentong naglalaro sa aking isipan na ito ang araw ng pagtutuos para labanan ang mga fairies sa opisina namin. Ngunit mahina ang katawan ko ng mga oras na 'yun. Hindi na nga ako nakakain ng BRUNCH dahil wala ako sa tamang huwisyo at hindi ko feel maggagalaw ngayon.
Naligo ako at nag-ayos. ramdam ko pa rin ang kaba sa aking puso na hindi ito isang normal na araw. Pakiramadam ko na wari ito ay isang krusada ng buhay at bago ako magtagumpay sa labanang hindi ko naman ginusto, kailangan ko ng tatag ng loob at focus para magtagumpay sa gamitong uri ng pakikipagsapalaran.
Pumasok ako ng opisina. May nagbulong na sa'kin na paparating na sila na para bang sa pelikula ni Kris Aquino na "sukob". Kinabahan ako bigla. Nagtrabaho ng unti at makaraan ng ilang oras, napalingon ako sa kanang bahagi at nagtanong sa ka-officemate ko tungkol sa trabaho. Nagulat ako. habang kinakausap ko siya, mistulang hinihila ng mga fairies ang kaluluwa ng ka-officemate ko. Tumitirik ang kanyang mga matang may contact lens. Kailangan ko agad gumawa ng paraan para masagip ang kaluluwa ng kaibigan ko laban sa mga fairies. Hinila ko ulit pabalik sa katawang lupa niya ang kanyang naligaw na kaluluwa, naging ok naman siya pagkatapos. Normal naman sa kanya ang pagsama sa mga fairies. Siya ay ang ka-officemate ko na si Tin-Tin PARAS.
Matagal na kaming binalaan ng Trainer naming nagbebenta ng keso sa opisina na laging umaatake ang mga fairies lalo na sa work area at training rooms. Matagal na siyang nagkukuwento tungkol sa mga naglilipanang mga fairies at kusa ka nilang pinapasama pautungo sa kanilang paraiso.
kapag nararamdaman mo na ikaw ay groggy, at kumikislap na iyong mga mata, bigla kang napapasigaw ng wala namang boses na lumalabas sa iyong mga labi. o kaya naman napapasigaw ka na haaaayyyy.... senyales na ito ng pagpaparamdmam ng mga fairies. kapag patuloy kang nakakakita ng mga bagay na kumikinang sa flourescent lamp o kaya naman tingin mo sa mga ilaw ay mukha ng bituin sa langit. Sila na ang mga Faries na kinatatakutan mo.
Huwag sasama sa kanila. makipaglaban ka. Huwag mong hayaang kunin nila ang kaluluwa mo. Hindi lang sila makikita sa mga opisina at kahit sa eskwelahan ay mayroong mga naglilipanang fairies.
para tapusin ang kuwentong ito, ito lamang ay senyales na inaantok ka at gusto mong matulog pero hindi mo magawa dahil bawal.
No comments:
Post a Comment