Sunday, March 20, 2011

linyang quotable quote

one two three... gora!

as in super tagal na ng hindi ako nagpopost sa blog ko. parang nakalimutan ko na ata na may blog ako... pero eto naman ako... unt--unti kong ni-rerestore sa sarili ko na may blog account pala ako na bibisitahin at magkuwento ng kabalbalan sa mundo at kagagahang nagawa sa buhay ko kahit di naman ganun kaganda o kabalahura o kasaya pati na karumaldumal na pangyayari... at bigla kong naalala na umaagos ang pinupuno kong inumin sa kusina. teka lang!

Summer na di ba... at sa naalala ko, March mismo ang buwan na ang lakas kong magblog kahit di naman ganun kaganda ang mga naikukuwento ko. ito rin yung buwan na natuto akong magshorts at hindi magpantalon. at teka nga muna! lumalayo ako sa sarili kong topic na dapat kong ikuwento... may I change the topic...

paminsan-minsan... naaalala pa rin kita....

at may ganu'ng segway!628r5y3weoitu3857r2[pri3p0e3poruw9asfw! isa lang ibig sabihin nun... hindi ko maexplain kung bakit biglang pumasok sa utak ko ang ganyang quotable quote. minsan kong nakuha ang linyang yan nung nakasakay ako sa isang jeep at tinutugtog ang awiting PAMINSAN-MINSAN ni Richard Reynoso. bigla akong napatulala sa minsang naalala ang mga walang kakuwenta-kuwentang nakaraan. papasok ako nun ng opisina. bigla akong natawa dahil may isang ahente sa office ang kumakanta ng ganung linya. what a co-incidence! hindi... kasabay ko kasi siyang sumakay ng jeep! at di kami magkakilala! narinig ko lang siya dahil malapit lang yung station ko sa kanya.

coz I'm dreamin of you tonight...

yan ang linyang nasa IPOD ko ngayon. kantang dreamin of you na pinasikat ni SELENA. Hindi tao ang dream ko... kundi ang total pay ko kaka-OT ngayong two weeks! hindi ito love story! kalakal lang po...

Alone....

kantang pinasikat ng HEART! ALONE! at ngayon... wala pa rin akong lovelife kaya alone...

sa lahat ng linyang napakinggan ko.. ito ang pinaka da best!

dadaan ang crush mo aqt biglang sasabihin mo sa kasamahan mo na itulak ka...
itutulak ka niya... pero hindi yung OA! iba ang tulak sa mudmod!
tapos obvious... madadapa ka...
sabay banat ng linyang..
SEE HOW I FALL FOR YOU...
(galing sa kasamahan kong tralala)

No comments:

Post a Comment