Friday, August 14, 2009
The Rainbow…
I HOPE I will make a legacy in our university…
Sa totoo lang… nakakapagod na talaga ang diskriminasyon sa mundo at sa araw-araw na ginawa ng diyos, I’m always facing this thingy factor at minsan, gusto ko nang umiyak at sumigaw na HINDI KO KAILANGAN NG OPINYON NIYO PARA MABUHAY!!!
Kung ako ang tatanungin, ayoko na talagang pumasok ng eskwelahan dahil lagi ko nalang nararanasang masakit ang aking likod dahil sa mga saksak ng kutsilyo ng panlalait at kantyaw. Kahit nga paharap, nilalait ako na para bang ang laki laki ng kasalanang nagawa ko sa putang inang buhay na ito at pinarurusahan ako ng ganito.
Gusto ko ng manahimik nalang sa bahay at manood ng TV kesa naman nasasaktan ako sa mga sinasabi ng iba. Sabihin na natin na may ibang TAO na para nila, isang malaking joke ang lahat ng sinasabi… pero di nila alam, below the belt na ang lahat. Kung tutuusin… ayokong tinatawag ako na bakla, bading o “bayot” dahil alam ko sa sarili ko na iba ako sa mga baklang nakikita ng iba! Ayokong ayoko rin na inaunderestimate nila yung pagkatao ko dahil ako ay isang bakla at mahirap pala na sa isang grupo, bukod tanging ikaw lang ang “pagirl” dahil ikaw talaga ang center of jokes na to the point na nakakatawa sa kanila pero para sayo… nagpipigil ka lang na huwag mairita dahil iniisip mo na lang na may kahit konti, nirerespeto mo sila, iniisip mo na hindi naman ako KJ o killjoysa mga kasayahang nangyayari at innisip mo nalang na OK lang… bawi nalang ako next time sa mga jokes na binabato nila sayo… pero ngayon ko lang ito sasabihin na sa bawat joke… sana bigyan naman ng konting konsiderasyon kahit ang word na “bakla” (dahil di naman ako gay… Transvestite po ako) ay huwag nalang sabihin at hinihiling ko yun UTANG NA LOOB!
By the way, masyadong segwey na ang lahat pero I just want to release my emotions dahil sa mga pangyayaring hindi ko kayang sabihin sa ibang tao at baka sabihin nila na another emotes of a drama queen nanaman iyon. Habang ginagawa ko tong post na ito… honestly, naluluha ako pero I have to control it. “sorry na gud”
I am really affected with the discrimination in our university. Hindi lang puro panlalait o jokes na akala nila joke… meron pang mga issues sa lecheng eskwelahan namin na di ko na matake.
Pumasok ako sa gate ng eskwelahan namin at bigla akong hinarang na guard dahil nagsusuot daw ako girly clothes at di daw puwede yun. I ask him kung kaninong command galing yang punyetang policy at sabi niya, galing daw sa administration. Sabi ko kung di papayagang magcrossdress ang mga bading, dapat iimplement din yan sa mga girls. Bawal din magrubbershoes at bawal magloose na shirts at shorts and eventually, sobrang nairita ako. Ang ganda ganda ng hapon ko dahil natulog ako ng almost 14 hours tapos ganun nalang ang bubungad sayo! Talaga naman…
I really pity also with my “pagirl” friends dahil hindi sila pinapasok ng guard sa skul dahil they were wearing girl’s outfit at ito pa ang masaklap… midterm nila at di sila nakatake ng exam dahil sa policy “daw” ng mga guards. Namromroblema nga sila dahil baka ligwak ang grade nila sa major subjects o bagsak! Hahay…
Matagal ko nang gustong magkaroon ng organization ang mga third genders sa skul namin para naman somehow, maprotektahan ang mga rights namin at di kami binababoy ng basta basta. Kung tratuhin kami eh parang kami lang totally damaged at di binibigyan ng konsiderasyon. Kung pwede nga lang pumatay ng tao, ginawa ko na!
I am working for the documents about the new organization na tinawag na “The Rainbow” society. With the help of our student government president and also every Third genders friend, at isa rin siyang self confessed “homo” or homosexual, We processed the papers at in fairness, sobrang haba pa ng proseso bago mafully recognized ang aming organization.
I only have one purpose why I wanted to establish this society. TO FIGHT FOR OUR RIGHTS as a member of the third gender. Masyado na kaming inaabuso sa mundong ito at sobrang nakakapagod na talaga kung lagi mo nalang intindihin ang mga nanlalait sayo. Maybe I am an advocate towards gay discrimination and kaya nga ako nasa mundo ng journalism para ipaglaban ko naman ang mga rights namin in my own little way. Ayoko naman maging bayani dahil dito but I know it is too much in our university to discriminate us and it is really unfair.
I am always praying about the approval of our organization even though it is a late document to sign by the administration. Maybe God enlighten me about this kind of responsibility and I will do my best…
“Sorry na Gud” if I am too emotional about this… sa mga natamaan at matatamaan… I have no choice and say “sana konting respeto lang” paulit-ulit kong sinasabi ito pero mukhang di nyo naririnig.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment