Habang ang lahat ng mga pagirl at mga vaklush ay still traumatized sa nangyaring Miss. Universe 2009 at hindi pa rin mapigil ang mga chizms and controversies sa mga candidates quesehodang bogs o kaya naman nakaabot sa maningning na top 15, top 10 at top 5, at ilang beses panaoorin sa Star world ang Miss Universe na naganap sa Bahamas… isang malaking tanong?
Kaya nyo bang maging Miss Universe in Real life?
Of Course… kung ako ang tatanungin, isang malaking YES ang sagot ko. Inaaamin ko naman na hindi ako lumalabas ng bahay na walang face powder contoured by peach blush-on at coral melon na color ng lipstick courtesy of Avon dahil parte na ng aking “biological clock” ang mga ganoong routine. Ang mag outfit ng bonggang-bongga kung gugustuhin ko ay isang napakanormal na gawin kahit minsan… wala kang pera puwes, daanin nalang sa outfit! Check!
Kailangan mo rin magbigay ng hand gesture wave ala Beauty Queen kapag napapadaan ka sa mga pathways sa skul o kaya naman napadaan lang sa kalye na malasquatter para mapansin ang maladiosang mong mukha which is hindi ko na kailangang gawin dahil kahit di ako magpapansin, may gayuma ata akong bitbit para mapansin if ever naglalakad ako ng mag-isa.
Kailangan mo ring pumunta sa mga charity at social events para naman mapractice ang camaraderie at resilience sa pagiging titleholder. Kaya naman mega sponsor ka ng feeding program para malibrehan mo ang iyong mga friends na walang pera at mga naging PG o PATAY GUTOM for the meantime at isipin mo nalang na nagpapakain ka ng oppressed people, mega chicka sa mga socialite na personalities para makilala at magkaroon ng raket gaya ng fashion shows at pageantries kahit alam mo naman na pinaplastik ka na ng mga taong echoserang palaka naman pala pero ginagawa mo ang lahat para mapansin ka lang at tumatak ang pangalan mo sa mga utak nila.
Minsan, nakakapagod maging titleholder. Kailangan mong sumabak sa mga intriga mapatotoo man o hindi. Tanggap ka lang ng tanggap ng mga isyu at patunayan sa sarili mo na kaya mong ihandle ang lahat ng mga iyon at ang ending eh maging showbiz at echos ang lahat.
Lahat yun ay kailangan kong gawin para mapalagaan ang aking crown… hahaha… pero you know what, ang pagiging Miss Universe ay hindi na kailangan ng sobrang dami ng charnesflou para sabihin nilang deserving ka maging beauty Queen.
Ilang beses ko ng naririnig ito na quesehodang hindi ka biniyayaan ng Diyos ng magandang mukha, you are still beautiful and words can’t bring you down. WITH ALL HONESTY, di mo na kailangang maging Fake sa self mo para maging titleholder dahil kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko pang kausapin ang mga taong chaka ang face kesa naman sa mga magagandang mukhang parang si Taylor Swift tapos ang ending plastikan lang pala ang mga nagaganap at may attitude problem. Puwede ba!
Ang pagiging Miss Universe ay dapat hindi pinapakita sa lahat. Let’s keep it as a private and personal thing. Di ba, kung may malinis kang puso at kaya mong isurvive lahat ng challenge, you are one of the top 5 candidates running for the title.alamkong masyadong cheezy pero that is the essence of life. You have to deal with it.
Sa bagay, ako ng di ko pinapakita na beauty Queen ako… di naman kasi obvious!
No comments:
Post a Comment