Anyway, I am a certified drama queen and I certainly admit that!
I am not taking this line as a negative but it is a huge compliment saying this fabulous line. I watched the “Confessions Of a Teenage Drama Queen” by Lindsay Lohan pero di naman ako ganun ka O.A as in imbetora na to the max para maaccept lang ang personality ko sa society and with my friends.
Yesterday, I was talking to our EIC (and also my friend) at sa dami dami ng topics na kalokohan ang pinag-uusapan, there is a certain thing na sinabi niya sa akin bout my personality at wala akong sinasabi na may attitude problem ako! Anyway, he said na dapat, kung alam ko na if nasasaktan ako sa mga jokes or nasasaktan ako sa mga sinasabi ng iba, dapat I have to voice out na “hello… below the belt na siya” at hindi yung bigla nalang akong mananahimik ng ilang araw tapos pag nakarecover na ako, bigla ko nalang sasabihin na “hey I am not affected at biktima lang kayo ng sarili ninyong kalokohan”.
Ok… kahit ilang ulit kong sabihin na hindi ako nasasaktan… actually, totoo naman yun. May mga pagkakataon talaga na di ako manhid at siyempre nasasaktan ako even though sabihin ko ng ilang beses na di ako affected. Maybe it is my attitude na kapag nahuhurt ako, I rather keep it to myself and not share it to others at bigla nalang mag-eemote ng ilang araw.
Minsan talaga, inaatake ako ng mood swings at sinisisi ko ang Althea pills! Pero I don’t take it seriously na kapag ako ang sentro ng kagaguhan at kaokrayan ng iba, honestly… I am not affected with those kaokrayan. Pag alam ko na hurtful siya, iipunin ko lahat yun at maghihintay ng araw na makakabawi rin ako sa mga sinabi nila sa akin! BITTER! Joke! Kung makatotohanan naman ang sinasabi nila, I rather say na babaguhin ko iyon para naman sa mga susunod na araw, malaman nila na I really change it for the benefit na madelete sa bunganga nila ang mga words na binitiwan nila sa akin.
Absolutely, I am a Drama Queen for the reason na mahilig talaga akong mag-inarte at mag-emote ng kung anu anong bagay na feel ko lang. marami ng instances at high skul palang ako,mahilig talaga akong magdrama. May mga ibang tao nga lang na sinasabing annoying na siya at wala talaga akong pakialam! Pananganak na akong ganito at kung babaguhin ko man iyon, may mga taong mabibigla at sasabihin na hindi ako yun at isang malaking kaplastikan ang lahat.
Oo, sabihin na natin na maasim ako, pakialamera sa lahat ng bagay, bastarrda, mahilig sitahin ang mga kacheapang bagay na nakikita ko, hyper, minsan pag inaatake ng pagkababoy at ginagawa ang mga kadiring bagay na dapat gawin, sosyalera, antipatika, maldita, mahilig mag-emote kahit di naman dapat iemote… lahat lahat ng ginagawa ng isang drama queen ay nagagawa ko, di ko na mababago yun dahil alam ko naman na doon ako minahal ng mga taong nasa paligid ko at tinanggap kung sino ako. Salamat!
At least, kung nasasaktan man ako hindi ako ganoon kabrutal.di ba? And at least, may mga tao rin pala na sensitive sa emotions ko. Im so thankful for that!
No comments:
Post a Comment