Friday, August 28, 2009

On the other hand…

PS: I’m so sori if my post to others is really yucky… but I would rather share this just to know me better and be accepted for being who I am.

As of this moment, I realized that my body is really aching because of what I did yesterday. Nakakainis nga lang that I woke up around 10:30 na hindi ko magalaw ang aking mga paa at may isang malaking pasa sa aking tuhod dahil sa pagwawaksi sa akin ng dalawang beses ng brusko kong classmate na si Erickson at tuwang tuwa pa siya sa ginawa niya yun. Anyway, di naman ako nagsa sourgraping dahil kagustuhan ko rin namang makipagharutan ng todo todo kagahapon.

Hindi po ako nakakaexperience ng identity crisis nowadays. Pagirl po ako at you cannot changed it!. Maganda akong ginawa ng Diyos at narealize ko na babae akong ginawa ng maykapal kaya may I act as pagirl even though may bahid pa rin ni adan sa aking katawan.

Kaya lang, there are other instances na bigla nalang lumalabas ang aking male instinct at hindi ko ito macontrol. Alam ko, alam nyo at alam nating lahat na socialera akong pagkatao at may pagkavain sa katawan at mahilig sa make-ups, damit, sapatos at bags at alam din natin lahat ang fact na pa-girl talaga ang kilos ko. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, babae ang projection ko sa society.

During my Childhood years
Bata palang ako, mahilig na akong maglaro ng action figures pero puro babae ang characters tulad ng Jean grey at mga free na toys sa happy meal tulad nalang ng Jasmine at Alice in wonderland. Taong lagalag na talaga ako at mahilig maglaro sa kalsada even though naiimbyerna na si mader dahil ayaw na ayaw niyang naglalaro ako sa kalsada dahil baka mapagkamalang street children daw. Mostly sa mga kalaro ko ay puro boys at I’m so proud to say na ako ang princess that time. Inaamin ko naman na naranasang kong maglaro ng “larong kalye” tulad nalang ng patintero at tumbang preso. At di ko malilimutang laro ay ang block 123 na lagi nalang akong nahuhuli at ang mga boys na kalaro ko ay sinisave ako sa base at feeling ko noon ay ako si Rapunzel. Pero nung nagsimulang sumikat ang pellet guns… nagpabili ako kay mama ng pellet gun at nakikipagbarilan ako sa mga kalaro ko at umuuwing maraming sugat dahil sa lecheng laruang yan. Naranasan ko ring makipag-racing ng bisikleta at sumemplang ng bonggang bongga na naloka si mader dahil sobrang laki ng sugat ko sa tuhod.

Naranasan kong makihalubilo sa ibang mga bata sa skul at alam na nila na isa na talaga akong pagirl pero ugali ko naman ay isang pa-boy. I do remember na may isa akong kaklaseng lalaki na dahil sa panlalait niya sa lunchbox ko na color yellow at bubulaga si tweety na karakter, bigla ko siyang hinampas ng stroller (di pa uso stroller bag that time… stainless stroller palang na may hooks at ilalagay mo yung bag mo dun) at naiwang nakahandusay ang classmate ko dahil sa impact ata ng stroller sa balikat niya. Naloka si mader dahil kelan ko pa daw natutunang manghampas ng masasakit na bagay sa kapwa. Maraming beses rin akong pinalo ng meter stick sa palad n gaming teacher dahil sa katarantaduhang ginagawa ko sa skul to the point na naputol na ang meter sick at bata palang, may kalyo na ang mga palad ko.

Mas nawindang si mader dahil noong grade 4 ay bigla nalang akong naging aspirants sa KOA o knights of the altar. Opo… nagging sacristan ako at naisip siguro ng iba na maganda na ang direksyon ko sa buhay. Yun ang akala nila! At iniwan ko ang pagiging sacristan nung grade 6 dahil may nagnakaw ng sutana ko.

Normal sa mga bata ang makaranas ng pagtuli at nakaranas din naman ako nun. Naalala ko nga nung tinuli ako, hindi ko makayang tingnan ang aking notchka na punong-puno ng dugo. Iniisip ko, yun ang menstrual period ko. Gumaling ang sugat ko na may tahi pa after weeks at ang cute pagmasdan ang notch na may golden crown sa suot. Mga tuli na ang aking kalaro that time kaya sinasabi nila na “in” na ako group. Alam naman nating lahat na ang mga batang papalapit sa puberty stage, doon nagsisimulang maging malibog ang mga bata. Ang leche kong mga kalaro noon ay iba na ang linalaro at iniimpluwensiyahan pa akong laruin si notchka. Habang naglalaro ako ng PS1, ang mga kalaro ay naglalaro din ng notchka at ang nakakatawa pa, pinagnanasahan si Chun li!. Bata pa naman ako nun kaya inaamin ko rin naman na kasabayan ko silang naglalaro ng notchka at nilaro ko rin siya! Hahaha

Dumating ang high skul life at dun ko narealize na girl na daw talaga ako. Pero ang hindi nila alam, may ugali talaga akong pa-boy. Binansagan akong lesbiana ng mga classmates ko dahil sa mga ugaling hindi appropriate sa mga girlaloo tulad ng pakikipagrelasyon sa mga bading na girlaloo, pagsasabi ng “halikan kita diyan” , “mare.. pakiss” pero biro lang naman yun. At mas masahol pa ay ang participation ko na pakikipagbugbugan sa mga guy na classmates ko during breaktime at uwian at nakikisaling nanghahagis na mga wooden chairs sa classroom. Haay naku… nakakalokang isipin pero totoo yun.

Dumating ang college life at dun ko nasabing pagirl ako to the point na girl na talaga as in pa-girl. Akala ko naman… matatago ko ang guy na attitude ko pero di rin naman pala. Sa publication, pumasok ako na known as pa-girl pero habang tumatagal, nalalaman nila yun. Tulad nalang ng pagiging kadiri sa mga pagkain ay inumin. Iniinom o kinakain ko ang isang pagkain tapos iluluwa at iinumin o kakainin ulit. Ang ugali ko na pakikipagharutan sa mga guys to the point na nakikipagbugbugan na hanggang sa masaktan. At lastly, ang pagkakaroon ng interest sa mga maya o bisexual. Haay naku!

Anyway, just a thought to notice. Kahit pa-girl kang ginawa ng diyos, still… lalabas at lalabas ang pagiging male side ng mga pa-girl na tulad ko.

Thursday, August 27, 2009

Anu vah…

Senseless notes to remember:

First thing to do is don’t be a procrastinator!
Never give up… unless when you’re sick!
Feel the happiness by just laughing out loud (as in LOL)
With or without datchka… your life does not revolve in money;
Stop being ambisyosa!
Don’t cling into your past
Don’t assume things that you are not too assuming (huh?)
Stop smoking!
Focus on the things you want to finish at the end of the day…
And lastly…

I am so pretty! If you are barking…
You are one of the dogs that are barking on the moon!

Tuesday, August 25, 2009

Magtipon ang mga titleholder…

Habang ang lahat ng mga pagirl at mga vaklush ay still traumatized sa nangyaring Miss. Universe 2009 at hindi pa rin mapigil ang mga chizms and controversies sa mga candidates quesehodang bogs o kaya naman nakaabot sa maningning na top 15, top 10 at top 5, at ilang beses panaoorin sa Star world ang Miss Universe na naganap sa Bahamas… isang malaking tanong?

Kaya nyo bang maging Miss Universe in Real life?

Of Course… kung ako ang tatanungin, isang malaking YES ang sagot ko. Inaaamin ko naman na hindi ako lumalabas ng bahay na walang face powder contoured by peach blush-on at coral melon na color ng lipstick courtesy of Avon dahil parte na ng aking “biological clock” ang mga ganoong routine. Ang mag outfit ng bonggang-bongga kung gugustuhin ko ay isang napakanormal na gawin kahit minsan… wala kang pera puwes, daanin nalang sa outfit! Check!

Kailangan mo rin magbigay ng hand gesture wave ala Beauty Queen kapag napapadaan ka sa mga pathways sa skul o kaya naman napadaan lang sa kalye na malasquatter para mapansin ang maladiosang mong mukha which is hindi ko na kailangang gawin dahil kahit di ako magpapansin, may gayuma ata akong bitbit para mapansin if ever naglalakad ako ng mag-isa.

Kailangan mo ring pumunta sa mga charity at social events para naman mapractice ang camaraderie at resilience sa pagiging titleholder. Kaya naman mega sponsor ka ng feeding program para malibrehan mo ang iyong mga friends na walang pera at mga naging PG o PATAY GUTOM for the meantime at isipin mo nalang na nagpapakain ka ng oppressed people, mega chicka sa mga socialite na personalities para makilala at magkaroon ng raket gaya ng fashion shows at pageantries kahit alam mo naman na pinaplastik ka na ng mga taong echoserang palaka naman pala pero ginagawa mo ang lahat para mapansin ka lang at tumatak ang pangalan mo sa mga utak nila.

Minsan, nakakapagod maging titleholder. Kailangan mong sumabak sa mga intriga mapatotoo man o hindi. Tanggap ka lang ng tanggap ng mga isyu at patunayan sa sarili mo na kaya mong ihandle ang lahat ng mga iyon at ang ending eh maging showbiz at echos ang lahat.

Lahat yun ay kailangan kong gawin para mapalagaan ang aking crown… hahaha… pero you know what, ang pagiging Miss Universe ay hindi na kailangan ng sobrang dami ng charnesflou para sabihin nilang deserving ka maging beauty Queen.

Ilang beses ko ng naririnig ito na quesehodang hindi ka biniyayaan ng Diyos ng magandang mukha, you are still beautiful and words can’t bring you down. WITH ALL HONESTY, di mo na kailangang maging Fake sa self mo para maging titleholder dahil kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko pang kausapin ang mga taong chaka ang face kesa naman sa mga magagandang mukhang parang si Taylor Swift tapos ang ending plastikan lang pala ang mga nagaganap at may attitude problem. Puwede ba!

Ang pagiging Miss Universe ay dapat hindi pinapakita sa lahat. Let’s keep it as a private and personal thing. Di ba, kung may malinis kang puso at kaya mong isurvive lahat ng challenge, you are one of the top 5 candidates running for the title.alamkong masyadong cheezy pero that is the essence of life. You have to deal with it.

Sa bagay, ako ng di ko pinapakita na beauty Queen ako… di naman kasi obvious!

Saturday, August 22, 2009

I achieve the Change!

Hahaha!!! As I’ve said… I need a what we call “change” and I want tostart it with my blog. Di ba ang o.a na ng colors… masyado ng loud! As in so loud to the point that I need color in my life “Drama Queen”.

Anyway… it’s a matter of renovation pa at marami pa akong papalitan. Just wait ok.

I need a change…

Current Outfit: striped polo shirt, straight cut jeans, Grecian sandals
Current status: single (of course) I mean… uncomfy?

Im asking for a change at hindi naman iyon physically. I wanted to change kung ano man yun mga nararandaman ko ngayon and I do admit na I’m still attached with my past experiences at talagang hinhila ako nito para maramdaman ko ulit yung pain at the same time… mainlove na di ko maintindihan kung bakit ko ba iyon nararandaman.

Sabihin na natin na I’m missing him so much… pero noh naman magagawa ko. He has his own direction sa buhay niya ngayon at eto ako, trying to be ok… haay…

I’m making things complicated pero wala naman akong magawa. Eto na nararamdaman ko so I have to deal with it!

Sunday, August 16, 2009

Just calm down...

Last week was really a stressful moments! Sa bagay… kasagsagan ng midterm at 4 na araw akong walang exact na sleep na to the point na maloloka na ako! And maraming salamat sa Enervon dahil as their commercial says… more energy mas happy! Proven and tested by PAMET na ito! Hehe! Anyways… this week is another stressful moment ulit at buhay na buhay na ulit ang aking thinking dahil naoverslept na ako yesterday! Yehey! I’m so glad!

BTW… Una sa lahat… ayokong mag-emote pero halos lahat ng nasa paligid ko a while ago eh nag-eemote dahil sa ngalan ng pag-ibig. Buti nalang… tapos na ako sa ganyang panahon at megasegwey na ang lahat! Haha! Anyway… bago magnosebleed ang lahat…

Well… I have a friend na papangalanan na nating Martha… at nabalitaan ko naman na maghihiwalay na daw sila ni Jonathan dahil sa reason na di na daw nagwoworkout ang relationship nila. Ito namang si Bakla eh megacryola sa Cafeteria at it really hurts daw para sa kanya ang mga nangyayari dahil in the first place… minahal daw niya si Jonathan na isang MAYA at ang span ng kanilang relationship ay 16 days (parang balot lang). balde balde na ang niluha ni Marta para kay Jonathan at siyempre… naawa naman ako dahil oo nga naman… di madaling kalimutan ang lahat.

Ito naman ang isa na si Exey… kasalukuyang nag-eemote din dahil sa boyfriend niyang si Elvin na ang nakakalokang pangyayari eh mag-aaway, mag-eemote tapos mababalitaan mong maghihiwalay tapos 2 days after magkakabalikan! Hindi ka ba maimbyerna! Mega advice ka na may I drop down ang boylet at proceed sa bagong life na wala siya tapos mege chizms na nagkabalikan sila ulit. ANO BA! Minsan, nakakainis na pakinggan ang mga emote ni Exey pero ano naman ang magagawa ko… pag ako naman itong dinapuan ng pagkadrama-queen eh alam ko naman na naiimbyerna din itong si Exey.

At eto pa… Kasalukuyang nawawala sa limelight ng mga friends ko si Carla na parang ako… busybusyhan ang concept dahil sa boyfriend niyang masasabi kong “golddigger” na si Greg. Pasensiya na pero yun talaga ang totoo at eto pa ang masaklap. Alam mo ba yung feeling na pinipigilan kang makipagmingle sa mga friends mo dahil ayaw ng boyfriend mo sa rasong ikaseselos daw? Huh? Kailan pa nagkaroon ng human rights na ganun? Tsk tsk tsk!

At napaka nakakagimbal pa! eto namang si Jomjom na never get over sa kanyang boyfriend na si Don Carlo at puro pag-eemote din ang ginagawa at wala na sila within 6 months na ata at never pa rin nakarecover ang baklang MAYA!

EWAN KO BA! Kung bakit ganun talaga magmahal ang mga MAYA at PAGIRL na tulad ko. Inaamin ko naman na masakit talagang magmahal lalo na sa sitwasyon namin. As I’ve said… the only way to resolve this is dapat mahalin mo siya na hindi hihigit sa pagmamahal mo sa sarili mo. Loving yourself around 75 percent will do at mahalin mo siya ng 35 percent. Pero minsan talaga, hindi maiiwasan ang magmahal ka ng todo todo at nakakalimutan mo na ang iyong self…
So hurtful… at least… you just have to calm down to face this situation.

Friday, August 14, 2009

The Rainbow…




I HOPE I will make a legacy in our university…

Sa totoo lang… nakakapagod na talaga ang diskriminasyon sa mundo at sa araw-araw na ginawa ng diyos, I’m always facing this thingy factor at minsan, gusto ko nang umiyak at sumigaw na HINDI KO KAILANGAN NG OPINYON NIYO PARA MABUHAY!!!

Kung ako ang tatanungin, ayoko na talagang pumasok ng eskwelahan dahil lagi ko nalang nararanasang masakit ang aking likod dahil sa mga saksak ng kutsilyo ng panlalait at kantyaw. Kahit nga paharap, nilalait ako na para bang ang laki laki ng kasalanang nagawa ko sa putang inang buhay na ito at pinarurusahan ako ng ganito.

Gusto ko ng manahimik nalang sa bahay at manood ng TV kesa naman nasasaktan ako sa mga sinasabi ng iba. Sabihin na natin na may ibang TAO na para nila, isang malaking joke ang lahat ng sinasabi… pero di nila alam, below the belt na ang lahat. Kung tutuusin… ayokong tinatawag ako na bakla, bading o “bayot” dahil alam ko sa sarili ko na iba ako sa mga baklang nakikita ng iba! Ayokong ayoko rin na inaunderestimate nila yung pagkatao ko dahil ako ay isang bakla at mahirap pala na sa isang grupo, bukod tanging ikaw lang ang “pagirl” dahil ikaw talaga ang center of jokes na to the point na nakakatawa sa kanila pero para sayo… nagpipigil ka lang na huwag mairita dahil iniisip mo na lang na may kahit konti, nirerespeto mo sila, iniisip mo na hindi naman ako KJ o killjoysa mga kasayahang nangyayari at innisip mo nalang na OK lang… bawi nalang ako next time sa mga jokes na binabato nila sayo… pero ngayon ko lang ito sasabihin na sa bawat joke… sana bigyan naman ng konting konsiderasyon kahit ang word na “bakla” (dahil di naman ako gay… Transvestite po ako) ay huwag nalang sabihin at hinihiling ko yun UTANG NA LOOB!

By the way, masyadong segwey na ang lahat pero I just want to release my emotions dahil sa mga pangyayaring hindi ko kayang sabihin sa ibang tao at baka sabihin nila na another emotes of a drama queen nanaman iyon. Habang ginagawa ko tong post na ito… honestly, naluluha ako pero I have to control it. “sorry na gud”

I am really affected with the discrimination in our university. Hindi lang puro panlalait o jokes na akala nila joke… meron pang mga issues sa lecheng eskwelahan namin na di ko na matake.

Pumasok ako sa gate ng eskwelahan namin at bigla akong hinarang na guard dahil nagsusuot daw ako girly clothes at di daw puwede yun. I ask him kung kaninong command galing yang punyetang policy at sabi niya, galing daw sa administration. Sabi ko kung di papayagang magcrossdress ang mga bading, dapat iimplement din yan sa mga girls. Bawal din magrubbershoes at bawal magloose na shirts at shorts and eventually, sobrang nairita ako. Ang ganda ganda ng hapon ko dahil natulog ako ng almost 14 hours tapos ganun nalang ang bubungad sayo! Talaga naman…

I really pity also with my “pagirl” friends dahil hindi sila pinapasok ng guard sa skul dahil they were wearing girl’s outfit at ito pa ang masaklap… midterm nila at di sila nakatake ng exam dahil sa policy “daw” ng mga guards. Namromroblema nga sila dahil baka ligwak ang grade nila sa major subjects o bagsak! Hahay…

Matagal ko nang gustong magkaroon ng organization ang mga third genders sa skul namin para naman somehow, maprotektahan ang mga rights namin at di kami binababoy ng basta basta. Kung tratuhin kami eh parang kami lang totally damaged at di binibigyan ng konsiderasyon. Kung pwede nga lang pumatay ng tao, ginawa ko na!

I am working for the documents about the new organization na tinawag na “The Rainbow” society. With the help of our student government president and also every Third genders friend, at isa rin siyang self confessed “homo” or homosexual, We processed the papers at in fairness, sobrang haba pa ng proseso bago mafully recognized ang aming organization.

I only have one purpose why I wanted to establish this society. TO FIGHT FOR OUR RIGHTS as a member of the third gender. Masyado na kaming inaabuso sa mundong ito at sobrang nakakapagod na talaga kung lagi mo nalang intindihin ang mga nanlalait sayo. Maybe I am an advocate towards gay discrimination and kaya nga ako nasa mundo ng journalism para ipaglaban ko naman ang mga rights namin in my own little way. Ayoko naman maging bayani dahil dito but I know it is too much in our university to discriminate us and it is really unfair.

I am always praying about the approval of our organization even though it is a late document to sign by the administration. Maybe God enlighten me about this kind of responsibility and I will do my best…

“Sorry na Gud” if I am too emotional about this… sa mga natamaan at matatamaan… I have no choice and say “sana konting respeto lang” paulit-ulit kong sinasabi ito pero mukhang di nyo naririnig.

Thursday, August 13, 2009

Bulilyaso!

Kasagsagan ng midterm this past few weeks at siyempre, kailangang magpasa ng kung anu-anong requirements galling sa mga magagaling na instructors… “daw” at alam mo naman ako na puro segway ulit.

Hindi ito post tungkol sa midterm dahil wala talaga akong pakialam diyan at isang normal na huwag magdamdam pag midterm. Haller!

Siguro, Isa na ako sa biniyayaan ng diyos na may pagkatanga at slow learner at inaamin ko naman yun pero hindi sa lahat ng araw eh puro katangahan ang ginagawa ko. Ganun daw talaga pag dinadapuan ng buwanang daloy… wag ng kumontra dahil hindi ikaw ang may hawak ng buhay ko!! Kung pipilitin kong maging isang perpektong tao, marahil, mas maganda pa ako kay Cleopatra at mas maselan pa ako sa pangangatawan ng mga bisexuals at metrosexuals kung tutuusin.

Ewan ko ba kung bakit ba ganyan! Masyadong masalimuot ang araw na ito para sa akin. Matatapos na ang araw pero patuloy pa rin akong sinunsundan ng mga bulilyasong Gawain na di ko naman sinasadya. Sana bukas, ok na pero di ako nageemote… masaya naman ang araw ko kahit stressful at walang tulog. Kahit punong puno ng bulilyaso at reyna ng sablay, nakuha ko pa naman maging maganda at kaaya-aya sa mga tao.

BTW ulit… I was planning to renovate my blog at sana maayos ko to ASAP! (as sun arises in the Philippines!)

Monday, August 10, 2009

Clinging to my past

Again… Ilang ulit ko bang sasabihin Tantanan niyo na ako at utang na loob… tama na ang chizms, chismakarou, chismax at kung anu-ano pang mga usapin na involve ang aking mahiwagang personality.

Hahahaha! Sibabi ko na sa sarili ko na di na ako mag-eemote regarding those issues na pinupukol sa akin at di na ako magmamaasim na I AM REALLY AFFECTED!

Punto por punto… (parang SNN lang…) sasagutin ko lahat ng issues sa buhay ko at sana kung mababasa to ng mga taong mapanira at mga severguenza… isang magandang source of documents ito para matigil na ang lahat!

Issue#1: Meron ka bang grudges at bitterness kay Catherine Andaya?

Wala na akong grudges sa kanya in the first place at pinaubaya ko na yun kay lord. Oo aaminin ko na malaki ang galit ko noon kay Cathy at kung ano man yun… kinalimutan ko na at di ako nagpapakaplasic dun.

Issue#2: Mahal mo pa ba si Emphee?
Matagal na panahon ng binaon kung ano man ang naramdaman ko at honestly… wala na yun! PLATONIC… siyempre pero higher than that, wala na (showbiz)

Issue#3: Gragraduate ka ba ngayon?
Hahaha! Depende yan! Pls pray for me!

Issue#4: Is it true na nakipagtorjak ka daw sa loob ng University?
As I’ve said… di ako ganun ka pokpok para babuyin ang eskwelahan…

Follow up Question…
How about sa labas ng skul…

Siyempre OO! Di naman ako ganun ka conservative! May mga pagkakataon na minsan… dinadauan ako ng kakatihan! Haller!

Issue#5: Balibalita na isa ka daw dakilang “mayricks” o mahilig sa pagfoforeigner?
OO… that was before pero ngayon I mellow down a lot!

Issue#6: Sino si J.E sa buhay mo?
Si J. E ay isang bwisit sa buhay ko! Kung pwede lang na sunugin ang katawan… gagawin ko yun! Sabihin na natin na para siyang krinderyang bukas sa lahat ng kumakain!

Issue#7: At nainlove ka daw sa Maya o Bisexual?
OO! Inaamin ko yun pero yun lamang ay isang masamang panginip sa buhay ko!

Issue#8: isa ka daw taong lagalag at Party Animal?
OO! Everything changes and that was before! Ngayon… I realized na kapag tumtanda ka… mahirap ng magtagal sa labas ng bahay ng madaling araw dahil hidi madaling magkapulmonya! Hehe!

Sa mga may questions pa diyan… open ang post na ito!

Kailangan kong linisin ang aking pangalan dahil mahirap na! hehe! Salamat!

Sunday, August 9, 2009

Confessions of a Drama Queen

Anyway, I am a certified drama queen and I certainly admit that!

I am not taking this line as a negative but it is a huge compliment saying this fabulous line. I watched the “Confessions Of a Teenage Drama Queen” by Lindsay Lohan pero di naman ako ganun ka O.A as in imbetora na to the max para maaccept lang ang personality ko sa society and with my friends.

Yesterday, I was talking to our EIC (and also my friend) at sa dami dami ng topics na kalokohan ang pinag-uusapan, there is a certain thing na sinabi niya sa akin bout my personality at wala akong sinasabi na may attitude problem ako! Anyway, he said na dapat, kung alam ko na if nasasaktan ako sa mga jokes or nasasaktan ako sa mga sinasabi ng iba, dapat I have to voice out na “hello… below the belt na siya” at hindi yung bigla nalang akong mananahimik ng ilang araw tapos pag nakarecover na ako, bigla ko nalang sasabihin na “hey I am not affected at biktima lang kayo ng sarili ninyong kalokohan”.

Ok… kahit ilang ulit kong sabihin na hindi ako nasasaktan… actually, totoo naman yun. May mga pagkakataon talaga na di ako manhid at siyempre nasasaktan ako even though sabihin ko ng ilang beses na di ako affected. Maybe it is my attitude na kapag nahuhurt ako, I rather keep it to myself and not share it to others at bigla nalang mag-eemote ng ilang araw.

Minsan talaga, inaatake ako ng mood swings at sinisisi ko ang Althea pills! Pero I don’t take it seriously na kapag ako ang sentro ng kagaguhan at kaokrayan ng iba, honestly… I am not affected with those kaokrayan. Pag alam ko na hurtful siya, iipunin ko lahat yun at maghihintay ng araw na makakabawi rin ako sa mga sinabi nila sa akin! BITTER! Joke! Kung makatotohanan naman ang sinasabi nila, I rather say na babaguhin ko iyon para naman sa mga susunod na araw, malaman nila na I really change it for the benefit na madelete sa bunganga nila ang mga words na binitiwan nila sa akin.

Absolutely, I am a Drama Queen for the reason na mahilig talaga akong mag-inarte at mag-emote ng kung anu anong bagay na feel ko lang. marami ng instances at high skul palang ako,mahilig talaga akong magdrama. May mga ibang tao nga lang na sinasabing annoying na siya at wala talaga akong pakialam! Pananganak na akong ganito at kung babaguhin ko man iyon, may mga taong mabibigla at sasabihin na hindi ako yun at isang malaking kaplastikan ang lahat.

Oo, sabihin na natin na maasim ako, pakialamera sa lahat ng bagay, bastarrda, mahilig sitahin ang mga kacheapang bagay na nakikita ko, hyper, minsan pag inaatake ng pagkababoy at ginagawa ang mga kadiring bagay na dapat gawin, sosyalera, antipatika, maldita, mahilig mag-emote kahit di naman dapat iemote… lahat lahat ng ginagawa ng isang drama queen ay nagagawa ko, di ko na mababago yun dahil alam ko naman na doon ako minahal ng mga taong nasa paligid ko at tinanggap kung sino ako. Salamat!

At least, kung nasasaktan man ako hindi ako ganoon kabrutal.di ba? And at least, may mga tao rin pala na sensitive sa emotions ko. Im so thankful for that!

Wednesday, August 5, 2009

Prayers, Dreams and PLATONIC love...

Pls pray for president Cory Aquino… we will miss her so much…
-----------------------------------------------------------------------------------
At least I’m ok right now… say goodbye to all the sickness that I felt in the past few weeks. Its so nakakadiliryo coz ganun daw talaga ang panahon nowadays… magbibilang ka ng linggo linggo bago ka gumaling. Buti nalang I surpass those trials! I am back to work and business as usual nanaman.

BTW (by the way)… may isang araw na nagising ako na sobrang weird ang naramdaman ko and as usual… I really don’t know kung bakit ba. Hindi naman sa pag-iinarte o pagiging choosy ulit pero I really remember my dream and I should say that it was really unexplainable.

Alam ko na ng mga panahong iyon na si Mommy Cory ay kinuha na ng maykapal and somehow… I was afraid that time na baka yung dream ko eh isang sign na there is something wrong in that person na involve sa super strange na dream (parang si Kris lang!)

Bago magnosebleed ang lahat kung ano ba talaga ito, may I narrate na ok…

It was a science class and I was really not sure if it was a biology or chemistry class when our teacher told us what was difference between monophilic and diaphilic stage… (I don’t know if there is a word na ganun in the dictionary) and I noticed that my bes Maui was one seat apart from me and syempre there was a vacant seat in my side. I had that feeling na si Emphee ang uupo katabi ko but eventually, he was seated in the third column while I was seated in the first column specifically second row. He was wearing a black shirt and his face was really pale… if I only describe his face… alam mo yung parang my leukemia? And I was a bit horrified na there is something wrong with him. I raised my hand in our teacher and said “ang monophilic isa and ang diaphilic dalawa” (nakakatawa ang answer). After that, he hugged me and he was saying something pero di ko maintindihan because my bes is screaming words out loud! As in megashout ang bakla… and of course… it ended up na nagising ang lola mo sa theme song na Encantandia ni Bayang Barrios. Haay kaloka!

I was really worried that morning coz matagal na rin akong walang communication ni Emphee. Maybe there is really something wrong with him and I hope isa lamang iyong guni-guni. I texted Eric and the rest of the barkada na I dreamt something really weird bout Emphee at ang reply ay another kaartehan ko nanaman daw! Anyway… I hope Emphee is ok… I am always praying for that.
-----------------------------------------------------------------------------------
At alam nyo naman na may pagka SNN ang blog ko… ewan ko lang kung bakit sa dami daming paraan na puwede magkaroon ng relasyon, commitment at walang kamatayang issue ng punyetang pag-ibig… bakit kailangan pa na sa bawat magbabarkada merong tinatawag na PLATONIC love! Platonic In a sense of you are deeply in love with your close friend pero hindi puwede “daw” coz ano pa ang silbi ng pagiging barkada na tipong megaclose ang lahat tapos di ka naman mahal nung isa kaya nag-eemote ka todo todo sa ibang barkada mo na quesehodang mahal mo siya chuva ak-ak na walang kamatayang issue simula high skul hanggang nagkatrabaho na kayo lahat lahat!

Ayoko nang magpinpoint ng mga tao tulad nila “destroyer” (codename ng friend ko) na walang kamatayang pag-iinarte tungkol sa isang taong matagal na niyang minahal at hanggang ngayon di pa rin makapagmove-on. Maasim talaga! Natatakot daw siyang iblog ko ang story ng kanyang lovelife baka kasi mabasa ni lianne… (im so sorry!)

Anyway… sana nga lang… past is past at kalimutan na ang dapat kalimutan. May pagkakataon talaga na mahirap makalimutan ang taong mahal mo pero you have to face the reality na kung hindi kayo wag ng ipilit. It takes time to patch things up at hindi madaling gawin yun.

Di ba? Kaya ako… kalimutan na ang dapat kalimutan at kung mananaginip ng mga taong parte na ng nakaraan… iwasang mag-emote kaagad at iboycot ang klase at iwasang mag-isip ng iterenary na manonood ng “a walk to remember” tapos mega cryola ang concept! Judi!