Thursday, April 1, 2010

Mixed Berry

sabi ng iba, ang salitang "imitation" ay ang pinakamahirap gawin at matutunan sa lahat ng aspeto pagdating sa theatre skills. Nakuha ko ang ideyang ito sa mentore ko noon sa teatro na si Jonathan Nachor at wala na 'kong balita sa kanya. Sinubukan ko na matutunan ang pag-iimitate ng ibang tao... ang ending, lumalabas na nag-aambisyon lang pala ako maging katulad nila... grabe!
-----

nadethrone ang beauty queen turned bogs (dethrone nga kasi) na si Samantha Venus Raj, Binibining Pilipinas Ms. Universe 2010 at ang papalit sa kanya ay si Nicolette Henson na bet na bet ko na manalo. ang matinding katanungan ay... mananalo kaya siya sa Ms. Universe pageant? In fairness, maganda naman si Nicole (feeling close) pero hindi ganda lang ang puntos sa prestigous beauty pageant na iyon. dapat, kaya mong makipagcompete ng height at poise sa ibang bansa... WALEY!

-----

Bakit nga ba di puwedeng kumain ng baboy pag holy week? kanina, paggising ko, laking gulat ko nalang na may nakahain na lonnganisa sa mesa at parang hindi semana santa ang bahay... parang ordinaryong araw lang! wala akong magawa kundi kainin ang longganisa at napaisip na malaki ang kasalanang nagawa ko ngayong araw na ito. hindi ako marunong mag-fasting. Nakikinig naman ako sa Religion teacher ko noong high skul at sabi niya, kaya daw di puwedeng kumain ng baboy pag holy week dahil forbidden daw itong hayop na ito sa jews... yun lang ang naalala ko. pero kung ako ang tatanungin, kaya di puwedeng kumain ng pork dahil kailangang magtipid taoy pag holy week... sarado ang bangko at iba pang establishments! another waley!

No comments:

Post a Comment