Sunday, March 21, 2010
Bagong Hain
panibagong header, panibagong lay-out at panibagong putahe. Sa loob ng isang taong pahkukuwento sa buhay ko na puro kapatezan, puro char o di kaya’y mga sentimyentong walang katapusan ang kadramahan sa buhay, isang taon din online diary ang aking blog. Akala ko noon, pang Alta Ciudad ang tinatawag nilang blog. Akala ko noon, sa bawat himutok ng loob ko ay pawang kinikimkim nalang at daanin nalang sa pag-inom ng kape at pagyosi. Akala ko noon, walang silbi ang blog at dagdag account lang sa iilang web mails at addresses ko na ang nakakatawa pa nga, yung iba, di ko na maalala ang password maliban sa FB, Friendster at E-mail add ko talaga na parepareho ang password (tanging si David lang ang nakakaalam ng password ko).
Hindi ko rin alam kung bakit napasok ko ang blogosphere dahil na rin sa required ang bawat TN staffer na magkaroon ng blogsite. Kaya napilitan na rin akong magkuwento tungkol sa buhay ko na hindi naman ganoon kaintresado pero nabibigyan ko naman ng kulay sa pagtatype at pagcoconstruct ng sentences. Kadalasan, at di nga kadalasan kundi “as always”, biktima ako ng balarila lalong lalo na ang salitang ingles. Hindi ko man minsan mailathala sa papel o sa mga posts ko ang gusto kong sabihin in an English manner pero may mga posts din ako na megaenglish din ang drama.
Nagsimula sa Ostentatious Bea ang title ng blog na ito. At kung bakit Ostentatious talaga ang term? Yan ay kadalasang sinasabi ni Lesh na friend ko at nabasa niya ang salitang ito sa Twilight na libro na kahit ako din naman, nagpursige na basahin at may I tulon ang mga salitang sabihin na nating Highfaluting words pero bongga gamitin (alam mo naman ang mga bakla, mahilig sa mga nosebleeding words para sabihin gifted child).
Masyado akong nasilaw sa nosebleeding word na Ostentatious kaya may I change the header na sa pagkakaalam ko, talagang may I overnight sa TN office ang drama para makagawa ng header na Char. Pinangalanan ko tong Chronicles of Bea: the echos, the Char and my wardrobes. Dito rin nagsimula ang pagkakatuklas ko ng mga tools sa Adobe Photoshop. Dito ko rin nalaman na nosebleeding pala lahat ng previous posts ko noon na kahit ako, di ko rin maintindihan. Dito rin ako natutong magconstruct ng isang kuwento na kahit di ko kagustuhang magpatawa, natatawa ang mga nakakabasa sa mga posts ko. At dito ko rin naunawaan na bakit pinagsisiksikan ko ang sarili ko na gumamit ng English Language eh wala naman ako sa beauty contest o kaya naman di ito requirement kay Amards o kay Mam Joy at sarili ko naman itong account! Di ko kailangan magpa-impress sa mga readers dahil di din naman ako binabayaran at hindi rin ako miyembro ng Blogvertise. Di ba! di ba!
Halos buong story ng buhay ko, ladlad na sa blog na ito. Puro KA-echosan sa buhay at walang kamatayang kagaguhan sa buhay at mabibilang lang sa daliri ang mga posts na seryoso at minsan pa nga, may mga serious posts ako na di ko talaga intensiyong funny pero funny pala siya in a sec.
Nagsawa na ako sa header na black ang background at puro picture ko ang nakabalandra. Di naman ako masyadong NARCI, pero nakakasawa din pala na puro pictures mo ang makikita sa blog. At dahil naging inspirasyon ko ang pagsasalita ng mga Out of this world statements tulad nalang ng Fire-out, Tumba Patatas, Chair of Hope, etc. at kahit pagcontruct ng sentences na inaamin ko naman na di sinasadya (yung iba lang) tulad nalang ng “look is in the front”, “what a hell”, “I’d better gotta go”, “let’s make a treeplant” at ang pinakafresh ay ang “where the hell are you go!”, nabuo ang konsepto na Chronicles of Bea: Walang sinabi si Oxford at Webster. Well, I didn’t want anyone to understand it but the factuality can deprive it… it means same! (sinabi ko na kasi wag ng mag-attempt mag-English pag walang tulog!)
Puro imbento!, Puro kafar-outan at kung anu-ano nalang ang maisip, yan ang nahaing putahe ng Chroncicles of Bea: walang sinabi si Oxford at Webster. Siyempre, naging challenge sa akin na maging funny ang mga posts at hindi boring. Naging extra challenge pa sa akin na marami na ang nag-aattempt na basahin ang mga posts ko, na akala ko lang naman, mga TN staffer lang may interesadong basahin lahat ng posts ko. Pati pala ang mga kaibigan kong sosyalerang palaka sa Maynila ay nahohook sa mga sinasabi ko kulang nalang, I name the victim ang konsepto at natatawa nalang sila kung may pinapatay akong tao through written attacks. Haizt! At least, another milestone sa buhay ko na nagbibigay ako ng happiness sa mga readers kahit sa pasimpleng paraaan.
Ngayon, panibaong challenge sa akin kung papaano ko pagbubutihin ang blog ko sa madlang peepz. Hindi lang ito isang blog na nagbibigay kulay sa araw niyo kapag nabobored kayo o kaya naman puro YawYaw you ang Context. Susubukan kong maghain ng panibagong posts na hindi niyo pa nababasa sa buong buhay niyo… parang professional writer at blogger lang! haha! Pero seryoso na! salamat sa mga taong napapadaan lang at napapabasa sa mga kagaguhan ko sa buhay. Salamat sa lima kong followers na walang sawang nagbabasa sa mga posts ko, salamat salamat at maraming salamat.
Ngayon ko lang napagtanto na mahirap pala ang magkuwento sa buhay mo lalong-lalo na kung ito ay world wide web. Mahirap din palang magbanggit ng mga pangalan lalo na kung tunay na pangalan ang nasusulat mo sa posts dahil nacliclick pala sa google ang mga ito (sa isang kaibigan ko ito nalaman). Di rin naman ako anga-anga di ba?
Basta… hapi anniversary sa blog ko!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment